The Handsome Flower BXB 2020

By Ai_Tenshi

964K 61.4K 7.8K

Gusto mo bang makatanggap ng RED CARD? Ang kwento ito ay BXB version ng sikat na Asianovelang Meteor Garden. More

NOTE:
CAST
THF Part 1
THF Part 2
THF Part 3
THF Part 4
THF Part 5
THF Part 6
THF Part 7
THF Part 8
THF Part 9
THF Part 10
THF Part 11
THF Part 12
THF Part 13
THF Part 14
THF Part 15
THF Part 16
THF Part 17
THF Part 18
THF Part 19
THF Part 20
THF Part 21
THF Part 22
THF Part 23
THF Part 24
THF Part 25
THF Part 26
THF Part 27
THF Part 28
THF Part 29
THF Part 30
THF Part 31
THF Part 32
S2 NOTE:
THF Part 33
THF Part 34
THF Part 35
THF Part 36
THF Part 37
THF Part 38
THF Part 39
THF Part 40
THF Part 41
THF Part 42
THF Part 43
THF Part 44
THF Part 45
THF Part 46
THF Part 47
THF Part 48
THF Part 49
THF Part 50
THF Part 51
THF Part 52
THF Part 53
THF Part 54
THF Part 55
THF Part 56
THF Part 57
THF Part 58
THF Part 59
THF Part 60
THF Part 61
THF Part 62
THF Part 63
THF Part 64
THF Part 65
THF Part 66
THF Part 67
THF Part 68
THF Part 69
THF Part 70
S3 NOTE:
THF Part 71
THF Part 72
THF Part 73
THF Part 75
THF Part 76
THF Part 77
THF Part 78
THF Part 79
THF Part 80
THF Part 81
THF Part 82
THF Part 83
THF Part 84
THF Part 85
THF Part 86
THF Part 87
THF Part 88
THF Part 89
THF Part 90
THF Part 91
THF Part 92
THF Part 93
THF Part 94
THF Part 95
THF Part 96
THF Part 97
THF Part 98
THF Part 99
THF Part 100
THF Part 101
THF Part 102
THF Part 103
THF Part 104
THF Part 105
THF Part 106
THF Part 107
THF Part 108
THF Part 109
THF Part 110
THF Part 111
THF Part 112
THF Part 113
THF Part 114 (END)

THF Part 74

5.8K 484 52
By Ai_Tenshi


PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTeshi

April 1, 2020

Habang bumaba ang matanda suot ang kanyang margarbong gown ay nag sasalita naman si Frenny. "Donya Briguela Armada dela Merced Y. de Sobiel. A 78 years old stunner from the rare blood line of the royal family in Egypt. The one and only descendant of queen Cleopatra. Her motto is "We may encounter many defeats but we must not be defeated." Ladies and gentlemen, the timeless and the shining shimmering splendid beauty of Donya Briguela Armada dela Merced Y. de Sobiel." ang intro nito pero ako naman ay napalunok nalang dahil kamukhang kamukha siya ng yumaong artista na si Bella Flores at mukhang napakataray ng dating..

"Ahlan wa sahlan" ang bati ng donya habang bumababa..

Part 74

Pag baba ng donya ay agad itong bumati. "Justine, my darling. Long time no see. Masyado kang busy, feeling ko napapabayaan mo na ako." ang bungad niya sabay beso dito.

"Naging busy lang ako sa shoot Donya Briguela. Pero marami tayong bagong labas ng premium make up mula sa Paris. Ittry ko minsan sayo ang pinaka magandang shade." ang wika nito.

"Dapat lang no, sobrang sad ko nga dahil ilang make up artist na ang napalayas ko dahil hindi alam ang taste ko pag dating sa kagandahan. Yung mga make up nila ay hindi nag bblend sa skin color ko. Ikaw lang talaga ang pinag kakatiwalaan ko pag dating sa beauty regimen." ang sagot ng matanda na parang dalaga pa rin kung umasta.

