10 Last Months

By toriiiyah

38.9K 555 104

Kysler Natalie Abraliez, despite her boyish first name is actually a soft girly girl who has only cared about... More

10 Last Months
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12

Chapter 11

702 23 1
By toriiiyah

"Well I think, it was successful."

For the nth time of my life, I'm with Sandra again. We're currently in my house because I asked her to help me bake some cookies. Hindi ko kasi hilig ang mga gawaing kusina hindi tulad niya.

I shrugged my shoulders while putting the flour on the mixture."Bakit ba gan'yan ang reaction mo? He got frustrated at me, alright?"

Kinwento ko na kasi 'yung nangyari last time with Vinzeler and she's pushing that my plan of ignoring him was actually a success.

Dumaan siya sa harap ko at kinuha ang hawak kong itlog para siya ang mag-crack at lagay niyon. I rolled my eyes. She knows well how bad I am at cracking an egg. She doesn't want me to mess around.

"And it's a good sign, Natalie," pagpipilit niya.

Nalilito akong napaharap sa kaniya dahil sa sinabi. Para sa akin kasi ay mas lumala lang ang mga pangyayari at lalong nairita lang sa akin si Vinze. I didn't tell Sandra the story on verbatim though, just the thought and summary.

"How so?" I shifted on my position and faced her. Pinapanood ko siyang haluin ang mixture gamit ang whisk. I saw how she struggles doing it so I went away to get the electric mixer in a cabinet. "He seems like he doesn't want to see me ever again," pagpapatuloy kong nasa harap na cabinet ang tingin, maingat na kinukuha ang electric mixer.

"Natalie..." Sandra called that's why I looked her way. She's smirking, nang-aasar. "You're hopeless," tanging komento niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at agad nang kinuha ang mixer para makalapit sa kaniya. "Nang-aasar ka na naman," malungkot at nakasimangot kong saad.

She laughed annoyingly, "No, I'm not!" She stopped mixing and faced me, "Just go with the flow, Natalie..." Her eyes roamed on the countertop where everything we're doing is settled. "And continue making effort like what you're doing now."

I nodded and set up the electric mixer before getting a hold of it to use it on the mixture. May kabigatan iyon at masakit sa braso pero kakayanin. Si Sandra naman ay nanonood lang sa aking tabi kahit na halatang hirap na ako sa ginagawa.

Hindi lingid sa kaalaman ko na napilitan lang siya sa ginagawa namin. After going home from school, I immediately called her to come over and help me bake for Vinze. She said she's not in the mood and too lazy to do it. I blackmailed her and here she is. Alam naming pareho na hindi ko naman talaga magagawa sa kaniya 'yung mga pinang-blackmail ko. But then she still fell for it, to my surprise.

After finalizing the mixture, we then started scooping it and putting it on the oven tray. Napapangiti na lang ako habang ginagawa iyon at iniisip ang posibleng maging reaksyon ni Vinze 'pag nabigay ko na sa kaniya.

Putting my love on the food, I unconsciously smiled. Hindi naman nakatakas sa aking pansin ang pagngiwi ni Sandra dahil doon, bahagya akong lumayo sa ginagawa at natawa sa kaniyang reaksyon.

"You're a damn lovesick, Nat." Naiiling at nakangiwing komento ni Sandra. I smirked.

"You'll soon know how this feels, Sandra." I wiggled my brows at her. "With Vile," I continued with my teasing smile.

Lalo siyang ngumiwi at umiwas ng tingin, lumayo pa siya patungo sa sink para maghugas ng kamay. "No way."

Natawa na lang akong muli sa kaniya. She really has this huge hate on Vile and I don't think it still concerns my first few interactions with him. Hmm.

The sports season will start in three days and our school's first game will be in five days. Matindi ang ginagawang practice nila Vinzeler ngayon at busy rin ako kaya hindi ko na masyado siyang nakakausap at nalalapitan pagtapos ng gabing iyon. Ngayon lang talaga ako ulit nagkaroon ng oras kaya sinulit ko na. I will be bringing the fancily packed cookies to him tomorrow.

I slept and woke up with a wide smile. Great day ahead.

Aside from my requirements that are due today, hindi nawala sa isip ko ang ginawang cookies para kay Vinze. Sealed in a transparent container, I wrapped it with a light pink handkerchief before tying a white ribbon around it. The package looks as girly as I am. Perfect!

The day went by and lunch time came in. Ngayon lang ang oras na sabay ang vacant namin kaya ngayon ko naisipang ibigay ang ginawang cookies para sa kaniya.

Before going to the cafeteria, I decided to stop by a powder room to fix myself. I have to at least look presentable in front of him. Ilang araw na rin kasi ang nagdaan noong huli ko siyang nakaharap.

Pumasok ako ng powder room at walang tao roon. Inayos ko ang pagkakalugay ng buhok at ngumiti rin sa salamin. Napansin kong medyo maputla ang labi ko kaya binuksan ko ang aking bag para kumuha ng lip tint.

Habang nakatungo ako sa aking bag ay may narinig akong nagsalita mula sa cubicle, "Tigas talaga ng ulo! I'll come over later to bring your meds." Napaangat ang ulo ko mula sa salamin para tignan ang nagsalita pero hindi pa rin siya lumalabas ng cubicle kaya binalik ko ang tingin sa bag.

"Ha?! Hindi magagalit 'yung girlfriend mo, meds lang naman!" She paused. "Ano? You want me to tell her about your condition para mag-alala?" Muling napaangat ang tingin ko sa pinto ng cubicle nang marinig na papabukas ito.

Mukhang may kausap siya sa telepono at hindi pa rin ito natatapos. It's not my fault that I can hear all she's saying. "Bahala ka nga! 'Pag lumala 'yang sakit mo, baka hindi ka makapaglaro." Napaiwas ang tingin ko nang makita kung sinong lumabas mula sa cubicle. Krizelle!

"Whatever. E 'di, 'wag!" Patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap at hindi napansin ang presensya ko. Nang makuha ko na ang hinahanap na lip tint ay inangat ko ito at muling humarap sa salamin.

"Mamatay ka na lang. Oo na!" Mula sa salamin ay nakita kong binaba niya rin ang tawag at humarap na sa salamin. Iniwas ko ang tingin nang makitang napansin niya ang aking presensiya. Bahagya siyang nagulat na agad ding napalitan ng ngiti. Why does she look so amused? What is she so amused about?

"Kysler, right?" I looked at her from the mirror as she asked my name. I'm done putting a little tint on my lips so I put it down. I nodded.

Tumango rin naman siya. Hinintay kong may sabihin pa siya sa akin pero inayos lang niya ang dalang gamit at iniwan na ako sa loob ng powder room. Weird.

After doing my business in the powder room, I made my way to the cafeteria. Kapapasok ko pa lang doon at agad ko nang nakita si Earl, Russel, at Ken. Wala si Vinze? Where is he?

Lumapit ako sa table nila at bumati bago magtanong, "Si Vinze?"

Hindi mapagkakaila ang gulat sa mukha nila. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagsiko ni Earl sa braso ni Russel.

"You're talking to him now?" Halos mamula ang pisngi ko sa tanong ni Russel sa akin. Nakita ko namang sinamaan siya ng tingin ni Ken.

Naalala kong hindi ko nga pala pinapansin si Vinze noong huling nagkasalubong kami nila Russel.

Nahihiya akong tumungo at magsasalita na sana nang magsalita si Earl, "Wala siya, e." Umangat muli ang tingin ko sa kanila. Earl smiled. "Absent."

I nodded and smiled reassuringly at them. I then thanked them before going out of the cafeteria. Napatingin ako sa dalang cookies at bumuntong hininga. I can still give these to him tomorrow. Only if he's coming to school then.

Natapos ang araw at hindi ko nga muling nakita si Vinze. Nandito na ako ngayon sa aking kwarto, hawak ang phone at sinusubukang tawagan si Vinze. Walang sumasagot pero nagri-ring ito. Kinakabahan na ako pero hindi ko naman siya pwedeng puntahan dahil gabi na. Instead, I called Vile.

"Yes?" sagot ni Vile sa kabilang linya.

I was hesitant but I still asked, "Si Vinze?"

"This isn't his number. This is Vile you're talking, Miss. Good night." He almost ended the call but ai immediately stopped him.

"Vile! Teka nga!"

"Ano ba 'yon?" may iritasyong tanong niya. "It's late now, Natalie. Inaantok na ako."

"Teka... ano..." I paused a little. "Si Vinze?"

I heard him sigh. "He's not here, he's at his condo."

Nagulat ako sa sinagot niya. All this time, akala ko ay sa bahay nila pa rin siya tumutuloy?

"Saan?" He gave away the details about his condo unit before immediately hanging up. Napairap ako sa kaniyang ginawa. Bastos talaga, hindi manlang ako nakapagpasalamat.

