Taming the Wild Waves Rivera...

Von felicitousapple

233K 5.3K 837

Zyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niy... Mehr

Taming the Wild Waves
Prologue
WAVE ONE
WAVE TWO
WAVE THREE
WAVE FOUR
WAVE FIVE
WAVE SIX
WAVE EIGHTH
WAVE NINE
WAVE TEN
WAVE ELEVEN
WAVE TWELVE
WAVE THIRTEEN
WAVE FOURTEEN
WAVE FIFTEEN
WAVE SIXTEEN
WAVE SEVENTEEN
WAVE EIGHTEEN
WAVE NINETEEN
WAVE TWENTY
WAVE TWENTY-ONE
WAVE TWENTY-TWO
WAVE TWENTY-THREE
WAVE TWENTY-FOUR
WAVE TWENTY-FIVE
WAVE TWENTY-SIX
WAVE TWENTY-SEVEN
WAVE TWENTY-EIGHT
WAVE TWENTY-NINE
WAVE THIRTY
WAVE THIRTY-ONE
WAVE THIRTY-TWO
WAVE THIRTY-THREE
WAVE THIRTY-FOUR
WAVE THIRTY-FIVE
WAVE THIRTY-SIX
WAVE THIRTY-SEVEN
WAVE THIRTY-EIGHT
WAVE THIRTY-NINE
WAVE FORTY
Epilogue

WAVE SEVEN

4.3K 111 8
Von felicitousapple

TAMING THE WILD WAVES: WAVE SEVEN





“Salamat Raven.” ani ko at binigyan siya ng malawak na ngiti. Sa sobrang bait nitong si Raven ay halos araw araw parin niya ako hinahatid at sundo.






“Always welcome.” nakangiti ring sambit niya. “Ah Zyreen?” tumingin ako sa kanya at naghintay sa kanyang sasabihin.







“Sa darating na pistang bayan bukas. Puwede ka ba?” tanong niya habang nakahawak sa kanyang batok.







Napaisip tuloy ako. Oo na letche! Iniisip ko si Dark, halos dalawang linggo na siyang hindi nag papakita sa akin.






Dahil ba don sa issue ko with Trayvon? Ha? Aba! Baka nakalimutan niyang umaasa ako sa pinaka huling text niya?






May pa ‘baby, baby' pa siyang nalalaman tapos hindi magpapakita ng dalawang linggo?? Ang galing.






“Zyreen...” napabalik ako sa ulirat nang sambitin niya ang pangalan ko. “H-huh?” umiling ako at nagpilit ng ngiti.






“S-sure! Ayos lang. Anong oras ba 'yon?” sabi ko at natuwa ako nang makita ang malawak niyang ngiti.






Napaka masiyahin ng isang ito. Pero guilty parin ako...dahil alam ko sa sarili ko na may tao nang nakapasok sa puso ko.







At hindi ko alam kung papaano, nagising nalang ako bigla na siya na ang tinitibok nitong puso ko.






“Alas singko ng hapon. Susunduin nalang kita rito. Ayos lang ba kung naglalakad lang tayo? Masyado kasing maraming tao...mahirap—” agad ko siyang pinutol.








“Ayos na ayos Raven. Huwag kang mag alala hindi ako maarte.” ani ko. “I know. Sige pasok ka na.” sabi nito sa akin kaya tumango lang ako.








Hinintay kong maka alis na siya bago ako pumasok sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa kuwarto agad kong tiningnan ang cellphone ko.







Napabuga ako ng hangin nang makitang wala ni isang mensahe na galing sa kaniya. Napansin ko ang oras at alas singko imedya pa lang.










Hindi naman sigurong masama kung...sisilip ako sa mansion hindi ba? Da-dalhin ko ang art materials ko.




Para kunwari gusto ko lang gayahin ang mansion. Tama tama! Agad akong nagbihis sa isang pulang t-shirt at ang palda kong kulay puti.







My skirt stop at the back of my ankle. Nilagyan ko rin ng ipit ang aking buhok. Pagkatapos ay kinuha ang aking lapis at ilang piraso ng bond paper na naka clip.






Kumuha narin ako ng folder upang may patungan ako. Sinilip ko si mama at guminhawa ang pakiramdam ko nang makitang natutulog ito.









Excited akong lumabas ng bahay. Sobrang lawak ng ngiti ko. Napahinto tuloy ako at napangiwi bigla.







Letche! Bakit ako ngumingiti!?






Bakit ko pupuntahan ang isang 'yon!?






Bakit parang ang saya ko dahil iniisip kong makikita ko siya!?








Hindi ba dapat galit ako!?







Aba Zyreen!







Naglakad ako pabalik sa bahay pero bago pa man makapasok sa loob ay napahinto ako. Hindi...ayos lang 'to. Titingnan ko lang naman e.







Pumikit ako at bumalik sa daan papuntang mansion. Hanggang sa huminto ulit ako.









Huwag nalang.








Aish sige na nga! Titingnan ko lang naman.








Ay hindi! Huwag nalang!







T-teka titingnan ko lang naman e.







Huwag na! Baka isipin non na miss ko siya!








Takte naman!







Pagkatapos kong magpabalik balik ng daan ay padabog kong tinahak ang daan papuntang mansion.







Promise isang silip lang! Titingnan ko lang naman tapos uuwi na ako!







Niyakap ko ang aking mga kagamitan at lumapit sa gate ng mansion. Paano ko masisilip kung napakataas ng kanilang bakod?








Napanguso ako dahil don. I wanted to check on him, oo na. Aamin na ako na na mi miss ko na siya.








Nakatitig lang ako ro'n sa may gate nila hanggang sa bigla itong bumukas at lumabas roon ang isang guard na tila ba nagulat pa sa aking presensiya.







Agad akong namula. Taena, nakakahiya hindi ko alam na lalabas siya. Ngumiti ako ng pilit rito at akmang aalis na kung hindi lang ito nagsalita.









“A-ah ma'am! Tuloy po kayo.” nakangiting sabi nito. Ilang beses akong napakurap sa sinabi niyang iyon.







Did he just invited me to come inside?






“Ah ang bilin po kasi ni senyorito na kapag nandito kayo papasukin ko raw po kayo. Sa katunayan niyan ma'am balak talaga namin kayong sunduin sa bahay niyo—” nahinto siya sa pagsasalita dahil sa pagkasamid ko.








Letche!






Agad siyang nataranta at tumawag ng kasambahay. Pinasok nila ako sa mansion kahit panay ang iling ko.







Mabilis silang nag abot ng tubig sa akin. Hindi na ako umarte at agad iyon ininom. Napahawak ako sa dibdib ko pagkatapos non.









Amp. “M-ma'am ayos lang kayo?” nauutal na tanong nung guwardya. Tumango ako rito. “K-kuya...bakit ho ba kasi kayo nagbibiro ng ganon.” natatawang sabi ko.









Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. “Ma'am totoo po ang sinabi ko. Ang sabi ni senyorito makalipas ang dalawang linggo ay sunduin kayo at dito kayo tumuloy panandalian sa mansion—” agad ko siyang sinuway.








Why would he even do that!?










“B-bakit niya naman gagawin 'yon?” tanong ko rito. “Po? E hindi ba...mag kasintahan po kayong dalawa?” kung may laman pang tubig itong bibig ko panigurado ay naisaboy ko ito sa mukha niya.









So 'yon pala ang iniisip ng mga taga silbi niya rito simula nang tumapak ako rito sa mansion na 'to? Napailing ako.







“Hindi ho kami manong. At isa pa...kaya ako nandito para b-bisitahin s-sana siya. Nasaan po ba siya?” tanong ko at tumingin tingin pa sa paligid.







Kung alam ko lang na welcome pala ako rito edi sana araw araw akong tumambay rito. Choss!







“Wala rito ang senyorito.” nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni manang Soleng. Agad akong lumapit rito at nagmano.








“Kaawaan ka ng Diyos. Halika iha, pasok ka.” nakangiting sabi niya sa akin. Alanganin naman akong sumunod rito.








Humigpit ang hawak ko sa aking dala. Naisip ko kasi bigla ma baka narito si Tanya, maling desisyon talaga na nagpunta pa ako rito.








Dinala ako ni manang sa sala at sinabihang umupo muna roon at gagawa lang raw siya ng meryenda.






Habang naghihintay sa kanya hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid ko. Lahat yata ng gamit rito ay antique.









Maganda ang pagkakadesign ng mansion. Hindi siya ganon ka modern kaya ang lakas maka 80's feel.










“Anak oh meryenda ka muna.” ngumiti ako kay manang Soleng at nagpasalamat. Habang umiinom ako ng juice na inihanda niya ay nagtanong siya.







“Bakit pala ang aga mo rito? Papasundo palang sana kita e.” sabi niya. So totoo nga? Pero bakit hindi naman niya ako sinabihan?








“Manang, wala po kasing sinabi ang magaling niyong senyorito sa akin. Ang balak ko lang po talaga rito e...p-para kumustahin siya.” alanganin kong sabi.








Halata ang gulat sa mga mata ni manang. See? Napailing nalang ako sa aking naisip. “Kung ganoon ay hindi mo alam na pinapalipat kayo rito ni senyorito?” tumango lang ako.







“Kung ganoon hindi mo rin alam na wala siya sa Zambales ngayon at umuwi sa Manila?” this time ako naman ang nagulat.









Gulat, lungkot at disappointment. Bakit hindi manlang siya nag text? Hindi ba pwede 'yon? Nag iwas ako ng tingin kay manang.








Nagsimula na kasing magluha ang mga mata ko. Letche, napaka nipis ko! “Ah siya ho manang mauna na po ako. Salamat sa meryenda.” nakangiti kong sabi pero alam naman natin na peke lang 'yon.








Narinig kong tinawag ni manang ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Dire diretso lang akong lumabas ng mansion.









Pinilit ko ang sarili na huwag umiyak. Ang tanga ko naman kung iiyakan ko ang relasyon naming walang label hindi ba?








Bagsak ang balikat na umuwi ako sa amin. Pagkarating ay agad akong gumawa ng gawaing bahay.







Iniisip ko na sa pamamagitan nito ay makalimutan ko ang lalaking 'yon. Nang matapos kaming kumain ay dumiretso agad ako sa kuwarto ko.







Naglinis ako ng katawan pagkatapos ay nilapitan ang cellphone ko na nasa ibabaw ng kama.








Tiningnan ko 'yon dahil tumunog. Nag text sa akin si sir Raven. Oo binigay ko sa kanya ang numero ko pero hindi ko parin sinasabi kung sino ang nagbigay ng cellphone ko.









Raven:

See you tomorrow. :))












I smiled at his text.













Ako:

Yeah see u.













Pinatay ko na ang cellphone ko pagkatapos kong mag reply. Ayoko nang pahabain pa ang aming pag uusap.








I don't want to give him a false hope. Masakit 'yon, parang nararamdaman ko ngayon.






***






I STOOD up when I heard my mother calling me. “Zyreen! Nandito na si sir Raven!” sigaw ni mama mula sa labas.






“Opo! Andiyan na!” sigaw ko pabalik at sinuklay ang dulo ng aking buhok. Pagkatapos ko iyong suklayin ay bumalik ito sa pagkakakulot sa dulo.







Handa na ako sa pistang bayan ngayon. I am wearing a skirt that stop behind my ankles again. At isang puting long sleeve na off shoulder ang pang itaas.











Iiwanan ko na muna rito ang cellphone sa bahay. Mahirap na, sobrang daming tao baka mawala pa.









Pagkalabas ko ay bumungad agad sa akin si Raven. He stood up when he saw me. He is wearing a grey pants at asul na t-shirt sa itaas.





“Tara na?” tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango kay mama na mauuna na. Hindi ganon kalayuan ang bayan kaya mabilis lang kaming nakarating.









As expected sobrang daming tao. Mga nag iinuman sa tabing gilid, kumakain, sumasayaw, naglalaro at ang iba ay nanonood ng parada.









Sa sobrang tuwa ko ay hinatak ko muna si Raven na manood ng parada. He was giggling like kid while watching my reaction.








Nahiya naman ako ng konti.








Nang makaramdam kami ng gutom ay inaya niya ako sa isang ihawan. Dalawang isaw at dalawang barbeque ang kinuha ko.







Siya naman daw ang magbabayad e, lulubusin ko na. Hehe









Pagkatapos naming kumain roon ay nagpunta kami sa iba't ibang mga palaro. Nagtawanan kami sa tuwing kami ay mananalo.








May mga ilang bumabati sa kanya. Karamihan ay puro mga kababaihan. Sabi ko sa inyo e, sikat 'yan rito.







Hanggang sa nalibang ako sa panonood at hindi ko namalayan na wala na pala si Raven sa tabi ko.









I look around pero hindi ko siya makita. Kinabahan ako bigla, hindi ko pa naman dala ang cellphone ko.










Umalis ako sa dati naming puwesto upang hanapin siya. Tingin dito, tingin doon pero wala.








Hays nasaan na ba ang isang 'yon?








Hanggang sa tuluyan ng kumonti ang mga tao. Sobrang dilim na wala akong kasama. Kaya ko naman umuwi mag isa kaya lang...paano siya?









Umiling ako. Siya ang lalaki sa aming dalawa kaya hindi ko na dapat siya inaalala. I'm disappointed at him, iwanan ba naman ako ako rito?










Bagsak ang balikat ko habang naglalakad pauwi mag isa. Napatigil lang ako ng may biglang humawak sa braso ko.







“Aray naman!” asik ko. The guy is so scary. Mukha siyang naka inom. “K-kuya bitawan mo ako.” nauutal na ako dahil sa takot.








“Shh...p-paisa lang miss.” natatawang sabi nito habang sinisinok pa. Dumighay pa ito sa mukha ko kaya napatakip agad ako.








Amputcha!








“Kuya bitaw na!” sigaw ko at pilit na kumakalas sa kaniya pero mad hinigpitan lang niya ang pagkakahawak sa akin.








“B-bitaw na sabi e!” sigaw ko. Pero ganon nalang ang naging gulat ko ng may humintong dalawang sasakyan na itim sa tapat namin at agad na nagsilabasan roon ang mga taong naka itim na suit saka kami pinalibutan.











At mas lalo pa akong nagulat dahil sa boses na nagsalita sa likod ko. Kita ko rin ang kamay nitong nasa gilid ko at may hawak na baril. “Let her go, fucker.” kalmado ngunit mariin na sabi niya.









It's him. I miss his voice, I miss him...

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.4M 109K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
4.9K 73 9
got bored, decided to make this and because there isn't a lot of stories like this Inspired by "Hold up, Why the frick I'm I in my little pony?!" My...
851K 70.7K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...