10 - Miss You Like Crazy

2.4K 48 6
                                    

►Author's Note◄

Dedicated ito sa yo dahil sa nakakatuwa mong mga comments. 

Phoebe

________________________________________________________



10 

MISS YOU LIKE CRAZY

►JAKE'S POV◄


"Ang gwapo mo talaga."

Naalala ko yon sa nakaraang Biyernes ng gabi na pareho kaming nalasing ni Jade. Parang ang hirap paniwalaan pero sinabi niya yon sa akin. Ang mas nakapagtataka, naghalikan kami, nagyakapan kami, at muntik nang may mangyari sa amin.

Nasa office ako noon. Hindi ako makapagtrabaho. Tulala ako. Wala akong naiisip kundi si Jade, pati yung nangyari noong nakaraang Biyernes ng gabi.

Kadiri ka Jake, saway ko sa sarili ko. Pumapatol ka na sa kaaway ngayon?

Aba, anong malay ko doon? Wala ako sa sarili ko noon! Hindi ko nga naalala kung anong nangyari pagkagising ko kinabukasan! Ngayon-ngayon ko lang naalala! Kadiri talaga!

Pero naisip ko, ang ganda pala ng katawan niya. Ang sexy niya. Ang puti niya. At ang lips niya, ang sarap halikan. Sayang.

Anong sayang? Kaaway mo yon. Ang taray-taray noon sa yo. Kulang na lang sampalin ka.

Basta sayang.

Ang ginawa ko ay binuksan ko na lang ang computer ko. Binuksan ko ang pinakabagong folder na nandon. Mga pictures ang laman noon, mga pictures namin ni Taray.

Pinagmasdan ko ang mga iyon. Sa loob-loob ko, ang ganda naman ng mga pictures namin. Ang galing naman ng photographer namin. Papano niya naipakita na ganito kami ka-sweet ni Jade? Parang tototo. Hindi kaya inedit sa photoshop ito?

Inisa-isa ko ang pictures. Paghuli sa mga iyon ang mga pictures na hindi isinama sa gagawing ads ng URC. Hindi talaga maisasama iyon, kung anu-ano kasing facial expressions namin ni Jade ang nandoon. Nandoong nakakunot-noo ako, nakasimangot siya, at may isa pa na mukhang sasakalin niya ako.

Pero napansin ko ang last picture namin. Nakataas ang kilay ko doon, obvious na naiinis ako, nagpipigil lang. Pero si Taray, nakangiti at mukhang nagbu-blush pa.

Ang ganda niya talaga.

Jake, ano ka ba? saway ko sa sarili ko. Sabi nang kaaway mo yan e. Wala kang mapapala dyan.

Pero matigas nga yata talaga ang ulo ko. Inilabas ko pa ang cellphone ko at hinanap ang number ni Taray. Gusto ko siyang tawagan. Sa hindi ko maintindihang dahilan, parang miss na miss ko siya.

Mr. and Ms. Complicated (Complete)Where stories live. Discover now