Love, Love.

By dolletienne

354 12 13

(GENRE: ROMANCE, COMEDY, SLICE OF LIFE) Love - pwedeng abstract noun, pwede rin proper noun More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 2

48 1 10
By dolletienne

Chapter 2

Bigat ng ulo ko.

Sino ba kasing nag imbento ng alak na yan?! Hindi na ako iinom nyan. Masama yan. Lason lang yan sa katawan.

7:50 AM na syet! Late na ako sa klase kong 7:30 AM. Lalo pa akong nagtatagal dahil hindi pa ma-read ang finger print ko. Tunay kang nakakapangatal.

Ugh, what the frick! Wala talagang mabuting maidudulot ang alak!

Naglakad na ako nang mabilis dahil nakakahiya namang tumakbo. May mga parents pa kasi na kahahatid lang sa mga anak nila.

Daig ko pa ang kandidato sa sobrang smile ko kahit alam ko namang pagchihismisan lang ako ng mga yan. Aware naman silang late na ako. Mamaya niyan nasa group chat na ako. Daig pa ang cctv.

Sa malayo naman ay ang sama ng tingin sa akin ni Naughty Girl. Hindi rin nakatakas sakin ang pagiging ube halaya nya today. I love our fashionista girl naman talaga. Sorry naman at hindi ko naabutan ang pa-morning prayer nya sa Faculty Room. Parang wala namang bisa dahil sa sama ng ugali nya.

Oops! Kayo na nga pala ang bahalang humusga.

Pucha naman, ako lang talaga ang late.

Halatang halata sa labas kung gaano kagulo ang klase ko. Kitang kita ko naman ang struggle ng president ng klase sa pagpapatahimik. Buti nga at nasa loob na sila eh. Siguro pinapasok ni Viv.

Nang makita ako, tumakbo papalapit sa akin ang president at inagaw sa akin ang mga dala ko. Puro sumbong rin sya na wala naman akong maintindihan. Hindi naman sila magkanda ugaga sa pag lipat sa kani-kanilang mga upuan nang makita akong papalapit na.

Tumayo sila nang tuwid at binati ako.

"Si Teacher late."

Tatawa-tawa naman ang mga chamita. Inutusan ko na silang gawin ang morning routine nila na paimbento ko lang. Morning prayer and exercises.

Aligagang aligaga naman ako dito sa likod. Hindi ko alam ang uunahin ko. My gosh!

"Teacher ayaw pong sumunod ni Troy!"

"Troy..." warning ko

Pinanlakihan ko lang ng mata ang mga bata. Sumunod naman sa steps ng exercise ang isinusumbong. Kaimbyerna, kailangan pa talaga parating special mention bago tumino.

Wag ngayon ha. Ang sakit talaga ng ulo ko. Wala pa akong masyadong marecall sa nangyari kagabi. Wasted nga yata talaga ako. Ano bang mayroon at sobrang saya ko naman yata? May gwapo siguro at nagpabibo ako. Yun lang talaga ang tanging naiisip ko.

Uminom ako ng tubig at chinarge ang cellphone kong namatay. Kingina napalaban talaga ako kagabi, ah. Parang walang pasok kinabukasan!

Natapos na ang morning routine ng mga bata ko kaya nag-iingay na sila. Agad naman tumayo ang secretary ng klase sa unahan. Natrain ko na yan.

"Quiet!"

Nairaos ko naman ang klase ko sa umaga. Buti na lang mga higher grade level ang pang-umaga ko kaya hindi gaanong sinusuway.

"Kumustasa kamatis? Tayelz laps."

Ang laki ng ngisi ni Tracy sa may pintuan. Wallet lang ang dala nya dahil lunch break na. Gustong gusto ko syang tanungin tungkol sa nangyari kagabi pero pucha, ayaw ko namang aminin na wala akong maalala.

"Kiber lang. Gora."

Gusto kong sungalngalin sa esophagus ang babaeng to. Ang halay kasi ng pagkakangiti. Alam kong may meaning yun eh.

Bakit? Anong mayroon? Anong nagawa ko? Pilit na pinakakalam ko ang sarili ko. Kunwari ay nasa katinuan pa kahit na mamamatay na ako sa curiosity.

"Ay taray! Shala beki mukhang mahalia jackson ang karumbang. Biglang liko kayo chie?"

My goodness! Ano raw?

Nahimasmasan na ako nang kaunti kanina pero parang bumabalik ang sakit ng ulo ko. Naiintindihan ko naman ang mga sinasabi niya. Ganito talaga kami kapag hindi mapigilan ang mga bunganga na dumaldal pero may mga bata sa paligid. Mahirap na! Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay ang mga kinukwento nya ngayon.

"Anechi?!" hindi ko na mapigilang magtanong

Did I heard it right?

"Booking dot com ka mars. Betchina mo i-spoon feed ko pa sayiz. Daks ba?! Sobrang BY, nakakainggit! Beke nemen maistory book mo pa boomchi."

"Ate nancy?! Ate gina?!" gulong gulo na ako.

"Hoy wit! Sightsuraka ka namin humahada ka so wapakelz."

