Every Step Away

Por jeeinna

2.6M 84.3K 34.8K

Rugged Series #1 Chrysanthe Eve Lofranco only has Hezekiah Kingston Jimenez. She believes that life, no matte... Mais

Every Step Away
ESA1
ESA2
ESA3
ESA4
ESA5
ESA6
ESA7
ESA8
ESA9
ESA10
ESA11
ESA13
ESA14
ESA15
ESA16
ESA17
ESA18
ESA19
ESA20
ESA21
ESA22
ESA23
ESA24
ESA25
ESA26
ESA27
ESA28
ESA29
ESA30
ESA31
ESA32
ESA33
ESA34
ESA35
ESA36
ESA37
ESA38
ESA39
ESA40
ESA41
ESA42
ESA43
ESA44
Epilogue
ESA46

ESA12

46.4K 1.6K 369
Por jeeinna

ESA12

"Namimiss ko na mag club." lutang na sabi ni Theo at agad umupo sa tabi ko.

"Edi go." sagot ko sa kanya.

"Joke ba yon, Eba?"

Ngumisi nalang ako at umiling. "Just be a good student for now and party later."

Rash shook his head. Mukhang nakikisimpatya sa kanyang kaibigan.

"Kung alam ko lang ganito pala mag archi di nalang ako nagpahila sayong gago ka." saad ni Rash.

Tumawa ako at tinapik ang kanyang balikat.

"Aren't you four years late for that?" tanong ko.

"Hoy, hindi kita hinila! Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga asarin ang nanay at tatay mo!" depensa ni Theo sa kanyang sarili.

I don't know much about Rash's personal life. Hindi ko pa rin nakikita ang parents niya dahil according to him, they are always away, quote-unquote.

Ngumisi lang si Rash at hindi na nilabanan ang sinabi ni Theo dahil mukhang sang ayon naman siya doon. My forehead creased. He entered Architecture to piss his parents but how come he's so good at it?

He's damn talented, huh?

"Bilisan nyo na." utos ko.

Nandito kami ngayon sa Cafeteria at nakaupo sa pabilog na lamesang pang apatan. Yes, Cafeteria. Dalawang linggo na rin kaming nakain dito dahil kailangan naming magmadali at gamitin ang sobrang oras ng break para gumawa ng plate.

Sunod sunod kasi ang bagsak saamin ngayon kasabay ng quizzes. They don't wanna leave me alone anymore. Hindi ko alam pero dati naman ay mabilis lang ako makapagpaalam sa kanila na hindi sasamang kumain dahil gagawa pa ako ng plate.

We always eat first before going to the library together since hindi naman namin kailangang sa drafting room pa gumawa dahil AutoCAD naman iyong gamit namin. 

"Kailan ulit pasahan noong miniature?" tanong ni Rash.

"Next week ata?" as I remembered.

Napatigil si Theo at narinig ko ang kanyang mura.

"No shit?" tanong niya.

Tumaas ang kilay ko at kinuha ang cellphone ko sa bag. I saved all my deadlines so that I won't get confused.

Tinignan ko ang aking calendar at nakita ko nga iyon na nakalagay next week. 5 days from now.

"Yup." I showed them my phone.

"What the fuck, man! Sabi mo dalawang linggo pa!" inis na sabi ni Rash.

Theo raised both of his hands. Looking guilty but still wanna get free from accusations.

"That's what I thought!"

Natatawa akong bumaling sa kanila kahit medyo nag aalala din dahil mukhang seryoso ang panic sa kanilang mga mukha ngayon.

"Kaya pala petiks lang kayo pagtinatanong ko kayo huh." I said while chewing my food.

Nag away silang dalawa habang tahimik lang akong kumakain at pinapakinggang ang pagtuturuan nila.

"Gago ka, walls palang nagagawa ko!"

"Ako din naman, bro. Ayaw mo non, goals tayo?" palusot ni Theo.

Malakas akong tumawa dahil sa malutong na mura ni Rash. Goals, putek. Iba talaga takbo ng utak ni Theodore.

"Goodluck." biro ko sa kanilang dalawa.

They can do it. Mabilis naman silang gumawa kaya alam kong kaya nilang irush iyon at magiging maganda pa din iyon.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami ng sampung minuto bago kami pumunta sa library. Well, hindi lang naman pagbabasa o kahit anong may kinalaman sa pagsesearch at libro ang pwedeng gawin dito sa library. Though, we can choose another place than here, mas gusto din namin dito dahil tahimik at malamig.

