Their Chasing Souls

Av issawandablue

13.9K 898 150

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... Mer

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 13: Tryout

230 16 0
Av issawandablue

Ely's POV

Mabilis kong pinatakbo ang kotse pauwi ng bahay. Wala pang tatlong minuto ay nakarating na ako.

Binuksan naman ng guard ang gate pero hindi ko pa rin ipinasok ang kotse at nanatili pa rin ako sa loob.

"Ugh, damn! Damn it!" inis kong singhal habang pinagpapalo ang manibela.

'Ely! Ano ba? Magsisimula na naman ba kayo? Tama na please?!'

'O-okay. Ako na naman pala ang mali.'

'Wala akong sinasabing ganu-'

"F*ck. This is totally insane!" sabi ko habang sinasabunatan ang buhok ko at nakuyuko sa manibela nang nakapikit ang mga mata.

Inalala ko ang mga nangyari kanina. Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang nag-init ang ulo ko lalo na nung makita kong nandun rin ang pinsan ko.

What do I expect? Alam ko namang pupunta siya. Hindi ko lang alam na ganun kakapal ang mukha niyang pumunta pa dun at magpakita sakin!

Unti-unti kong inangat ang ulo ko dahilan para mabaling ang atensiyon ko sa rear view mirror. Kita ko naman mula dun ang isang maliit na blue box na may nakapatong na blue teddy bear na nasa backseat ng kotse.

"Ano tini-tingin tingin mo diyan? Hinahamon mo ba ako?" wala sa sarili kong usal.

Matagal rin akong nakipagtinginan sa teddy bear hanggag sa biglang may kumatok sa pinto ng kotse ko. Binuksan ko naman ang bintana.

"Seeer, papasok na ho ba kayo?" tanong ng guard sa akin.

Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ko bago ko siya masagot.

"Ah yes, hayaan mo lang na nakabukas yung gate. Papasok na'ko."

"Sige ho serr."

Agad ko namang pinark ang kotse sa garahe at hinablot ang mga gamit ko sa backseat.

Habang kinukuha ko ang mga gamit ay hindi ko sadyang masagi ang blue box at teddy bear dahilan para makita ko na naman yung mga mata niya.

"Ano?! Kanina ka pa ah? Wag mo ako titigan ng ganyan dahil wala ako sa mood!"

Agad kong hinablot yun pareho kasama ng mga gamit ko at pumasok sa bahay.

"Oh hijo, nakauwi ka na pala? Ang bilis naman." Bating bungad sa akin ni manang.

"Ah opo manang."

"Asan ang daddy at mommy mo?"

"H-Ho?"

"Bakit kako wala ang daddy at mommy mo?"

Narinig ko manang. Ang ibig kong sabihin eh naiwan ko sila mom at dad doon! Hindi ko manlang naisip 'yon!

"A-ah. Masama po kasi ang p-pakiramdam ko. Kaya nauna na ako ho ako sa kanila."

"Ah ganun ba? Kung sa bagay andun naman ang Kuya mo."

Opo manang. Pero iniwan ko pa rin sila!

Pero tama si Manang andoon naman ang kapatid ko. Gagawa naman siya ng paraan at sigurado naman na siya na ang bahala kila mommy at daddy.

"Hijo! Ayos ka lang ba?"

I smiled bitterly pero hindi ako sumagot

"Teka, pasa ba yang nasa mukha mo? Ayos ka lang ba?" may pag-aalala na tanong niya.

"Okay lang po ako. Nothing to worry. N-Nakuha ko lang po sa pagba-basketball."

What kind of excuse is that Ely? Ano ka lampa?!

"Kailan pa? Parang wala naman 'yan kanina nung umalis kayo."

"Naglaro lang po kami kanina ni Gio. Then this happened." Tipid kong sagot. I didn't plan to put details to my lies.

"Ganuna ba, oh siya. Gusto mo na muna bang kumain at ipaghahanda kita?"

"Wag na po Manang. I'm full. Magpapahinga nalang po muna ako."

Agad akong umakyat sa kwarto at saka binato ang mga gamit ko sa sofa na nasa gilid ng kama ko.

"Tch. Diyan ka lang at wag na wag mo na ako titignan and don't even try testing my patience."

Humiga ako sa kama ko nang hindi nagbibihis.

At dahil sobrang pagod ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Hmmmmmmmmmm." mahabang ungol ko. Agad kong kinapa ang cellphone ko at tinignan ang oras.

