Every Step Away

Por jeeinna

2.6M 84.3K 34.8K

Rugged Series #1 Chrysanthe Eve Lofranco only has Hezekiah Kingston Jimenez. She believes that life, no matte... Mais

Every Step Away
ESA1
ESA2
ESA3
ESA4
ESA5
ESA6
ESA7
ESA8
ESA9
ESA10
ESA11
ESA12
ESA13
ESA15
ESA16
ESA17
ESA18
ESA19
ESA20
ESA21
ESA22
ESA23
ESA24
ESA25
ESA26
ESA27
ESA28
ESA29
ESA30
ESA31
ESA32
ESA33
ESA34
ESA35
ESA36
ESA37
ESA38
ESA39
ESA40
ESA41
ESA42
ESA43
ESA44
Epilogue
ESA46

ESA14

45.3K 1.7K 632
Por jeeinna

ESA14

"Where are you staying?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng mall.

Noon kasing sinubukan kong pumunta sa kanila upang hanapin siya ay sinabi saakin ng kasambahay nila na hindi na daw siya nakatira roon. Sabi rin naman ni Theo at Rash ay hindi nila alam.

"I bought a unit close to the office."

Tumango ako sa kanyang sagot. I don't know what to say next. Syempre, kung hindi siya umuuwi malamang bumili yan ng condo! Common sense naman, Chrysanthe!

"Paano yung damit mo sa unit? Kukunin mo ba?"

Napatigil siya saglit at tumingin saakin. He looked at me like he didn't expect me to ask him that. I smiled at him, looking innocent but breaking inside.

Say no, Hezekiah. Please.

Sabihin mo saaking babalik ka.

"I'll drop by some time."

Mas lalong bumigat ang aking nararamdaman. Fuck it, Santh. Why do you keep digging your own grave?

"Okay, text ka lang."

"Sure."

He opened the exit door of the mall for me. Diretso lang akong naglakad. Ramdam ko ang kanyang hakbang sa likod ko hanggang sa muli kaming magkatabi. We're already in the parking lot.

"What do you want for a gift?"

Tumingin ako sa kanya.

"Why? Hindi ka pa nakakabili?" tanong ko.

That's unusual. Although hindi naman required saamin na magbigay ng regalo sa isa't isa. We always prepare for each other's present for birthdays and Christmas. Nakagawian lang.

Pero hindi na dapat ako magtaka. Everything's unusual too.

"I want to buy you something that you really want."

I sigh and look at him disappointed. Hindi ko na iyon naitago dahil sa narinig ko sa kanya.

It's not that I want to receive a gift. Kahit wala, ayos lang ako. Pero ang marinig iyon sa kanya? I thought he memorized every piece of me? Like what he always says.

"You used to know everything I want," I said to him.

His eyes widen. Bumuka ang kanyang bibig upang agad na magsalita.

"Santh, that's-"

"Heze?"

Napalingon kaming dalawa dahil sa tumawag sa kanya. Heze looks shocked but he managed to sport a formal and a bit friendly smile.

"Ara." bati ni Heze sa babae.

The girl smiled widely.

"Hi! Hindi ko ineexpect na makita ka ngayon dito. I know you're workaholic and it's still your work hour!" masayang sabi ng babae.

Napataas ang kilay ko. Wow, so may schedule ba siya ni Hezekiah? Parang secretary ah?

Heze laugh and shook his head.

This fucking man. Sa buong mga oras na magkasama kami ni hindi pa siya tumatawa ng ganon.

"Hindi naman. Hindi naman puno ang schedule ko ngayon so..."

"Oh, ako din actually. I'm shopping for groceries today kaya nag early out ako."

Wow, we're suddenly non-existent, Santh. Happy Birthday!

"You're living alone?" gulat na tanong ni Hezekiah na parang ngayon lang nakakita ng independent na babae.

Duh? I'm sixteen when I started living alone!

Malandi.

"Oo eh. Ayaw nga ni Dad pero time na din para matuto ako preparation na din sa pag-aasawa, malay mo." she said sending Heze a malicious look.

