Domingo #3: Crush Me Back

By Micassiopeia

4.9K 250 12

Bryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early a... More

DISCLAIMER
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
SPECIAL NOTE

CHAPTER 10

143 8 0
By Micassiopeia

CHAPTER 10: TROUBLE IN THE COURT

BRYAN'S POV

"Good morning." Mahinang bati ko ng naupo si Amara sa tabi ko.

Tumango lang siya sa akin bilang sagot saka niya nilabas ang selpon at doon na tinuon ang atensiyon.

Hanggang sa magsimula na ang klase ay halos hindi niya ako kinausap. Sinusungitan pa nga niya ang mga babae naming classmates.

Dumating ang breaktime ay nagsabay naman kami kasama sina Yeshua at Vincent.

"Anong plano niyo mamaya? Half day tayo e." Tanong ni Yeshua sa amin.

Nagkibit ng balikat si Amara. "May pupuntahan ako."

I instantly glance at her. "Saan?"

She just shrugged her shoulders as her answer.

"Nagtawag si Rainer. Basketball daw tayo sa subdivision nila, sama ka Bryan?"

Binalingan ko si Amara na kumakain saka ako sumagot. "Sige."

Nagpatuloy pa ang klase after break. Dalawang subject pa iyon.

"Your projects will be pass on monday. May friday, saturday and sunday kayo para tapusin iyan." Our teacher said.

Lima kami sa grupo at fortunately kasama ko si Amara.

Pagkadismiss ay tumayo agad si Amara. Nagsalita lang siya habang nakaharap sa pinto. "Hanap ka ata ni Zuri. Mauna na ako."

Iyon lang ang sinabi niya at lumabas na. Bahagya ko pang napansin ang pasimpleng pagbangga niya kay Zuri na nasa pinto nga.

Nilapitan ko siya.

"Bakit?"

Inayos niya ang bangs niya. "Narinig ko kasi si Rainer na magba-basketball daw kayo sa subdivision nila. Puwede bang sumamang manood?"

Tumango na lang ako at sabay na kaming naglakad.







AMARA'S POV

I went to the senior high school building. Hindi pa ako nakakalapit doon ng makita ko na si Christian.

"Tara na?" Sabi nito.

Tumango ako. "Tara."

Magkapatid ang lolo ni Christian at lola Karen ko. Magpinsan sina papa saka ang mama niya kaya second cousin ko to.

Kahapon ko nga lang siya napansin na dito na pala siya nag-aaral. Sabi niya e kinausap niya si papa na huwag ipaalam na dito siya nag-aaral para daw isurpresa ako.

Dagdag pa nga niya e sa isang subdivision siya mag-isang tumitira. Iyon kasi ang gusto ng parents niya para maging independent siya but in other hand, they still support him financially.

Nasa parking lot kami na kami ng mapansin ko ang grupo nila Bryan.

Magba-basketball nga pala ang mga 'to.

"Sakay na." Lahad ni Christian sa motor niyang napaka astig. Nilagay niya ang helmet sa ulo ko.

"Paanong sa'yo?" Tanong ko dahil sa akin niya ibinigay ang helmet niya.

Umiling lang siya. "Mabasag na ulo ko, huwag lang ikaw."

Natawa ako at sinampal siya sa braso. "Ulol!" Umangkas akong natatawa. "Hindi ka pa din nagbabago."

Pinaharurot niya ang sasakyan papunta sa isang coffee shop. Pumasok kami doon at nagkwentuhan ng kung ano-ano.









BRYAN'S POV

Bakit kasama na naman niya iyong senior high na kausap niya kahapon?

Sumakay na kami sa van nila Rainer. Kasama rin namin si Zuri at ang dalawa niyang kaibigan at ang dalawa pang kaibigan ni Rainer.

"Kilala mo ba iyong kasama ni Amara? Mukhang nagkakatuwaan sila ah?" Si Yeshua na nasa tabi ko.

"Hindi ko alam. Kahapon pa niya kausap yon."

"Umangkas pa siya sa motor niya. Mukhang may pupuntahan." It's Vincent this time.

"Baka bagong boyfriend?" Kuryosong tanong ni Zuri. "Wala na sila noong boyfriend niyang si Larson, diba? Larson is with Risha already. I mean, sila na."

"Grabe din mag boyfriend si Amara no? Every school year, nagkakajowa." Saad ng kasama ni Zuri.

Alam ba 'to ni tita Zeena? Should I complain again? At saan sila pupunta?

Kaya ba hindi niya ako gaanong pinapansin kanina dahil may boyfriend na naman siya?

Tapat lang ng bahay nila Rainer ang basketball court dito sa subdivision nila. Pagtapak sa court ay napansin ko agad ang mga taga ibang school na nandoon.

"Marino, kamusta?" Paglapit ni Rainer sa isang lalaki doon.

"Long time no play ah." Ani nong Marino.

Nag-usap pa sila doon kaya naupo na kami sa bleacher.

"Medyo madumi maglaro 'yang si Marino." Saad ni Rainer ng nakalapit na sa amin at naghahanda na. "Friendly game lang pero may pustahan kami nyan kaya dapat manalo tayo."

Si Yeshua ang hindi muna maglalaro. Nakaupo sila sa bleacher kasama ang tatlong babae.

"Game na!"








AMARA'S POV

Sandali lang kami sa coffee shop nitong pinsan ko dahil ipagluluto daw niya ako ng specialty niyang pancake ala Christian.

Nagtungo nga kami sa subdivision nila pagkatapos. Pagkahinto sa tapat ng bahay niya ay napansin ko agad ang pamilyar na van na nasa harap ng bahay malapit sa kaniya.

Napatingin ako sa court na tapat lang ng bahay na iyon nang makita ko nga doon sina Bryan at ang dalawang mokong.

"Gusto mong manood?" Ani Christian.

Binigay ko sa kanya ang helmet niya. "Oo sana. Mga kaibigan ko kasi sila e."  Sabi ko at sinulyapan sila. Pansin ko ang mainit na laban.

"Sige, magluluto lang ako nong pancake ko para iuwi mo at para matikman din nila tita at kuya Wilson. Balik ka dito mamaya ah. Ako maghahatid sa'yo pauwi."

Tumango ako sa mga tsutsu niya. Patakbo akong pumasok sa court at pumasok. Ni wala man lang nakapansin sa akin.

Pagkaupo ay napansin ko sina Zuri doon sa medyo babang bleacher. Prenteng nanonood.

Tumawid ako sa kabilang bleacher para hindi mapalapit kina Zuri. Nasa side ako ng mga kalaro nila, medyo sa malayong gilid naman.

Ang intense nga ng laro. Pawis na rin sina Rainer at ang isang kaibigan niya pati ang tatlo.

Biglang nag time out at nag sub ang isang lalaki. Pinapasok ang isa at pinagpatuloy ang laro.

Naaaliw ako sa panonood dahil ang kyut maglaro nong tatlo kong kaibigan ng bigla akong nilapitan ng lalaking nagpa-sub kanina.

Bahagya pa akong napatalon sa gulat dahil sa biglang presensiya niya. "Ay!"

"Ikaw ba iyong kapatid ni Callie?" Tinaasan ko siya ng tingin. "Bakit ka nandito?"

"Mga kaibigan ko sila." Turo ko sa mga naglalaro sa court .

"Oh e bakit nandito ka sa side namin at hindi doon?" Turo niya sa grupo nina Zuri.

"Ayoko doon."

Binaling ko ulit ang tingin sa mga naglalaro.

"Domingo ka diba?" Pasimple na lang akong napairap dahil istorbo na siya sa panonood ko. "Marino." Lahad niya ng kamay.

Padarag kong inabot iyon. "Oo, Domingo ako." Hindi ko mapigilang magsuplada. "Kaya kung puwede bumalik kana doon at sinisira mo ang panonood ko."

Ni hindi siya natablahan ng sungit ko. Ngumisi pa siya.

"Alam mo bang pinaiyak ng kuya mo ang ate ko?" Naaaliw na tanong nito.

Bahagya akong lumayo. "Hindi ko pinapakialaman ang buhay ng kuya ko, kaya wala akong paki diyan sa ate mo."

Bahagya niyang hinawakan ang braso ko. Nilayo ko iyon.

"Matapang ka ah. Domingo ka nga talaga!" Tinulak ko siya ng hawakan niya ang hita ko.

"Lumayo ka nga!"

"Sayang ang ganda mo. Suplada ka lang." Pilit niyang nilalapit ang labi niya sa tainga ko. "Gaganti ako sa kuya mo at idadaan ko iyon sa'yo." Bulong niya. "Ihihiganti ko ang ate ko sa'yo."

Mabilis akong tumayo at tinulak siya. "Lumayo ka nga! Ang baho mo!"

Nairita siya sa sinabi ko kaya muli niya akong hinila palapit sa kaniya.

Habang nagpupumiglas ako sa kaniya ay may biglang malakas na tumulak sa kaniya palayo sa akin dahilan para mapahandusay siya.

"Bastos ka ah!" Sigaw ni Christian na inakap agad ako. "Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako.

Naagaw ang eksena namin ng mga naglalaro, tuloy ay nilapitan nila kami dito.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko dahil nagtataka sila kung bakit narito ako at sa nangyayari.

"Ang tapang ng Domingo'ng yan e!" Akmang susugurin ako nong Marino nang mas inakap pa ako ni Christian ng mahigpit sabay biglang humarang sa harap namin ang tatlo kong kaibigan at inawat iyong mabahong lalaki.

"Awat na pre, babae 'yan." Anang Vincent.

"Walang baba-babae sa akin! Maduga kuya niyan!" Sigaw pa nito.

Pakialam ko ba sa pinaghuhugutan niya. Ano ngayon kung niloko ng kuya ko ang ate niya?

Hindi ko napigilan si Christian ng lapitan niya iyong Marino at sinuntok sa panga.

"Pumapatol ka sa babae? Pinanganak ka bang bobo?!" Sigaw ni Christian sa kaniya.

Inawat siya nina Vincent at Yeshua.

"Gago ka ba! Mas bobo ka!"

"Gago ka din!"

Nagpapalitan sila ng mura. Akmang lalapitan ko si Christian para awatin nang pigilan ako ni Bryan na masama ang tingin sa akin.

Kahapon pa itong ganito kung makatingin kaya ako naiinis sa kaniya. Kaya hindi ko siya gaanong pinapansin.

"Hayaan mo 'yang boyfriend mo. Binastos ka e malamang magagalit 'yan." Aniya at pinigilan ako sa braso.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bitawan mo nga ako!" Hablot ko sa braso ko. "Tyaka anong boyfriend? Pinsan ko 'yan!" Siniko ko siya sa tyan saka nilapitan si Christian na gustong mangbugbog.

"Tara na nga!"



To be continue....

Continue Reading

You'll Also Like

480K 2.5K 9
Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their company down. Hindi siya nagtiwala sa kaibigan...
29.7K 648 16
Young Love Series #1 You're too good to be true. It feels like I'm living in a dream out of reality. I'm scared that if I blink, everything will be g...
1.2K 113 26
Minsan, may mga lugar talagang masarap balikan, hindi lang dahil sa taglay nitong ganda kundi dahil sa taong minsan na nating nakasama dito.
103K 3.3K 40
There are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na bi...