Their Chasing Souls

By issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 11: Birthday Party

271 23 0
By issawandablue

Yna's POV

"Happy birthday baby." Niyakap ako ni mommy habang ako naman ay kinusot kusot pa ang mga mata mula sa pagkakagising.

"Thank you my." At sinuklian ko naman siya ng halik sa pisngi.

"Oh sya, bumaba ka na at nagaantay na ang breakfast. Ipinagluto kita ng paborito mo."

Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng aking kwarto.

Pumunta ako sa banyo at nagsipilyo. Kahit na inaantok ay pilit ko paring dinidilat ang mga mata ko. Sobra hatinggabi na rin kasi nang nakauwi ako kanina. Mabuti nalang at hindi na ako kinulit ni mommy sa late kong pag-uwi. Napalaam kasi naman pala ni Ely kila mommy na medyo malilate kami ng uwi at sinigurado naman raw niya na ihahatid niya ako sa bahay nang ligtas. Ewan ko ba at parang hindi manlang nagalit sakin si mommy. Pero si daddy medyo galit ng very very light dahil bakit raw pinayagan ako ni mommy at mukhang chill lang siya. Ang mahalaga eh hindi na niya ako inusisa pa, at alam naman ni daddy na birthday ko kaya siguro ay pinagbigyan na niya ako.

'I like you George and I'm dead serious.'

"No!" Naghilamos ulit ako nang maisip ko ang mga katagang 'yon. "Baliw talaga 'yon! Nakakainis!"

Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba sa dining. Mabuti nalang at wala kaming pasok ngayon. Free day dahil acquaintance raw kahapon at pagod ang mga estudyante lalo na sa mga pumunta ng after party.

"Arf.. arf.." tumakbo palapit sa akin si Matcha at niyakap ko naman siya pagkatapos niya akong dilaan sa pisngi.

"Matcha baby! Babatiin mo rin ba ako?" sabi ko sa kanya at umikot ikot lang siya sa harap ko habang winawagayway ang kanyang buntot.

Isang chowchow si Matcha, at dahil fluffy siya ay enjoy talaga ako lagi kapag niyayakap ko siya. Para siyang isang malaking teddy bear!

"Happy birthday monster baby sis." bati ni Kuya at nilahad ang kanyang open arms para yakapin ako.

Niyakap ko naman siya. "Tsk, asan yung regalo ko?"

"HAHAHA. Akala ko eh okay na yung yakap ko hindi pa pala." May kinuha siya sa kanyang bulsa at binigay ito sa akin.

"Wow. Wala nang bawian to ha? Akin na talaga 'to?" inabot niya sa akin ang isang VIP ticket sa concert ng pinakaborito kong banda!

"Yiiee love you! Alam ko naman talagang mahal na mahal mo 'ko eh. Pakipot ka pa."

"Ewww!" at nagkunwari pang nandidiri sa sinabi ko.

"Tsk. Panira ka nang moment." At sabay naman kaming natawa.

"Happy birthday hija." biglang sumulpot sa harap ko si Mnang Ging at binati ako.

"Thank you Manang Ging.",nginitian ko siya at niyakap.

"Nako dalagang dalaga na talaga ang alaga ko at napakaganda na.

"Kayo talaga manang inuuto niyo naman ako eh. Sige ka baka maniwala ako.", tumawa naman siya.

"Oo nga manang, wag niyo masyado purihin at baka maniwala." Mapang-asar na sabi ni Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang!"

"Oh siya at pumunta na kayo doon at inaantay na kayo ng mommy at daddy niyo sa mesa."

"Sumabay na kayo sa amin manang. Para mas masaya."

"Nako eh-"

"Oo nga manang, hindi naman na kayo iba sa amin."

"Kayo talaga, nakakahiya naman kila Dianne."

"Manang, eh parang pamilya na nga ang turing nila mommy at daddy sa inyo, paano pa kaya kami nila Kuya eh kayo nga 'tong nagalaga sa amin mula pagkabata." Wala nang nagawa si Manang at pumunta na rin kami sa dining area kasama pa ang dalawa naming kasambahay.

"What can you say?" tanong ni mommy nang sumubo ako ng luto niyang kaldereta.

"Ang sarap po mommy, thank you so much."

"Hon, alangan naman sabihin niyang hindi masarap." Sinamaan naman ng tingin ni mommy si daddy na medyo natatawa sa sinabi.

Kahit na may mga edad na sila eh mukha pa ring teenager mag-asaran ang dalawa. Kaya minsan ay hindi ko rin maiwasang kiligin sa kanila.

"Manang Ging, mabuti pa siguro ay samahan mo akong magrocery pagkatapos nating kumain para makapagsimula na tayong magluto pagkatapos magtanghalian."

"O sige po, mukhang maganda nga iyan." Sagot ni Manang Ging kay mommy. "Ikaw hija.." baling niya sa akin. "May mga request ka bang ipaluto para sa mga ihahanda mo sa birthday mo?"

Nagkunwari naman akong nag-isip. "Hmm. Pwede po ba lahat ng paborito ko? Hehe." Napatingin naman sila sa akin. "Joke lang po, kahit ano po basta masarap. May tiwala naman po ako sa inyo ni mommy."

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na ako sa sala at nanood ng tv kasama si Kuya.

Gusto nga kita Jen

Hindi, sinasabi mo lang yan kasi nachachallenge ka sakin.

Jen please, maniwala ka naman.

Sorry Leo, pero di ko talaga kayang paniwalaan ka sa ngayon.

(Niyakap niya si Jen)

Parang awa mo na Jen, hindi ko kayang mawala ka. 

Bitwan mo na ako

Mahal na mahal kita at seryoso ako sayo

"I like you George and I'm dead serious"

Patawarin mo ako Leo pero...

"Ba't mo pinatay?" tanong sakin ni Kuya nang bigla ko nalamang pinatay ang TV.

"Ang panget ng palabas eh."

"Ang OA, eh ikaw nga 'tong mahilig sa romance novels. Ginawa mo pa ngang library ang kwarto mo pagkatapos mong gawing art gallery." Inirapan ko naman siya.

"Eh sa pangit eh! Don't tell me nababading ka na at gusto mo nang nanonood ng ganyan?"

"Tsk. Pinagbibigyan na nga kita kasi birthday mo eh ikaw pa yung may ayaw."

Kinuha niya ulit ang remote sa akin at binuksan ang TV.

"Sabi nang.."

"Ililipat na nga heto na oh!"

Magandang umaga sa inyong lahat at ito na ang daily horoscope ninyo.

Taurus: May makikilala kang bagong kaibigan na makakatulong sayo.

Gemini: Seswertehin ka today at may darating na magandang balita tungkol sa matagal mo nang binabalak.

Cancer: May magtatapat sayo ngayon kaya wag k-

"Oh bakit mo ulit pinatay?"

"Eh hindi naman totoo yan eh! Tch."

"May sinabi ba sayong maniwala ka? Hay ewan ko sayo! Makanood na nga lang ng action." Nilipat niya ang channel at nanood ng action movie.

Tinext ko naman agad sila Luna at Viel. Bakit kaya hindi pa sila nagpaparamdam? Hmmm.

At dahil hindi pa sila nagrereply eh tatawagan ko na sana sina Luna pero..

*DING DONG*

"George buksan mo. May tao yata" Utos ni Kuya.

"Malamang, alangan namang multo ang kumatok."

"Sino kaya 'yon? Mukhang maaga ang mga bisita mo ah?" sabi ni daddy papunta sa pinto.

"Ako na po dy." At ako na ang bumukas ng pinto.

"HAPPY BIRTHDAY YNA!" bati sakin nila Luna at Viel saka ako niyakap.

"Thank you."