Malapit ang condo niya sa aming campus. Ibig sabihin ay tuwing hinahatid niya ako sa amin kapag weekdays ay bumabalik din siya sa condo unit niya na malapit sa school. Malapit lang sa school ang condo niya pero nagdri-drive siya nang malayo at pabalik sa school para lang ihatid ako sa amin. I felt guilty, hindi ko na siya pipiliting ihatid ako.

Dumaan ang mga oras at sumapit ang kinabukasan. Sana naman ay pumasok na siya ngayon.

Break time nila ngayon at free cut namin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong puntahan siya sa garden na pinagtatambayan nila tuwing break.

Agad kong nakita sila Earl doon na busy sa mga papel na nasa harap nila at mukhang sinasagutan kaya hindi napansin ang presensya ko. Vinzeler's still not around.

Tumikhim ako na nagpakuha sa atensyon nila at umangat ang tingin sa akin. Russel creased his forehead but I asked away, anyway. "Uhm, si Vinze?" nahihiya pa rin ang tinig.

Ken sighed and answered, "Still absent."

Tumango ako sa kaniya at napatingin sa dami ng ginagawa nila bago muling nagtanong, "Mind if I ask why?"

"I'm sorry, Kysler, but we're really busy. You can call him." Ken smiled at me.

Sasabihin ko sanang hindi ko siya matawagan kagabi pero piniling 'wag na lang ituloy dahil busy'ng busy talaga sila. Ni hindi nga makatingin sila Earl sa akin dahil sa ginagawa. Ugh, engineering.

I nodded and thanked him instead.

Uwian nang magkaroon ako ng oras para subukan uling tumawag kay Vinze.

After five attempts and calls unanswered, I finally got to talk to him. Nakahinga ako nang maluwag.

"Vinze!" sagot kong malayo ang tingin, abang na abang sa kaniyang sasabihin.

"Natalie..." His voice was rough and low, almost inaudible. Kumunot ang noo ko, nagtaka ako sa kaniyang tono. He seems helpless.

"Hey..." My voice was soft. "Nasaan ka? Are you fine?" magkasunod na tanong ko. Kinakabahan na ako sa kaniya!

"I'm... sick." Sasagot pa sana ako sa kaniya pero biglang namatay ang tawag. I tried calling again pero hindi na iyon nagri-ring.

He's sick?! Kinakabahan at bahagya nang nagpapanic ay pumunta ako sa pinakamalapit na pharmacy para bumili ng gamot. Dumaan na rin ako sa isang restaurant para naman bumili ng soup para sa kaniya. Hindi ko na pipilitin at papahirapan ang sarili na magluto pa, baka lalong sumama lang ang pakiramdam niya.

Matapos bilhin ang mga kailangan niya ay nilakad ko na ang pagpunta sa kaniyang condo unit. Malapit lang ito sa campus at walking distance lang. Vile has given away the details from his floor to his unit number.

Pagpasok naman sa building ng condominium ay tinahak ko na agad ang daan papunta sa elevator. His unit's on the 15th floor. The elevator opened and I made my way to his unit.

Kakatok pa sana ko pero nang pihitin ang door knob ay nagulat akong bukas ito. What the heck? Bukas ang pinto niya at may sakit siya?

Agad akong pumasok sa unit niya pagbukas niyon. I made it sure to lock his door. Black, white and gray are the colors of his unit, while a variant of dark teak wood was used as an accent in different parts of the space, so manly, modern, and industrial.

Hindi ko maiwasang mamangha sa interior nito lalo pa't ngayon lang ako nakapasok dito. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Malawak at malinis ang living space nito na may black L-shaped sofa. A huge flat-screen television is hanging on the wall in front of the sofa and a gray coffee table is in between. The living area is connected to the dining space where a small dark teak wood dining table is placed. I left the food I brought on the table. The black marble counter nook also caught my attention. Maganda at malinis din ang kitchen nito.

Napako naman ang tingin ko sa dalawang itim na pintong nakasarado. Lumapit ako sa isa roon at hinawakan ang door knob. I have to check on Vinzeler that's why I'm doing this, alright.

Dahan dahan kong pinihit pabukas ang door knob. It's unlocked. I then slowly opened the door. Kaunti pa lang ang pagkakabukas ay bumungad na sa akin ang black and white niyang king size bed, medyo magulo pa. But he isn't there. Kumunot ang noo ko bago nilakihan ang pagkakabukas ng pinto at pumasok, walang ingay at maingat.

Napasinghap ako nang tuluyang makapasok. Likod lang ni Vinze ang nakikita ko pero malinaw ito. He's wearing a pair of black sweatpants and he's... he's topless! Nakatayo siya sa harap ng sa isang study table at nakahawak sa phone na naka-charge base sa kableng nakakabit dito.

Umatras ako nang nasa kaniya pa rin ang tingin kaya hindi ko namalayang may cupboard pala sa aking likod. Nasanggi ko iyon at may nahulog. Nakita ko kung paanong napaharap siya sa akin at kumunot ang noo. Wala sa sarili namang bumaba ang tingin ko sa hubad niya dibdib patungo sa... A view of his eight-packed abs!

Nabalik ako sa sarili nang marinig siyang magsalita, "Natalie..." His voice was breathy.

Nagkukumahog ko siyang tinalikuran para tignan ang nalaglag, hindi kinakaya ng puso at nararamdaman ang nakita. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang mga kamay na ngayon ay nanlalamig na. The coldness in his room didn't do much to my heated cheeks.

Umupo ako para kunin ang nalaglag. Nalaglag 'yung AirPods niya!

"What's that?" he asked, still in his low voice.

Kinuha ko ang AirPods at tinago ito sa likod bago tumayo at humarap sa kaniya. I can buy him a new one even before he knew I dropped it.

Lalo namang hindi naging maganda sa akin ang ginawang pagtayo. His one palm is leaning against the wall behind me as if depending his strength on his arm. He's towering me and looking directly to my eyes, mapupungay ang mga mata.

"Ano 'yan?" he probed. Bahagya akong napalayo, hindi kinakaya ang lapit ng mukha niya sa akin. But it's dead end here. Wala na akong maaatrasan pa dahil sa cupboard na nasa likod.

"Uhm... wala." Tumindi ang kapit ko sa hawak na airpods nang lumapit pa siya sa akin at silipin ang nasa likod. Mas napapalapit na sa akin ang hubad niyang dibdib at tiyan. My breathing hitched. Not good for my heart, huhu.

Lalo pa siyang lumapit at mas lumala ang pag-iinit ng pisngi ko. Kailangan ko nang ipakita sa kaniya ang nahulog para lumayo na siya dahil hindi ko na talaga kinakaya.

Mula sa kamay kong nasa likod, nilabas ko ito at dahan dahang inangat sa kaniya bago binuksan ang palad at ipakita ang AirPods. Kumunot ang kaniyang noo, kinuha ito mula sa palad ko at bahagyang lumayo.

"S-Sorry." I stuttered.

I then grabbed the opportunity to move away from him. Lumapit ako sa kaniyang kama at kinuha ang puti niyang kumot. Lumapit naman ako sa kaniya na tinanggal na ang tingin sa hawak na AirPods at nilipat ito sa akin. As I got the blanket, I immediately went to him. Pinatong ko sa magkabilang balikat niya ang kumot t'saka siya binalutan nito.

Nakita ko kung paano siya lumunok at nangingiti na, pinipigilan lang ang pagtawa. Ako naman ay focused lang sa ginagawang pagbalot ng kumot sa kaniya.

Nang matapos at ma-satisfy sa ginawang pagbabalot ng kumot sa kaniya ay hinarap ko na siya para pagsabihan. He's puckering his lips, still stopping his self from laughing. Amuse is all I can see in his eyes now.

"You're sick! Bakit nakahubad ka pa?!" panenermon ko sa kaniya. Hindi naman na niya napigilan ang pagtawa at tumawa na nang malakas. Does he really think it's funny and easy for me to act normally around with his displayed bare chest and abs?!

I threw him a glare but he just laughed harder before pinching my nose.

Lumayo ako sa kaniya at nilibot ang tingin para hanapin ang remote ng kaniyang aircon. Nakalagay ito sa remote holder na nasa pader, katabi ng mga switch para sa ilaw. Kinuha ko ito at tinapat sa aircon para patayin.

"Mainit," mahinang reklamo ni Vinze, still in his low and hoarse voice. Bumuntong hininga ako, kinakalma ang sarili. I mean, how can someone be so cute just by saying one Filipino word? How can he? 

Hinarap ko siya para sagutin. I want to laugh at his current condition, wrapped in a blanket. Pero pinigilan ko ang sarili dahil ako naman ang may gawa noon. "May sakit ka. Dapat pagpawisan ka, okay?"

He nodded before answering, "Fine."

"Good. By the way, I brought food and meds." Nilapitan ko siya at dumaan sa harap niya para pumunta sa kaniyang likod. Nagtataka naman ang tingin niya sa akin habang naglalakad ako. Pagpunta ko sa likod niya ay tinulak ko siya papunta sa kama niya. I can safely hold him now as he is fully covered already. 

Noong una ay nagpapadala lang siya sa tulak ko pero kalaunan ay tumigil din siya at nagpabigat kaya natigil ako sa pagtulak. Bumaling ang ulo niya sa akin, nakakunot ang noo. "What are you doing?" he asked.

I raised an eyebrow, "I'll just bring your food here." Matapos 'yon ay muli ko siyang tinulak at nagpadala na lang siya. Nang nakaupo na siya sa kama niya ay agad naman akong lumabas para ayusin ang mga dala. I went to the kitchen to get a bowl where I can put his soup. I then went to the dining table where I left the food.

Sinalin ko ang soup sa bowl na kinuha at nilagay iyon sa nakitang tray. Kumuha na rin ako ng isang basong tubig at nilagay na sa tray kasama ang soup at gamot. I lifted the tray and turned my back to go back to Vinzeler's room but I saw him walking to my way. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nakasuot na ito ng hoodie. Kanina lang ay nagrereklamo na mainit! Binaba ko muna ulit sa table ang hawak na tray para kausapin siya.

"Sabi ko doon ka na muna sa kwarto mo, e."

Hindi niya iyon pinansin at dumiretso sa table. Humila siya ng isang upuan at umupo roon. "Let's stay here."

"Sige na nga." Tinanggal ko rin ang bowl ng soup sa tray at nilagay naman 'yon sa harap niya. Tinignan niya muna ito bago bumalik sa akin ang tingin. "Bakit? Ayaw mo?"

He shook his head, "No." Sumandok naman na siya mula sa mangkok. Umupo ako sa tapat niya pinanood lang siyang kumain, wala namang reaksyon.

His stare raised back at me and after swallowing a spoonful, he muttered, "Don't look at me like that."

"Like what?" Ganoon pa rin ang tingin ko pero may bahid na ng pang-aasar.

He rolled his eyes and looked away, "Like you're ready to eat me up."

Hindi ko napigilan ang matawa nang malakas dahil sa kaniyang sinabi. I didn't expect him to say such thing! Nang makabawi sa pagtawa ay muli akong nagsalita, "Masarap ba?"

Natigil siya at kumunot ang noo. What is he thinking? I pointed out the soup using my lips. "'Yung soup."

He shrugged his shoulders, "So-so. Why? You cooked this?"

Umiling ako at nagsalita, "Hindi. Binili ko lang 'yan."

He nodded, looking convinced. "As expected." May halong judgment ang boses niya, nang-aasar.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Grabe ka! 'Pag marunong na 'ko magluto, 'who you?' ka sa'kin."

He chuckled, "Sure."

Nanood lang ako sa pag-kain niya nang maalala ang nalaglag na AirPods niya kanina.

"Vinze," I called him. Umangat ang tingin niya sa akin, nagtatanong. "'Yung AirPods mo pala, I'll just buy you a new one. I'm sorry," I continued apologetically.

"Don't bother yourself, it's fine." Tumango na lang ako sa kaniya.

Nang matapos siyang kumain ay kinuha ko naman ang gamot niya para iabot ito sa kaniya. "Take your meds."

He took the pill on my palm and swallowed it. Uminom siya ng tubig pagkatapos at nagsalita naman ulit, "Thought you're an architect. Didn't know you're a nurse."

Natawa ako sa sinabi niya. "Your nurse alone, Vinze," I said and winked an eye.

He chuckled at that, "Silly."

"Sabi nila, mahilig daw sa nursing students ang mga engineering students. How true is that?" Tanong ko na nakita ko lang naman online. 

Nagkibit siya ng balikat at pinatong ang magkabilang braso sa mesa at matiim ang tinitigan, "I don't know. An architect will do... for me."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Nilalandi niya ba ako? Kinikilig ako, dapat niyang panagutan 'to! "And this architect will take care of you while you're sick! Dapat gumaling ka agad kasi kung hindi, hindi ka makakapaglaro." He nodded. "Sila Earl lang ang ma-chi'cheer ko kung gan'on."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. He straightened his back because asking, "You're cheering for Earl if I won't be able to play?"

"I'll be cheering for them too even if you can play."

"Tss." Lumipat ang tingin niya sa baso ng tubig bago ito kinuha at ininuman. "You can only cheer for me, Natalie," he continued as he settled the glass on the table.

---

please vote, comment, and share! thank you for reading ❣

Continue Reading

You'll Also Like

35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...