Domingo #3: Crush Me Back

By Micassiopeia

4.7K 246 12

Bryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early a... More

DISCLAIMER
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
SPECIAL NOTE

CHAPTER 05

153 9 0
By Micassiopeia

CHAPTER 05: THE BLAME AND A NEW FRIEND

AMARA'S POV

I am in my room, crying. Hindi na kami umabot ni Anton ng dalawang buwan.

Hindi ako lumabas para sa dinner sa gabing iyon dahil masama ang loob ko kay mama. Hindi lang niya ako pinagalitan, pumunta pa siya kanina sa school at pareho kaming kinausap ni Anton sa Dean's office doon sa college department.

Pinaghiwalay niya kami sa harap ni papa.

Kung paano niya nalaman ang relasyon namin? I didn't know.

Ayokong isiping sina Yeshua at Vincent ang nagsusumbong kay mama pero sila ang sinasabi utak ko.

Pumasok si kuya sa kwarto ko dala ang tray ng hapunan ko. Nilapag niya iyon sa side table saka hinarap ako na nasa higaan.

"Narinig ko iyong nangyari." Aniya at tinapik ako sa ulo. "Kapatid nga kita." He said and chuckled. "Puwede mo bang ikuwento, Amara?" Sabi ni kuya saka naupo sa higaan ako.

Mabilis akong bumangon at niyakap siya. Umiyak ako sa dibdib niya. Kahit ganito kami ng kuya ko na kahit medyo mailap na kami sa isa't isa ay hindi maaalis na kapatid ko siya ano man ang nangyari.

"Totoo 'yon, kuya. We had a secret relationship."

"That Anton Mendiola?"

Tumango ako.

"Oh? E bakit ka umiiyak?" Natatawa niyang sabi kaya tinampal ko siya sa braso niya.

"Kuya naman e."

"Intindihin na lang natin si mama, Amara." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka napanguso habang pinapahid ang luha. "Siguro hindi gaanong malawak ang utak niya sa mga ganito. Remember, maaga siyang nabuntis sa akin." Tumango ako dahil alam ko ang kuwento ng nangyari noon. "Maybe she's afraid na baka may mangyaring hindi din maganda sa iyo, na baka magaya ka kay mama at alam nating dalawa na ayaw niya 'yon kaya siya ganito sa iyo." Natawa siya at napakamot ng batok. "Maybe sa akin din. You know my do's. Magkaiba lang tayo kasi lalaki ako at babae ka."

"Can't I have a boyfriend anymore then? Para hindi na mag-alala sa akin si mama?"

Kinurot niya ako sa pisngi. "Bata ka pa naman. Try to enjoy your puberty without disobeying mama's wants." May biglang sumilay na ngiti sa labi niya na parang tutuksuhin ako sa sasabihin niya. "What about Bryan? Hindi mo na siya bukambibig simula noong nag highschool ka ah?"

Napaiwas na lang ako ng tingin sa sinabi niya.

Bigla siyang humalaklak na parang may napagtanto sa pag-iwas ko ng tingin na iyon. "Kaya ka ba nag bo-boyfriend ay dahil ayaw sayo ni Bryan at sinaktan ka niya kaya ka naghahanap ng iba? Hmm..." he said suspiciously.

I look at him expressionless.

"He said he don't like me kaya bakit ko pa siya hahabulin kung ayaw niya sa akin. I am already awaken from chasing him, kuya."

Bumalik ang ngisi sa labi niya. "Bakit hindi mo subukang magbalik loob sa kaniya ulit..." He smirk devilish. "And seduce him."

Inirapan ko na lang siya sa sinabi niyang iyon. In his foot I'll do that.


———

Naging usap-usapan sa school ang secret relationship namin ni Anton. Kung paano kumalat ay hindi ko din alam. Malalakas lang talaga ang radar ng mga estudyante dito.

"Is it true, Amara? You had a secret relationship with Anton Mendiola?" Bungad ng mga classmates ko isang araw na maaga akong pumasok.

Dahil ayoko na ding ipagkaila ay tumango na lang ako.

Marami akong narinig na galing sa kanila na mga comments about sa secret relationship namin. At karamihan sa kanila ay hindi makapaniwala.

"Hindi talaga nagtatagal ang mga ganiyang relasyon." Sabi ng isa kong classmate.

Maya-maya ay pumasok na si Yeshua sa room at hindi ako pinansin. Diretso siyang naupo sa silya and he never put some glance at me until our class ends.

Mabilis natapos ang isang araw na hindi ako pinansin ni Yeshua. Pati sa lunch ay wala akong nakasama dahil hindi ko rin nakita si Vincent.

Nagi-guilty na ba sila dahil sila ang nagsumbong kay mama? Nairita na ako dahil sa naisip na iyon.

Palabas na ako ng gate ng makita ko si Vincent na naghihintay doon, kasunod non ay ang paglapit ni Yeshua sa kaniya.

Nagmadali akong lumapit sa kanila.

"Yeshua! Vincent!" I shouted. Hindi nila ako nilingon. Sila pa talaga ang may ganang hindi pumansin gayong ako na nga itong naagrabyado sa ginawa nila. "Kayo ba?" Mabilis kong paratang sa kanila ng tuluyan ko silang nahabol. "Kayo ba ang nagsusumbong kay mama?"

Si Yeshua na may iritang mukha ang humarap sa akin. "Ikaw pa talaga ang may ganang magalit sa amin, Amara?"

It shocks me. So sila nga?

"Pinagsikretuhan mo kami, Amara." It's Vincent this time who speak. "Kami dapat ang nagagalit sa iyo."

"Kayo ba ang nagsumbong?" Ulit ko. Gusto kong siguraduhin. Ayoko iyong ganito. Kung sakali mang sila ang nagsabi, maybe I should stop going along with them.

Akala ko mapagkakatiwalaan sila.

Hindi na nila ako pinansin sa mga sumunod na araw. Hindi ko na katabi si Yeshua sa upuan. Nasa bandang likod na siya at sa tuwing uwian, lunch at recess ay wala na akong nakakasama. That makes me more emotional.

I blamed them. Sila lang kasi ang alam kong malapit kay mama at malapit sa akin. They must be blamed kahit saang anggulo.

"Napapansin ko na hindi mo na nakakasama iyong dalawa mong kaibigang lalaki ah." Palabas na ako ng gate ng tanungin iyon ni Vann sa akin.

Nagkibit ako ng balikat. "We're some sort of misunderstanding."

Nakangiti lang niya akong tinapik.



———



Hindi na nga kami tuluyang nagpansinan nina Vincent at Yeshua. We are now in our grade nine at hindi ko na sila classmate pareho. I am alone with no friends.

Bumalik ako sa dati kong style pagtapak ng grade nine. I didn't wear dresses anymore. Hoodies are still more comfortable. Wala na rin kasi 'yong dalawang taong sinabihan ako na I should act girly. Wala na 'yong dalawang taong susuportahan daw ako sa mga gagawin ko. They both leave me. I leave them.

Usap-usapan sa buong high school department ang pagiging loner ko. Ayoko kasing maging kaibigan ang mga babae at kapag nakipagkaibigan naman ako sa mga lalaki ay baka gawan nila ng issue na siyang magresulta ng pagsumbong muli nila Vincent at Yeshua kay mama.

Nakakalungkot tuwing naaalala ko iyong ginawa nila. Nakakasakit lang sa loob. Kaibigan ko sila at ganon ang ginawa nila sa akin. They maybe over-protective over me pero ang makisawsaw sa relasyon ko isn't acceptable.

Ayoko na ring magalit si mama sa akin, ngayon pang maayos na kami kaya hindi na rin ako gumagawa ng ikakagalit niya.

In my grade nine, we had a transferee named Larson. Seatmeate kami at masasabi kong approachable siya.

Dahil bago siya ay ako ang nag-a-accompany sa kaniya sa campus. Same table na rin kami tuwing lunch or recess dahil wala pa naman siyang ka-close na classmate namin ay ako na muna.

"Dito ka na nag-aral since then?" Tanong niya sa akin habang magkasabay kaming kumakain ng tanghalian.

Tumango ako habang sumusubo. "Since pre-school." Simpleng sagot ko.

Habang nag-uusap kami ng kung ano-ano ay wala sa sariling napasulyap ako sa gilid ng table namin dahil dumaan doon sina Vincent, Yeshua and Bryan.

They're all classmates kaya hindi na ako nagtaka na magkakasama na silang tatlo. Simula pa lang naman ay ako na talaga ang hadlang sa kanilang tatlo. Ako ang dahilan kung bakit hindi sila nagkakasama in the past years.

Hindi ko na lang sila pinansin.

Lagi na kaming magkasama ni Larson simula noon. Siguro naman ay hindi nila kami gagawan ng issue dahil transferee siya at kinakaibigan ko lang. My classmates can defend on that. They know our status.

Ngayong araw ay may program sa school. Sinabi ko sa kaniya na ayoko sa crowd at sinabi ko pang pupunta na lang ako sa college department at doon tatambay sa soccer field nila dahil tahimik doon. Sumama siya sa akin dahil kung wala lang din daw ako sa program ay wala rin daw siyang makakasama doon kaya sasama na lang siya sa akin.

Sa bandang may acacia kami umupo para hindi gaanong mainitan.

"Naririnig ko kahapon sa mga classmates natin na may gusto daw sa iyo iyong nerd na senior high school. Alam mo ba 'yon?" Pagsisimula niya sa usapan.

"Iyong si kuya Andrey?" Baling ko sa kaniya.

Ngumisi siya. "Bakit mo kinu-kuya? Type ka non." Natatawa niyang tukso. "Sakit naman non at na kuya zone siya sa iyo. Hahaha."

"Siyempre kuya, mas matanda siya sa atin e." Natatawa kong sagot.

Tinusok niya ang tagiliran ko dahilan para mapaigtad ako. "Kaya gusto mo nga siya?" Tinaliman ko siya ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon. "Uy, gusto niya."

Napaigtad na lang ako dahil pinaulanan na niya ako ng mga kiliti. Hindi ko alam kung saan ako babaling dahil sa kiliti niya. Natatawa ko siyang pinipigilan.

"Larson, tama na! Hahahaha!" Impit kong tawa. "Hahaha!"

Hindi siya huminto.

"Iyong mga nerd pala ang type mo ah." Dagdag niya at mas ginanahan sa pagkikiliti sa akin.

"Hahaha! Ayoko na! Hahaha."

Napahinto lang kami sa asaran ng may biglang nagsalita sa gilid namin.

"Tinitignan ka ni kuya Callie."

Pagka-angat ko ng tingin sa nagsalita ay nakita ko si Bryan. Pagkasabi pa lang niya no'n ay mabilis na rin siyang naglakad palayo sa amin.

Sumulyap ako sa building nila kuya at naabutang nandoon nga siya na mukhang pinagmamasdan kami. Kumaway ako sa kaniya.

Kuya knows about Larson already kaya sigurado akong hindi siya magagalit na magkasama kami.

Ang bumagabag sa isip ko ay ano kayang pinunta ni Bryan dito? Para sabihin lang na tinitignan kami ni kuya? Program at ang alam ko ay kasali siya doon sa magpe-perform. Did he came here on purpose or it's just coincidence? Coincidence my face! Ang layo ng venue ng program dito sa soccer field na kinaroroonan namin.

Argh! This overthinking again.

To be continue....

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
3.1M 120K 39
Alas Ferrer is blind. After witnessing the death of his sister and father before his eyes, he refused to continue living and see again. Alas was sent...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
7.3K 608 43
Cristhel Joie, is the ugly muse of Paralaya. Most of her schoolmates bully her because of her appearance, and calls her different ugly nicknames. She...