"Hi tito." bati ng dalawa kay daddy.

"Oh kayo pala, mabuti at nakarating kayo."

"Pasensya na kayo at dirediretso kaming pumasok. Pinagbuksan na kasi kami ng pinto ni manong guard." Paliwanag ni Luna.

"Okay lang yun. Tara pasok kayo." Yaya ko sa kanila.

"Andyan ba si tita?" tanong ni Viel.

"Wala, kakaalis lang, naggrocery sila ni manang."

"Sayang, pinabibigay pa naman ito ni mommy." iniabot niya sa akin ang tatlong malalaking boxes. "Chocolate cookies, tumulong ako sa pagbake niyan." pagyayabang ni Viel at ipinagmalaki ang binigay na cookies.

"Nag-abala pa kayo."

"Ano ka ba, maliit na bagay, here's my gift for you." At iniabot sa akin ang isang malaking paper bag.

"Ito naman ang sakin." iniabot naman ni Luna ang isang box na nakabalot ng pink wrapper na may nakasulat na happy birthday.

"Hi Kuya Charles." Sabay nilang bati kay Kuya.

"Yow girls. Feel at home." tumango siya sa dalawa saka ulit bumaling sa pinapanood na palabas.

"Sige maupo muna kayo at kukuha lang ako ng makakain."

"Tulungan na kita." Alok ni Viel.

Pumunta kami sa kusina at nagprepare ng makakain. Kinuha ko iyong leche flan na ginawa ni mommy.

"Hmm. Nga pala, balita ko pumunta ka pala sa after party?" tanong niya.

"Wala akong choice eh. Itanong mo sa pinsan mo."

"Hehe sabi nga ni Luna eh. So how was it?"

"H-Ha?"

"Kamusta kagabi?" tanong niya sa akin habang kumukuha ng mga platito.

_>.<_

"W-wala! Hindi nga masaya eh."

"Yung party?" at tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtataka.

"O-oo medyo boring."

"I see. Kaya pala ang aga niyo rin raw umalis ni Ely."

"Hmm."

"Uhh... bestie.."

"Hm?"

"Alam mo na invited si gramma mamaya di ba?"

"Oo ang alam ko."

"Hm.. ibig sabihin eh pupunta rin si Zeke.", bigla akong kinabahan sa sinabi ni Viel.

Natigalan ako sa sinabi niya dahilan para muntikan ko nang maitapon ang tinitimpla kong juice.

Ngayon lang nag-sink in sa utak ko 'yon.

"A-Ah.. akala ko naman kung ano."

"Okay lang sayo?"

"Wala namang masama eh. Civil naman ako sa kanya. At nagmomove on na." tinignan niya ako na para bang hindi siya naniniwala sa akin.

"Okay, sabi mo eh." Aniya at nilagay na ang leche flan sa mga platito.

Nagkwentuhan muna kami ng mga bagay tungkol sa school. Nang dumating ang tanghali ay sakto namang kararating lang nila mommy mula sa pamimili. Pagkatapos naming kumain eh nakipaglaro muna si Luna ng video games kay Kuya, si Viel naman ay tinulungan sila mommy sa paghahanda ng mga pagkain para sa okasyon mamaya. Ako naman ay abala na naglinis ng bahay. Aba masipag rin naman 'to no!

Pagkarating ng alas siete ng gabi ay nagsimula nang magsidatingan ang mga bisita. Puro kapamilya, kamag-anak at mgamalalapit na kaibigan lang namin ang dumalo.

Nakarating na rin ang mga pinsan ko at nangunguna na sa pagbida si Gio ng kanyang regalo. Sa sobrang excited eh siya mismo ang nagbukas ng regalo niya imbes na ako! Loko talaga!

"Hindi ka naman excited sa regalo mo sa akin ano?" natawa ako pati ang mga pinsan ko.

Binigyan niya ako ng pinakabagong labas na disenyo ng sapatos ng paborito kong brand.

"Oh ano?" at kinindatan niya ako habang itinataas baba pa ang kilay.

"Asus, eh malamang nanghingi ka rin kay tito pambili nito."

"Hoy, hindi ah... galing yan sa baon ko.. Tinulungan lang ako ni erpats... ng very very light." pagyayabang ni Gio kaya natawa naman kami pareho pati na rin ang mga pinsan namin.

Mga pinsan ko lang sa father side ang nandito at yung iba kapatid ni daddy nag-migrate na sa ibang bansa. Hindi ako close sa mga kamag-anak ko sa mother side. Hindi ko rin kilala ang lahat ng pinsan ko kay mommy at puro kwento lang ang naririnig ko tungkol sa kanila. Nakatira raw ito sa malalayong lugar o kaya nasa ibang probinsiya. Ang iba naman ay sa ibang bansa na nagaaral. Lahat ng kapatid ni mommy ay lalake at nag migrate na sa ibang bansa at si mommmy na lamang ang natira sa Pilipinas.

Mayamaya pa ay dumating na ang iba pang mga bisita. Dumating na rin ang mga Montemayor.

Sinalubong nila mommy sila Tita Jes, Tito Art, Tita Trina, Kuya Levi, Grammy, Kit at... si Zeke.

Nagtama ang paningin namin pero iniwasan ko na lamang ang pagtitig sa kanya.

Stupid! Hindi ka rin nagpapahalata Yna ano?

Nilingon ko ulit sila pero mukhang wala nga ito. Pero asan si Ely?

Tsk. Paki ko ba?

"Happy birthday Yna." bati sakin ni tita Jes at niyakap ako.

"Thank you po."

Inihatid sila ni mommy sa dining area kung saan nandoon rin ang iba pang bisita.

Dalawa kasi ang dining area namin. Isa ay para lang sa maliit na salu-salo at kasya lang kaming buong pamilya. Ang isa naman ay parang isang buong hall kung saan may tatlong mahahabang mesa na nakahilera at dito ngayon idinaraos ang party. Siguro ay kasya ang 50 na katao rito. Pero nga dahil mas intimate ito ay oonti lang rin ang mga dumalo siguro ay wala pa sa 30 na katao.

"Yna baby come here." Tawag sa akin ni mommy mula sa mesa kung saan kasama ko ang mga pinsan at kaibigan kong kumakain.

"Bakit po mommy?" tanong ko kahit alam ko na ang mangyayari. Syempre social obligation. Pakilala at makikwento sa mga bisita.

"Sit down." Kaya umupo naman ako sa tabi niya.

Nang makaupo ay narealize ko nalang na nasa iisang table kami nila Ely kasama ang pamilya niya.

Akalain mo nga naman pupunta pa pala ang mokong. Tch! At siyempre ay nandoon rin si Zeke. Kung sinuswerte ka nga naman oh.

At dahil naiwan ko ang pagkain ko sa kabilang mesa ay hinatiran ulit ako ng makakain sa table ngayon kung saan ako nakaupo.

Nagtatawanan at nagkikwentuhan lang sila the whole time. Kabagot pero no choice naman ako!

"Nako kung alam niyo lang, mga binata na nga ang mga anak ko pero itong si Ely eh wala pang ipinapakilala sa akin. Ni wala pang dinadalang nililigawan sa bahay." tawang kwento ni Tita Jes.

"HUK!" Bigla naman akong nabilaukan. Packing sheeet!

Pagkatapos ko masamid ay dun ko na lamang narealize na nakatingin silang lahat sa akin. "Okay ka lang ba?" tanong ni mommy.

"O-okay lang po ako." Napunta ang paningin ko kay Ely na wala pa ring pakialam at nakatuon lang ang atensyon sa kinakain. Tinutusok lamang niya ang kawawang cake. Nang ilihis ko naman ang aking paningin sa ibang direksyon eh titig naman ni Zeke ang tinamaan ko. Sheeet na malagkit!

Nginitian naman niya ako.. packing sheeet talaga!

Iniwas ko muli ang paningin ko at kumain na lamang.

"Naku Dianne, mabuti ka pa nga eh may dalaga ka. Ang sakit sa ulo kapag puro lalaki." kwento ni Tita Jes.

"Hahaha. At least wala ka masyadong babantayan Jes." At tumawa naman si mommy.

"Mas mabuti na 'yon. Iba kasi kasi talaga pag lalaki lalo na kapag nagbibinata, iba na ang mga interes at minsan hindi na sweet nako."

"Mom!" Natatawang angal ni kuya Levi.

"Asus, ipakilala mo muna sa akin ang girlfriend mo para naman hindi na ako bored sa bahay at nang may makasama naman akong lumabas."

"Girlfriend ba talaga ng anak mo ang hanap mo Jes o yaya?" Humalakhak nalang kami sa tanong ni tito Art sa asawa.

"Ikaw Yna, may boyfriend ka na ba?" nasamid ako nang bahagya at muntikan na ulit mabilaukan.

"P-po? Wala pa po." Baling ko kay Tita Jes at nahagip naman ng paningin ko ang mga titig ni Ely sakin na katabi lamang niya. Staaapit! "W-wala pa po sa isip ko 'yon." Tuloy kong paliwanag.

Bakit ko ba siya tinignan? Nakakainis!

"Naku Kris. Mukhang brinief mo talaga ang anak mo sa pagsagot." biro ni Tita Trina, mommy ni Viel.

"Hahaha. Bawal pa siya magboyfriend hanggat hindi pa siya 18." Patawang sabi ni daddy at naginitiate ng toast.

Maya-maya pa ay biglang nagpaalam si Zeke. "Uhm, excuse me, just need to take a call." Paalam niya sa amin.

Sino naman kaya tumawag sa kanya? Girlfriend niya? O girlfriend niya? Pakialam ko ba?!

Bored na talaga ako sa pakikinig sa usapan ng matatanda. Hindi rin naman ako makaalis alis dahil maya't maya ay may itinatanong sila. At dahil sa sobrang boring ay nagtetext na ako kila Luna na nasa kabilang table lang naman at mukhang enjoy na enjoy sila sa kwentuhan.

Hays. Tsk. Birthday ko di ba? Eh dapat ako ang masaya di ba?

To: Luna-tic

Tulungan mo naman ako makaalis dito. Please.

From: Luna-tic

HAHAHA. Umalis ka na kasi diyan.

To: Luna-tic

Kung ganun lang sana kadali eh ginawa ko na kanina pa.

From: Luna-tic

Bilis na. Unless gusto mong magmukhang tita diyan hahaha.

To: Luna-tic.

Oo na. Ito na aalis na. Kainis! Ang helpful mo talaga puro pagkain lang naman inaatupag mo diyan.

Pagtayo ko ay siya namang biglang pagalis ni Ely. Umalis siya nang hindi nagpaalam kahit kanino.

"Uhmm.. mommy, babalik na muna ako sa mga kaibigan at pinsan ko." Paalam ko ako sa kanya at pinayagan naman niya ako pagkatapos kong magpaalam sa iba pang bisitang naroon sa mesa.

"Ang saya natin ah, ano busog ba?" tanong ko kay Luna.

"HAHAHA patawa ka Yna. Hiyang hiya naman katakawan ko sayo!"

"Tch." Kumain lang kami at nagkwentuhan ulit. Maya maya pa ay bigla nalang bumalik mula sa kung saan si Cris.

"Yna, si Ze..zeke at si Ely!" hingal niyang sabi.

"Ano?!"

"Nagsusuntukan sa labas."

"What?!"