10 pm?!

"Hijo, pwede ba akong pumasok? Pinagdalhan kita ng hapunan mo."

"Sure Manang. Thanks. Medyo busog pa naman ako."

Well, that's probably a lie. I just ate a thin slice of cake.

I wanna punch my face fpr lying nang biglang tumunog ang tiyan ko dahilan para mapatingin si Manang sa akin.

Great, my stomach groaned at the right timing.

"Mukhang hindi ka naman nabusog sa kinain mo dun. Oh siya kainin mo na yan."

I just smiled at her with embarrassment.

Kung sa bagay early dinner naman kasi yung party kanina. Kakaunti lang rin ang kinain ko dahil nawalan na ako ng gana nung makita ang pagmumukha ng taong 'yon. Yung cake lang talaga halos nakain ko.

"Nag-aalala ang mommy mo at hindi ka manlang raw bumaba para kumain kaya naisip niyang masama pa rin ang pakiramdam mo. Pinapadalhan ka na lamang niya rito ng pagkain."

"N-Nakauwi na ho sila mommy?"

"Oo kanina pang alas nuebe."

So I slept for that long?

Napansin ko ang paglapit ni Manang sa sofa. "Ang cute naman niyan." Aniya pertaining to the stuffed toy.

"Sabi ko ang cute naman niyan." Ulit niya sabay turo sa teddy bear nang hindi ako sumagot.

"Manang anong cute diyan? It's just teddy bear. Tch."

"Cute naman kasi talaga."

"Eh h-hindi nga ho manang. Kung nacucute-an po kayo sa inyo nalang po."

"Para kanino yan?" Biglang tanong niya that stunned for a few seconds.

"Para kanino yan?" Paguulit na tslanong niya. "Kasi kung ayaw mo naman sa teddy bear na yan eh bakit nandito sa kwarto mo? May pagbibigyan ka ba niyan?"

"W-Wala po." Tanggi ko.

"Hmm?" parang duda pa siya sa sinasabi ko.

"P-Para po kay G-goerge."

"George?"

"Y-Yna po."

"Eh kung ganun eh bakit mo ibibigay sa akin?"

"Kasi nga po wala naman na yang k-kwenta."

"Binasted ka ba?"

What's with the attack Manang? I thought I'm your favorite. Ang diretso naman ng tanong?! Parang ganun na nga po pero hindi, basta magulo! I'm not yet courting her kaya wag siyang feeling na gustong gusto ko siya!

"M-Manang, mali po yang iniisip niyo." Paliwang ko sa kanya.

"Oh eh wala naman akong sinasabing iniisip ko. Tinatanong lang naman kita."

"H-hindi po niya ko binasted. W-Wala po akong g-gusto sa kanya."

Kasi hindi naman ako nanliligaw. So paano ako nabasted?

"Ganun ba? Eh sayang maganda at mabait pa naman ang batang 'yon."

"Asan dun ang mabait manang?" tanong ko sa kanya na salubong ang aking kilay. Laging mainit ang ulo sakin ni George. Laging nakasimangot rin.

"Eh kasi nung mga bata pa kayo, kapag nagpupunta at naglalaro sila dito ng mga pinsan mo eh talaga namang napakabait ng batang 'yon. Lagi siyang nakangiti kapag kinakakausap mo at magalang na magalang na bata!"

It's a scam Manang! It's a scam! Wag ka magpapadala sa mala anghel na mukha ng taong 'yon.

"Kaya ho pala niya ako pinagbabalingan ng galit niya." Sarkastiko kong sagot habang iniisip ang nakaraan.

"Eh baka nagagalit kasi inaasar o inaaway mo? Baka lagi mo siyang pinagtitripan? O kaya lagi kay may ginagawang kalokohan sa batang 'yon hijo?"

I was taken aback at natahimik sa mga tanong niya.

"H-Hindi naman po, lagi lang siyang pikon at nagagalit agad sa maliliit na bagay."

"Tsk. Tsk. Nako sana eh tigilan niyo na yan baka mamaya eh pagisisihan niyo pa." Aniya at napapapailing na nakatunghay sa akin. "Maiwan ko na ang pagkain." Nilapag niya ang pagkain sa study table saka siya ngumiting nagpaalam palabas ng kwarto.

Kumain muna ako saka nanood ng pelikula sa TV. I was about to turn off the lights when zi heards knock on my door.

The door opened. Si Kuya Lev.

"Masama raw pakiramdam mo sabi ni Manang. Kamusta?

"I'm okay. I just need to take a rest."

"Talaga?" tanong niya na may nakakalokong mga ngisi.

"Tch. Oo."

"Kamusta LBM mo?"

"What?!"

"Kaya ka umuwi nang maaga dahil may LBM ka di ba?" He started laughing kaya biglang nagsalubong ang mga kilay ko. Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard.

"Who the freaking moron told you that?!"

"May LBM ka ba talaga?"

"Wala syempre, kalokohan!"

"Okay, alam ko naman." He uttered and started to look at me seriously.

"Ang?"

"Na hindi ka talaga umuwi dahil masama ang pakiramdam mo o dahil may LBM ka."

"Kaya nga! Wala naman akong sinabi na may LBM ako. Kadiri ka!" I sighed in frustration kaya natawa naman siya ulit.

"Wow, hindi ka nagbabawas? Perfect? Siraulo ka talaga. Magdadahilan lang sablay pa. Ang alam namin, or more like ang alam nila mom eh umuwi ka dahil sa LBM. Laptrip ka bro!"

"Eh sino ba kasing nagsabing may LBM ako?!"

Hindi niya ako sinagot at tinignan lamang niya ako. Lumapit siya sa sofa at saka umupong nakapandekwatro. Nginisian niya muna ako bago nagsalita.

"Ano ba kasi ang nangyari?"

"Anong ano ang nangyari?"

"Saan galing 'yan?" turo niya sa pasa ko.

"Wala. Forget it."

"Okay, sabi mo eh." At hinimas himas niya ang kanyang baba saka ulit ngumisi. "Wag mo sabihing ipapakita mo yan bukas kila mom." Sabi niya saka tumayo. "Mag-isip ka na ngayon ng magandang dahilan para ipaliwanag 'yang kalokohan mo." Turo niya pa ulit sa pasa ko. "Sige bro. Next time galing galingan mo magpalusot. Laptrip ka eh." Aniya at muling humalakhak.

I threw one of the pillows at him that made him laugh more. Is he being serious on teasing me this late night? "

"Okay, bye bro! By the way, nice teddy bear, sayang naman at hindi mo binigay." Turo niya pa sa blue na teddy bear sa sofa na inupuan niya. Kumindat siya saka isinara ang pinto.

What the heck? I just feel really irritated right now. Humanda talaga  kung sino man ang nagsabing nagka LBM ako. What a great excuse.

As for my brother, he always teases me although he always shows his brotherly love kahit minsan corny.

I was really close with brother. Matino siyang kausap kapag seryoso. Ganyan lang talaga siya mang-aasar kapag tinotopak.

Ibinaling ko ulit ang paningin ko sa teddy bear.

"Bakit ba umeepal ka? Ano bang cute at nice sayo?! Tch."

Tumingala ulit ako sa kisame saka na ko na naman naalala ang mga nangyari kanina.

'Ely! Ano ba? Magsisimula na naman ba kayo? Tama na please?!'

'O-okay. Ako na naman pala ang mali.'

'Wala akong sinasabing ganu-'

"Fudge! This is not helping."

Why is it so easy for her to protect that guy? Wala siyang alam kaya ganun nalang kung makapang bintang. 

"Puro nalang Zeke dito.Zeke ganyan. Mukha niya Zeke bahala siya sa buhay niya!"

I was about to pull my comdorter when I heard my phone ring.

Anong oras na ba at ang daming umeepal sa pahinga ko?

Gio Calling...

"Oh ano bakit?!"

"Ai wow ang init naman ng ulo. Kinakamusta lang—"

"Okay ako. By—"

"Sandaleeeee! Kabadingan mo Rigel, ano ina-arte arte mo? Babae ka babae?"

"Tch. Eh bakit ka ba tumawag?"

"Wag mo kalimutan bukas ah. May try-out tayo."

"Yun lang?"

"Ah. Yu—"

I dropped the phone dahil malamang eh kukulitin lang ako nun sa mga walang kwentang bagay. Alam na alam ko na ang style niyang yan. Makikichismis lang yan at kunwari nireremind pako sa try-out.  He loves to gossip, sometimes I was thinking if he's- Uh nevermind.

Natulog na ako at hindi na nagpaistorbo pa.

Kinabukasan.

"Oh baby, how are you feeling?" Bungad sakin ni mommy pagkababa ko sa dining. "Anong nagyari sa mukha mo?"

Hindi agad ako makasagot at tanaw ko naman sa gilid ko ang kapatid kong ngingisi ngisi.

"Uhmm. Basketball mom." Sabi ko pero pero tumaas lamang ang kanyang kilay.

"What do you mean? Aren't you in the party yesterday?"

"Mom.." Lumunok muna ako bago nakapagsalita. "Lumabas po ako habang nagkikwentuhan kayo. Umalis po kami nila Gio at pumunta sa court para magbasketball, kaya heto po ang nangyari." Turo ko sa pasa sa pisngi.

Sorry mom. Ayoko lang mag-alala kayo sakin.

"Mag-iingat na kayo next time okay?" tumango na lamang ako sa kanya. "Okay, c'mon lets eat."

At hinila niya ako para umupo at kumain.

"Do you have classes today?"

"Wala mom, freshmen week. Next week na po ulit ang klase namin."

"That's good. You should enjoy it habang hindi pa intense ang klase niyo."

"Hmm. May mga discussion na po pero paunti unti lang."

"How about you Lev?" baling ni mom kay kuya.

"We'll be starting our thesis mom. Alam niyo na, pag junior year eh medyo kailangan na magseryoso. Hehe."

"That's right. You'll be a senior next year and sinasanay mo na dapat ang sarili mo of school paper works." Si dad.

"Yes dad, that's why maaga rin po ako papasok today at baka late na po siguro akong makauwi." Paliwang ni kuya.

"I'll go with you." Takang nilingon naman ako ng aking kapatid matapos ko sabihin 'yon. "Kasi may try-out kami today ng basketball."

Tinatamad akong magdrive today bakit ba.

"Is that so?" singit ni mom sa amin.

"Yes mom, kaya I have to be early today."

"Galingan mo mamaya ha." Suporta ni mom.

"Make us proud son. No. We are already proud of you." Nakangiting sabi ni dad.

"Thank you mom, dad."

Agad naming tinapos ang aming pagkain at umalis na kami ni Kuya Lev papuntang school. Nakarating rin naman agad kami after 15 minutes.

"Pano bro? Galingan mo ha? Iwas iwas sa chicks nakakarindi rin hahaha!"

"Walang chick dun. Luh. You are imagining."

"Wala nga.. unless nalang-"

"Unless ano?"

"Unless nasa team niyo mismo ang chick hahaha!"

"You're so gross bro, walang talo talo!"

"Geh una nako, baka bawas points pako dun sa terror prof namin kapag nalate ako."

"Alright, salamat sa ride." Nginitian ko siya saka tinalikuran.

Tinahak ko ang field bago makapunta sa gym. Wala masyadong tao dahil nga freshmen week. Kung may klase man ay iilan lang. Mga juniors and seniors lang siguro. Malapit na akong makarating ng gym nang biglang natanaw ko si Gio sa may entrance na kumakaway.

"Tch. Bading mo bro." salubong ko sa kanya.

"Waaaaw, hiyang hiya naman yung kabadingan mo. Leche Hahaha! Tara na nga marami nang tao sa loob. Late na naman tayo! Ang bagal mo kasi." Pumasok na kami sa Gym at mukhang nagsimula na nga ang try-out.

"Before we begin this try out—"

"Good morning coach." Bati namin ni Gio kay coach.

"Tch. Montemayor.. Perez.. You're both late!"

"Sorry coach."

"Hindi porke naging team ko na kayo nung highs chool niyo at kahit magagaling pa kayo eh papaboran ko na kayo at bibigyan ng special treatment! Ngayon palang ay sinasabi ko na sa inyo na iba na ang college basketball sa high school basketball! Understood?!"

"Yes sir!"

"Okay.. So as I was saying, before we begin this try- out, gusto ko lang malaman niyo na hindi magiging madali ang pagsasanay niyo kung makakapasok man kayo sa team. Siyempre dahil freshmen palang kayo eh puro bangko muna kayo o kaya reserve players." Panimula ni coach. "Pero wag kayo mag-aalala, nakadepende pa rin sa performance at trainings niyo kung mkakapasok kayo sa Mystic five. Usually seniors lang kabilang sa Mystice five dahil nga graduating na at para mabigyan sila ng pagkakataon na makapaglaro sa huling year nila. Bibihira naman ang juniors na nakakapasok sa Mystic five. Pero kung napatunayan niyo talaga na karapat dapat kayo, kahit kayo eh nasa sophomore year palang ay pwedeng pwede na kayong maging sub o di kayo maging isa sa mystic five. Kaya galingan niyo. Naiintindihan niyo ba?!"