Pinili naming okupahan ang nasa may dulong table. Nagkanya-kanya kaming labas ng mga laptop at iba pang mga kailangan naming gamit. Magkakahiwalay kaming umupo sa mahabang table para bumuo ng sari-sariling mundo habang gumagawa. 

May ilan-ilang mga babaeng sa paligid namin na sumusulyap-sulyap sa dalawa na seryoso at masyadong nakatuon sa kanilang ginagawa. Nakita ko pa ngang nagnanakaw ng picture ang iba. Napailing nalang ako ngunit hindi ko na pinansin. Mukhang hindi naman iyon big deal sa dalawa. 

Naunang matapos si Theo, palagi naman. Kaya noong maayos niya ang kanyang mga kinalat na gamit at pinatay ang laptop niya ay nanggulo na siya saaming dalawa ni Rash. 

"Theo, shhh..." saway ko dahil pawang tahimik ang paligid at kahit mahina ang boses ni Theo ay rinig. Baka mapaalis pa kami dito!

Tatlo lang ang naririnig na ingay dito. Ang mahinang bulungan, tunog ng air-con at ang boses ni Theo.

Hindi nagtagal ay natapos na din si Rash. Theo finally found his peace when his best friend finished his plate. Tahimik silang naglaro sa cellphone nila habang nasa tabi ko.

Napapangisi nalang ako tuwing naririnig ko ang pagpigil nila sa pagmumura. Hindi ko alam kung anong nilalaro nila pero mukhang seryosong seryoso sila dahil masyadong silang tutok at masyadong madiin ang pagtipa nila sa kanilang phone.

I sigh deeply when I finished. Finally!

Nag ayos ako ng gamit at nilinis ang table ko bago ako sumulyap sa kanilang dalawa.

"Tapos ka na?"

Mabilis na sulyap lang ang binigay saakin ng dalawa.

"Wait lang, Santh." usal ni Rash.

Lumipat ako sa upuan na katabi nila kahit hindi ako kasali sa kanilang laro. I fidget on my phone while they are busy. 

Hezekiah:

Kumain ka.

That is the last text he sent. Eksaktong lunch iyon at ngayon ko lang nabuksan.

Ako:

Heze, I ate before doing my plate. I'm done with it now.

Napabuntong hininga ako. Hindi siya nag reply.

It's been more than two weeks since I last saw him. Hindi na siya bumalik ng unit muli. Huling kita ko na sa kanya noong tulog siya.

He's texting me reminders but he's not replying back with my texts. Kahit ang ilang messages pa ang isend ko ng sunod-sunod ay parang hindi niya iyon nakikita.

We attended our last class for the afternoon. Lugong lugo ako noong lumabas kami ng room. Hinding hindi ko talaga magugustuhan yung straight 3 hours classes. Nakakadrain hindi lang ng utak at energy, minsan kaluluwa din.

Nag uusap si Theo at Rash sa unahan ko habang nakasunod lang ako sa kanila. I check my phone while walking.

Hezekiah:

Don't ride cabs.

Mayroon pang isang kasunod iyon.

Hezekiah:

Be with Theo or Rash. Safe ride.

I adjusted my shoulder bag and type a reply.

Ako:

Okay. How's your day?

I tap send and compose another message. Alam ko namang hindi siya magrereply. I tried for straight two weeks per wala pa din.

Ako:

I hope you had a good time. Take care, Heze :)

I sigh deeply before putting my phone back to my bag. Tumigil kaming tatlo sa tapat ng kotse ng dalawa na magkatabi ng parking space.

Rinig ko ang pag uusap nilang bibili sila ng materials para sa miniature. Mabilis kong naintindihan na kailangan na nilang magmadali sa paggagawa.

"Actually, I can just take a cab?" suggestion ko.

Sabay ang paggalaw ng kanilang ulo upang lumingon saaking kinaroroonan. Mukhang naalala nilang kasama nila ako ngayon.

"No!" sabay nilang pagtanggi matapos matigilan ng ilang segundo.

I look at them puzzled.

"It's okay. Sanay naman ako." kumbinsi ko dahil nakakahiya namang makaabala pa.

"No, no. Hatid na kita, Santh." mukhang seryoso si Rash doon dahil agad niyang pinatunog ang kanyang kotse pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Sure?" tanong ko.

"Yup, saglit lang naman." He smiled.

Ngumiti rin si Theo saakin at nagkamot ng ulo.

"Bye, Eba." sabi niya noong buksan ko ang passenger seat ng kotse ni Rash.

"Dude." iyon ang huli kong narinig na tawag niya kay Rash bago ako pumasok ng kotse.

Tinapik ni Rash ang balikat ni Theo at tumango bago pumasok sa loob.

"Okay, let's go princess."

I rolled my eyes on him. Ngumisi siya bago tumawa. Napansin ko ang pagkinang ng kanyang silver stud piercing sa kanyang tenga. Siya lang sa kanilang apat ang meron noon.

Silang dalawa lang ni Six ang mahilig na maglagay ng kung ano sa katawan. Rash has a piercing, hindi ko pa naman nakikitang nag exceed iyon sa isa pero feeling ko ay maraming butas ang kanyang tenga dahil iba iba ang nakikita ko sa kanya. It's just one at a time, though.

Si Six naman ay may mga tattoo. Heze and Theo look more rugged above them but they don't have anything on their body.

Rash and I just talked about school stuffs while on the way. Kating kati na akong magtanong sa kanya tungkol kay Heze kaya naman kahit hindi pa tapos ang topic namin ay siningit ko na ang aking katangungan.

"Rash, hindi din ba siya nagpapakita sa inyo?" tanong ko.

Lumingon siya saglit saakin.

"Santh, busy yon. Tsaka busy din tayo. The last time we saw him is with you at the '89."

Huminga ako ng malalim at tumango.

"Baka sakali lang..."

I forgot, hindi na nga pala sila nakakalabas ni Theo.

"Just please tell me if he did."

He nodded at me. Nakatingin pa rin siya sa daan.

"Of course, Santh." he sigh.

Ilang saglit siyang hindi nagsalita kaya akala ko ay tapos na ang aming pag uusap ngunit muli ay narinig ko ang kanyang boses.

"Ano ba kasing nangyari? Sayo lang yon nagpapakita madalas, it's weird to have you asking about him from us."

Umiling ako at malungkot na ngumiti. Diretso ang tingin ko sa unahan.

"Nothing. We just..." I stopped for a while. "...fought."

I heard his low chuckle, parang nananantsa kung tatawa ba o magiging seryoso.

"What's new?"

Yeah, what's new?

It's not petty anymore. We hurt each other. He chooses not to show up rather than fixing this. It's almost three weeks now and all I'm receiving are just plain texts made by a playing robot. All of them are new.

I sigh. "It's the first time we fought this long."

"Santh, buntot mo iyong gagong 'yon. Hindi yon mabubuhay ng hindi nakasunod sayo. Kung ginagawa niya ito ngayon baka may mabigat na dahilan."

Umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita. There is...

"Thank you, Rash." I said when we reach the condo.

Tumango siya saakin at ngumiti.

"Always, Santh. Chill lang, hindi ka non matitiis."

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at tumango.

Sana nga.

Agad akong natulog pagkadating ko sa unit. It was just a short nap. Nagising ako na madilim na sa labas.

Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref. Napakamot ako ng ulo noong makitang tubig nalang at mga palaman ang laman ng ref ko. There's nothing left for me to cook.

I ended up eating wheat bread for dinner. Kunyari nalang diet ako. Tsaka sabi kaya, hindi pwedeng madami kumain kapag gabi.

Sino bang kinukumbinsi mo, Santh?

Tumunog ang cellphone ko habang kumakain ako ng tinapay na pinalamanan ko lang ng nutella.

Hezekiah:

Eat dinner.

Oh, yes. I'm eating now.

Ako:

You too.

Dala ko ang huling nutella sandwich na ginawa ko habang inaayos ko sa living room ang miniature ko. Actually, nag eenjoy akong gawin siya dahil sobrang cute niya. Excited na nga akong lagyan pa ito ng ilaw. It would be really nice!

Sana ibalik saamin pagkatapos magrade-an. Seriously, anong gagawin ng prof ko dito sa sobrang dami naming magpapasa! Hirap ko to no, deserve kong idisplay ito dito sa bahay!

Actually, tapos ko na ang details ng kabuuan. I'm just busy now with furniture and fixtures. Ang hirap niya kasi gawin kasi syempre, cute size din dapat lahat.

Habang ginagawa ko ang miniature ko ng kama ay umilaw ang phone ko. Kumunot ang noo ko noong makita ang pangalan ni Theo na nakikipag FaceTime.

I accepted it. Bumungad ang kanyang mukha saakin pati na din si Rash. Oh, it's a group call!

"Hi!" bati ko sa kanilang dalawa.

"Patingin ng sayo, Santh!" request agad ni Theo.

Ngumisi ako at pinakita ko ang kasalukuyan kong ginagawa ngayon.

"Woah!"

"Sana all matatapos na!"

Natawa ako sa reaksyon nila.

"You're done with the landscape too?"

"Yup, inuna ko para yung maliliit yung huli. Ayos lang naman diba?"

"Yep, mas mahirap nga yung malilit kaya better kung huli." sagot ni Rash.

Pinakita nila saakin ang kanilang nagawa na. Totoo ngang walls palang iyon. But they can do it, mabilis lang iyon para sa kanila.

"I'm doing the roof and ceiling now." saad ni Theo at pinakita saamin ang kanyang ginagawa.

"I'm gonna do the small details." si Rash.

"Oh?" tanong ko sa kanya. Ako kasi, iyon ang hinuli. Siguro nasa gumagawa talaga kung anong uunahin no?

"Yup, I wanna accomplish the inside first."

Tumango ako. Naghanap ako ng maaring sandalan ng phone ko upang hindi ko na iyon hawakan. Gumagawa kaming tatlo habang nagku-kwentuhan.

Mukhang may ibang trip ang dalawang ito ngayon dahil madalas naman ay gusto nila na magfocus sa ginagawa nila. Kapag nga sa school kami gumagawa ng plate kanya kanya kaming mundo eh!

"May presentation pa to diba?" tanong ni Theo, looking serious on the cam.

"Yata? I think Sir will discuss it again naman for next week." sagot ko.

"Kumain ka na, Santh?" tanong nito saakin, biglang lumiko sa usapan namin.

"Yup! Wheat bread lang. Wala na akong groceries!" I laugh at my own poor state.

Hindi ko sila nilingon dahil abala ako sa paggagawa. Pangatlong kama na ito. My miniature has three bedrooms and a master's bedroom.

Mahigit isang oras din siguro kaming magkakausap bago magpaalam si Rash. Ilang minuto lang din ay nagdesisyon na kami ni Theo na patayin na ang tawag para mas makapag focus na kami.

Tinigil ko ang aking ginagawa noong mag alas-dyes. Hinayaan ko na sa coffee table ang ginagawa ko at konting paglilikom nalang ang ginawa ko since gagawin ko rin naman iyon bukas.

Pumasok ako ng kwarto para tumambay sa balcony. Nakatulala lang ako sa langit na mayroong iilang bituin at sa ilaw ng syudad.

My phone beeped in my hand. Tinaas ko ang kamay ko upang tignan ang mesahe. I know it's him.

Hezekiah:

Go out.

Kumalabog ang puso ko at pinaulit ulit ang nasa aking screen. Why is he asking me to do that? Nandito ba siya? He's not angry anymore?

Mabilis akong lumabas ng kwarto at halos takbuhin ko ang pintuan. I was smiling as I opened the door but it vanished immediately with the sigh of the empty hallway. Walang kahit sino.

Bakit mo ba ginagawa ito saakin, Heze?

Isasara ko na sana ang pinto noong makita ko ang dalawang box ng groceries sa aking unahan.

What the? I checked my phone.

Hezekiah:

Eat real foods.

I held my phone tightly as my tears started to fall down.

The only motivation I got to continue trying to be fine is him. Baka kasi hindi niya magustuhan. His texts also helped me be okay. Kasi ramdam kong nag aalala pa siya.

Pero gago, hanggang kailan ba niya balak maging ganito?

Nanginginig ang kamay ko habang nagta-type ng sagot sa kanya habang umiiyak. My tears fell on the screen.

Ako:

I hate you!

I sobbed and I stared at my phone. Muli akong nagtype.

Ako:

I miss you, Heze. Please

Ako:

Please talk to me

Ilang minuto ang hinihintay ko ngunit wala akong natanggap na sagot. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko.

I think I'm gonna need some alcohol tonight. 

Continuar a ler

Também vai Gostar

Crystal Breeze Por jeil

Ficção geral

1.2M 40.7K 53
Legrand Heirs Series #2 In between someone who sticks to his beliefs and someone who leaves her principles behind, who will be the first to surrender...
1.1M 32.7K 42
Samantha Greyshel Enriquez, a supermodel who gets cheated on by his long term boyfriend, Xander Abueva. He left her for her best friend. Their relati...
116K 7.6K 24
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...