Zeke's POV

Napaaga ang punta ko sa mall para bumili ng regalo dahil pupunta raw kami sa birthday ni Yna. Balak ko sanang ipahatid nalang ang regalo ko. Nahihiya namn kasi akong pumunta lalo na at awkward na makikita at makakasama ko rin duon sila Ely at Gio. Pero dahil walang aalalay kay Gramma eh wala na rin akong choice.

"Kit, you stay here." sabi ko sa kapatid ko habang kumakain siya ng snack sa isang restaurant sa loob ng mall.

"Okay, make it fast." Aniya na para bang inuutusan pa ako.

Binilisan ko talagang kumain para makabili na ako ng regalo at makauwi kami nang maaga.

Nagpunta muna ako sa ladies section ng department store.

"Ano pong hinahanap nila sir?" tanong ng sales lady sa akin.

"Uhmmm..." sa totoo lang eh hindi ko rin talaga alam ang bibilhin. Wala akong alam sa pagreregalo. At mas lalong wala akong alam sa mga babae.

"Para po ba sa girlfriend niyo?"

"P-po?"

"Hindi naman po kayo pupunta sa ladies section kung hindi po kayo naghahanap ng pambabaeng mga gamit." aniya at ngumiti.

"Ah.. hehe." Yun nalamang ang nasabi ko. Girlfriend agad? Hindi ba pwedeng para sa mommy o lola ko?

Umalis ako sa ladies section nang wala akong mapiling iregalo. Pano ba naman eh kung anu-ano ang inirekomenda ng sales lady sa akin. May bag, dress, shoes, cosmetics at kung anu-ano pa! Eh hindi ko rin naman alam ang taste ni Yna.

Nagisip-isip ako ng pwede kong iregalo.

Maya maya pa ay nakarating na pala ako sa toys section. Unang nahagip ng mata ko ang blue na stuffed toy na mukhang aso. Jackpot! Nice Zeke!

Alam kong mahilig si Yna sa aso kaya agad ko namang dinampot iyon ngunit akma namang may kukuha rin non.

Ely?!

Nagtitigan lang kami at wala man lang siyang reaksyon nang makita ako. Tch.

"Take it." Aniya.

"No, just take it." Sabi ko sa kanya at inismiran lang niya ako na parang bang natatawa pa siya sa sinabi ko.

"Okay." Pero bigla ko na lang siyang hinawakan sa braso para pigilan. "What?"

"I changed my mind. I think I'll take that."

"What?" bahagya naman siyang natawa na para bang nagbibiro lang ako sa kanya. "I got this first, why would I give it to you?"

"Kasi nauna naman talaga ako diyan." Sabi ko.

"I saw THIS first." Aniya nang may diin sa hawak na stuffed toy.

"But I got THAT first." Sagot ko naman. Alam kong hindi talaga siya magpapatalo pero sa huli eh ibinigay niya rin ito sa akin.

"Tch! Stupid. Then sayo na." aitinapon ang stuffed toy sa akin at tinalikuran na ako.

"Childish." Bulong ko ngunit alam kong hindi na niya iyon narinig.

Binili ko ang stuffed toy at binalikan na rin si Kit saka kami umuwi.

"Kuya, anong binili mo?"

"Wala ka na don."

"I think I saw Kuya Ely earlier?"

Nilingon ko si Kit kahit focus ako sa pagmamaneho. "What?"

"Tinawag ko siya pero tingin ko eh hindi niya ako narinig."

"Alam mo, dapat ikaw nalang kasi sumama kay Gramma sa party eh."

"Why? Ayoko sumama nang hindi ka kasama."

"Marami akong gagawin."

"Really? More important than Ate Yna's birthday?" at binigyan niya ako ng maiintrigang titig.

"Alam mo ang chismoso mo."

"Bakit meron bang chismis?" Pilosopo talaga! "Anong bang mas importante at ayaw mong pumunta?" Pangungulit niya.

Hindi ko na siya pinansin hanggang makarating kami ng bahay.

Ready na pala si Gramma at pupunta na raw kami sa mga Perez. Naligo at nagbihis na lamang ako nang mabilis bago kami umalis.

Pagkarating naman sa bahay nila Yna ay sakto namang dumating sila Tito Art at ang kanyang pamilya. Kasama rin nila si Tita Trina.

At dahil sabay kaming dumating eh kasabay ko na naman si Ely! Bago kami pumasok ay tinignan na lamang niya ako ng masama buti nalang at nagpaiwan muna siya sa labas.

Maya maya pa ay pumasok na kami sa loob. Sinalubong kami ni Tita Dianne at saka naman nahagip ng paningin ko sa Yna na nakatingin rin sakin.

Ngunit agad siyang umiwas ng tingin.

Kumain kami sa isang table kasama ang pamiliya ng mga Perez. Gusto ko sanang pumunta sa table nila Luna ngunit nandoon sila Gio kahit kasama ko naman si Ely sa iisang mesa.

Maya maya pa ay nakisalo na rin sa table namin si Yna nang tawagin siya ng mommy niya.

"Nako kung alam niyo lang, mga binata na nga ang mga anak ko pero itong si Ely eh wala pang ipinapakilala sa akin. Ni wala pang dinadalang nililigawan sa bahay." Kwento ni Tita Jes sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap.

Bigla namang nabilaukan si Yna at napunta ang paningin sa gawi nina Ely pero agad naman niyang binaling ang paningin sa akin. Nagkatitinginan kami pero binawi niya rin makaraan ng ilang segundo.

Nung una ay nagkikwentuhan lang ang mga matatanda nang biglang na-hot seat si Yna.

"Ikaw Yna, may boyfriend ka na ba?" nasamid siya at muntik pa yatang mabilaukan.

"P-po? Wala po. W-wala pa po sa isip ko 'yon." Paliwanag niya dahilan para matigil naman sa pagkain si Ely. Tinignan ko si Ely at sakto namang nahagip niya rin ang aking paningin.

Now what?

Pagkaraan ng ilang minuto ay napagpasyahan kong kunin na ang regalo ko na naiwan sa sasakyan kaya nagpaalam na lamang ako at nagkunwaring may kakausapin sa telepono.

Pagkalabas ko ay kinuha ko agad ang regalo sa kotse. Pabalik na sana ako sa loob nang makasalubong ko si Ely.

Lalagpasan ko nalang sana siya pero bigla nalang siyang nagsalita.

"Paano mo nakakayang pumunta pa rito?"

"Bawal ba ako dito? Hindi naman yata." Sagot ko at inismiran siya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kwelyo ng aking polo. "Pinagsabihan na kita na layuan mo siya."

"At sino ka para utusan a"

BLAG!

Agad niya akong sinuntok dahilan para matumba ako. Kinapa ko ang aking labi at nakita ko na lamang na may dugo na sa kamay ko.

Ogag to ah!

Gagantihan ko na sana siya ng suntok nang biglang dumating si Gio at ang pinsan niya sa labas para pumagitna.

"Pre ano to?!" baling na tanong niya sakin.

"Yang kabigan mo ang pagsabihan mo." turo ko kay Ely pero inaawat na siya ni Gio.

"Eh duwag ka pala eh!" siniko ni Ely si Gio dahilan para masuntok niya ulit ako.

"Mas sira ulo ka naman!" at sinuntok ko siya pabalik.

"ANO BA?! UMAYOS NGA KAYO!" sigaw ni Gio habang inaawat kami.

Walang nagawa si Gio dahil dalawa na kamimg pumapalag. Kumaripas na rin ng takbo ang pinsan niya papasok ng bahay.

"Pre tama na. Ano ba kayo? Para kayong mga bata! Kung gusto niyo magbugbugan wag dito! Dun kayo sa sabungan!" Gio sounded concerned pero wala ni isa sa amin ang gustong magpatalo.

"Gio anong nangyayari dito?" dumating si Yna dahilan pra matigilan kaming lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...