"Baka masyadong makapal ang lagay nila. Dapat sa iyo ay natural look lang, kaunting shade lang, parang no make up make up effect. Kasi Donya Briguela you are already beautiful kaunting retouch nalang yan." ang magiliw na sagot ni Miss Justine.

"Binobola mo naman ako. Ikaw lang talaga may alam kung ano ang bagay sa akin." kinikilig niyang sagot sabay harap sa akin. "Boyfriend mo?" tanong niya at pinag masdan ako mula ulo hanggang paa. "May itsura ang batang ito."

"Ano ka ba Donya Briguela hindi ko siya boyfriend. Siya yung sinasabi ko sa iyo na ipapasok ko parang mag bigay ng medical assistant sayo. Alam kong marami kang indoor and outdoor activities, mayroon ka pang mga dance sessions. Kaya i think you need someone na titingin sa iyo. Lalo na kapag stress ka. Diba?"

"Pero hindi pa naman ako ganoon katanda para bigyan mo ng care giver hano?"

"Hindi naman care giver si Blas, isa siya nursing student at top 1 sa Superior University. Siya ang nag ligtas ng buhay ko kaya malaki ang trust ko sa kanya." ang wika ni Miss Justine.

Humarap siya sa akin. "Actually hindi ko naman kailangan ng medical achuchu na iyan hano. Tingnan mo naman, malakas pa ako at maganda."

"Summer lang job po sana Donya Briguela. Para po sa pag aaral ko." sagot ko.

"Hay, okay fine. Kung hindi lang ako nahihiya dito kay Justine hindi talaga kita kukunin. Anyway stay in ka dito. 50k ang sweldo mo kada buwan. At isang rules lang sa bahay na ito, ako ang masusunod at kayo ay huwag makiki alam sa akin." ang wika niya sabay harap kay Frenny. "Tawagin mo si Jamie bilisan mo. Siya na ang bahala dito kay ano.. anong pangalan mo?"

"Blas po."

"Kay Blas." ang wika niya sabay hila kay Miss Justine at nag kwentuhan silang dalawa..

Napalunok ako hindi ako makapag react na ganoon kalaki ang sahod. Malaking tulong ito kina mama at papa pag nag kataon. Makakaipon rin ako ng pambaon sa eskwelahan.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman ang isang babae na may hawak ng mga folder at kung ano anong dokumento. Naka ngiti siya at binati ako. "Bago ka?" tanong niya.

"Oo, medical assistant para kay Donya Briguela."

"Blas, siya si Jamie, ang inhouse secretary ni Donya Briguela. Siya yung nag papasweldo sa mga royal guards at siya rin yung mga nag checheck ng supply dito sa bahay. You can actually call her "Dooday". ang wika ni Frenny Je.

"Halika, sasamahan kita sa room mo. Ano gusto mo? Dito sa first floor o doon sa 2nd floor?" ang tanong ni Dooday.

"Bakit ang laki ng bahay? Dapat maraming katulong dito diba?" tanong ko.

"Mayroong dalawa doon sa kusina. Isang chef na taga luto at isang taga linis. Mag asawa sila si Tarzan and Jane.

"Seryoso?" tanong ko.

"Yes. Alam mo marami nang katulong dito na umalis. Walang tumatagal dito. Kaya lang kami ni Frenny Je tumatagal ay dahil kailangan namin ng pera. Alam mo na, para sa kabuhayan. Pero ikaw? Siguro mga 1 week ka lang dito. Goodbye na sa iyo." ang wika ni Dooday habang lumakad kami patungo sa aking silid.

"Pero bakit walang tumatagal?" tanong ko

"Dahil si Donya Briguela ay isang demonyitang umahon mula sa lupa. Basta, makikita mo ang ugali niya na kakaiba talaga. Kung mahina ang loob mo? Goodbye sayo. Dito sa bahay na to patapangan ng sikmura, pakapalan ng mukha at pahabaan ng pasensiya. Ihanda mo ang sarili mo dahil bagyo itong pinasok mo." ang wika niya na parang nanakot.

