WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Pu...

By xianrandal

13.4M 206K 24.2K

Nananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a c... More

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE
1
2
3
4
5
6
7
8
9-name
10
11
12
12 - itech na talaga ang trulaloo na update
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29 Scanver
30
31- A Bitin ito, pramis!
31-B - mas bitin ito kaysa sa una
31-C -Huwag masyadong excited dahil baka ma frustrate!
32 - waley itey! Nagpalabas lang ng stress
33
34
35-Waley ito
36
37
38
39 -
40
41
42
43
44
45
46-Patatas pa More!
47
48
49 - Madrama to
50
51
52
53
54
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67 - MAUUMAY KAYO KAY INDAY- walang connection sa story-wala lang akong magawa
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77 - Near the ending
END
Tsenen!
WHEN A BEKI FALLS IN LOVE 2
FREE TWO SIGNED COPIES

55

94.3K 2.2K 485
By xianrandal

FB: XianRandal

Twitter: @XianRAndal

FB PAGE where you can interact with Elvin and Kathryn and other characters: X.i.a.n.a.t.i.c.s

Note: Madalas hindi ko po ina-add ang hindi ko friend sa X.i.a.n.a.t.i.c.s.

SALAMAT

55

“Sinta, lpaghanda mo ako ng masarap na masarap na pancake at scrambled egg pagkauwi natin ha.” Lambing ni Kathryn kay Elvin. Naglalakad sila sa loob ng People’s Park, kabuwanan na niya kasi at kailangan ng sapat na ehersisyo sabi ng doctor.

“Oo na nga, Sintas, kanina mo pa iniispluk sa akin yan.” Hawak niya ang kanang kamay nito habang naglalakad. May nakasalubong silang grupo ng mga kabataang babae na nagjojogging.

“Ang gwapo niya.”

“Sayang taken na.”

Napasimangot si Kathryn. “Ang babata pa!”

“Oo nga, ang babata eh kumakarir na (lumalandi), sabagay, Gourgina Wilson talaga jukens kaya di ko sila masisisi.”

“Heh! Gusto mo ha, si Erynn eh maggagaganyan at that young age?”

“Subukan niya lang, talagang kukurutin ko siya sa fiampey! At ngayon pa lang, kung sino man ang mga otokung mananakit sa junakis ko, manghihiram ng fezlak sa doggie.”

“Aba! Advance lang, Sintas. OA ng reaction ha.”

Napahawak sa dibdib niya si Elvin. “Kalma lang dapat akembang, kalma lang.”

“Yah, kalma lang, Sinta, hindi pa nga lumalabas si Erynn eh mga manliligaw na ang naiisip mo. Paano naman si Kael, what if katulad mo siya? I mean alam mo na.”

“Paminta? Well, tatanggapin ko pa rin, katulad ng pagtanggap sa akin ng pamilya ko, but Sintas naman eh! Huwag naman! Ngayon ko lang naintindihang mabuti ang feelings ng Papang noon. “

“Di bale,  gagawin natin ang lahat Sinta para mapalaki sila ng maayos.”

“Yes, Sintas! Keri natin yan. Tara, tama na at na-eexpose na ang byuti ko ditey.”

*************************

Hatinggabi ng makaramdam ng maramdaman ni Kathryn na humihilab na ang tyan niya. Agad na ginising niya si Elvin na mahimbing na natutulog.

“Sinta. Sinta, gising.”

“Hmmm. Bakit?” Inaantok na tanong nito.

“S-sumasakit ng tyan ko.”

“Natata-e ka ba, Sintas?” Inaantok pa rin na tanong niya.

“Hindi.” Napahawak na naman siya sa tyan niya.

“Anik (Ano) ba ang problema.” Idinilat na niya ang mga mata.

“Manganganak na yata ako.”

“Huwat!” Agad na nawala ang antok nito, biglang napabangon. “Ngayon na ba, Sintas?”

“OO ngayon na! Ang sakit na talaga, Sinta!”

“Juice colored! Manganganak na akembang, eh ikaw pala! Natataranta akesh ditey! Wiz ko knows ang gagawin. Gusto mong tubig Sintas?”

“Ayoko, dalhin mo na ako sa hospital.”

“Oo nga pala, sa hospital. Wait, asan na ang susi ng caru (kotse) natin?” Nakita niya itong nakalapag sa ibabang ng lamesita. “Kaya mong maglakad Sintas? Sandali, bubuhatin na lang kita. Natetense akesh!” Ipinaypay pa nito ang palad sa mukha.

“Relaks, Sinta. Kaya ko pa naman. Yung bag natin.” May naprepare na kasi silang bag in case na manganganak siya.

“Oo nga pala. Sandali.” May kinuha itong bag. “Tara na, Sintas. Juice colored naman! Mga kids, wizel muna kayo lumabas, witit knows ng Daddy ninyo magpaanak, huwag pahirapan si Mommy.” Inalalayan nito si Kathryn.

“Sinta, sandali, magshorts ka muna, please. Naka pink briefs ka lang.”

“OMG!” Agad na kumuha ng shorts si Elvin, mabuti na lamang at nakapajamas si Kathryn. “Halika na.”

“Wait, Sinta. Nawala ang sakit eh.” Talaga namang biglang nawala ang sakit ng tyan niya.

Biglang nahinto sa pagdampot ng bag si Elvin, tumingin kay Kathryn. “Are you sure?”

“Yes. False alarm yata, Sinta. Parang naparami ako ng kain ng seafoods kanina. Gusto kong pumunta ng CR.”

Nagpapapadyak si Elvin. “Sintas naman eh! Ano ba talaga? CR o hospital?”

“CR nga muna.”

Nakarinig ng tunog si Elvin, kasabay ng pagsabog ng mabahong amoy sa kuwarto nila. “Nakakalurkey kang merlat ka! Halika na nga at baka sumabog na yan ditey.” Inalalayan niya si Kathryn papuntang comfort room.

Nawala ng tuluyan ang antok niya. Ganun pala ang pakiramdam ng natataranta, dapat lagi siyang handa at relaks lang, at isa pa, simula ngayon, dapat okay ang suot niya, kung hindi baka lumabas sila kanina ng naka underwear lang siya.

“Okay ka na?” Tanong niya sa asawa nung lumabas ito.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Kathryn. “Okay na Sinta. Sorry ha, nagising kita.”

“Okay lang, halika na, eerklip na lang ulit tayels.”  Tinignan ni Elvin ang kanilang wall clock, mag aala una na ng madaling araw.

Sumampa na sila sa kama, niyakap ni Elvin ang asawa. “Akala ko talaga manganganak ka na Sintas.”

“Akala ko rin nga Sinta.”

“Sleep na tayo. I love you.”

“I love you too.”

*******************************

Mag-aalas tres ng muling sumakit ang tyan ni Kathryn, ginising na naman niya si Elvin.

“Sinta, Sinta gising.”

“Bakit Sintas?” Antok na antok si Elvin, ni hindi niya magawang dumilat.

“Masakit ang tyan ko, manganganak na yata ako.”

“I-cr mo lang yan, Sintas.”

Humilab na naman. Talagang iba na ang nararamdaman ni Kathryn.

“Sinntttttaaaaassss! Ang sakit-sakit na talaga! Manganganak na akooo!”

Napabangon at napatayo agad si Elvin. “Ay sandale! Asan na ang susi, ang bag, ang bato!”

“Anong bato! Tumigil ka nga! Dalhin mo na ako sa hospital, tumawag ka na ng ambulansiya!”

“Ay oo!” Agad na binuhat ni Elvin ang asawa. Hindi niya alam paanong nagawa niyang buhatin si Kathryn kasama ng bag at naisakay ito ng kotse.

“Bilis, Sinta!”

“Oo! Kaya mo yan, Sintas! Wait lang, malapit na tayo.” Malapit lang naman ang tinitirhan nila sa hospital. Agad na tinawagan niya ang kanilang OB Gyne tulad ng instruction nito. Mabuti na lamang at agad nitong sinagot ang tawag.

“Doc, manganganak na ho ako, I mean ang nyosa, I mean si Kathryn.” May ibinigay na instructions ang doktora, susunod na raw ito sa hospital.

“Okay ka lang, Sintas? Malapit na talaga.” Tanaw na niya ang hospital.

Agad na sinalubong sila ng staff ng hospital. Kinakabahang nakasunod si Elvin sa asawa.

“Hanggang dito na lang po tayo, Sir.” Nakangiting sabi ng nurse sa kanya. Hindi kasi pumayag si Kathryn na papasok siya at ivi-video ang panganganak nito tulad ng ibang alam niya.

Kinakabahang tinawagan niya ang kanyang Mamang at Mama ni Kathryn.  Saka lamang siya napatingin sa suot niyang sapin sa paa, tsinelas pala ni Kathryn ang suot niya, pink flip flops! Kaya pala ang sikip.

“Mang, dalhan nyo na rin pala ako ng tsinelas please.” Sabi niya sa kanyang Mamang na naeexcite na rin.

“Sir?” Sabi ng nurse sa kanya.

Napaangat siya ng mukha. Inilayo ang cellphone sandal. “Bakit?”

“Ah, yung mga gamit po kasi ng bata at nanay. Iba po kasi ang laman ng bag.” Nag-aalangang sabi ng nurse.

“What do you mean na iba ang laman ng bag?” Ang alam niya ay naihanda na nila ni Kathryn yun, gamit ng kanilang kambal at gamit ni Kathryn ang nasa loob.

“Ah, mga pink items po na panlalaki, t-shirts, boxers, apron, underwears.”

“Hindi yun!” Pinalaki niya ang boses. “Mga idodonate namin yun. Yah, mga ipamimigay namin na items na may pink theme.”

Bakit ba maling bag ang nadala niya!

***************************

Pasensiya, wala akong alam sa panganganak.

-Xian-

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
23.3K 330 13
When life gives you its worst, anong gagawin mo? TRIGGER WARNING: This story might trigger those readers with depression. READ AT YOUR OWN RISK. [UNE...
318K 10.4K 33
Mafia Heirs Series Book 1 Gretel Drinx McNeil.
1.3M 71.9K 45
Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na es...