Herrera Series 7: Owning the...

By KNJTHNDSME

347K 14.4K 1.2K

Nang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26-27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter

Chapter 1

11.6K 402 18
By KNJTHNDSME


Chapter 1

FOUR YEARS LATER...

NAKATANAW lang si Roxanne sa labas ng kanyang bintana nang marinig ang mahinang katok sa kanyang pinto. Kaagad niyang itinago sa drawer ang hawak na wine glass na may laman pa saka inayos ang sarili.

"Come in." Aniya at pasimpleng umupo sa swivel chair.

Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang sekretarya. May mga hawak itong isang palumpon ng puting rosas at maliit na kulay purple na kahon na kanyang ikinakunot.

"Ano 'yan?" Tanong niya.

"May nagpapabigay po?"

Bigla siyang nainis. "Sino? Did you even ask whoever it is? Alam mo naman siguro na may death threat ako. You should know better, Marly!"

Hindi niya alam kung epekto ba ng alak na kanyang iniinom ang galit niya o sadyang masama lang talaga ang templa niya. Pero lalo lang siyang nainis dahil sa mga bulaklak na pinadala sa kanya. Kung sinuman ang taong nagpadala niyon, ay mukhang gusto talaga siyang inisin.

Nakaramdam siya ng konsensya nang makita ang takot sa mukha ni Marly.

Inis na napabuntong hininga siya saka tinuro ang sofa. "Iwan mo nalang 'yan diyan at bumalik ka na sa trabaho."

"Y-Yes, attorney." Aligaga nitong inilapag doon ang mga hawak saka lumabas na ng kanyang opisina.

Binuksan niya ang drawer niya upang kunin ang wine glass niya na may laman pang wine. Isang lagok ang ginawa niya saka tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng bulaklak at maliit na kahon.

Dala ng kyuryusidad ay binasa niya ang papel na may nakapatol sa puting rosas. Ito ang kauna-unahang may nagbigay sa kanya ng bulaklak at hindi kahon na may lamang patay na pusa.

Miss Attorney.

Love a painter, it is totally a legal

L.R

Mahina siyang napaingos. Sino ba sa inaakala nito ang isang katulad niya? Tingin ba nito ay madadala siya sa mga pakulo nito? At kung sinuman ang taong nagpadala sa kanya ng bulaklak ay tiyak na kilala siya.

Pero kilala ba niya?

Inis na dinampot ni Roxanne ang palumpon ng bulaklak saka iyon itinapon sa kanyang basurahan. Kinuha niya ang kanyang bag at pulang blazer niya at isinabit iyon sa kamay. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina. Wala siya sa mood para pansinin ang taong iyon na hindi naman niya kilala.

Isa pa, meron siyang kasintahan dapat niyang problemahin sa mga oras na iyon.

Tinungo niya ang kanyang sasakyan at sumakay. Dadalawin niya ang kanyang kasintahan na nasa kulungan.

Hindi naman kalayuan ang kulungan sa opisina niya ngunit dahil sa traffic ay inabot siya ng isang oras bago makarating sa bilibid prison kung saan ito nakakulong.

Kilala na siya ng mga gwardya roon kaya naman hindi na siya ng mga ito hinanapan pa ng kung anu-ano at naglakad nalang patungo sa visiting area. Ngunit kaagad siyang hinarang ng isang gwardya na nagbabantay naman roon.

"Pasensya na ho, atty. Herrea, ngunit bawal po ang dobleng bisita."

Kumunot ang kanyang noo. "What do you mean? I just got here."

Ngunit hindi nito sinagot ang kanyang tanong. Bagkus ay itinuro nito ang loob ng visiting area kung saan natanaw niya ang  kasintahan at isang pamilyar na private attorney. Masinsinang nag-uusap ang mga ito at base sa pagliwanag ng mukha ni Ellis alam niyang maganda ang narinig nito sa abogado.

Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nito kailangang makipag-kita sa ibang abogado, gayong siya naman ang abogado nito.

Hindi siya umalis at pinanood lang ang dalawa na mag-usap hanggang sa matapos. Gusto niya ng sagot sa mga katanungan niya.

Nagkamayan ang dalawa at mukhang nagkakasundo pa. Nagpaalam ang na ang matandang abogado at inayos na nito ang mga dokumentong nakakalat sa mesa.

Kuyom ang kanyang mga kamao habang sinusundan ng tingin ang abogadong palapit sa gawi niya ngunit hindi pansin ang prisensya niya. Dahil nakasunod rin ang kasintahan sa abogadong kausap nito ay hindi malabong makita siya nito.

Ang malapad at maliwanag na ngiti sa mukha nito ay napalitan ng walang emosyong ekspresyon. Sumenyas pa muna ito sa gwardyang magdadala rito sa selda saka naglakad palapit sa gawi niya.

"Anong ibig sabihin nito, Ellis?" Kalmado ngunit galit na tanong niya. "Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin na makikipagkita ka pala sa isang abogado? I am your lawyer."

"Was, Roxanne."

"What?"

"He is a family lawyer. My father offers me a deal. He will help me get out in this filthy prison."

"In exchange to what?"

"I am breaking up with you."

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabi nito at nanigas sa kinatataunan. Kumirot ang kanyang puso ngunit hindi siya umiyak.

"Hindi mo maipapanalo ang laban ko hangga't kalaban mo ang Daddy mo. Alam kong siya ang gumagawa ng dahilan para hindi ako makalaya." Iniwas nito ang tingin sa kanya. "It's been four years, Roxanne! Four years of your father torment against me! Pagod na ako."

"Kaya isusuko mo ang relasyon natin?" Sabi niya. "We've been together for six years, Ellis, how could you do this to me!"

"Huwag mong isama ang apat na taong nabubulok ako sa kulungan. At sa dalawang taon nating magkasama, hindi mo naman ako pinagbigyan e!" Hindi na nito napigilang magtaas ng boses sa kanya. "Kaya nga ako umabot sa ganito, di'ba? If you just have sex with me if would'nt have happen."

"Huwag mong isisi sa akin ang kalibugan mo! Pwede kang makipagtalik sa kung kanino mo gusto! Pero ang patayin ang katalik mo, hindi iyon makatarungan."

"Then why are you here, defending me?" Hamong tanong nito. "If you think that killing her isn't fair, why are you defending a criminal?!"

Natigilan siya saglit. "Maybe because I am stupid for loving you so hard. I am blinded by the love that I have for you that even I know it's wrong to defend someone like you, I still do it." Matapang na aniya. "I gave up everything! My pride as a lawyer! I broke the law! The respect from my family! Everything! Pero ikaw.."

"For my freedom, I am willing to give up everything, including you."

Parang tinaga ng pinong pino ang kanyang puso sa binitawang salita nito. Sobrang sakit niyon sa puso niya at gusto niyang isigaw rito kung gaano siya nasaktan sa sinabi nito.

Pero tinuruan niya ang sarili na huwag magpakita ng emosyon sa mga taong mananakit o nanakit sa kanya. Kailangan niyang ingatan ang natitirang pride na meron siya.

"Fine." Aniya. Nararamdaman niya ang sakit sa likod ng kanyang mga mata dala ng pagpigil sa luhang gustong kumawala. "If that's what you want then, I hope you'll be happy. I wish you goodluck." Kaagad niya itong tinalikuran.

Taas noong tinahak niya ang daan palabas ng kulungan. Nginingitian ang mga taong makakasalubong niya pero wasak na wasak ang puso niya. Sumasakit ang dibdib niya dahil sa pagpigil niya sa sama ng loob.

Nanghihinang binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan at mabilis na pumasok. Mabilis niyang isinara ang pinto at isinubsob ang mukha sa manibela. Doon ay nag-umpisa na siyang humagulhol. Isinagaw sa loob ng sasakyan ang sakit na kanyang nararamdaman.

WALANG buhay na umuwi si Roxanne sa kanyang apartment matapos niyang magtungo sa bar upang iinom ang sama ng loob. Ramdam niya ang pagkahilo pero hindi pa siya lasing, kahit na nakailang bote na siya.

Siguro ay iyon ang spesyal na abilidad niya. Na kahit ilan ang inumin niya ang hindi pa niya mararamdaman ang kalasingan. Ngunit ramdam niya ang sakit sa kanyang puso.

Sabi ni Everest ay kayang tunawin panandalian ng alak ang sakit na nararamdaman ng isang tao. Kaya nitong ilabas at isinagaw, ngunit mukhang walang epekto sa kanya.

Sadyang hindi patas sa kanya ang kapalaran at mas natutuwa atang makita siyang naghihirap at nasasaktan. Gustong gusto atang nakikita siyang nadadapa.

Napaismid siya at pagak na natawa. "Life is suck, bi***!" Angil niya. "Fuck you, Ellis! Mabulok ka sana sa kulungan!"

Hindi niya sinasadya ang sinabi. Mahal niya pa ito ngunit masama ang kanyang loob dahil sa ginawa nito sa kanya.

Masama naman na talaga ang loob niya bago pa siya nito hiwalayan. Masama ang loob niya sa kanyang ama na kahit kailan ay hindi nagpakita ng amor sa kanya, sa lolo niya na pabor na pabor na perpekto niyang pinsan. Sa lahat ng taong ni minsan ay hindi naniwala sa kanya.

'I hate all of you!'

Napakunot siya ng noo nang makitang bukas na bukas ang kanyang pinto. Pero kaagad niya iyong ipinagsawalang bahala at isinara ang pinto dahil plano na niyang mahiga at magpahinga.

Pero napahinto siya nang mahagip ng kanyang paningin ang isang bulto ng lalaking nakatalikod.

Napangiti siya saka kumaway rito. "Hey, brother." Ani nalang niya sa pag-aakalang ang kapatid niya iyon. Lumapit siya rito. "Anong ginagawa mo rito?"

Natigilan ito ngunit hindi siya hinarap.

Napasinghot siya nang maamoy ang amoy pinturang paligid. Napaungol siya saka binaliwala iyon. Tumungo siya sa kusina upang kumuha ng wine. Kailangan niyang i-welcome ang kuya niya sa apartment niya kahit pa pumasok lang ito basta basta.

Natigilan siya nang mapansing nag-iba ang ayos ng kanyang kusina. Parang may mga gamit na nawala roon. Marahas siyang napailing. Mukhang nahihilo na ata siya at naghahalusinasyon.

Napahawak siya sa ulo. Noo'y naramdaman ang pag-ikot na ang kanyang paningin. Mukhang tatangayin na siya ng pagkahilo. "Oh, well. I am going to bed." Bago pa man siya makagalaw ay may braso na yumakap sa kanyang bewang. "Hey!" Malakas niyang tinampal ang makasalanang kamay nito saka ito mabilis na hinarap.

Bago pa man niya maaninag ang mukha ng lalaki ay tuluyan ng umikot ang kanyang paningin dahilan para mabuwal siya. Doon na siya tuluyang nablangko.

NAPABUNTONG hininga si Lucien habang pinakatitigan ang babaeng nakahandusay sa sahig. Pero mukhang wala siyang magagawa kundi ang patuluyin muna ang babae. Hindi rin naman niya alam kung ano ang code ng apartment nito.

Dahan dahan niyang binuhat ang babae at dinala sa kanyang kwarto. Napangiwi siya nang maamoy ang amoy alak nitong katawan. Ibinaba niya sa kanyang kama ang dalaga saka ito kinumutan.

Bagsak balikat na pinagmasdan niya ang nahihimbing nitong mukha saka mahiyang napamura.

May plano siya para rito, pero hindi sa ganoong paraan niya gustong ipakilala ang sarili. Alam niya na kapag gumising ito at mapagtantong nasa estrangherong lugar ito ay baka kasuhan siya nito. O higit pa.

Muli niyang pinakawalan ang buntong hininga. Bakit nga ba kasi niya hinahabol ang dalaga? Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya pero sa babaeng ito na amoy alak lang ang atensyon niya.

Sigurado naman siya na hindi ito magkakagusto sa kanya. Ang isang mababang uring kagaya niya na naghahangad na mapansin ng isang babae na abot langit ang agwat sa kanya ay isang kabaliwan.

Pero hayon siya at sinusubukan niya.

Natanggap kaya nito ang bulaklak at regalong kanyang ipinadala? Natuwa kaya ito? Pero sa hitsura nito, mukhang hindi ata tama ang araw na pinili niya para ito ay regaluhan.

Napailing siya at iniwan na ang dalaga. Tinuloy niya ang ginagawa niyang pagpipintura ng apartment niya dahil kakalipat pa lamang niya. Gumastos siya ng napakalaking pera para lamang mapalapit sa dalaga.

Kinuha niya ang paintbrush at muling itinuloy ang naiwang gawain. Nasa gano'ng sitwasyon siya nang marinig ang doorbell ng kanyang apartment. Ibinaba niya ang paintbrush at tinungo ang pinto. Sinilip sa peep hole ng pinto kung sino ang nasa labas.

Sumama ang timpla niya nang makita ang nakakairitang mukha ng ex girlfriend niyang si Via. Mukhang kakagaling na naman nito sa disco dahil sa kilala niya kung paano ito magsuot.

Bangad narin ito at paika-ika na. Wala sa sariling napabaling siya sa bukas na pinto ng kanyang kwarto.

Hindi niya alam kung anong meron sa kanya ngayong araw at dinudumog siya ng mga lasing na babae. At kung anong meron ngayon at nagpapakalasing ang mga ito.

Hindi niya binuksan ang pinto at hinayaan lang ito sa labas. Hindi na niya pinansin pa ang paulit-ulit nitong pagdoorbell at tumutok nalang siya sa pagpinta.

Continue Reading

You'll Also Like

865K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...