Domingo #3: Crush Me Back

Von Micassiopeia

4.4K 245 11

Bryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early a... Mehr

DISCLAIMER
CHAPTER 01
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
SPECIAL NOTE

CHAPTER 02

163 15 0
Von Micassiopeia

CHAPTER 02: CONFESSION AND REJECTION

AMARA'S POV

Simula nang grade six na ako ay nakita ko ang malaking pagbabago kay kuya Wilson.

Dati ay halos makita ko siyang sampo-sampo ang mga kasamang babae sa isang araw but now, everything change. Naging cold na siya sa mga ibang tao at pagdating naman sa bahay ay hindi sila gaanong nagpapansinan ni mama.

One time, narinig kong nag-aaway sila and I heard Gianna's name. Iyong katulong namin dito sa bahay noon.

Ang daming problema sa buhay at isa si Bryan sa mga problema ko. Gusto ko lang naman na pansinin niya ako e. Mahirap ba yon?

"Kuya, huwag mo akong susunduin mamaya ha. Sina Vincent at Yeshua na ang kasama ko." Sabi ko ng nasa tapat na kami ng elementary department.

"Whatever." Aniya at umalis.

See, he's cold. Namana na niya sa akin.

Pagpasok sa gate ay naabutan ko roon ang isang lalaki, si Vann. Batch ko but weren't classmate pero kilala ko.

"Sabay na tayo?" Tanong niya sa akin. Tumango na lang ako at hindi pinakaelaman ang presensiya niya.

Ngayon ang unang araw ng practice namin for our graduation. Days run fast. Highschool na ako next school year.

Sabay kaming nagtungo ni Vann sa gym at naabutan ang madaming estudyante katulad namin na candidates for graduation sa iba't ibang section. Halos lahat ay nagtatakbuhan pa, nagtutuksuhan at nagkwewentuhan.

Nalingon ko ang kinaroroonan ng mga classmates ni Vann dahil nakatingin sila sa amin at nagsisisigaw na parang tinutukso kami.

"Uy, si Vanny boy. Binata na!"

"Sana all kasama ang crush!"

"Idol na kita, Vanny boy!"

Mga sigawan nila.

Napasulayap ako kay Vann na nginitian lang ako sa kabila ng mga ginagawa ng mga classmates niya. Nilampasan ko na lang sila at nagtungo na rin ako sa kinaroroonan ng section ko.

"Bakit kasama mo si Vann?" Bungad na tanong sa akin ni Yeshua ng makaupo ako.

"Nakisabay sa pagpasok e." Simple kong sagot.

"Sus! Dati ayaw mo nga ng ganiyan. Ano nang nangyari ngayon?" Ani Vincent na may kasamang panunukso rin sa boses.

Inirapan ko na lang sila at walang planong sagutin ang mga sinasabi. Pasimpleng hinanap ng mata ko ang kinaroroonan ni Bryan, nakita ko siya hindi kalayuan sa row na kinauupuan ko.

Seryoso lang siyang nakatitig sa ibang direksiyon niya na animo'y wala sa sarili. Sinundan ko iyong tinititigan niya at taga ibang section na babae iyon. Nakaramdam na naman ako ng inis.

"Yesh." Hila ko sa kwelyo niya. "Anong pangalan no'ng tinititigan ni Bryan?"

Sumulyap naman siya sa tinuro ko.

Hindi na natuloy ang pagsabi niya sa pangalan no'ng babae dahil nasa stage na iyong magpapa-practice sa amin.

Kinabesa ko na lang ang mukha nong babae at tinaliman ko siya ng tingin.

Kakausapin kita mamaya. How dare you to wear tube!

———

Naiwan ang section namin at ang isa pang section dahil kami ang hindi nakakasunod ng maayos sa practice. Well, iyong ibang classmates lang naman namin talaga, nadadamay lang kami sa hindi nila masundang napakadaling gagawin.

Naputol ang practice ng tinawag ang instructor namin sa principal's office.

Nang wala ng nagbabantay sa amin at automatic na nagsiguluhan na naman ang mga estudyante.

Nagtungo ako sa kinaroroonan nila Yeshua at Vincent dahil puro mga babae ang kasama ko doon sa pinanggalingan kong upuan.

Kakaupo ko pa lang sa tabi ni Vincent ng biglang tumayo si Bryan na agad kong napansin. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang sa backdoor ng gym ang tutunguhan niya. Nakita ko doon iyong babaeng nakatube kanina.

May iniabot iyong babaeng nakatube kay Bryan at nginitian naman niya ito bilang sagot.

Hindi na muling nakapagtimpi ang damdamin ko dahil sa inis. Nagulat ang dalawa kong kasama ng padabog akong tumayo para salubungin si Bryan na hawak iyong binigay ng babae sa kaniya.

"Amara..." Pigil ng dalawa sa akin ngunit hindi ko na sila nilingon.

"Ano 'yan?" Lakas loob kong tanong kay Bryan ng magkatapat na kami. Hindi na mawala sa ekspresyon ko ang inis.

"Meryenda as you see." Simpleng sagot niya at akmang lalampasan niya ako ng harangan ko siya.

Nagbaba ako ng tingin sa hawak niya at nakitang chuckie iyon at maja.

Cheap!

"Bakit ka niya binigyan? Bakit mo tinanggap? Wala kang pambili?" Sunod-sunod kong tanong.

Tinaliman niya ako ng tingin.

"Tsh!"

Lalagpasan na niya muli sana ako ng pigilan ko siya sa braso niya.

"Bry..." Bigkas ko sa pangalan niya. "You're my crush. Alam mo naman 'yon, diba?" Hindi siya sumagot. Nanatili ang pagkakahawak ko sa braso niya at bahagya ko pa iyong diniinan. "Puwede bang kung ayaw mo akong lapitan, layuan mo rin ang ibang babae–" he cuts my words.

"Do you think I'll obey what you want, Amara? You're owning me like I am yours well in fact it is not. Why are you trying so hard and doing this so hard when I–"

"Kasi gusto nga kita, Bryan..." I pause. "And I am jealous everytime you entertain other girls and not me."

Narinig ko siyang suminghal.

"Stop what you're doing. We were still young, you shouldn't act this way." Sabi niya at naglakad na pabalik sa dating kinauupuan niya.

Ano, I'll stop this? No way!

Huminga ako ng malalim at mariin kong pinikit ang mga mata. There is no way I'll stop this. Kahit sabihin pa niya o ng lahat na huminto ako, hindi ko gagawin. What I want is to just be close to him because I like him in the first place, even when he said that we were still young. Who cares? I like him, period.

"Bryan!" I shouted out of frustration. Napabaling ang lahat ng estudyante sa akin dahil sa malakas na pagsigaw ko. "Please!" I shouted again. "Crush me back!" Naging mas malakas ang sigaw ko sa huli kong sinabi.

Nahingal ako dahil doon. My purpose in doing that is for everybody to know especially girls to be aware that I like him so no one would dare to get near him. Tatakbo na sana ako para lapitan siya ngunit may sinabi siyang kinadurog ng munti kong puso na siya ring narinig ng sangkatauhan. My heart and mind just stop in functioning in what he said.

Lahat ng sinabi at pinanindigan ko kanina ay biglang naghalo in just his hurtful words. Palihim na namasa ang mga mata ko ng marinig iyong sinabi niya.

"I don't even like you, Amara. Why would I do that?!"





———



The whole vacation was boring. I am at my room the whole time, doing some unlively things.

Nanonood na lang ako ng episodes ng pokemon. I love pikachu, that explains it.

Kung tatanungin niyo si kuya ay mas lalo siyang naging weird. He only focuses in his study. Oo. Nakikita ko iyon.

Anong nangyari sa ihip ng hangin at tuluyan nang nalipad ang dating pag-iisip ng kuya ko?

Pero kung tatanungin niyo, I like my new kuya now than before na...you wouldn't wanted to know. All I can say that I like kuya's habit now.

My style didn't change at all. I like wearing hoodies and t-shirts. I am not into dollshoes of whatsoever sandals. I prefer rubbershoes.

One day in our vacation, tito Aldwin's family visited here. Of course, hindi mawawala si Armie na maingay at maarte. Sinusubukan niyang turuan ako ng mga girly stuffs like make-up and everything. Grr, all I can say is I don't like them.

Irita rin ako sa kaniya dahil alam kong crush niya si Bry– tsh! That boy!

But since then I started uncrushing him, hinahayaan ko na si Armie na icrush siya.

While Yeshua and Vincent visited me thrice noong bakasyon. Hindi ako lumabas ng kuwarto dahil sa tatlong beses nilang bumisita rito ay tatlong beses ring pumarito si Bryan sa bahay.

Wala siyang karapatang pumunta dito. How dare him!

"Ano nang plano mo, we're entering highschool already?" Tanong ni Yeshua one time nasa bahay sila ngunit walang Bryan.

"May magiging plano ba dapat ako?" I said coldly.

"Alam mo, Mara..." It's Vincent na inakbayan ako. "Alam namin kung bakit ka nagkakaganiyan. You've hurt, we understand you. Hindi pa namin na feel ang ma-reject pero makita ka naming ganiyan, we know it hurts."

"Indeed." I sighed. "Ano ba dapat ang gawin ko?"

Nagtitigan ang dalawang lalaki at sabay na ngumisi na parang may kademonyohang naisip.

Si Yeshua ang nagsalita. "Change your style. Ipakita mo sa kaniya, well hindi lang sa kaniya na hindi siya kawalan. Ipakita mo rin sa iba na you've change. Highschool na tayo sa pasukan. Let them see the new Ielle Amara na hindi na naghahabol sa isang Bryan Everson."

It's Vincent this time who talked. "Wala kaming alam sa pananamit but try to change your style and stop wearing hoodies. Search on internet some girly stuffs."

Nag-angat ako ng tingin sa kanila.

"Don't impress anybody. Impress yourself." Ngiti nila sa akin. "Since grade three mo siyang hinahangaan pero hindi ka niya pinapansin. Hayaan mo na siya."

"Susuportahan ka namin sa gagawin mo."

I smile and nod at them.

"New Ielle Amara Domingo, here we come!" Sigaw ng dalawa.

Isa lang ang naintindihan ko sa mga sinabi ng dalawa. Don't impress anybody. Impress yourself.

Iiwan ko na sa elementary department ang mga alaalang naghabol, nagpakatanga at kung ano-ano pang ginawa ko noon patungkol sa kaniya.

To be continue.....

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
35.9K 1.1K 46
The story of Glaica Sky Tejanda. ©shanexyz
6K 371 46
Two souls who are alone by many years, two human who only live just because they need to,no direction at all. Two Lonely hearts who only know how to...
3.1M 120K 39
Alas Ferrer is blind. After witnessing the death of his sister and father before his eyes, he refused to continue living and see again. Alas was sent...