Heze agreed with her.

I sigh and look away. Agad kong namataan ang ang kotse ni Hezekiah sa hindi kalayuan. Kailangan ko nang umalis dito dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at pagbuhulin nalang sila.

"By the way..."

Isang hakbang palang ang nagagawa ko noong hilahin ni Heze ang aking braso at inilapit sa kanya.

"This is Santh." pakilala ng gago saakin. "Santh, si Ara. Anak ng isa sa business partners namin at kaibigan na din."

Lumiit ang ngiti sa mukha ng babae noong dumapo ang kanyang tingin saakin. Peke akong ngumiti.

Bumalik ang ngiti niya agad ngunit ramdam ko ang pagkapilit noon.

"Hi! I'm Arabella Gonzales."

Inabot ko ang nakalahad niyang palad, baka mapahiya, kawawa naman.

"Santh Lofranco."

Tumango siya, pinapanatili pa din ang pekeng ngiti. "Oh, friend? Perhaps, business partner too?"

Gusto kong tumawa ngunit hindi ko magawa dahil may respeto naman ako. Halatang halatang dinedeny niya sa kanyang sarili na maaring may relasyon kaming dalawa. Really? Business partners?

Do I look like a business partner with my hoodie, ripped jeans, and sneakers? Wala kasing uniform sa SAU. The students are free to express their taste and fashion. Though, madalas akong nakahoodie or sweater dahil malamig sa mga rooms. I'm just wearing a spaghetti strap top inside.

"Where do you work? Bat hindi kita nakikita sa company nila Heze?"

Napangiwi ako dahil mukhang pinanindigan niya ang pagiging business partner ko.

"We're friends..." sagot ko. "And I'm still a student."

Umawang ang kanyang labi dahil sa narinig. Mukhang hindi niya iyon inaasahan. What? Mukha ba akong masyadong matanda para hindi mapagkamalang estudyante? Hello! Limang taong kaya course ko!

"Oh, I didn't expect you have younger..." she look at me. "...friends."

Heze laugh and shook his head.

"No, she just at our age. She's graduating next year."

Agad iyong naintindihan ng babae. I excused myself to them when they continued talking. Umirap ako habang naglalakad papalapit sa kotse ni Heze.

Sumandal ako doon habang naghihintay. I busied myself replying to all birthday greetings and wishes in my accounts.

Napatigil lang ako noong mapansin ko ang presensya ni Heze sa unahan ko.

"Pwede pa naman akong maghintay hanggang gabi." sarkastiko kong saad.

He sighed and shook his head.

"It's nothing."

Umalis ako sa pagkakasandal at umikot para tumapat sa passenger seat.

"I'm not asking."

He pressed the key fob and I immediately entered.

Tahimik lang akong nakahawak sa plushy ko habang nakatingin sa bintana. Heze also didn't tried to talk to me.

Eto nanaman kami sa katahimikan. Nakakabaliw.

Noong makarating kami sa condo ay magkasunod lang kaming naglalakad. He was carrying the cake Rash bought for me. Binuksan ko ang aking unit at hinawakan ang pinto.

"Hindi ka na papasok?" tanong ko.

He smiled and shook his head. Inabot niya saakin ang hawak niyang cake.

"No, I think you need to rest."

Yeah, dahil nakakapagod ka.

"Okay. Bye." I said.

Isasara ko na dapat ang pinto noong muli siyang nagsalita.

"Santh."

I look at him.

"I'm sorry."

Diretso siyang nakatingin saaking mata na parang may nalalaman ngunit hindi niya sinasabi.

"For what?"

"Because I am a jerk."

Ngumisi ako at pagod na umiling.

"That cannot be helped."

Tumango siya saakin at ngumisi. Tumalikod na ako upang pumasok noong may maalala akong itatanong sa kanya.

"Will you show up again?"

His eyes look at me seriously. Hindi ako umiwas. Takot na ito na muli ang huling beses kong makikita ang magandang pares ng kanyang abong mata.

"If you want..."

"Please?"

He paused to look at me like he's tracing my whole face.

"Always, Chrysanthe Eve."

Tumango ako at tuluyan nang isinarado ang pinto. I placed the cake inside the refrigerator and proceed on my room. Ilang minuto akong natulala sa ceiling hanggang marinig ko ang tunog ng phone ko.

Hezekiah:

Happy Birthday.

"I hate you." I whispered as I wipe my tears.

What a nice birthday for you, Santh. It's like the universe telling you no one wants you here.

Hezekiah stayed true to his words. He shows up from time to time. Minsan kasabay namin sa lunch, minsan sinusundo ako para ihatid pauwi. But minsan is far comparable to always or even just often. At kapag dumadating naman ang minsan na iyon, damang dama ko kung gaano na kami kalayo sa isa't isa.

Ang bilis ng panahon, dati nasasaktan ako dahil kay Rylan at Iris. Ngayon kay Hezekiah na. Pero tulad ng sabi ko noon, gusto ko munang piliin ang sarili ko bago ako magpakalango sa iba. I need to hold on for myself especially at this crucial time.

Mabuti nalang at panay ang dating ng mga gawain kaya may napaglalaanan ako ng oras kaysa magluksa sa kung anong nangyayari sa buhay ko.

"Puta, isang sem nalang!"

Agad akong napairit at tumawa noong magmura ng malakas si Theo. Ang gago talaga nito!

Tawa ng tawa si Rash na nasa tabi ko.

Napalingon ako sa paligid at maraming napalingon ngunit mukhang wala naman silang balak magsumbong na bigla nalang nagmumura itong si Theo sa hallway. Buti walang prof!

Kakatapos lang naming ipasa ang huli naming requirements. And yes, fuck it! Isang sem nalang talaga makakagraduate na kami!

Ramdam na ramdam ko si Theo dahil sobrang sarap talagang mag mura ngayon. Shit, eto na.

"This calls for a celebration!"

"Dude! I miss our nightlife!" sagot ni Theo sa kaibigan.

Napailing ako dahil sa narinig. Akala mo namang hindi sila nag-club ng isang taon. Actually nakakawala pa din naman sila. It's just that, last week, tight talaga dahil sa deadlines at finals.

"Santh, sama ka huh?" aya ni Rash.

Malaki akong ngumiti at tumango. Of course, I want to celebrate too!

Lagpas alas-nwebe na noong makaalis ako sa unit. Calculating the time of travel, baka quarter to ten na ako makarating.

I ride a cab to '89. Jam-packed na noong makarating ako roon. Sinundo ako ni Theo sa unahan dahil baka hindi ko mahanap kung nasaan sila nakapwesto.

Binati ko ang mga kaklase naming kasama na naroon sa couch kung nasaan si Rash. Theo made me sit beside Rash before he sat beside me. Napakamot ako ng ulo. Ganito palagi ang pwesto namin kahit nasa classroom lang kami o kung saan.

Mga overprotective. Paano kaya kung nagkagirlfriend itong mga 'to?

Minsan ko lang silang makitang may babaeng kinakausap or nilalandi, hindi katulad ni Heze na bawat galaw ata meron. Ngunit hindi naman sila sumobra na katulad ni Six na hindi ata mag aasawa sa kawalan ng interes sa babae.

"Shot na, Santh!" saad ni Gon, kaklase namin at kaibigan nitong dalawa.

I smirked at accepted the shot glass. Nag cheer sila noong diretso ko itong inumin.

"Hoy, wag nyong lasingin ah!" banta ni Theo.

"Isang shot palang naman!"

"Sapok?" pinakita ni Theo ang kanyang kamao. Natawa ang mga kasama namin. Tumawa din ako at hinawi ang kanyang kamay.

"May boyfriend ka ba, Santh?" tanong ng isa kong lalaking kaklase na katabi ni Gon. Di ko siya kilala pero pamilyar ako sa mukha.

Sa totoo lang, halos kalahati ng mga kaklase ko ang hindi ko kilala. I'm not really friendly. I'm done with friendships. Ayos na ako sa dalawang katabi ko ngayon.

"Ha? Wala no..."

The guys cheered. Mukhang may inside joke silang nalalaman at hindi kami kasali. Hilaw akong ngumiti.

"Tss... magtigil kayo! Bata pa to!"

Napailing ako dahil sa sinabi ni Rash. Maka-bata naman sila. I'm just the same age as them. Buwan lang ang tinanda nila saakin.

"Bata pa 'to, teddy bear pa rin ang gusto nyang kayakap!" Dugtong ni Theo habang tumatawa.

Sinapok ko ang kanyang braso dahil doon. Bwiset! Parehas kasi silang plushies ang regalo saakin noong birthday ko. Naroon iyon sa kama ko bilang kapalit ni Heze.

Nakisama ako sa asaran at usapan nila habang paminsan- minsan ay umiinom. Hindi naman mababa ang alcohol tolerance ko, tumaas na siguro dahil dati.

"You'll dance?" tanong ni Rash noong tumayo ako.

"CR lang."

Tumango siya.

Nakipagsiksikan ako para makarating sa CR. I did my thing there before moving out to face the crowd again. Ang sikip!

"Ouch!" daing ko noong may makabungo ako.

"Sorry, Miss."

"Okay la-Ry." I called when I recognize his face beyond the colorful lights of the club.

"Hi..." mukhang nagulat din siya ngunit noong makaayos ay agad bumati saakin.

Tumango ako ngunit hindi gumalaw saaking kinatatayuan. The last time we met, we bumped with each other like we did again now. Is this the sign that I need to talk to him now?

Halos ang tagal na rin noong huli naming pag uusap. I'm calmer now. And I realized that before fully moving forward in my life, I need to let this go.

"Can we talk now?" tanong niya na tila nababasa ang aking isip.

I took a deep breathe and nod my head. Naglakad ako palabas ng club. Sinalubong ako ng malamig na hangin ng disyembre. I smiled, ang bilis lumipas ng panahon.

"Are we?" tanong niya noong makarating saaking tabi. Tinuturo niya ang kinatatayuan namin, marahil tinatanong kung dito na ba talaga kami mag uusap.

Tinuro ko ang convenient store sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ng bar, may mga upuan at table iyon sa labas.

Nilakad namin iyon. It's just two minutes walk actually. Habang naglalakad ay nagtext ako kay Theo at Rash na lumabas lang ako para magpahangin sakaling mag alala sila.

We took the first table we saw.

Wala saamin ang nagsalita. I hugged my body when I feel a little cold. Naka sleeveless turtleneck shirt kasi ako at skirt.

"Here."

Nilingon ko si Ry na nagtanggal ng jacket upang ipahiram saakin. Wala na akong nagawa noong binigay niya saakin iyon.

"Thanks." mahina at maikli kong saad.

Muli kaming nabalot ng katahimikan. I stared at him. His hair is trimmed neatly unlike before that's it's a bit longer. He looks fine and calm now too unlike those early days.

How sad we turned up like this. I really value every moment I spent with him. He's such a good companion and every time I thought of not ending up with him, I always wish we could separate peacefully.

Hindi iyong ganito.

"I'm sorry, Santh."

Hindi ako nagsalita noong basagin niya ang katahimikan. I continued staring at him because this is the first time I did that without hate.

I realized now that I truly loved him.

"Everything messed up. I messed up. But before everything, I want you to know that I love you and it's real."

Umiwas ako ng tingin noong matagpuan niya ang mata ko.

"You're an amazing person. Araw-araw sinusurpresa mo ako sa mga kaya mong gawin, I always wonder what does Santh has for today? And I said I want this kind of girl. I want to hear more from you. I want to be a part of your life."

Kinagat ko ang labi ko habang pinapakinggan ang kanyang nangyari.

"I love you and I'm sorry."

"Why?" I asked him, feeling a little stronger to stand his reason for cheating.

"Because she made me feel the feelings I wanted to feel from you."

My mouth parted. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

"Rylan, kung iyon lang naman-"

"No! No! It's not what you're thinking. It's not sex." nagpapanic niyang saad saakin.

I blushed when I heard him said that. Ngunit pinilit kong kumalma dahil halata sa kanyang mukha na gusto niyang magpaliwanag.

"She takes care of me, give me attention-"

"Hindi ko ba yon ginagawa?" tanong ko agad kahit hindi pa siya tapos.

Hindi ko iyon kayang pakinggan na para bang wala akong ginagawa para sakanya. He smiled at me, hindi iniinda ang galit ko. A very typical trait of him every time we fight before.

"You do..." he said and look at me. "Gustong-gusto ko ang alaga mo, Santh."

Napaawang ang labi ko. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya ngayon. It's contradicting in my head.

"But I want your care not because you're supposed to do that as my girlfriend but because you want to do it."

Kumunot ang noo ko.

"But I do!"

"Are you sure?"

I glared at him.

"Bakit mas marunong ka pa saakin? Ako ang nakakaalam ng ginagawa ko!"

Muli siyang ngumiti. Nakakainis. Para kaming bumalik sa nakaraan kung saan kami pa at tuwing nag aaway kami, ngingiti lang siya saakin at kalmadong magpapaliwanag kahit nagpupuyos na ako sa inis.

Seeing him cheat right in front of me made me forget this version of him. Iyong anghel. The always soft and understanding boy.

"You tried so hard to be a good girlfriend and I commend you for that. I can feel your dedication and sincerity well."

Mas lalong kumunot ang noo ko at sumiklab ang inis ko. Pakiramdam ko ay hindi na ako nakakasunod sa kanyang mga sinasabi. Bakit ba parang naging magulo na siyang kausap? Epekto ba to ng kabit nya?

"Tangina naman. Pwede ba diretsuhin mo nalang ako."

He smiled and shook his head because of my curse.

"I accepted it all, Santh. Handa akong tanggapin ang kahit anong kaya mong ibigay basta akin ka."

"Tapos hihingiin mo sa iba yung mga hindi ko kaya? Ganon ba? Bakit may fall back ka? Bakit kailangan pa ng pangalawa?"

Sumikip ang dibdib ko noong maalala ko ang kanilang mga tagpo. Iyong mga palihim na paalam nila ng magkasunod. Iyong mga beses na sabay pa silang nagte-text saakin. Tangina. Naalala ko nanaman kung paano ako napaglaruan.

Nawala ang ngiti niya at tumungo. He sighed deeply with an obvious regret in his eyes.

"I was tempted. Nahanap ko sa kanya ang hinahanap ko sayo. She was giving me the attention I need and the love I yearn from you. Dapat ganitong pagmamahal ang binibigay mo eh, I always said that to myself."

Uminit ang ibaba ng aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

"You should have broken up with me then."

Umiling siya.

"Mahal kita."

I balled my fist when I heard that. Gusto ko siyang suntukin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Puta, nakapakagago mo namang magmahal."

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay. I don't know what exactly is that for, alam ko lang na parehas kaming nagpipigil ng emosyon ngayon.

"I'm sorry for keeping you, Santh. Naniwala kasi akong kaya mo rin akong matutunang mahalin."

"Minahal kita, Ry. Alam mo yan."

He smiled at me sadly. Tumitig ng siya ng diretso saaking mata, tila naghahanap ng butas. Pero hindi niya iyon nakita. That is because it's true.

"Sinubukan mo." He nodded. "Pero may mahal kang iba."

My world felt like it's shaking. Hindi ko mahanap ang salitang nais kong sabihin sa kanya. I got lost in his eyes who are telling me that before he broke me, I broke him first. 

Continuar a ler

Também vai Gostar

113K 7.4K 23
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
157K 4.2K 45
Can we really fall in love with our bestfriend? Pero ang sabi nila, kung bestfriend, bestfriend lang. Naialara and Sequi are bestfriends since they...
Mío Por Yiling Laozu

Ficção geral

100K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...