"Yes coach!" kaming lahat

"Grabe bro, mukhang mapapasubo ang MVP skills mo dito ah. Hehehe."

"Tch. Tumahimik ka nalang."

"Asan na ba si Ash at Kiko?" takang tanong niya saka pa luminga linga siya sa gym. "Ayuun! haha. Akalain mong napakaaga pumasok ng mga loko tokshit naman hahaha."

Hindi ko na siya pinansin at nagsalita ulit si coach.

"Makakasama natin ngayon ang isa sa alumnus ng St. Anthony University basketball team. Dati rin siyang team captain ng team, I would like to introduce Kristof Santiago."

"Thank you coach." Sabi niya kay Coach saka bumaling sa amin. "Hi Team, galingan niyo, maganda ang team natin at siguradong lalakas at magiging magaling pa kayo sa basketball."

"Makakasama namin siya at ng iba pang sport instrucor ngayon para mamili ng mga bagong players." Announce ni coach

"Geez mukhang magagaling tong mga ibang freshmen bro."

"Oo mas magaling sila sayo."

"Tch. Ako lang? Wala ka talagang support! Hindi manlang ako damayan?"

"Okay team mahahati kayo sa dalawang team, Blue and Yellow team." Announce ni coach sa harap. "Yellow Team will be Garcia, Munoz, Briones, Cabral at Gonzales. Blue team, Perez, Arnaiz, Torralba, Reyes at Montemayor."

"Ayos bro teammate!" at nakipag apir pa si Gio sakin. "Grabe man of few words? Wala manlang bang pang goodluck kahit kiss?" tinignan ko naman siya ng masama at saka binaling ang sarili ko sa nagsisimulang laro.

Nagsimula ang game namin at aaminin kong magagaling talaga ang mga kalaban kahit ang mga teammates namin. Hindi ako nagpakampante na MVP ako noon at may ibubuga gaya ng sabi ng karamihan. Gaya ng sabi ni coach eh iba na ang college basketball. Mas marami na kaming kakumpetinsiya. Malalakas, mabibilis at magagaling talaga.

Nung first quarter eh medyo lamang ang kabilang team.

"Bro, ipakita mo na sa kanila ang tunay na MVP bago pa tayo mapag-iwanan ng mga yan."

"Tch. Ingay mo, bantayan at aralin mo nalang yung kalaban mo, para naman makapuntos tayo." Sabi ko kay Gio.

"Tch. Suplado." Saka siya tumakbo sa kabilang bahagi ng court.

Dumating ang second quarter pero lamang pa rin ang kabilang team. Alam ko namang mgagaling talaga sila Ash at Kiko kaya silang dalawa ang binabantayan namin.

Third quarter nang magtie ang scores namin.

Fourth quarter eh lamang kami ng limang puntos. Thirty seconds nalang at pwede pa nilang mahabol ang score namin.

Ten seconnds nalang bago matapos ang laro ay ipinasa sakin ni Gio ang bola habang nasa three-point line ako. Isang puntos nalang ang lamang namin sa kanila.

Dalidali akong tumalon at iniangat ang mg kamay ko na hawak ang bola at saka tinira ito sa basket...

HULOGG!

"Nice game Montemayor, walang kupas!" sabi ni coach saka ako tinapik sa balikat.

"Thanks Coach."

"Ayoooown ang yabang ng MVP." Bati ni Ash kasa si Kiko na lumapit sa amin ni Gio.

"Oo nga eh pasuspense pa nung una na hindi kami makakahabol sa inyo hahaha loko talaga." At saka ako inakbayan ni Gio.

"Oh team ipopost nalang namin sa bulletin board next week ang results. Goodluck."

"Thanks coach." Kaming lahat.

Nagunahan naman pumunta sa cafeteria si Gio at Ash. Ang tatakaw talaga ng dalawang yon.

Ibinaling ko naman ang atensyon ko at nakita si Kiko.

"Bro okay ka lang?" Tanong ko kay Kiko na mukhang kanina pa hindi mapakali.

"Okay lang bro, ano tara? Baka ubusan na naman tayo ng pagkain ni Gio." Aniya.

"Tara." At saka kami nagtungo sa cafeteria.

Fortsett å les

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...