43

128K 2.3K 244
                                    

43

At walang nanalo! Toinks! May isa pa pong contest, dun na lamang kayo sumali, sa dulo nitong update ang mechanics.

***************************************

Sobrang saya ni Kathryn sa I love you ng kanyang Sinta, hindi pa siya naka get over kahit na wala ng mga bisita at sila na lamang dalawa.

“Love mo na talaga ako Sinta?”

“Haler! Nakailang beses ng tanong yan, Sintas? Unlimited lang?” Elvin tucked some strands of  her hair to her ears. Kasi naman itong Sinta niya, aware ba siya na yung mga simpleng gestures niya ay nakakain-love?

They had decided not to have a second honeymoon, si Kathryn ang ayaw, gusto niya lamang raw mag stay sa condo nila at pagplanuhan ang kanilang ipapagawang bahay. Sabi nga ng Mamang niya, pagbigyan ang buntis. Nag iinarte pa rin kasi ito. Ang daming gusto, daming pinapagawa sa kanya.

“Napagod ako, Sinta.” Humiga ito sa sofa.

“Ay wit ka muna mag borlogs, Sintas! Wiz mo pa nga natanggal ang make up mo.”

“Pagod na ako, Sintas, isa pa, okay na ako sa I love you too mo kanina. Heaven!”

“Lukring ka talaga, Sintas! Ilang beses ko ba dapat iispluk sa iyo na hindi ko naman pwedeng sabihin sa madlang audience ang salitang I crush you too or I like you too, like duh!” He rolled his eyes.

“Ah basta! I know, deep inside, I know that you love me.” Pumikit ito. “Ayaw mo lang aminin eh!” Sumimangot pa.

“Kathy.” Heto na naman sila!

“Nakakainis ka, Sinta!”

“Sinetch? Akembang? Bakit?” Wala naman siyang ginagawa ah!

“Tell me, ayaw mo ba sa akin?” Nakapikit pa rin siya, ayaw niyang makita ang magiging reaksiyon ng Sinta niya.

“Of course I like you! Kaya nga I like you. I crush you.” Mabilis na sagot ni Elvin.

Napadilat ng mata si Kathryn.

“Hindi mo ako love?”

Hay ang kulit lang! Paulit-ulit lang sila. Rewind? Replay?

“Halika na nga! Magpahinga na tayels! Masama sa kyotatalet natin ang sobrang napapagod ka!Kanina pa tayo entertain ng entertain  ng mga bisita.”

“A-yo-ko.”

Natampal ni Elvin ang noo. “Okay fine! I-lo…”

“You love me?” Si Kathryn ang tumapos. She cannot wait. Kanina pa kasi niya pinapaamin ang kanyang half hombre- half mujer na hubby.

“Ay lo-ka ka talaga! Halika nga!” Bigla niya itong binuhat. Bridal style. Agad namang kumapit sa leeg niya si Kathryn. Feel na feel lang ang nagaganap.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon