My Absolute Freedom (UNDER RI...

נכתב על ידי itzmoons

2K 949 950

[SEASON ONE] "Isang araw, nagising nalang ako sa lugar ng North Korea, bilang empress nila." Most impressive... עוד

My Absolute Freedom ||Prologue
-Monaxen's Note-
chapter 01
chapter 02
chapter 03
chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
-Monaxen's Note-
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50

chapter 33

21 12 7
נכתב על ידי itzmoons

Young Miss Aivela.

"Naku, naku, naku, naku! Umupo ka rito't baka napano ka! Hindi ka ba naapakan ng kabayo? Wala ka bang naramdamang sakit? Hapdi? Kirot?" Kinakabahan pang sigaw ni nanay sabay hatak sakin at pina-upo sa isang maliit na upuan dito sa kaniyang tindahan.

Kinekwento kasi agad ni Maki ang nangyari sa'kin. Detaldayong detalyado pa. Nerbyosa pa naman si nanay. T^T

"O-okay lang naman po ako nay. Bibili nalang po ako ng bagong Tupperware at gagawa ng bagong basket---"

"Hija, wag mo nang isipin 'yon. Ang dapat nating atupagin ngayon ay 'yang kalagayan mo. Hindi kaba talaga napano?" Puna pa ni tatay. Yumuko nalang ako saka umiling.

"Bibili muna ako ng makakakain natin nay, tay." Paalam pa ni Kieno.

"Oh sige, mag-ingat ka." Puna rin ni nanay rito. Umalis naman agad si Kieno kaya nasa'kin ulit ang mga titig nila.

"Sam, hija. Ayos ka lang ba talaga?" Alalang ani ulit ni nanay sa'kin.

"Ayos lang po talaga ako. Wag na po kayong mag-alala, nay, tay. Mag-iingat na po ako sa susunod." Ngiting sambit ko nalang as an assurance na ok lang talaga, pero ang totoo nanghihinayang parin talaga ako. Ginulo naman ni tatay ang buhok ko saka ngumiti narin sila.

"Mabuti naman kung gano'n." Wika pa ni tatay.

"Sa susunod kasi, ka tropa, wag kang pumagitna sa daan, ayan tuloy." Pangangaral pa ni Maki. Unggoy talaga.

"Nagsalita ang mahilig pumagitna sa daan." Angil ni Akil rito.

"Itikom mo nga 'yang bunganga mo, bading!" Maki.

"Hoy, bakla! Wag mo akong sigawan!" Akil.

"Ang hilig mong umepal, eh! Kanina kapa sa palasyo, ah!"

"Nonsense kasi yung mga pinagsasabi mo!"

"Anong nonsense?! Hoy! Para sabihin ko sayo, tatlong beses ako kino-congratulate ni Master dahil sa katalinuhan ko! Nasaan ang nonsense do'n?! Bakit, ilang beses kaba kino-congratulate, ha?!"

"Anim! Anim na beses ako sinasamba ni Master!"

"A-anong anim?! Humangin ata ng malakas!"

"Pwe! Talk to my hand!"

"Pistula!"

"Gusto niyo batukan ko kayo?!" Reklamo pa ni Ronnie. (-_-) hayst.

"Kayong dalawa talaga, oo. Para kayong aso't pusa. Palaging naghihimyagay sa isa't isa." Tawang puna ni tatay. Humagikgik naman si nanay ng tawa kaya napakamot ang dalawang unggoy.

Pansin ko lang. Bakit wala si Kaia? "Nay, si Kaia po?"

"Ah, ayon oh. Natutulog hahaha laro kasi yan ng laro kanina, napagod siguro kaya ayan, pislok sa kakatulog." Napalingon ako sa likod ng tatlong unggoy at naaninag ko si Kaia na natutulog habang yinayakap ang kaniyang manika. Nuwebe anyos na, naglalaro parin ng manika. Sabagay, ako nga noon kahit trese anyos na nagbahay-bahayan parin. (>_<) 

"Oh siya, alis muna ako't kailangan ko pang kunin yung mga atis sa kabilang baryo." Lumingon agad ako kay tatay saka sumimangot.

"Tay, hindi pa nga kayo kumakain, eh. Mamaya niyo nalang po kunin yung mga atis, kumain po muna kayo." Nakanguso kong sambit.

"Sige, ganito nalang, pagdating ko sa kabilang baryo bibili nalang ako ng pagkain upang may mangunguya ako. Ayos na ba 'yon?" Puna ni tatay saka tinapik ang balikat ko.

Wala naman akong magagawa kaya tumango nalang ako pero nakanguso parin ang labi. Mangangayayat nito si tatay.

"Oh, pano, alis muna ako." Paalam pa ni tatay saka yumakap kay nanay tapos umalis na.

"Mag-ingat ka!" Pasigaw pang bilin ni nanay kay tatay.

Napabuntong hininga nalang ako. Dibale, mamaya ipagluto ko si tatay ng masarap na ulam. Pambawi ko.

"Ay hala!"

"Pvtcha!" Gulat pang sigaw ni Maki dahil sa pabiglaang sigaw ni nanay.

Napahawak naman sa dibdib si Akil tila nagulat rin dahil sa sigaw ng dalawa. (>_<)

"Bakit po nay?" Nagmamadali kasi si nanay sa pagdampot ng mga tambis saka nilagay sa malaking basket.

"Huhugasin ko pa kasi 'tong mga tambis. Kakarating lang nito mula North Hwanghae. Malapit lang naman dito ang pusuan kaya dito muna kayo't kayo muna ang magbabantay ng tindahan natin, ha?" Ani nanay sabay dampot ng basket at umalis na.

(T__T) Siguro kung hindi dumaan yung Gorilla kanina kumakain na sana sila ngayon ni nanay.

"Bakit kaba dikit ng dikit sa'kin?! Lumayo ka nga!" Reklamo na naman ni Akil kay Maki. Mga sira ulo talaga.

"At ako pa talaga ang lalayo?! Hoy bading! Para sabihin ko sayo, mabango ako!" Sabat ni Maki rito.

"Magkatuluyan sana kayo." Singit ko pa sa dalawa. Napatigil naman sila sa kakaduro sa isa't isa at parang statwang nakatingin sa'kin.

"Sounds okay." Komento pa ni Ronnie.

Nagsitinginan naman ang dalawang unggoy saka parehong pinag-cross ang mga kamay sa harap ng mga dibdib nila.

"Di tayo talo!" Nandidiri pang sigaw ni Maki kay Akil.

"Kapal ng mukha mo! Ulol!" Naniningkit ring sita ni Akil.

(-_-)

Mga unggoy talaga. Pinagtitinginan na nga sila dito ng mga tao. Bakit ba kasi sila naka-uniporme---(0_0).

"Diba hindi pa tapos klase niyo? Bakit nga pala kayo nandito?" Nalilito kong tanong sa tatlo. Eh, kasi nga, gabi ang uwian nila. Tsaka, mahigpit yung rules sa palasyo ng mga scholars. Bawal pa nga sila palabasin kapag hindi pa tapos klase nila, eh.

"Pina-uwi kasi kami ni Master. Sabi niya may importate raw na magaganap mamaya." Sagot ni Ronnie. Importanteng magaganap? Ano rin naman kaya?

"Kinakamusta ka rin ni Master, ka tropa. Kapag agham na tatalakayin namin, ikaw palagi bukambibig nun." Puna pa ni Maki.

"Kung hindi dahil sa 'yo, ka tropa, malamang naglalakwatsya pa rin siguro kami sa paligid." Sambit rin ni Akil.

Napangiti ako. Naalala ko tuloy yung araw na nakipag-tagisan ako ng talino kay Victor, yung pakikipag-sabat-sabat ko sa Master nila, yung pagbibigay ko ng death threat sa mga scholars, yung mga linta na mainit ang dugo sa'kin. Nakakatawang isipin, I mean, who would have thought na ang pagnakaw ng pera ko ay ang daan para makuha ko ang mga titulo ng asungot at ng tatlong unggoy na ito.

"'Fvcking old man' hahahahha! Yan yata ang linyang hindi makakalimutan ni Master!" Bumubulyaw ng tawa si Maki pagkatapos niyang sinambit 'yon.

Napakagat ako ng labi habang inaalala ang mga kabastusang ginagawa ko sa matandang iyon. Totoo naman eh, nakakawala talaga ng asal ang pinapakita niya sa'kin noon. Tatabuyin ba naman ako ng hindi man lang inalam kung bakit ako nando'n. Hayst. Balak pa nga siguro niya ako ipakaladlad sa mga bakulaw na guwardiya tapos ikulong. (>_<)

"'Such an immortal being, she will never be forgotten' alam mo, ka tropa, sinasamba ka ni Master at hinahangaan. Bilib na bilib siya sa tapang at talino mo." Manghang turan ni Ronnie. Kinikwento nga pala sa kanila ng Master nila ang pangyayaring iyon. Kaya alam nila.

"Wag na nga nating pag-usapan 'yon." Reklamo ko pa habang tumatawa. Malaki na puso ko, busog na busog narin kidney ko, tumataba narin sa papuri ang utak ko. "Share naman kayo ng knowledge diyan, ano ang natutunan niyo kanina do'n?"

Tumikhim naman ng malakas si Maki saka sinasapo ang dibdib. Yung tipong nagmamayabang. "Ako ang mauuna."

"Ang natutunan ko ay tungkol sa---"

"Ano ba 'yan, Akil! Ako dapat ang mauuna!"

"Eh ang daldal mo! Kaya pinangunahan nalang kita!"

"Kakasabi ko lang nga na ako ang mauuna!"

"Tumahimik nga kayo! Ako nalang ang mauna. Kikitid ng mga utak, eh." Sita ni Ronnie sa dalawa. Bakit ba palaging may love quarrel ang dalawang unggoy na 'to? Alam kong meant to be talaga sila, pero nakakadiri kaya ang mga harot nila. Tsk! "Isa sa mga topic namin kanina ay tungkol sa human rights dito sa bansang ito. Usually kapag marinig natin yung salitang human rights, sasagip agad sa kukute natin yung social and political freedoms, katulad ng freedom of speech at freedom of political participation. Pero ang totoong nakaukit sa human rights sa bansang ito is the right to live as the common owner of one's society."

"So, it means there is no human right more important than the right to live?" Tanong ko pa. Tumango rin naman si Ronnie.

"Tama ka. Kasi ang pinaka basic na human right dito is to avail oneself to the conditions for basic survival, such as conditions to feed, clothe, and house." Pagpapatuloy niya pa. Ang hirap naman. Lalo na kapag may violations rin sa ekonomiya, paniguradong mamamatay lahat ng mahihirap dahil sa gutom. Hahays.

"Ako naman!" Sigaw ni Akil. Pinandilatan ko naman siya ng mata dahil nasa likod lang nila si Kaia, natutulog! "Ako naman." Pag-uulit niya sa mahinang boses. Timang talaga. "Ang tumatak talaga sa kukute ko ay yung 'MDL', na ang ibig sabihin ay Military Demarcation Line. It sometimes referred to as the Armistice Line. Isa itong area na tinatawag between North and South Korea. Yung boundary nila kumbaga." Mayabang pang sambit ni Ronnie. Napatango naman ako habang ina-absorb ang mga facts na 'yon.

Lumingon naman ako kay Akil saka tinignan siya ng Ano-ang-natutunan-mo-look. "Kontinwasyon ang sa'kin kay Ronnie." Sabi ni Akil. Tumango naman ako. "'If you don't have money or power, you die in a ditch' iyan ang defector nating mga North Korean. Maraming mga mamamayan na nagrereklamo at nagbigay opinyon dahil marami sa atin ang namamatay sa gutom. Hindi yung hari ang may problema, yung mga agents o mga taong mas mababa ang otoridad sa kaniya, sila kasi dapat yung nagco-cover up ng statistics. They make all sorts of subjective and personal comments without even surveying the actual situation. There can be no greater immorality than commenting carelessly on something that is matter to life and death to others without even knowing all the facts." Mahabang litanya ni Akil dahilan para mangunot ang noo ko.

"Kung gano'n bakit walang nagsumbong sa hari? Our Majesty has the power to appoint, bakit niya pinapanatili ang mga opisyales na'yon? Still not done on pestering the community?" Nakangiwi kong sambit.


"Hindi ko rin alam. Siguro may malalim na dahilan ang hari." Seryuso namang puna ni Akil. Ano ba talaga ang silbi ng mga opisyales sa lipunan? Everything is not EVEN.

Tinignan ko silang tatlo at mukhang malalim rin ang kanilang iniisip. Napatigil lang kami nang dumating si Kieno habang dala-dala ang supot na plastic.

"Kain na tayo. Si nanay at tatay?" Bungad pa ni Kieno.


Sakto namang dumating si nanay kaya nagsipagkainan nalang kami. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa matapos kaming lahat. Tinirhan rin ni nanay si Kaia dahil lunod na lunod pa ito sa tulog.

"Dadating daw mamaya ang hari natin dito, may ianunsyo raw sabi ni Master kanina, nagkita kasi kami sa daan." Basag pa ni Kieno sa katahimikan.

"Parang asembleya lang?" Tanong pa ni Ronnie.

"Oo. Balita ko, lahat ng scholars sa Ryanggang at Hamgyong ay paparito rin." Ani ulit ni Kieno.

So, it means makikita ko ulit si Nikka?!



"Eh yung mga tao sa North Hwanghae, Chagang, Kangwon, at Pyongan? Hindi ba't pag-aari lahat ng iyon ng hari natin?" (0_0)


"Hindi ko alam kung required ba talaga pumunta lahat ng mamamayan sa asembleyang magaganap." Turan ni Kieno. (>_<)

"Teka, teka, teka! Bukod sa North at South Hwanghae, pag-aari rin ng hari natin ang mga probensiyang iyon?!" (>_<) Kung gano'n, ang hari namin ang pinakamayaman na Majesty sa lahat?!



Taka naman akong binalingan ni Maki. "Hindi mo alam, ka tropa?"





"Hindi. Kasi ang tanyag namang tawag sa kaniya ay 'hari ng North at South Hwanghae'." T^T All these years, ngayon ko lang nalaman ang triviang ito! Pinagkaitan ba ako ng tadhana?! Huhuhu.




"Dito kasi lumaki ang hari, kaya 'yon na ang naging tanyag sa kaniya." Ani Akil. T__T




Lugmok na lugmok ang mukha ko habang pinagpatuloy nila ang pag-uusap tungkol sa asembleya 'kamo'. Ang dami ko pa palang hindi nalalaman. Ni pangalan nga ng mga royalties hindi ko alam, bukod nalang siguro sa pangalan nina King Mancao at Queen Almira, yung dalawang prinsesa'y hindi ko rin alam kung ano ang pangalan, hindi ko pa nga rin sila nakita. T^T Okay, ako na ang hindi updated.




Kalaunan, hatak hatak ako ngayon nina Akil at Maki habang sinusunod namin ang dinadaanan nina Ronnie at Kieno. Nilagyan rin nila ng sarong ang ulo ko, hindi ko rin alam kung bakit, basta ang sabi nila kapag magkakaroon raw ng asembleya dapat nakasarong lahat ang mga babae. Papunta kami ngayon sa isang main venue kung saan nag-aanunsyo palagi ang hari. Malapit lang ito sa palasyo ng mga scholars.



Pagdating namin ay halos puno na ng tao ang paligid. May naghihilirang mga carriage sa di kalayuan at batid kong mga serbis ito ng mga maharlikang tao. Hindi ko kilala ang ibang tao sa paligid at mukhang nandito na nga ang mga mamamayan sa ibang probensiya. May mga nakikita rin akong kulay blue na uniporme at mukhang mga scholars sa ibang probensiya. Bukod sa blue, may mga violet rin na mga unipormeng suot-suot ng ibang estudyante na nagmula rin sa ibang lugar.






"Ka tropa, wag kang lumayo sa'min, ah." Paalala pa ni Akil sakin kaya tumango nalang ako.



Pinapagitnaan ako nina Akil at Kieno, habang ang nasa unahan naman namin ay sina Maki at Ronnie.



Nakatingala kami ngayon at halos mababali na 'tong leeg ko dahil maraming tao sa paligid at hindi namin masyado maaninag ang entablado kung saan nando'n ang mga royalties. Dagdag niyo narin ang ibang mga kababaehan na halos kasing laki na ng payong ang mga sarong. (-_-)





Maingay rin ang paligid, yung iba nga'y nakikipaglandian na. Hayst. Mga timang talaga, ang mga napanood ko kasi sa mga korean drama kapag asembleya na ang magaganap, formal na formal ito. Eh bakit ngayon, hayst kulang nalang ang tawagin itong club party.



