✔Welcome to the Asylum

NoxVociferans

18.1K 2K 226

Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo Еще

Welcome to the Asylum
PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
EPILOGUS

VIGINTI

369 62 1
NoxVociferans

---

NARITO na sa Eastwood Asylum na ang dating warden.

The 30th day of April.

"Ibig sabihin, dalawang araw na pala akong walang malay," hindi makapaniwala kong sabi.

Agad na dumako ang mga mata ko sa parteng sinaksakan ng syringe ni Dr. Rabbit. Bakas pa rin sa braso ko ang maliit na sugat at mga pasa mula sa pagkakahawak nila sa'kin. I tried not to think much of the fact that the syringe wound looked similar to the other ones on my forearm. Hindi ko maalala kung kailan ko nakuha ang mga 'yon. Posible kayang may itinuturok rin sila sa'kin habang natutulog ako?

Shit.

"P-Pakawalan niyo ako rito... Hindi ako... H-Hindi ako---"

'Nababaliw? Nahihirapan ka ring kumbinsihin ang sarili mo. Magmula noong bata ka, ganyan ka na, Asmodeus. 'Wag ka nang magtaka kung wala ka na ngang naaalala.'

Natataranta akong nagpalinga-linga sa paligid. Wala na roon ang mantsa ng dugo. Malamang inalis na nila ang bangkay ni Nurse Bruce. I wonder what punishment the warden will give me next? I can't wait.

'Sana sunugin ka na lang niya nang buhay.'

Hinanap ko pinanggalingan ng boses, pero bukod sa mga gumagalaw na mga anino, wala na akong ibang kasama rito. Napalunok ako dala ng kaba at nanginginig na sumiksik sa gilid ng kama.

"W-Wala akong ibang kasama rito... Wala."

Tuluyan nang nabasag ang boses ko habang pinapakiramdaman ang kadilimang gusto na akong lamunin. Kinakabahan ako sa hindi ko malamanag dahilan. Anumang oras mula ngayon, alam kong may lalabas mula sa ilalim ng kama ko at gigiltan ako ng leeg. Fuck. Bakit ba umiikot na naman ang paningin ko?

'Di kaya nagmumula ang boses na 'yon sa isipan ko?

"Hahahahaha!"

I rolled on my back laughing. The demons growled in anger. The voices inside my head screamed like they were being tortured. Funny. The voices sounded like my own, once upon a time when I was being fucked and tortured at home. Gusto kong magtakip ng mga tainga, pero hindi ko ito magawa dahil nakatali ang mga kamay ko. Lalo lang lumakas ang pagtawa ko.

"Do you want a bet if I'm a pyscho or not?! HAHAHAHAHA!"

Sinagot ako ng nakabibinging ingay ng pagbukas ng pinto. Maya-maya pa, pumuslit sa loob si Nurse Isabelle na para bang nagmamadali. Hinihingal pa siya at tumagaktak ang pawis mula sa gilid ng kanyang mukha. Nang magtama ang mga mata namin, hindi na ako nagulat sa naging reaksyon niya.

She stared at me with so much pity, it almost made me want to snap her slender neck. Paniguradong nakakaaliw pakinggan ang tunog nito.

"Kanina ka pa ba gising? Sorry, I'm late. We're a bit busy entertaining the former warden."

Imbes na sagutin ang tanong niya, tumalim ang mga mata ko nang mapansin ang hawak niyang tray. Napasimangot ako. Naalala ko na naman ang huling linya sa journal. I found myself trusting those words, even though I have no idea to whom they belong to. Nang makalapit sa'kin si Nurse Isabelle, marahan niyang ibinaba ang steel tray sa harapan ko at sinimulang tanggalin ang mga tali ng straitjacket.

Tuluyan na niya itong nakalas. Walang-buhay lang siyang ngumiti sa'kin at inalis ang takip ng tray. Panandalian ko pang nakita roon ang sarili kong repleksyon. Ilang sandali pa, binasag ng dalaga ang katahimikan.

"It's time to take your meds, Asmodeus."

Bumungad sa'kin ang isang platitong naglalaman ng mga gamot na ipinapainom nila sa'kin. The assorted dull colors made them less appealing. Sa tabi nito, nakaabang na ang isang baso ng tubig.

Nakatitig lang sa akin si Nurse Isabelle.

"May problema ba?"

Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko. Nagsisisi na ako kung bakit hindi ko pinaghinalaan ang mga gamot na 'yan noong una pa lang.

"Hindi ako iinom niyan."

"Kung hindi mo 'to iinumin, baka mag-hallucinate ka," she replied.

"Does it look like I give a damn anymore? Ginagawa niyo na nga akong baliw dito eh!"

"A-Ano? Asmodeus, anong nangyayari sa'yo? Mahigpit na ipinagbilin nina Dr. Rabbit na---"

"Na ano? Patayin niyo ako? Hahaha! I wouldn't be surprised if those pills contain poison. Kasabwat ka rin ba nila, Nurse Isabelle? Pinagtutulungan niyo ba ako, ha?! Ano bang ginawa ko sa inyo?!"

Ni hindi man lang natinag ang nurse. Napalitan ng pag-aalala ang emosyong sumilay sa kanyang mga mata. Her dry lips curled into a snarl as she glared at me. Masisisi niya ba ako? Hindi ko na kayang magtiwala sa kahit na sino. Napapagod na ako. Gusto ko nang matapos ang paghihirap ko, pero hindi ko alam kung sa paanong paraan.

"What the fuck?! Lahat na lang ba ng tao, paghihinalaan mong niloloko ka? Sinusubukan ka lang naming tulungan, pero ikaw na mismo ang tumutulak sa'min papalayo. 'Wag mo nang itanggi. Alam ko namang plano mo lang kaming gamitin para makaalis ka rito," may bigat sa bawat salitang binibitiwan ni Nurse Isabelle. Her mood shited so suddenly that I didn't even notice it until she said, "Wag kang mag-alala. Matatapos na rin ang pagdurusa mo rito sa Eastwood Asylum. Pero gusto ko lang sabihin sa'yong nag-aalala na rin ang mga kaibigan mo... Ang mga kaibigang plano mong iwanan dito."

"P-Paano mo---?"

Marahas na ibinagsak ni Nurse Isabelle ang takip at tuluyan nang naglakad papalayo bitbit ang tray. Ramdam ko ang lungkot at pagkadismaya niya sa'kin.

"I'll stick with my part of the plan, pero sana maging masaya ka na. After tonight, I hope you'll finally find your own version of paradise."

Pinanood ko siyang umalis. Tuluyan na niyang isinara ang pinto at muli na naman akong tinawanan ng mga demonyong nakabantay sa'kin. 'Nag-aalala sa'kin sina Mary, Richard, at Albert?' marahan akong umiling at bumalik sa pagkakahiga sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kisame habang pilit isinasantabi ang bulong ng konsensiya ko.

Mamaya na nga pala ako tatakas dito.

Fuck. In this mental state, I don't think I can make it far enough to reach those gates. Inayos ko na lang ang unan ko.

Noon ko lang napansin na nawawala ang journal na nakatago sa ilalim nito.

*

Sinabi ko noon sa sarili ko na gusto kong mapunta sa asylum. Nakakasawa na rin kasing umuwi nang kinatatakutan ko ang sarili kong mga magulang at pumasok sa eskwelahan nang kinaaawaan ako ng sarili kong mga kaklase. Eventually, waking up felt more like a curse than a blessing. I even made it to the point where I can no longer distinguish what is real and what is not.

"Sana sa loob ng asylum, maging masaya ako."

Tuluyan nang winasak ng masasamang karanasan ang linyang humahati sa reyalidad at imahinasyon.

I was just a kid back then. I was stupid enough to believe that this place will treat me better. Totoo nga yatang hindi mo dapat hinihiling ang mga bagay na hindi mo lubos nauunawaan. Ngayon, nabubuhay na ako sa loob ng isang bangungot, umaasang may paraan pa para makatakas ako rito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Saan ba dapat ako pumunta?

Saan ba talaga ang "paraisong" sinasabi nila?

Pagkagat ng dilim, tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Hindi na muling bumalik si Nurse Isabelle at hindi nila ako pinalabas para sa labinlimang minuto ng kalayaan. Gustuhin ko mang kausapin sina Albert, Mary, at Richard, hindi ko alam kung paano. Ito na lang ang kaisa-isa kong pagkakataon para makalabas rito, pero mukhang nilalabanan talaga ako ng tadnana. Fate never wanted to be on my side. Now, she's mocking me with this sudden turn of events.

Suddenly, all that desperation was slowly sinking down the bottomless pits of despair.

Down, until it's lost forever.

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ng mga pader. Kanina pa nila ako kinakausap, pero hindi ako umiimik. Tuwing tititig naman ako sa kisame, para bang nagkakaroon ito ng mga pangil na lalapa sa'kin. May mga ingay na hindi ko dapat naririnig. Paminsan-minsan akong napapadpad sa isang sulok kahit na hindi ko maalala kung kailan ako tumayo mula sa kama. Sumasakit na ang ulo ko. Kanina ko pa tinigilan ang pakikipagtalo sa boses sa isipan ko.

"Gusto ko na lang mamatay," paos kong bulong habang nakahiga sa sahig.

They say that people die once in their lives. No, they're wrong... Everyone dies more than once, but only the last is final.

A final death.

Huminga ako nang malalim at hinayaang kumalam ang sikmura ko. Aasa na lang akong malalagutan na lang ako ng hininga at matatapos na ang lahat ng ito.

Just then, I heard a strange noise.

Para bang... Tunog ng mga kandadong binubuksan?

Bumilis ang pintig ng puso ko. Agad akong lumingon sa direksyon ng pinto. 'Posible kayang...?'

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko roon ang ipinuslit na ID sa ilalim ng pinto.

'She did her part of the plan, afterall.'

---

If the dead can speak, they'll tell you to stop

all your foolishness and misery;

Instead of crying for the ones at peace

it is the living you should pity.

---NoxVociferans

Продолжить чтение

Вам также понравится

3.6M 160K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
glance ‏‏‎ ‎

Короткий рассказ

40K 4.9K 38
leila (nayeon)'s face appeared like rose petals, so he pricks himself by always touching her; and he likes it haha YIKES. Highest rank; #9 in short s...
4.8K 832 12
"You're just a wandering soul now, Dora Marquez. Let me make the decision for you... Tanggapin mo ang inaalok kong serbisyo." Swiper the Fox, an anim...
55.6K 5.3K 48
Neverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader...