H.E.L.L.I.S.H LOVE ♥

By sassyabhie05

35.9K 1K 488

INAH SHANEISHA HEIMZ, isa sa MEAN GIRLS ng HARTNER UNIVERSITY... she's tough,impulsive and spontaneous... per... More

H.E.L.L.I.S.H LOVE <3
[1] MEAN GIRLS !
[2] OH-SO-SWEET TRAVIS ^__________^
[3] BABE, I LOVE YOU !
[4] ALL YOU ARE IS MEAN !
[5] WHAT THE H.E.L.L ??
[5] WHAT THE H.E.L.L ?? [bonus chapter] >PART 1<
[5] WHAT THE H.E.L.L ?? [bonus chapter] >PART 2<
[6] IT'S THE END... WHERE "THEY" BEGIN... >PART 1<
[6] IT'S THE END... WHERE "THEY" BEGIN... >PART 2<
[7] BATAAN HAS FALLEN >PART 1<
[7] BATAAN HAS FALLEN >PART 2<
[8] HOWARD, COWARD?
[9] HEVN, THE ANOTHER GIRL??
[10] PRIDE.
[11] THE MEAN GIRLS(AYA / SAM)
[12] JEALOUSY.
[13] UNDENIABLY JEALOUS.
[14] GOODBYE TRAVIS.
[15] OBLIGATION? RESPONSIBILITY?
[16] SIGNS.
[18] CONFUSED.
[19] HER CONFESSION.

[17] THINK NEGATIVE.

843 23 14
By sassyabhie05

dedicated kay Misskpoplover , natuwa po kasi ako sa iyong mga comment :)) hehehe. Salamat sa suporta ^_^

--sassyabhie05

***********************************************************************************

INAH’S POV...

“INAAAAAAAAAAAH!” napalingon ako sa pinaggalingan ng matinis na boses na iyon. There I saw Sammy, running like a kiddo towards me -.-

“Are you Ok bes?? Are you really fine now?” she asked me while holding my arm.

“Sammy, you’re holding me too tight. Baka magkapasa naman ako nyan.” Sabi ko sa kanya. Agad naman niyang binitawan ang braso ko, “I’m sorry you’re highness!” tapos nag-bow pa siya >.< after that, tumawa pa siya ng tumawa. Uuuuh. Scary Sammy, She’s nuts -.-

“Ok lang ako Sammy, masama lang talaga pakiramdam ko kahapon.” Sabi ko sa kanya, ipinagpatuloy na namin ang paglalakad papunta sa klase namin.

“Great! Gusto mong gumala Inah?? Hindi na kasi tayo nagbe-bestfriends bonding ni Aya kaya naisip kong manood tayo ng movie then shopping tayo afterwards, what do you think?” nangingislap ang mata ni Sammy. Parang batang sabik na sabik gumala sa mall. Weird.

Nang nasa tapat na kami ng classroom ay humarap ako sa kanya, “Sammy, yung totoo? Bakit parang ang weird mo ngayon?? May nangyari ba?” curious na tanong ko sa kanya. Naglaho lahat ng ngiti niya, pero agad ding bumalik yung sigla niya kanina, pero ngayon, hindi na umaabot sa mata niya yung ngiti na binibigay niya, “Ano ka ba naman Inah? Kelan ba ako naging normal, matagal na akong weird. Ha-ha-ha. At saka, nagyayaya lang naman ako na magliwaliw tayo eh, ikaw talaga, echusera ka. Ha-ha-ha.” Tapos nag-iwas siya ng tingin at nagdire-diretso na sa pagpasok sa classroom namin. Napapailing na lang din ako habang sinusundan ng tingin si Sammy. Ano na naman kayang nagyayari sa bruha kong bestfriend, tss. Maya-maya, pumasok na din ako sa classroom namin.

“Halooo mga Bestfriend!” nakangiting bati samin ni Aya. Galing ang bruha sa pakikipagdaldalan sa mga kaklase namin. Talaga naman Oo. Tss. Tsismosa din yang si Aya eh.

“kamusta ka naman Inah?” baling sakin ni Aya maya-maya.

“Ok naman ako, masama lang siguro talaga pakiramdam ko kahapon kaya ganun.” Tapos ngumiti na lang ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ok na nga ako, kanina, I threw up a lot of times before I got here in the school. I have to put light make up so they won’t see how pale I am right now. Err. What’s going on with me? Am I really sick? Do I really have to go to the hospital and consult about my condition? I am afraid of what the doctor may tell me about this >_<

“Bestfriends bonding tayo later!” sabi na naman ni Sammy, isinisingit talaga ang paggagala, mukhang may problema talaga si loka *iling iling*

“Osige ba! Nuod tayo movie, gusto ko yung something funny! Hahahaha.” Sabi naman ni Aya, si Aya Danica Fortalez, asa ka naman na tatanggi yan, hilig kaya nyan ang mag-mall, certified galaera yan eh. Nako. Ako na lang ang kelangang kulitin ni Sammy. And I won’t make it that easy for her, not until she told me what’s bothering her >:D

“Inah...” tawag sakin ni Sammy. “Uy, Inah kasi, sama ka na.” *kulbit kulbit* tumingin ako kay Sammy, nasa likod ng upuan ko ang upuan niya, “Ok.” Sabi ko sa kanya... “YEHEY!” sigaw ni Sammy, tapos yayakapin na dapat niya ako ng dugtungan ko ang sasabihin ko, “Kapag sinabi mo na sa akin kung bakit ka nagkakaganyan ngayon. You know Sassy Abhie Malliari, you’re so transparent for me, that you can’t hide things to me.” Then ngumiti ako sa kanya, nalalag naman ang balikat niya sa sinabi ko. Tapos isinubsob ang ulo niya sa desk niya.

“Ano yon?? Nagsisikreto na kayo sakin hah?” sabi naman ni Aya. Nagkibit balikat naman ako nung tiningnan niya ako ng may pagtatanong sa mata niya. “wala akong alam, napansin ko lang kanina.” Sabi ko kay Aya.

“HOY! SASSY ABHIE MALLIARI! Kukurutin ko singit mo kapag hindi mo sinabi sakin sige ka.” Sabi ni Aya kay Sammy. Napapangiti na lang ako. Baliw talaga ang mga ito.

“Wala naman kasi yun eh, OA lang tong si Inah, may sakit ka pa ata Inah eh, kung ano-ano ang nakikita mo, naghahallucinate ka na dyan!” nakapout na pagmamaktol ni Sammy nung tumunghay siya.

“Guilty oh, namumula tenga!” sabi naman ni Aya, alam na naman namin kasi kung kelan namin mahuhuli si Sammy, tulad niyan, lage namumula tenga nyan kapag guilty, may tinatago, kinakabahan o whatever. Hehehe

Nagtakip ng tenga si Sammy, “Tantanan niyo ko mga bruha kayo.” Tapos asar na tumingin siya sa labas ng classroom namin. Nagkatinginan nlang kami ni Aya at natatawa sa ginagawi ni Sammy.

“Nga pala, nabalitaan niyo na ba? May transferee daw tayo? Next week pa ata ang dating pero sigurado na na dito sa section natin. Hantaray! Sana lalake! Hahahaha.” Sabi ni Aya.

“Ows?” maya-maya ay sabi ni Sammy.

“Wala, hindi ka kasali sa usapan, hanggang dito lang ang usapan eh.” Tapos nagform ng parang bakod si Aya na sakop kaming dalawa at hindi kasali si Sammy, baliw talaga ang mga loka. XDD

“Ansama *pout*” sabi naman ni Sammy.

Nagtawanan na lang kami ni Aya... nang biglang..

“AAAAh!” sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko. Napatingin sa akin ang lahat ng tao sa classroom, tapos lumapit sa akin si Sammy at Aya para daluhan ako.

“Inah! Anong nangyayari sayo?” nag-aalalang tanong ni Sammy.

“Inah?? Bakit? Anong masakit?” taranta namang tanong ni Aya.

“dalhin na natin siya sa infirmary!” sabi naman nung isa naming kaklase.

“bubuhatin na kita Inah.” Sabi nung class representative namin, si Ysmael.

“No... No... kaya ko pa naman.” Napatungo na lang ako sa sakit.

“Inah, ano ka ba? Tingnan mo nga yan, namimilipit ka na sa sakit tapos ayaw mo pading sumunod sa sinasabi namin na makakabuti naman para sayo. come on, punta na tayong infirmary.” Sabi ni Aya habang hawak ako sa braso.

“No. Nawawala na rin naman ang sakit eh.” Sabi ko na lang sa kanila.

“Inah, baka naman hindi ka nagkakakain kaya ka nagkakaganyan hah, o kaya nalilipasan ka na ng gutom, masama yan sa katawan.” Sabi ni Ysmael.

“Salamat. Baka nga.” Tapos, agad akong tumayo “Wait lang, magsi-CR lang ako.” Tapos agad akong umalis, sumunod naman sa akin si Aya at Sammy. Pumasok ako sa loob ng isang cubicle and throw up.

“Inah, magpunta na tayo sa hospital, hindi na uubra sa akin iyang tigas ng ulo mo, I’ll call Tita Shanelle.” Sabi ni Sammy.

“Don’t, please. I can take care of this. Pupunta akong hospital, but please, I want to go alone.” Sabi ko sa kanila. Hinintay kong mahimasmasan ako bago ako lumabas ng banyo.

“look at you, you look pale. Anong nangyayari sayo?” sabi ni Sammy. Hindi ko na lang siya inintindi at naghilamos ako ng mukha sa lababo.

“Sasama kami sa hospital.” Sabi ni Aya.

Humarap ako sa kanila, “no. Pupunta akong mag-isa, promise kapag may hindi magandang balita, ipapaalam ko sa inyo, please lang, hayaan niyo akong mag-isa.” Tapos, tumalikod na ako at iniwan sila.

Narinig ko pang nagbuntong hininga yung dalawa bago sumunod sa akin.

Pagdating ko sa loob ng classroom, nakaabang ang mga kaklase ko sa akin, “Ok ka lang ba talaga Inah?” Sabi ni Ysmael. Ngumiti ako bahagya at tumango. Ang classmates ko ang mga taong hindi ganung ilag o takot sa aming tatlo nila Aya, kilala na kasi kami nitong mga to, since first year pa lang, classmates na namin sila.

Pumunta na lang ako sa upuan ko at kinuha ang gamit ko, “I’ll go to the hospital, just tell our professor about this Ysmael. Thank you.” Sabi ko sa class representative namin bago ako nagtuloy sa paglabas. Nang makalabas ako, bumungad naman sa akin ang nag-aalalang mukha ni Dave >.<

“Isha, Are you all right?? Anong masakit sayo?? tara, dadalhin na kita sa hospital.” Hinawakan niya yung kamay ko at agad akong hinila. Nadaanan namin si Sammy at Aya, si Sammy nakatingin lang siya samin, nag-iwas ito ng tingin nung tumapat na kami sa kanila, si Aya naman, tumango lang sa akin. So? Sila pala ang nagsabi kay Dave? Err.

“Let me go.” Nang makalayo na kami dun sa dalawa kong bestfriend, hinatak ko ang kamay ko  kay Dave, napatigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.

“ano bang nangyayari sayo Isha?? Bakit ba nagkakaganyan ka? Sa ayaw at gusto mo pupunta tayo sa hospital!” sabi ni Dave, medyo tumaas yung boses ni Dave kaya napaatras ako, hindi ako sanay na ganito siya sa akin, maybe he’s mad kasi akala niya ayaw kong pumunta sa hospital para magpacheck up.

“pupunta lang ako sa hospital kung ni isa sa inyo nina bes ay walang sasama. I want to go there alone. And I promise, whatever the result would be, I’ll tell you. Just please, let me go there all alone.” Sabi ko kay Dave.

Lalong kumunot ang noo ni Dave, “are you hiding something Isha?? Is there something we should know??” tanong niya.

Umiling ako, tapos ay napatungo, “I’m not hiding something, I just want to go there alone.” Sabi ko na lang sa kanya.

“No.” Sagot ni Dave tapos hinawakan ulit ako, pilit kong inaalis ang kamay ko mula sa kanya, pero masyadong malakas si Dave kaya lagi lang niya akong nahihila.

“Ano ba Dave? Let me go. Bitiwan mo ako, hindi ako sasama sayo.” nagpupumilit na sabi ko sa kanya. Namalayan ko na lang na nasa may parking lot na kami ni Dave.

“No. Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sakin.” Sabi niya, tapos iginiya na ako papunta sa kotse niya.

“No.” Nagpupumiglas padin ako.

“Kung ayaw sayong sumama, ‘wag mong pilitin.” Napalingon kaming dalawa ni Dave sa nagsalita. Sheez. Siya na naman.

“Sino ka?” tanong ni Dave kay... HELL!

“Well? I am Howard Elvin Lorenzana, now, let go of her hand.” Sabi ni Hell kay Dave.

“Teka nga, wag kayong magsisimula ng away dito, uupakan ko kayo. Bitawan mo ako Dave kung ayaw mong magalit talaga ako sayo.” sabi ko sa kanya tapos inalis ang kamay niya na nakakapit sa akin. “At ikaw naman, bakit ka na naman nandito? ‘diba’t sinabi ko na sayong ‘wag ka ng magpapakita sa akin?” tukoy ko kay Hell.

Napangiti si Hell >_< Annoying. “bakit? Iniisip mo bang ikaw ang sadya ko dito?” mapang-asar na tanong niya sa akin.

“hindi, ang sabi ko lang, ayokong Makita yang pagmumukha mo. Now, Leave!” sabi ko tapos umalis na, pero hinawakan ako ni Dave sa braso ko.

“And where do you think you’re going?” tanong sakin ni Dave. Inalis ko yung kamay niya sa braso ko.

“sa hospital. At please lang, wag na wag mo akong susundan.” Sabi ko kay Dave tapos tumalikod na, pagtapat ko kay Hell, siya naman ang humawak sa braso ko. “May sakit ka?” tapos hinipo niya ang noo ko gamit ang likod ng palad niya. Pinalis ko naman ito agad. “wala kang pakialam.” Tapos inalis ko na ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tinungo ang sasakyan ko, andoon na si Mang Cadio, naghihintay sa akin. Pagkasakay ko sa kotse, agad kong sinabi kay manong na pumunta sa mall.

**

Suot ang eye glass ko, ang hat ko at handkerchief sa neck ko, pumunta ako sa isang drug store. Bago ako pumunta sa estante kung saan nakalagay ang pakay ko, tiningnan ko muna kung may tao doon. Nang masigurong walang masyadong tao, agad akong kumuha ng isa at mabilis na nagbayad sa cashier. Right after kong magbayad ay umalis na agad ako.

Tago-tago ko ang binili ko sa drug store sa isa sa mga binili kong damit. Pagdating na pagdating ko sa parking lot, sa mismong kotse namin ay agad kong pinag-utos kay Mang Cadio na iuwi ako sa bahay.

“Ma’am, akala ko ba sa hospital tayo ngayon?” tanong ni Mang Cadio.

“bukas na lang Manong, saka nga po pala Manong, kapag po tinanong kayo ng kung sino man kung pumunta akong hospital ngayon pakisabi namang Oo, sa Xavier Med kamo. Tapos wag ka na magbigay pa ng ibang info.” Sabi ko na lang kay manong. Nakakaunawang umoo na lang si Manong  Cadio at idineretso na ako sa bahay namin.

HEIMZ’ RESIDENCE...

Naupo ako sa toilet bowl sa may comfort room ng kwarto ko. Hawak-hawak ang bagay na binili ko kanina sa drugstore at ang bagay na magiging susi sa kahihinatnatan ko sa future...

"This is it... this is it..." sabi ko sa sarili ko.

INHALE ...

EXHALE ...

INHALE ...

EXHALE ...

Think negative INAH ! Think negative !

I open my eyes...

To see the answer...

To see the result...

"OH MY GHAD ! THIS CAN'T BE ! THIS CAN'T BE"

I’ve waited for five minutes...

 Five minutes for this test stick of truth to give me a sure answer...

And it did...

It gave me the answer...

The answer that I don't want to see...

 The answer that will surely change everything in me...

"IT'S POSITIVE!"

After I saw the two muted pink shade on the test stick of truth... I knew it... I am so sure about it...

It’s positive...

HELL ! NO ! I CAN’T BELIEVE THIS !

"My life, as a happy-go-lucky-young woman, has finally ended... and it’s all because of that stranger, THAT STRANGER I’VE ACCIDENTALY SPENT MY NIGHT WITH!”

**************************************************************************

 AUTHOR'S NOTE:

kung mapapansin niyo, bumalik na po siya sa Prologue. meaning, eto na talaga ang umpisa ng story, hahahaha, yung pinaka-story I mean :)))

ayiie. excited na ako!! hahahahaha. Charing!

nga po pala, pasensya na talaga kung slow update hah, kase po, ako ay mag-aaral, kelangan ko mag-aral para sa aking iskolarsyip. hahahaha. kaloka :))

basta, update po ako kapag keri, wag po sana kayo magalit :(((

salamat ng marami. Vote at comment ko po hah ^_^

--sassyabhie05

Continue Reading