What the frick?! Pinabayaan lang ako ng mga bakla?

"Yes! Lavan, mars. Pak!"

Ganda kami tonight kasi magsasaya naman kami. Effort na effort ang mga beki sa damit at muk-ap. Kung magluluksa lang naman kami hindi naman ganito. Baka nga hindi na kami umawra at bumili na lang sa 7/11.

Dyan lang kami sa Lickle. Chill lang dahil may pasok pa bukas. Konti lang iinumin kasi mga responsable kami.

Maingay pagkapasok namin. Wala pa nga lang masyadong tao dahil siguro nga weekdays. Okay lang! Chill lang naman talaga kami.

Lapag naman ng lapag ng alak si Viv. Very happy si bakla.

"Backstreet boys."

Sabay kaming napalingon ni Viv sa signal ni Tracy. Napaismid na lang dahil hindi naman epek.

"Kyonget sis." si Viv

"Shrue. Ang panget talaga ng taste mo."

Uminom lang kami. Ladie's drink lang kaya walang tama.

"Nga pala, sightsung nyo ang daddy ni Santino?! Very daddy naman talaga!" naeexcite kong kwento

"Hoy malandi ka! Sa akin lang ang asawa ko!" si Tracy

Nag make face naman si Viv. Grabe naman to, ang hirap iplease?

"Gurl ano ba to? Pang kinder naman tong binibigay mo samin. Edi sana nag yakult na lang tayo." reklamo ni Tracy

"Akin na nga yan, wag kang uminom. May pasok pa bukas, no. Ayoko ngang pumasok na mukhang tuyot bukas." si Viv

"Hindi yan! Ano tara absent tayo." si Tracy

"Bakla ka ng taon."

Pero walang makakapigil sa kanya dahil agad syang nagtawag para umorder pa ng alak. Ang kapal naman talaga ng mukha, akala mo naman sya ang magbabayad. Pero to be honest, okay lang. Medyo naexcite at ginanahan ako kasi ako dahil dumating na ang banda.

"Woooo! Si Alain! Pogi mo!" si Tracy

"Sinetch?" tanong ko

"Yung vocalist. Yung naka graphic shirt! Minsan lang yan lumabas. Tonight is a lucky night." kinikilig na sagot niya

"Ay, love it!" si Viv na nakuha pang pumalakpak

Halos lahat ay nakatuon ang atensyon sa kanila. Nag mic test pa lang ay parang maiihi na ako. Ang lalim ng boses.

Nagtulakan kaming tatlo sa kilig. Pareparehas siguro kami ng nasa isip.

"Ano wet na kayo? Hintayin nyong kumanta yan." si Tracy

Napatingin na lang kami ulit sa stage habang inaadmire si Alain. Matangkad sya at maputi. Cute sya pero mukhang pasaway.

"Good evening guys. We are The Gremaine."

Nagsigawan ang mga tao na hindi namin napansin na dumami na pala. Medyo napalingon lingon naman ako sa paligid sa isang bagay na bigla kong narealize. Sa dagat ng mga ito, baka may parents, or worst, students! Yung mga senior high school or college students! Bigla na lang akong napraning. Tumatanda na ba ako?

Under your eyes in the city lights

Natahimik naman ang tao pero may isang di mapigilang tumili. Napangiti naman si Alain dahil dun.

Grabe naman kasi yon. First line pa lang parang hinahagod na ang buong pagkatao ko. Sobrang lamig ng boses niya napakalma ako. Parang gusto ko syang sundan kahit saan.

You got little bit of sex in you
And that's all I wanna do
Girl, you're all I wanna do

Napatingin na ako kay Tracy na kilig na kilig. Si Viv naman napapakagat labi na. Lasing na yata. Weak ang friend natin.

Napainom na lang ako sa nararamdaman ko. Ang gwapo ng boses! Search ko rin sya mamaya sa Facebook kapag di ko nakalimutan.

"Sis parang niroromansa ako sa boses nya." si Tracy

Tawang tawa naman kaming tatlo. Napapainom na lang kami dahil ang sarap kapares ng boses nya sa malamig na alak. Ganun kaganda ang boses nya.

Naiiyak na lang ako bigla. Pakiramdam ko ay ako ang nagpalaki at nag alaga sakanya. Feeling ko nga ako ang nagdala sa kanya sa sinapupunan. Sobrang nakaka proud! Gusto ko siyang yakapin at batiin mamaya.

Nakatapos na sila ng tatlong kanta at dalawang song request ay inom lang ako nang inom. Hindi na namin nagawang makipag chikahan dahil para kaming nahypnotize ni Alain. Nakaubos na ako ng ilang bote at parang wala pa naman akong tama. Sabi ko sa inyo, chill lang. Yun nga lang, naiihi ako. The downside. Nanghihinayang naman ako dahil ayaw kong maalis tingin ko sa kanya. Pero sasabog na yata ang pantog ko. Hindi ko na kayang pigilan.

"Cr lang ako." paalam ko

Parang hindi nila ako narinig dahil busy sila kay Alain. Pagtayo ko ay medyo nahilo na ako. Nararamdaman ko na rin ang bigat ng katawan ko pero kaya ko pa naman. Ihing ihi na talaga ako.

Iflinush ko na ang toilet. Naghugas ako ng kamay at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

Pulang pula na ang buong mukha ko. Namumungay na rin ang mga mata ko. Ngumiti pa ako dahil mas lalo yata akong gumanda. Bagay pala sakin ang namumula. I giggled. Tinapik tapik ko naman ang pisngi ko. Lasing na ba ako? Hindi pa, ano! Hindi ako pwedeng malasing. Not on Tracy's watch. Wala akong tiwala.

Lumabas na ako. Gusto ko ng tubig.

Hindi muna ako dumiretso sa table namin at nagpunta muna ako sa counter. Nang bigyan ako ng hinihingi ko ay agad kong kinuha at ininom.

"Easy, girl."

Nagpantig naman agad ang tenga ko. Hindi ko gusto ang paratang nya sakin ah. Yung principal nga naming panot na always gg hindi ko ginaganyan. Sya pa kaya na hindi naman ako kilala!

Nilingon ko kung sino man sya. Para akong nakakita ng demonyo dahil saktong nastuck ang lights sa pula. Gwapo naman sya pero judgemental sya.

"Excuse me? Hindi ako easy girl!"

He chuckled. Inirapan ko sya.

Sa pag-irap ko sa kanya ay napabaling ang tingin ko sa stage. Nakita kong wala na sina Alain at ibang banda na ang nagseset-up dito. Huy naman! Nasaan na siya? Nasaan na ang anak ko?

"Huy bakit ka umiiyak?" si red_demon_cute_judgemental_boy

Ano ba yan?! Lasing na ba ako? Mali-mali na ang order of adjectives ko. I don't want to admit but can't think straight. Lalo pa at nawala na sa paningin ko si Alain.

Wala akong pakialam sa epal na to at hinanap ko si Alain. Sobrang struggle dahil gumagalaw ang paningin ko. Pero hindi pwede. Kailangan ko syang makita. Where are you my baby boy?

Nakita ko naman sya sa bandang unahan. Tumayo ako pero biglang na out of balance. Tinulungan naman ako nitong si unknown guy na hindi pa pala ako nilulubayan. Bakit ba nandito pa rin sya. Annoying and creepy.

"Hey!" saway niya sa akin nang nagpumiglas ako

"Chupi ka nga dyan. I'm not lasing."

"I see."

Naglakad na lang ulit ako at pinabayaan ko na sya doon. Kailangan kong puntahan si Alain.  Kailangan ko syang makausap bago pa sya mawala na naman sa paningin ko.

Nakailang bunggo pa ako bago makalapit sa unahan. Naluluha naman ako dahil abot-kamay ko na sya. Ito na. Nasa harapan ko na sya. Gusto ko na syang mayakap.

"Alain!"

Humarap sya sa akin nang nagtataka. Ako lang to, Alain. Ako lang naman ang nagluwal sayo. Niyakap ko sya at baka sakaling maalala niya. Natigilan sya at naghiyawan ang mga kasama niya.

"Uy pare sino yan?"

"Nayari na!"

Ang bango-bango! Amoy fabric conditioner.

"Miss—"

"Proud na proud ako sayo, anak. Ang galing mo! Congrats!"

Lalo akong naging emosyonal at bumuhos pa ang luha ko.

Nagcheer ang mga kaibigan niya habang tumatawa. Mukha naman syang confused. Hinaplos ko ang pisngi niya. Ang lambot. Ang galing ko naman pala mag-alaga.

"Buti hindi mo pinababayaan ang sarili mo."

"Sinong kasama mo?" tanong niya

Inalalayan niya ako at pinaupo.

"Ay tamang tama. Ipapakilala kita sa mga ninang mo. Ayun sila o!" turo ko

Sabay-sabay kaming napatingin sa table kaso walang tao. Naroon pa ang mga drinks namin pero wala na ang mga gamit. Hindi ako pwedeng magkamali dahil hindi naman ganung kalawak ang lugar na to. Tsaka hindi pa ako lasing.

"Huh? Nasan na sila? Iniwan ako?" naiyak na naman ako

Pano na yan?! Paano ako uuwi? Sino ba ako? Taga saan ako?!

"Miss—"

"Ako na ang bahala, Al."

Napasimangot naman ako. Ito yung epal kanina pa.

"Uy, Hugh pare! Sorry! Wala akong ginawa. Kilala mo? O sige. Luluwas pa ako eh. Talo lang ako sa pustahan kaya napauwi. Ingat ah."

Wala na akong maintindihan. Umingay na naman ang crowd dahil nagsimula nang kumanta ang sunod na banda.

Wala ako sa sarili ko. Basta umaalog alog lang ako dahil parang may humimihila sa akin. Teka, humihila! Sino to?!

Tumigil sya sa paghila sa akin dahil binabawi ko sa mahigpit na pagkakakapit niya ang kamay ko.

"Shh. Iuuwi na kita, Love."

A/N: Nasa comment po ang translation hahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

482K 23.1K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
694K 7.9K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...