Gaano man kahaba magagawang sulat,
Mapuno man ito ng mga tanong sa lahat,
Ilalagay mga naiwang alaalang buhat-buhat,
At kung paano umasa sa mga salita mo'y ilalahad
Hahanap-hanapin mga 'di natirang wika,
Pati na rin matatamis at mabulaklak mong pambola
Napapaisip kung lahat ng 'yon ay naaalala mo pa,
At kung ako ang sasagot para sayo'y hindi na
Saan at kailan napako,
Bigla yatang naglaho, lumabo
Sa liham ipapaalala ang nasirang pangako,
"Hindi kita iiwan, mahal ko"