"Ganoon kasama?"

"Yes! Kaya dapat palaban ka! Teka palaban ka ba?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Medyo." sagot ko bagamat may reputasyon ako sa Empire University dati na nag tutumba ng mga kaaway.

"Good, pero hindi pwedeng "medyo lang". Patigasan ng loob dito. 5 lang tayo sa bahay na to. At isa sa atin ang tatanghaling big winner. Choz!" ang wika niya sabay bukas ng isang silid. "Eto ang iyong humble room. Pasensiya na medyo maliit ito."

"Maliit pa ba yan? Kasing laki na ito ng buong bahay namin ah." ang namamangha kong wika habang pinag mamasdan ang magarbong silid na parang nasa hotel. Aircon, malambot ang kama, may sariling sofa, aklatan, CR, may study table at malaking cabinet. "Sobrang ganda naman nito."

"Wala namang pangit na silid dito sa mansion. Mitikuloso ang donya at nakita mo ang speaker na iyon? Doon ka tatawagin ni Frenny Je, ang inhouse call center agent natin. Kung wala ka nang tanong bumaba na tayo doon dahil baka magalit pa si Donya." ang wika niya sabay hila sa akin pababa.

Dito ay naabutan naming nag kkwentuhan at nag tatawanan sina Donya at Miss Justine habang kumakain ng cake at umiinom ng wine. Ipinapakita ni Miss Justine ang mga bagay make up na uso ngayon sa Paris.

"Ayaw ni Donya Briguela ang pumanget. Ito ang greatest fear niya. Siya ay ngayon palang nag dadalaga. At huwag kang mag tatanong kung nasaan ang kanyang pamilya, ayaw niyang pinag uusapan iyon. Huwag ka ring sasagot sa kanya kapag nag sasalita siya dahil ayaw niya ng ganoon." wika ni Frenny Je sabay kuha ng kanyang cellphone. "Paging Dooday. Pumunta ka daw kay Donya Briguela ngayon din."

"Ano ka ba eto lang ako sa likod mo." ang sagot ni Dooday.

"Ginagawa ko lang ang work ko." ang sagot ni Frenny.

Tawanan sila pero impit lang..

Makalipas ang ilang oras ay tumayo si Miss Justine at kinawayan ako nito. "Blas, aalis na ako. Okay ka lang ba dito? Kapag may problema ay tawagan mo lang ako agad. Mabait si Donya Briguela, kailangan mo lang siyang sundin." ang wika nito.

"Salamat Miss Justine. Dont worry hindi kita ipapahiya."

"Alam ko naman iyon. See you around. At huwag kang mag alala, walang makaka alam na nandito ka. Lalo na ang mga Guarin." ang wika niya sabay yakap sa akin. Pumasok siya sa kanya sasakyan, kumaway pa ito sa donya saka nag pasyang umalis.

Naiwan ako sa mansion para simulan ang aking bagong trabaho. Bagong hamon at bagong buhay.

"Siguro naman nasabi na sa iyo ni Jamie ang tungkol sa mga bagay na gusto ko at bagay na ayoko. Hayaan mong mag pakilala ulit ako sa iyo. Ako si Donya Briguela Armada dela Merced Y. de Sobiel ako may ari ng malaking mansion na ito. At simula sa araw na ito ay iyan ang itatawag mo sa akin." ang wika nito.

"Maliwanag po, Donya Briguela Armada dela Merced Y. de Suvell." ang sagot ko dahilan para mapakunot ang noo niya. Bigla niyang hinawakan ang aking panga at unilit ang susyal na apeliyido niya. "de Sobiel! El! At hindi letter V! Walang hangin! Sobiel! El! Lagyan mo ng slang! May kaunting landi! Ulitin mo!"

"De Sobiel! Sooobieeeel!" ang pag uulit ko.

"Good! Kayong dalawa (sabay turo kay Dooday at Frenny) ipractice niyo ang tamang pag bigkas sa apeliyido ko. Tagal tagal niyo na dito de Sobiel lang di niyo pa magawa ng tama! Mga bobang to, di naman kayo kagandahan." ang sermon niya na parang si Bella Flores na mananampal.

"Donya Briguela Armada dela Merced.." hindi na ako nakatapos buuin ang pangalan niya.

"What??!" ang tanong niya.

"dela Merced Y. de Sobiel. Ang sabi po ni Miss Justine ay tumataas ang blood pressure niyo kapag sumisigaw kayo ng todo, the last time daw nahilo kayo. Gusto niyo po ba icheck ko ito?" tanong ko.

"Cheeeee!! Doon na nga kayo!" ang sagot ng donya sabay akyat sa hagdan.

Lumapit sa akin sila Dooday na natatawa "i told you, buset talaga yang si Donya. Alam mo hindi mo naman magagawa ng work mo bilang medical assistant niya. Ang trabaho natin dito ay pakisamahan ang masamang ugali niya. Pero more on petiks lang tayo dito."

"Ako ang petiks, buti nalang malayo ako kay Donya Birguela. Kayong dalawa ang laging lumalapit sa kanya kaya problema niyo na kung paano kayo gagawa ng strategy para pakisamahan siya." ang wika ni Frenny habang hinahangin effects ang kanyang buhok.

"Paano kayo nakakatagal kay Donya Briguela?" tanong ko.

"2 years palang ako dito, samantalang si Dooday ay 3 years na. Paano kami tumatagal? Kapalan ng mukha, patibayan ng sikmura at palakasan ng loob. Alam mo madali ang work dito, mahirap lang talagang pakisamahan si Donya dahil galit ito sa mundo."

"Nasaan yung mga anak niya?" tanong ko.

"Itinakwil siya kasi bad attitude ang lola mo." ang wika ni Dooday.

"Kaya ngayon alone siya. Mayaman, mapera , magaling mag patakbo ng negosyo ang matanda na iyan pero wala siyang pamilya. Kaya hayan, mahilig sa social gatherings, feeling nag dadalaga." ang wika ni Dooday.

Nag simula ang bagong buhay ko dito sa loob ng mansion. Hindi ito tipikal na malaking bahay na napapalibutan ng marami at masayang katulong. Walang ganoon, tahimik dito dahil lima lamang kami sa loob. Mabait sina dooday at Frenny. Sa kusina naman ay makikita mo ang dalawang cook na mag asawang Jane at Tarzan. Nag kataon lang ganito ang kanilang palangan kaya meant to be sila.

"Bago lang rin kami dito ni Jane. Hindi namin masyadong kinakausap ang donya dahil mainitin ang ulo nito." wika ni Tarzan sabay salin ng mainit na gatas sa aking baso.

"Basta kami playsafe lang. Yung madalas pagalitan ay yung dalawang lagi niyang kasama. Sina Je at Jamie. Bugbog sarado ang mga iyan kay Donya Briguela. Alam mo sa hirap ng buhay ngayon walang mag papa sweldo sa amin ng halagang 58k sa pag luluto at pag lilinis. Kaysa naman mangibang bansa pa kami. Mag titiis nalang kami sa bunganga ng donya. Pag pinagalitan ilabas mo sa kabilang tainga. Huwag mong seseryosohin dahil masisiraan ka ng bait sa kanya." wika ni Jane.

Tawanan sila..

Pero sa loob loob ko ay maswerte pa rin ako dahil masungit si Donya Briguela ay mababait naman ang apat na kasama ko dito sa bahay. Kahit papaano ay nagiging magaan ang aking loob. Marami na akong pag subok na pinag daanan. Siguro ay maliit na bagay nalang ito.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 460 59
Original Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderf...
1.3M 53.5K 72
Highest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Sto...
926K 2.5K 6
Alexander Villanueva always being tagged as "May Itsura naman" and he always hated hearing that comment, dahil para sa kanya it's either guwapo ka o...
9.7K 680 33
[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito...