Supernatural Tale: The Awaken...

By girlhavingfANNE

12K 417 161

Supernatural Novella #1 || COMPLETED || Join Briella Klaire and the Deveraux family in their epic adventure t... More

Front Matter
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note + Timeline

Chapter 24

248 9 4
By girlhavingfANNE

***

Inilibot ni Gavriel ang tingin niya. Nakatayo siya ngayon sa malawak na lawn ng isang lumang bahay na bahagya ng nakatirik sa gitna ng kawalan. Masyadong malayo ang mga kasunod na bahay dahilan para mahuli ang pagreport at pagresponde ng mga bumbero sa nangyaring sunog walong taon na ang nakalilipas.

Gumawa ng ingay ang marupok na kahoy na sahig pagpasok ni Gavriel. Maingat niyang nilaktawan ang mga bahaging napuruhan ng sunog dahil alam niyang maaaring bumigay ito at sa basement siya damputin.

"Is it strange to feel the exact same pain I felt here before?" bulong niya sa sarili.

Ipinikit niya ang mga mata niya. Tila ba naririnig at nararamdaman niya ang bawat kaganapan dito. Biglang gumapang ang mainit na enerhiya at kumalat sa buong katawan niya hanggang sa bigla na lang balutin ang paligid niya ng apoy. Parang kinukulong siya nito at hinayaang magbalik sa kaniyang alaala ang lahat.

--

Jackson, Mississippi, 8 years ago

14 years old si Gavriel ng taong iyon. Isang teenager na walang control sa kaniyang emosyon. Ito palang ang ika-anim na buwan na tumigil ang buong pamilya Deveraux sa Mississippi para sa isang misyon na inatas ng council sa kaniyang ama at kay Serrah na bago pa lamang sa council noon.

"Gio, malakas talaga ang pakiramdam ko na may babae si dad. Wala ba tayong gagawin? Ilang beses na tayong nakakita ng ebidensya na may dinadala siyang babae sa bahay!" naiinis na sabi nito.

Nakaupo sila sa gilid ng isang lake hindi kalayuan sa tahanan nila. Nagkibit-balikat naman si Giovanni, nagdekwatro at ipinikit ang mga mata para damhin ang malamig na simoy ng hangin.

"Gav, matanda na siya. Kaya na niya magdecide sa sarili niya. Alam na niya ang tama at mali," tila wala lang sa kaniya ang bagay na ito.

Hindi makapaniwalang tinignan siya ni Gavriel.

"Hindi mo man lang ba inisip kung anong nararamdaman ni mom? Gio, imposibleng hindi siya naghihinala! She loves our father so much she can't bear to confront him! Alam niyang posible siyang iwan nito at sumama sa babae niya!"

Napadilat si Giovanni at salubong ang kilay na tinignan ang kapatid. Napapansin niya ang pagbabago sa kilos nito. Nagiging mainitin ang ulo nito. Madalas na silang magtalo sa mga bagay bagay. Natututo na rin itong sumagot sa mga magulang nila. Hindi niya naman maikakailang sumasagot din siya pero madalas kasi ay wala siyang pake sa mga bagay. Susundin niya kung ano ang gusto niyang gawin.

"I know our mom deserve better than that jerk pero hayaan mo sila ang umayos sa gulong iyon. Kahit ano namang mangyari hindi natin iiwan si mom. Let him leave! We can't force people to stay in our lives, okay? Broke something once and it will forever leave a mark. If our family is falling apart, let it be! Ang isang ngipin na nabubulok na, kailangan ng bunutin para hindi na makahawa pa ng iba. Mas maigi na iyong habang-buhay na may awang doon kesa masira ang lahat,"

"Why are you being like this, Giovanni Deveraux?"

Lalong nagsalubong ang kilay ni Giovanni.

"Pang-motivational quotes iyong sinabi ko ngayon ngayon lang tapos hindi mo iintindihin? Kontrolin mo nga iyang emosyon mo! Ginagawa kang bobo niyan!"

Naikuyom ni Gavriel ang kamao at kusa itong lumipad papunta sa panga ni Giovanni. Nakagat nito ang labi at nalasahan niya ang dugo mula doon.

He scoffed. "Seriously, Gavriel Deveraux?!"

"You're being like this because you're the same. Wala kang pinagkaiba sa kaniya! Huwag mong isipin na hindi nakakarating sa akin ang mga pagka-cutting mo para makipaglandian sa library, sa grandstand, o sa parking lot?!" bulyaw nito.

"Ahh—" tila narealize ni Giovanni ang ipinuputok ng butsi ng kapatid. "And now you're making this about Zoey and me. Alright, I get it."

"Jerk! You know she likes you!"

"I know! And you like her! Kaya ka nagkakaganyan!"

Akmang susuntukin siya ulit ni Gavriel nang mahuli niya ang kamao nito. Agad niya itong kinuwelyuhan at itinumba sa lupa.

"If you're that jealous, ilayo mo siya sa akin. I don't like her anyway. At isa pa, kung gusto mong gumanti sa ama mong magaling, lakad at sunugin mo ang bahay niya kasama ang mga ebidensyang iniiwan ng babae niya!"

Malakas na itinulak ni Gavriel paalis sa kaniya ang kapatid. Matalim ang tingin na ibinigay nito bago siya tumalikod at naglakad palayo.

Napailing naman si Giovanni. "Jerk!" sigaw nito saka kumulog ng malakas at kumidlat sa 'di kalayuan. Padabog siyang humiga sa damuhan at ipinikit ang mata niya. Nasira na ang mood niya.

Wala pang sampung minuto na natatahimik ang mundo niya ay biglang tumunog ang cellphone niya.

"AAHHH!" nayayamot na sigaw nito. Sinilip niya ang caller id at nakita niyang si Zoey iyon. Inis na itinapon niya ito sa isang tabi at muling ipinikit ang mga mata.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakaidlip nang maalimpungatan siya. Pagdilat ng mga mata niya ay bumungad sa kaniya ang makapal at maitim na usok mula sa 'di kalayuan. Mula ito sa direksyon ng...bahay nila.

Napabalikwas siya ng bangon at agad na dinampot ang cellphone niya. Tatawagan niya sana ang kapatid nang makita ang isang missed call at dalawang text mula kay Zoey.

From: 601-520-9915

Gio, I'm on my way to your house. Your mom invited me over to help her arrange a flower bouquet sa garden niyo. See you! 😊

From: 601-520-9915

I brought chocolate chips na ako mismo ang nag-bake kaso wala kayo ni Gav. What time are you coming home? Nakakahiya namang ako lang ang nandito sa bahay niyo kasama si tita.

"Goddmnit, Gavriel Deveraux! Don't tell me you really set our house on fire?!"

Halos magkandarapa siya sa pagtakbo pauwi sa kanila habang palapit siya ay natatanaw niya na ang malaking apoy na nagmumula sa bahay nila.

"Sht! Sht! Sht!"

Binilisan niya ang pagtakbo habang sinusubukang tawagan ang kapatid ngunit ring lang ito ng ring. Hindi nito sinasagot ang tawag.

Napatigil siya nang halos kalahating block na lang ang layo niya. Kitang kita niya mula sa kinatatayuan niya ang pagkataranta ni Zoey na nasa tapat ng backdoor mula sa garden at 'di malaman kung paanong papasukin ang bahay habang tulala at walang emosyon namang nakatayo sa harap ng bahay si Gavriel.

Nanlaki ang mga mata ni Giovanni nang ma-realize kung bakit sobrang nagpa-panic si Zoey matapos mahagip ng paningin niya ang isang anino mula sa kwarto ng mga magulang niya.

"M-mom?!"

Dali-dali siyang tumakbo palapit. Tila nag-slowmotion ang paligid nang magawang sipain pabukas ni Zoey ang pintuan sa likod at walang alinlangan na sumugod sa loob para sagipin ang kanilang ina. Kasabay niyon ay ang pagliliyab ng mga mata ni Gavriel at matapos niyang itaas ang parehong kamay niya ay isang malakas na pagsabog ang nangyari at halos maabo ang lahat ng mahagip ng nagliliyab na apoy ilang metro mula sa bahay.

"MOM!!! ZOEY!!!"

Tila nabalik sa realidad si Gavriel nang marinig ang humahangos na boses ni Giovanni. Nanlalaki ang mga matang pinanood nito ang paglapit ng kapatid sa bahay nilang tinutupok ng apoy.

"W-what are y-you doing?!" natatarantang tanong nito.

"FVCK YOU GAVRIEL DEVERAUX!!! ZOEY IS THERE INSIDE WITH OUR MOM!!!"

Parang nabarahan ang daluyan hangin ni Gavriel. Napatingala siya sa itaas at tila ngayon niya lang narinig sa isipan niya ang nagmamakaawang tinig ng ina nila. Unti-unti itong humihina hanggang sa hindi na niya ito marinig sa kaniyang isipan.

"WHY ARE YOU JUST STANDING THERE?! PUT THE FIRE OUT!!!"

"I-I'm trying!!! I c-can't!!!" naiiyak na sabi nito. Hindi niya makontrol ang apoy. Sa tuwing susubukan niyang pahupain ito ay parang tila lalo itong naglalagabgab dahil sa nararamdaman niyang matinding kaba at takot.

"DMN CALL THE FIRE DEPARTMENT!!!"

Agad na sumunod si Gavriel at nanginginig ang mga kamay na nagdial sa telepono.

"MOM!!! MOM IF YOU CAN HEAR ME PLEASE TELL ME YOU'RE OKAY!!!"

Kakaibang takot ang nararamdaman ni Giovanni. Hindi niya mapigilang magtubig ang mga mata niya at umaasang maririnig niya ang tinig ng kanilang ina sa kaniyang isipan.

"PLEASE MOM!!!"

Napaluhod na lang siya sa tapat ng porch. Sa unang pagkakataon naramdaman niyang wala siyang kwenta. Walang kwenta ang pagiging espesyal niya at walang kwenta ang abilidad na tinataglay niya. He feels hopeless.

Ilang oras ang lumipas at ilang bumbero ang dumating bago tuluyang naapula ang apoy. Hindi makapaniwala si Gustavo sa nangyari. Idineklarang walang nabuhay sa sunog na naganap. Napagalaman ni Gustavo na isang Amarhys ang head ng police department na rumesponde at umayon ito sa hiling niyang palabasin na lang na ang pagsabog ay sanhi ng gas leak.

Dalawang buwan ang nakalilipas, mas napalapit si Gustavo sa ina ni Genevieve. Ito ang nasa tabi niya sa tuwing akala niya ay bibigay na siya. Inaabala niya lang ang sarili sa trabaho tuwing umaga ngunit sa gabi ay hindi nito maiwasang maalala ang asawa at makaramdam ng matinding lungkot.

Dahil dito, lalo namang napalayo ang loob ni Gavriel. Nagrebelde ito. Naghahamon ng away sa mga kapwa niya teenager at nagsisimula ng wildfire sa kabundukan. He was the most damaged matapos ang nangyari. He killed his own mother and the girl he liked. Dinala nila ito sa isang psychologist ngunit hindi ito nakikipagkoopera. Nang maglaon, mas nagrebelde si Giovanni na inaakala nilang mas nakakaintindi ng nangyari.

Isang gabi, napaaway si Gavriel sa isang grupo ng mga estudyante sa bilyaran. Napatigil sa ere ang kamao niyang handang lumapat muli sa mukha ng lalaking kinuwelyuhan niya ngayon nang magsalita ito.

"Your mind is so loud and messy. We all can hear you...killer."

Ang galit na nararamdaman niya kanina ay dumoble pa. Ramdam na ramdam niya ang pagdaloy ng enerhiya sa katawan niya. Ilan sa mga taong nasa paligid niya ay mga Amarhys kabilang na ang lalaking hawak niya ngayon. They could hear his guilty thoughts.

"For the record, I burnt two bodies already. I wouldn't mind adding another one." Nanlilisik ang mga tingin nito.

Nagsigawan ang mga tao nang biglang magliyab ang katawan nito. Hindi na ito magkandaugaga sa paggulong gulong para patayin ang apoy.

If anyone of you here can hear my thoughts, I'm giving you the chance to run before I burn down this whole place. Napangisi ito dahil sa naisip niya.

Anim na mga kabataang matitigas ang ulo ang nandito sa bilyaran dahil sa curfew. Open ang lugar na ito at hindi kailangan ng bantay. Libre ang lahat na maglaro rito. Mayroon lamang isang bar counter na pwedeng pagbilhan ng snacks at drinks ng mga naglalaro.

Napailing si Gavriel nang magsitakbuhan ang anim.

"What is this place? A hideout of elemental freaks?" natatawang sabi nito. Itinaas niya ang kamay niya upang silaban ang mga ito na parang mga dagang nagtatakbuhan palayo nang biglang may dumaang mabilis at manipis na liwanag na naging dahilan ng pagbagsak nila.

"Seriously, brother? You shouldn't have left me out of the fun!!!"

"You shocked them to death. I prefer them toasted though."

Nginisian lang siya ni Giovanni. Napalingon ito sa bar counter at dinampot ang bagay na nahulog sa ilalim ng high chair.

"Oh, you must have missed a rat." Sabi ni Giovanni. Inabot nito ang isang name pin na may logo ng mini bar.

"Haisley, huh?"

Kibit-balikat niyang itinapon ang pin sa sahig kasama ang mga walang buhay na katawan. Lumabas na siya roon at sumunod naman si Giovanni saka niya sinilaban ang buong lugar. Nang sumunod na araw ay lumabas ang balita tungkol rito ngunit ang nabanggit na sanhi ng sunog ay dahil sa isa na namang gas leak.

Matapos ang isang taon, pinakasalan ng kanilang ama ang ina ni Genevieve. Mailap pa rin si Gavriel sa babae pero masaya siya sa presensya ni Genevieve. Hindi nila madalas pagusapan ni Giovanni noon pero nabanggit nila noong mga bata pa sila na gusto nila ng kapatid na babae. Nang dahil kay Genevieve, bumalik muli ang sigla sa mga mata ni Gavriel. Bumalik ito sa dating siya.

Ngunit kinailangan nilang bumalik sa Italy at hindi maaaring sumama ang mag-ina. Naiwan sila sa Louisiana kung saan kasalukuyang nagaaral si Genevieve.

--

Napadilat si Gavriel at napaubo ng sunod sunod dahil sa puting usok na bumalot sa katawan niya. Inangat niya ang damit niya para itakip sa ilong saka siya nagpalinga-linga sa paligid.

"Hello, brother!"

Mula sa pintuan ay nakatayo si Giovanni na nakangisi. Napako ang tingin niya sa pulang bagay na hawak nito at sa hose nito na nakatapat sa kaniya.

Fire extinguisher.

"Do you really have to be that dramatic? Fire? Really? Just to relive the stupidity you've done in this place?" sarkastikong tanong nito.

"Tsk. Why are you here anyway? Kung wala ako sa bahay ibig sabihin AYOKO NG KASAMA. Learn to read between the lines, brother."

Nagkibit-balikat naman si Giovanni at binitbit sa likuran niya ang fire extinguisher.

"So, what now? Are you satisfied with your little fire stunt? Pwede ka na bang makausap ng matino?"

Napairap si Gavriel. "What do you want?"

"Natasha got a plan. We are going back to Santa Meresillès," anunsyo nito.

Kumunot ang noo ni Gavriel pero nagsimula na siyang maglakad palabas.

"Fine, then let's go."

"Oops, wait!"

Muling humarap si Gavriel na tila nauubusan na ng pasensya sa kausap.

"Let me clear about that. Going back to Santa Meresillès is the PLAN A. You and I have somewhere else to go," malawak ang ngiting saad ni Giovanni. Tila nageenjoy ito sa ginagawa. Pasipol sipol itong naglakad papunta sa sasakyang dala niya.

"Where are we going?"

"And I can't believe you went here without a car. Really? Commute? Ew?" pagsasawalang bahala nito sa tanong ni Gavriel habang inilalagay ang fire extinguisher sa trunk ng sasakyan.

"You sounded like a btch. And where did you even get that fire extinguisher?"

"From Serrah's home?" nagkibit-balikat ito. "I felt like you'll do something stupid again. Call it a brother-bond or something."

"So, where are we going?" paguulit ni Gavriel sa tanong niya nang makasakay na silang dalawa.

"We'll do something fun. We're in charge with PLAN B," bakas ang excitement sa tono nito na para bang isang mission impossible ang gagawin nila.

To be continued...

***

Vote, comment, and follow. Thank you! ♡

Continue Reading

You'll Also Like

21.1K 1.2K 66
A world like yours but a little different from ours. We have something that you don't have; if you exist, then so do we. -- She who reads minds is th...
20.7M 762K 74
ā—¤ SEMIDEUS SAGA #01 ā—¢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
100K 1.9K 36
Si Gwyneth Torres ay isang simpleng babae. College student siya na masaya at kuntento na sa buhay. Wala naman siyang kinatatakutan bukod sa mga ipis...