NS 01: SLEEPING ADONIS ✅(To...

By AshQian

216K 9.8K 503

He is the most powerful leader of Andromida Conglomerate, Asia's largest business empire and the supreme comm... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
DENOUEMENT

Chapter 24

2.8K 152 12
By AshQian

AGAD natanaw ni Safhire si Ray. Nakasandal ito sa hood ng sasakyan at kumakaway sa kanya. On his other hand is a bouquet of white roses. Nginitian niya ang binata at kinawayan din. Pati mga kaibigan at kasamahan niyang nurses sa hospital ay nakikikaway pa.

"Sigurado ka bang walang kapatid 'yang fiancé mo? Kahit na hindi kasing-guwapo niya okay na basta't sweet at thoughtful," kinikilig na sabi ni Mariloue na alam niyang malaki ang crush kay Ray.

Minsan natutuwa siya na naiinis. Sa hospital na iyon ang daming attracted sa binata, kahit 'yong may mga asawa na gusto pa rin magpapansin at panay ang pa-cute tuwing pumupunta roon si Ray o kaya'y sinusundo siya.

"Wala nga. Only child siya," sagot niya. Kahit ang alam niya ay may kapatid si Ray at nasa ibang bansa.

"No wonder, napunta sa kanya lahat ng kaguwapuhan at kagandahan ng kanyang mga magulang. Tapos pinag-isa kaya hayan ang resulta, nakakabaliw," sabat ng baklang si Nikko.

Ngumiti si Ray sa kanila. Nagtilian ang mga kasamahan ni Safhire.

"Look at that smile, pumapatay!"

Natawa na lamang ang dalaga. Pagsapit sa parking area ay naghiwa-hiwalay na sila. Tinungo niya ang kinaroroonan ni Ray at ng sasakyan nito. Sinalubong siya ng lalaki. Ibinigay sa kanya ang bulaklak at hinapit siya sa baywang. Hinagkan sa pagitan ng mga mata.

"How's your day?" gentle nitong tanong. Inakay siya patungo sa sasakyan.

"As usual, tiring but enjoy. Thank you rito sa flowers."

"You're welcome." Binuksan nito ang pinto ng Fortuner para sa kanya.

"Thanks," she gave him a sweet and tender kiss on the cheek before getting inside the car. "What about your meeting with the foreign investors? Napapayag mo ba sila sa deal?" tanong niya nang makasakay na rin ito.

Agad nitong binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad ang Fortuner palabas ng hospital vicinity. "Definitely, the meeting was very successful and I'm confident I can get them to agree, based on my initial assessment. But I still have to meet them for further discussion," sagot nito. "Gusto mong kumain sa labas?"

"Next time. Di ba sabi ko sa iyo the other day na ipagluluto kita ngayon?" Kunyari nasa boses niya ang hinampo dahil nakalimutan nito.

"Yeah, my bad. I forgot about it. Okay, ganito, magluto ka ngayon kahit gaano karami. Uubusin ko lahat. Wala akong ititira."

Ngumiti siya. He really has his own way with words. "Promise mo iyan."

"Promise. And after I ate everything, I'll have you then as my dessert." Kinindatan siya nito. "How's that sound?"

"Hmn, depende sa mood ko." Panunukso niyang pinabibilog ang matangos na ilong.

Napatitig sa kanya ang fiancé at bahagyang natatawa. "You has'nt changed a bit," komento nito at binawi ang paningin. Muling ibinaling sa one way street na binabagtas nila.

NAPANGITI si Safhire habang naglilinis sa kusina. Inubos nga ni Ray lahat ng niluto niya. Apat na putahe din iyon. Hindi niya alam kung papaano nito pinagkasya sa tiyan ang pagkain pero natutuwa siya kahit walang natira para sa kanya dahil sa halip na kumain ay naaaliw na lamang siyang panoorin ito.

Matapos tiyaking wala na siyang nakaligtaang ligpitin ay sinundan niya sa sala ang binata na nanonood ng documentary news sa tv. Naupo siya sa tabi nito. Patapos na ang pinapanood nito at ang huling bahagi na lamang ang inabutan niya. Dinampot nito ang remote control at pinatay ang tv.

"I'm ready for the dessert." Pilyong baling nito sa kanya.

"Sa sobrang dami ng kinain mo, nakakagalaw ka pa?" kastigo niya rito.

"Want me to prove?" Ibinuwal siya nito sa sofa bed.

Napatili ang dalaga. At gustong umangal pero sinarhan nito ng mapusok na halik ang kanyang mga labi. Wala siyang nagawa kundi gumanti ng halik at sabayan ang nagbabagang mga labi nito na unti-unting nilalamon ang kanyang katinuan. Nangunyapit siya sa batok nito at umarko ang katawan nang madama ang sumasambang kamay ng lalaki na banayad na humahaplos sa malulusog na umbok ng kanyang dibdib.

"Ray..." impit niyang daing.

"Safhire...I...love you..." he whispered hoarsely, breathing hard and fast. He took her clothes off with urgency and his lips moved down leaving a trail of kisses that burn her skin.

She trembled when he unlocked her bra and slipped one of her aroused nipples inside his mouth, licking, nibbling, and sucking it. She bit her lip and cover her mouth with her hand to suppress the soft cry of pain and pleasure from coming out loud. But it's almost unbearable. She felt like losing consciousness. He left her swollen nipple and went to the other one as his gentle yet strong hand caressing the soft curves of her body searching the symbol of her womanhood. She was about to give in to the intense desire that's swallowing her when her stomach started rumbling.

Tumigil si Ray at nag-angat ng ulo. Tumitig sa kanya. Nakakunot ang noo. "Are you hungry?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"I'm sorry..." sabi niyang napapahiya.

"Hindi ka kasi kumain."

"Sorry..."

He just smiled instead of getting disappointed. This happens a lot. Tuwing tinatangka nitong angkinin siya ay parating may abala. Tuloy hanggang ngayon ay birhen pa rin siya. Ilang beses na nga ba nilang sinubukan? Parang hindi na niya mabilang.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

Bumangon ito. "I can manage, don't worry."

"I'm really sorry," hinagkan niya ito sa gilid ng mga labi. "I love you."

"I love you, too. Magbihis ka na. Ano, mayroon ka pa bang pwedeng kainin? Di ba't inubos ko lahat kanina?"

"Fruits na lang."

"Okay, stay here. I'll get some for you."

Umahon ito sa sofa pero mabilis niyang nahawakan sa kamay. "We can try again after I had my fill, can't we?"

Amused na pinisil nito ang tungki ng kanyang ilong. "Silly girl. You still have to work tomorrow at the hospital and it's getting late. Ayaw kong mapuyat ka. Don't worry, we can do this again some other time. Probably, the night after our wedding. And by that moment, I won't allow anything or anyone to interfere with us anymore." He swore and went off to the kitchen.

Nakabihis na siya nang bumalik ito dala ang sliced apples.

"Dito ka ba matutulog ngayong gabi?" tanong niya. Kaagad sinunggaban ang mansanas.

"I might. Maaga akong aalis bukas," sagot nitong dinampot ang remote control at binuksan ang tv.

"Saan ka pupunta?"

"Sa La Salvacion Province."

"La Salvacion? Anong gagawin mo roon?"

"May kakausapin akong isang kaibigan."

"Kasama mo ba si Benjie?"

"No. I have to go there by myself."

Naalala niya na minsang sinabi ni Benjie na mayroong gustong manakit kay Ray. "Magdala ka ng makakasama kahit sino sa mga kaibigan mo. Huwag kang umalis mag-isa. Hindi kita papayagan."

"I'll be fine, don't worry. Kung mapanganib sa lugar na pupuntahan ko, hindi rin ako papayagan ni Benjie."

"Basta, hindi ka aalis mag-isa."

"Ayaw kong mang-abala ng ibang tao."

"Hindi iyon pang-aabala kung babayaran mo sila. Makinig ka sa akin kung ayaw mong magalit ako sa iyo." Pananakot pa niya.

"I won't go there for official business. May aayusin akong personal na problema roon," argumento nito.

"Personal na problema? Ano iyon? Bakit hindi ko alam? Bakit wala kang sinasabi sa akin?" May bahid ng hinanakit sa kanyang tinig.

"Hindi lahat ay kailangan kong sabihin sa iyo." Kahit mahinahon ang pagkakasabi nito ay iba pa rin ang dating sa kanya at nasasaktan siya. Engaged na sila sa isa't isa, di ba dapat nagkakaalaman sila kung ano ang kanilang problema? Dapat nagdadamayan sila sa halip na naglilihiman.

"Bakit hindi? Tell me, mayroon ka bang hindi alam sa buhay ko? Lahat-lahat ay sinasabi ko sa iyo, pero ikaw ang dami mong itinatago hanggang ngayon," sumbat niya rito. Kani-kanina lamang ay halos langgamin sila sa sobrang sweet tapos ngayon ay heto nag-aaway na.

"Tama na. Walang pupuntahan ang usapang ito." Nagpahayag na ito ng pagsuko tulad ng madalas nitong gawin tuwing nagbabangayan sila. Gayumpaman ay wala sa hitsura nito ang umamin kung anong bagay ang aayusin nito sa La Salvacion.

At gaya din ng madalas nangyayari ay may sumasagi na pangit na iisipin sa kanyang utak. "May iba ka bang babae?"

Magkadikit ang mga kilay na tumitig ito sa kanya. Napapailing at napapakamot sa batok. Ngunit hindi nito sinakyan ang kanyang paratang at mas pinili na manahimik.

Lalo lang tuloy siyang nagngingitngit. "Mayroon ano? Umamin ka!"

"Matulog ka na nga. Kung anu-anong pumapasok sa isip mo." Muli nitong dinampot ang remote control at nilakasan ang volume ng tv.

Nanggigigil na inagaw niya ang remote mula sa binata at pinatay ang tv. "Oras na malaman kong may ginagawa kang kalokohan, humanda ka sa akin," angil niya at nagmartsa patungo sa kanyang kwarto.

Inaasahan niyang susunod ito sa kanya at susuyuin siya. Hindi nito hahayaang matapos ang gabi na hindi sila nagkakabati. Pero hindi nito ginawa. Makaraan ang ilang minuto ay narinig na lamang niya ang arangkada ng sasakyan nito paalis. Nagmamadaling lumabas siya ng silid at nagtungo sa sala. Nakita niya sa center table ang note na iniwan nito. Dinampot niya iyon at binasa.

My sweet princess,

Thank you for the wonderful moment. I'm sorry that I made you upset. I love you and I'll always will.

PABABA ng hagdanan si Vhendice nang matanaw niyang pumasok ng sala si Ghaile. Tinungo nito ang overstuffed sofa at pabagsak na naupo. Pikit-matang isinandal ang ulo sa headrest ng sofa. Sunod-sunod na buntong-hininga ang agad na pinakakawalan nito. Isang katulong ang lumapit dito at inalok ito ng maiinom. Pero tumanggi ang doctor. Banaag sa anyo nito ang hindi birong pagkabalisa.

"Kumusta ang chairman?" pukaw niya sa kapatid.

Binuksan nito ang paningin at muling huminga ng malalim. "He's getting worst. Hindi ko na alam kung anong gagawin. If we can't find a donor soon, we would lose him."

"Did you prepare him for the surgery?"

"He's always been prepared ever since he was admitted in the ICU."

Tumango siya. "That's good."

"Aalis ka?"

"I have to meet with someone."

"Client?"

"An old friend."

"Ingat ka." Tumayo ito at tinunton ang hagdanan.

Huminga siya ng maluwag habang nakasunod ang mga mata kay Ghaile. Mabigat ang responsibilidad na ipapasa niya sa mga kamay nito. Para buhayin si Athrun, isa sa kanila ni Ray ang kailangan nitong wakasan ang buhay. Kahit alinsunod sa batas ang gagawin nito, papatay pa rin ito. Sa katulad niyang hunter na maraming buhay na ang hinatulan, balewala ang pumatay. Pero si Ghaile, pinili nitong maging doctor para bumuhay at magpagaling. Anong mangyayari kung malalaman nitong pagkatapos ng gabing iyon ay isang buhay ang nakatakdang malagas sa mga kamay nito?

Pumihit si Vhendice at tinungo ang pintuan.

MULA sa light house ay kapwa pinanonood nina Ray at Benjie ang paglubog ng araw sa kanluran. Ang kulay dugong langit at ang reflection niyon sa dagat na nakalatag sa ibaba.

"Sinunod ko ang advice mo. Nagpa-enlist na ako sa peace-making force na pupunta sa United Nation next month." Nagsalita si Benjie.

"Wise decision." Tumango si Ray. "Kailan ka aalis?"

"After three days."

"Pretty close. Be careful out there."

"Pinuntahan mo ba si Athrun?" tanong ng army official.

"Dumaan ako sa kanya bago pumunta rito."

"Pero hindi mo pa rin siya nakakausap."

"He's unconscious inside the ICU. At kahit gising siya, wala rin sa plano ko na kausapin siya. Baka sa halip na makatulong ay lalo lamang siyang lulubha."

"Did your brother knew how much you care for him?"

"It doesn't matter, does it? As long as I'll do what needs to be done."

"Ray, bakit hinahayaan mong mabuhay sa galit si Athrun? Bakit hindi mo sinabi ang totoo? At ang tungkol kay Shannon-"

"Bakit ka nga pala nandito?" agaw ni Ray para putulin ang gustong sabihin ng kaibigan.

Napailing na lamang ito. "You've been my bestfriend since I was in high school. Kilalang-kilala na kita. Alam kong wala kang balak manalo sa downhill race na iyon. Pumunta ka rito para mamatay. Sa tingin mo, matitiis kong hindi ka makita at makausap sa huling pagkakataon?"

Bahagyang napangiti ang binata. "Is it mean I've meet your approval? Hindi mo na iniisip na malaking kabaliwan ang gagawin ko?" Ipinukol niya ang paningin sa kulay dugong kanluran. "Have you noticed? Ang buhay ay parang araw na lumulubog. Hindi mo mapigil na pansinin dahil lulubog man ito at maglalaho, nakikita mo ang iniiwan nitong matingkad na kulay."

"Ray..."

Tumingin siya sa kaibigan at hinawakan ito sa balikat. "Thank you for everything, Benjie. Hindi ako katulad ni Athrun na kilala at minamahal ng maraming tao. But I don't have regrets, in fact I'm happy. Alam kong sa aking pagkawala mayroong dalawang taong patuloy na maaalala kung gaano kakulay ang buhay ko sa piling nila. Ikaw iyon at ang babaeng pinakamamahal ko. Si Safhire."

Bagamat walang kibo ay isang mabigat na paghinga ang pinakawalan ni Benjie para subukang paluwagin ang naninikip na dibdib.

Sinilip ni Ray ang oras. "It's time, my friend. I guess I have to go."

"Rayden..." mahinang anas ng sundalo.

Niyakap ito ng binata at bumulong sa tainga. "Goodbye..."

Mahigpit na nagkuyom ng mga kamao si Benjie at tumingala upang supilin ang mga luhang bumalong sa mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 23.6K 32
Pikit-matang tinanggap ni Nailah ang kanyang kapalaran dahil wala siyang pagpipilian...
711K 13.1K 46
Chris Lawrence Lardoza I was called a Playboy, heartbreaker, cheater, and worst fucker. whatever you name me, This is me. I love to date girls. hot a...
282K 15.3K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
214K 5.6K 19
She is naive and cold. She doesn't care about those men around her who's drooling over her. Ang tingin nya lang naman sa mga ito ay mga sagabal. She...