May isang matanda na pumagitna sa entablado at mukhang isa itong kaliwang kamay ng hari. Tinaas nito ang kaniyang kamay at natahimik naman ang mga tao.




May mga sinasabi ito ngunit wala sa kaniya ang atensyon ko. Nakatitig kasi ako sa mukha ng reyna at hari na nakaupo sa upuan ng mga royalties. Masasabi kong may kagwapuhan ang hari at nangingibabaw rin sa ganda ang reyna. Magkahawak kamay sila at panay rin ang ngiti. Sa gilid naman ng reyna ay may isang dalaga na ubod ng ganda! Siya na kaya yung prinsesa namin?! As in?! Grabi te! Ang ganda niya talaga!



"Tulo laway mo niyan, ka tropa." Si Maki talaga! Kahit kailan ang epal epal! (-_-)



"Ang ganda ni Young Miss Aivela, no?" Puna pa ni Akil. Napatingin naman ako sa kaniya.



"Kilala mo siya?" Maang kong tanong sa kaniya.



"Galing kami sa Kangwon, diba? Nakita ko na siya do'n, mailap kasi siya sa mga tao kaya hindi lahat nakakilala sa kaniya. Balita ko nga mas mailap yung kapatid niya, palagi lang nasa silid o di kaya'y sa library, magbabasa ng libro. Siguro bukod sa personal nitong katulong at pamilya niya, wala nang iba pang nakakita sa itsura niya." Nakamaang parin ako habang pinakinggan si Akil. Seryusong seryuso siya at nakatuon lang ang mga mata niya sa gawi ni Young Miss Aivela. May kakaiba sa kislap ng mga mata ni Akil.



Pinana kaya ni Kupido?




Pero sa totoo lang, galing naman talaga sa Kangwon sina Akil, lumipat lang sila dito sa South Hwanghae.



Binalingan ko ulit ng tingin ang prinsesa, napakaganda niya talaga. Bagay na bagay sa kaniya ang kulay pink na hanbok. Nakatirintas ang buhok nito, may nakaipit ring napakagandang hairpin sa bawat bahagi ng buhok nito. Bagay na bagay sa kaniya. Kasunod ko namang tinignan ay ang blangkong upuan. Nasa'n ang isang prinsesa? Mukhang mailap nga siguro siya sa mga tao. Siya lang kasi ang wala. Kasi all royal chairs are occupied already by specific princes and princess from different provinces.





Naaninag ko rin ang prinsesa ng Ryanggang. Ttsss. Yung buset na Princess Mailah. Ang epal niya diyan. Tsk! Sarap lapitan para laplapin, eh. Ngiti ng ngiti, tapos sinasabayan pa ng wagayway ng kamay, Psh! Miss Universe ka inday?! Miss Universe ka?! Tusukin ko mata niya, eh! (-_-)




Eerap na sana ako when I accidentally landed my eyes sa isang napaka-epal at napaka walang modong lalaking nakilala ko! Akala ko talaga wala nang mas hamak pa kay Victor, may mas ugok pa pala! Ano ang ginagawa ng Gorilla diyan?! So, isang palang prinsepe ang ugok na 'yon?! Anong nangyari sa mundo?! Ba't ang papangit ng ugali ng mga prinsesa't prinsepe ngayon?! Nanggigigil talaga ako sa mga taong 'to! Hagisan ko kaya sila ng nuclear bomb para sasabog ang mga inutil na 'yan!





"Pusa, okay ka lang? Ba't nakakuyom kamay mo?" Rinig kong mga tanong ni Kieno.





"Wala." Sabi ko nalang. Nawawala tuloy gana ko, ang sarap talaga nilang hagisan ng bomba eh!





(>_<)



-To be Continued-

המשך קריאה

You'll Also Like

99.4K 986 158
Author: Yanli Disclaimer: I DO NOT OWN THIS STORY All credit goes to the author. FOR OFFLINE PURPOSES. ...
384K 15.5K 137
Fern is the younger sister of a famous author known for 'The Promise Under The Moon.' At just fourteen, she was the first to read her sister's debut...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
28.8M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...