A Rain In My Summer

By GoddessofEars

1.8K 663 446

Summer Valencia Alvarez is the sweet, full of life and innocent girl of Quezon. She is so loved by her grandm... More

Simula
Unang Patak
Ikalawang Patak
Ikatlong Patak
Ika-apat Na Patak
Ikalimang Patak
Ika-anim Na Patak
Ikapitong Patak
Ika-siyam Na Patak
Ikasampung Patak

Ikawalong Patak

111 35 26
By GoddessofEars

This chapter is dedicated to my ever supporting co-writer alieria. Thank you sweetie for the words of encouragement! It makes me kilig! Please support her story as well! She's a promising author!

Thanks everyone for keeping it this far! We've reached an almost 800 reads, and 300+ votes! Let's hit 1k, alright?

Lovelots, Dyosa ❤️

*****

Mabilis akong lumabas ng grocery store sa sobrang pagkairita sa lalaking 'yun. Hindi lang pala siya wirdo, saksakan din ng yabang at presko! Akala naman niya gugustuhin ko pang makita ulit siya!

"Kwek-kwek, Kikiam, Fishball, at palamig kayo d'yan!" sigaw ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklong may kariton.

"Kwek-kwek at palamig kayo d'yan! Masarap, mainit, at kaluluto!" sabi naman ng kasama nito.

Bigla akong nakaramdam ng pagkalam ng sikmura. Naeengganyo ako sa amoy ng pagkain na binebenta nila. Nagmamarcha akong naglakad papunta sa kabilang kanto.

Totally forgetting about the things I have to buy, nakisingit ako sa siksikan ng mga tao at sa pagkain ko ibinuhos ang inis.

Nakakalimang stick na yata ako ng kwek-kwek at pritong isaw ng mapahawak ako sa tiyan ko. Sa kabilang kamay ay ang basong plastik na may konting laman ng malamig na buko juice.

"Ang sarap!" sinaid ko ang laman ng baso at itinapon sa kalapit na basurahan.

I need to slow down my eating. Baka malaki ang magastos ko. Dumukot ako ng pera sa sling bag at iniabot ang bayad sa mga kinain.

"Manong, bayad ko po. Salamat!"

Satisfied akong umalis sa food cart matapos magbayad at dumiretso sa kabilang grocery store malapit sa hanay ng malaking commercial center.

Bago pumasok sa di kalakihang tindahan, luminga linga muna ako sa paligid at nang makuntento na walang taong di kaaya-aya, mabilis akong pumasok at kinuha ang mga kailangang bilihin.

Madali kong nakumpleto ang lahat ng kailangan ko para bukas. May scented candle akong nakita dito na bagaman at parang hindi kasing ganda noong nakita ko sa kabilang tindahan, pwede na ring pagtiyagaan. At least, walang magulo.

"687. 50 centavos lahat nene." sabi sa akin ng kahera. Dumukot ako mula sa suot na bag at nagbayad sa mga pinamili.

"Salamat po!" sabay abot ko sa inilahad na eco bag.

Halos dumidilim na nang lumabas ako sa tindahan. Kaya naman nilakihan at binilisan ko ang lakad pauwi sa bahay.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtahak ko pauwi nang naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko mula sa suot na bag. Saglit kong ibinaba ang mga dala at dinukot sa loob ang naglilikot na android phone.

From: Kuya Alonzo
Nasaan ka? Lumabas ka daw sabi ni mama.

Saglit ko itong tinitigan at muling binasa. He texted! Obviously!

Nangingiti ako sa tabing kalsada na nagtipa para masagot ang tanong niya.

Ako:
May binili lang sa labas. Pauwi na din ako.

My phone vibrated again. Binuksan ko agad ang kapapasok na mensahe at binasa.

From: Kuya Alonzo
Okay, ingat!

I wrinkled my nose. Iyon lang? It's too formal and short. Kunot noo akong nagtipa ulit.

Ako:
Sige po.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko sa sala si Ninang at Samantha na naghahanap ng gown na susuotin ni Sam para sa gabi ng prusisyon. Namimili sila sa tablet na hawak noong bading na may ari ng malaking tailoring shop sa buong bayan. Sa kusina ay si Aling Cora na abala sa pagluluto ng hapunan. Humahalimuyak ang niluluto niyang adobo.

Maingat akong pumasok upang hindi sila maabala. Pero, napansin parin ako ni Ninang.

"Ginabi ka yata, Summer? Kamusta ang lakad mo, anak?" saglit niyang binitawan ang hawak na tablet at tinanggap ito ni Sam.

She looked at me in boredom and then ngumiwi. I already expected her sarcasms but it didn't come. She just ignored me after that.

Himala!

Marahan kong binitawan ang malamig na screen door at tumindig ng maayos.

"Ah, sorry po ninang. Nalibang lang po sa bayan."

"Ganun ba?" ibinalik niya ang tingin sa tablet at may itinuro kay Sam na biglang pumalakpak. "Sige, magpalit ka na ng damit mo sa taas. Kakain na din tayo ng hapunan maya-maya. Kinakamusta ka nga pala ng Kuya Alonzo mo. You might chat him para ikaw mismo ang matanong niya, hija."

Tumango-tango ako at dumiretso sa kwarto bitbit ang mga pinamili. Agad ko itong inilatag sa malamig na sahig at tinignan isa-isa.

Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa nang mag vibrate ulit phone ko na nakalapag sa kama.

From: Kuya Alonzo
Are you home?

Ako:
Yep, kadarating ko lang.

From: Kuya Alonzo
Okay.

Tulala kong binasa ang reply niya. It's another short text from him. Ang isa sa pinakamahirap replayan na mensahe. It's like he is ending our conversation, again.

Ibinalik ko sa kama ang phone at sinimulang planuhin ng maayos ang mga dapat na gawin bukas.

Kinaumagahan, maaga akong gumising para makapagpaalam na aalis ng bahay. Suot ang isang simpleng sleeveless floral white dress, flat brown sandals, inilugay ko na din lang ang basa pang buhok at nilagyan na lamang ito ng pearl hair clip na binili ko kahapon.

Bitbit ang mga panghanda sa kaarawan ni lola, lumabas ako ng kwarto at hinanap sa kalakhan ng bahay si Ninang.

Mabilis ko naman siyang nakita dahil nakaupo ito sa labas ng bahay sa lilim ng punong mangga na may nakataling duyan at nagkakape.

"Oh, bihis na bihis ka, anak? May pupuntahan ka ba?" ibinaba nito ang sinisimsim na kape at hinagod ako ng tingin. She smiled eventually. "You're very beautiful, Summer. Just like your mom."

Nahihiyang akong ngumiti, "Salamat po.. Uhmn, magpapaalam po sana ako na aalis.. birthday po ngayon ni lola at.."

"Talaga? Naku, nawala sa isip ko.." Ninang agreed evetually and said her greetings. She told me to text her if I needed something. Pilit niya din akong inaabutan ng pera, pero mariin akong tumangi. Ang pagtira dito sa puder niya at ang maayos na pagtrato sa akin ay isang sobra-sobrang tulong na. Besides, may pera pa naman akong natitira.

Pagpatak nang alas syete, nakarating ako sa simbahan at saglit na nagdasal. Nagsindi na rin ako ng kandila para sa kaarawan ni lola.

Pagdating ko sa sementeryo. Naglatag ako ng checkered white and red na tela, pitong puting lobo, isang party popper, fresh flowers, scented candles, isang basket ng prutas na paborito ni lola, kaonting pancit bihon na paborito niyang bilhin sa bayan, ilang kakanin at isang litro ng buko juice at maliit na cake dahil iyon lang ang kaya ng isang libo kong pera ko.

Maganda rin ang panahon ngayon. Maaliwalas ang langit, hindi mainit, at malamig na sumisimoy ang hangin. Hudyat na patapos na talaga ang bakasyon at magpapalit na ng panahon.

Inalis ko ang ilang tuyong dahon na nakakalat sa ibabaw ng lapida nila. Pinagpagan ko din at tsaka sinindihan ang mabangong kandila. Sumimoy ang mabango nitong aroma. Inilatag ko din sa tapat ng pangalan ni lola ang palumpom ng bulalak ng rosas na paborito niya.

Huminga ako ng malalim at nilunok ang bikig na nagbara sa aking lalamunan habang unti-unti ng nagtutubig ang dalawang mata.

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday, happy birthday.. Hapyy birthday to you..

Maligayang bati.. sa iyong kaarawan.. Maligayang.. Maligaya.. Maligayang bati.."

Pinaputok ko ang party popper at nagtawa ako habang nagpipigil ng iyak. Kumalat sa sahig ang mga piraso nito.

"Happy 78th birthday po, lola!" I tried to sound happy pero pumiyok ako sa dulo. "Ang dami ko pong inihanda sa inyo oh!" sabay turo ko sa mga dala. Hindi ko na napigilan ang mga butil ng luha na nag-uunahang gumulong pababa.

"Miss na miss na po kita.. Miss na miss.." Napaluhod ako sa tapat ng puntod ni lola at impit na humikbi.

Sa bawat impit na iyak ko ramdam na ramdam ko ang labis na sakit ng pangungulila. Parang tinutusok ng sampung libong karayom ang puso ko. I remember the pain I felt when the news of her death came.

"Payakap naman po kahit saglit lang.." nanginginig ang boses kong bulong.

I crossed my thin arms around my body. Mabining umihip ang lumamig na hangin.

Mas napaiyak ako at masaya at the same time. It's like the wind is hugging me back.. or is the soul of my lola?

I remained in that position. Savouring the pain and joy while the wind is embracing my broken soul. It gives me sudden peace.

Nang humupa ang nag uumapaw kong emosyon, umayos ako ng upo at sinindihan ang kandila ng cake.

I closed my eyes to utter my utmost wish. I was about to blow it when someone did it for me.

Napamulat ako, sa namimilog kong mga mata, isang pambihirang pares ng malamlam na mga mata ang bumungad sa akin.

"Mahirap mag celebrate mag-isa." He said huskily.

Mabilis ngunit maingat na kinuha niya ang cake mula sa kamay ko. He then smiled and winked at me.

Nanlalaki ang mata ko siyang tinitigan. My heart runs fast inside my ribcage.

"Happy birthday po, Lola Ising!" bati niya at naglapag ng isang stem ng red rose. "Ako po ulit ito, si Alonzo. Sorry po, medyo nahuli ako. Hindi kami nagsabay na dumating ng apo niyo.. galing pa po ako sa byahe." kausap niya sa puntod at bumaling sa akin ng nakangisi.

Sinundan ko ng tingin ang maliliit niyang kilos. Namamangha, nabitin ang pagtulo ng ilang natitira kong luha. My young heart squeezed and twisted in awe.

"D-dumating ka." I cleared my throat stating the obvious. I pinched my self.

Umupo siya ng maayos mula sa pagkakaluhod ng isang tuhod bago humarap sa akin. "Yeah, I didn't tell you though. Gusto kong makita ang gulat mong reaksyon." he scanned the whole place, "Ito pala 'yon." he smiled.

"P-paano mo nalaman na andito ako at may ganito? Wala akong matandaan na nabanggit ko ito sa' yo.."

"Nanggaling muna ako sa bahay, wala ka. Tapos nakita ko 'yan last week noong sinundo kita." Tinuro niya sa akin ang lapida ni lola at nakalagay nga naman doon ang petsa ng kanyang kapanganakan.

Napatango ako. I wiped the remnants of my tears. My full attention is now diverted to him.

"So, ito ang pinagkakaabalahan mo the past few days?" dinampot niya ang tali ng mga puting lobo.

"Ah, kahapon lang. Kahapon ko lang ito plinano." pinanood ko ang pagtayo niya at pag-abot sa akin ng ilang piraso ng lobo.

"Impressive!" tumingala siya at binitawan ang mga hawak na lobo. I watched him do it while his eyes are fixed on them.

He then lowered his gaze and watched me.

"Let it go.."

Drown by his beautiful expressive eyes. My heart hammered, and my mind got blanked.

"H-huh?"

"Let them go.." tinuro niya ang mga hawak kong lobo, "and that also." turo niya sa dibdib ko."

He smiled warmly and guided my hand to let go of the balloons just like how he's doing with helping me move on and turn my weakness and pain into my strength.

Tumitig ako sa kanya, habang ang tinitignan naman niya ay ang pag angat at paglayo ng mga puting lobo. He's always been like this, always there to guide me and support me even if I annoys him a lot. Watching him like this makes my young heart adores him more.. more than I thought I could adore anyone.

Bumaling siya sa akin. "Let go.." turo niya sa puso ko.

I heaved a sighed and closed my eyes as he watched me slowly letting go of the pains, sorrows, loneliness, and burdens I have in my young heart.

We got silent after that. He did not say anything. He's just there standing tall beside me, respecting my silence and personal space.

I looked at him in full respect and adoration. I will always remember him as the man who helped cope up after my greatest downfall so far.

"H-hindi ka ba magagalit sa akin? Hindi ka ba disappointed?" I asked my question that's been bothering me for a quite time.

"Bakit naman?" magkasalubong ang kilay niya akong dinungaw.

I pointed out my face, stating the obvious.

"Those are your tears of love and compassion. Besides, you've been a good girl for the past days. Today is an exception."

Napangiti ako.

"Salamat.. salamat sa lahat." he pinched the bridge of his pointed nose.

"Halika, sumama ka. May ipapakita ako sa'yo." nakangiti niyang yakag sa akin.

Nag-aalangan akong lumapit sa kanya.

"Saan? Paano yung mga pagkain?"

"Dadalhin natin. Di naman yan makakain ng lola mo. Tayo ang kakain niyan. Tara!" tawa niya sabay hikit sa palapulsuhan ko paalis ng sementeryo.

Sa byahe, nakasakay kami sa kotse. First time kong makapasok at maupo sa tabi niya habang seryosong nagmamaneho. Paminsan- minsan ang sulyap niya sa side ko at babalik ulit sa kalsada.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko at nilingon ang tinatahak naming daan na halos palabas na ng kabilang bayan.

"Patience." he smiled.

"Malayo ba?" pangungulit ko pa.

I heard him sighed. Natahimik ako, baka bigla pa niyan akong ibaba dito sa gilid ng kalsada! Bugnutin nga pala 'yan at aayaw sa matigas ang ulo at makulit!

"Just wait and see, Summer." he said lazily.

"Opo!" Nangingiti akong sumandal sa bintana ng kanyang kotse.

Habang lumalayo ang byahe namin, mas lalo akong humahanga sa mga natatanaw na tanawin.

Mula sa bintana ng kotse, tanaw na tanaw ko ang naglalakihang mga rock formations at mabining hampas ng alon sa kaliwang bahagi. Sa kabilang gilid naman ay ang paananan ng Sierra Madre at ilang maliliit na talon na umaagos ang sariwang tubig pababa sa dagat! Napaupo ako ng tuwid at agad na naexcite!

Seeing my reaction, nangingiti niyang ibinaba ang salamin sa side ko at sa side niya para mas lalo kong makita ang nanghahalinang tanawin.

Nalilibang kong inilabas ang braso ko sa bintana, dinadami ang maalat ngunit malamig na simoy ng hangin sa tabing dagat. I chuckled.

Hindi nakuntente sa braso lang ang nakalabas. Nagpapaalam akong tumingin sa kanya.

"Pwede?" tinuro ko ang labas ng bintana.

Magkasalubong ang kilay na sinulyapan niya ang tinuturo ko, pagkatapos ay bumaling sa side mirror at nang makitang wala naman kaming kasunod, pumayag din siya sa gusto kong mangyari.

"Yehey!" napapalakpak ako sa tuwa at mabilis na nag alis ng seatbelt para makatayo.

"Ingat!" habol niya sa akin.

Inilabas ko mula sa bintana ang kalahati ng katawan ko. Ngayon halos maglevel ang ulo ko at ang bubong ng itim niyang kotse.

Tuwang tuwa kong idinipa ang magkabila kong braso at natatawa na sinalubong ang malamig na hampas ng hangin. Parang munting ibon na naturuang lumipad.

"Yeeeeeeeeaaaaaaaaahhhhhhh!" malakas akong sumigaw.

I heard his chuckle inside the car. Muli akong sumigaw at dinama ang lamig at sarap ng hangin.

Paulit-ulit ko iyong ginawa habang paminsan-minsang sinisikop ang mahabang buhok na marahas na hinahampas ng sariwang hangin.

Ang sarap sa pakiramdam ng maging bata.. Ang sarap sa pakiramdam na makisigaw ng malaya.. Ang sarap sa pakiramdam na makaramdam ng payapa.. Yung mawawala ka sa ganda at katahimikan ng paligid.. Yung pakiramdam na walang lungkot, pangungulila at sakit.. This is amazing!

"Yaaaaahhhhhoooooooooooooooo!" muling malakas na sigaw ko bago bumalik sa loob ng kotse.

Nagtatawa akong sinikop ang buhok na humarang sa mga mata ko. I saw a ghost of smile in his lips.

"Feeling better?"

Sunod sunod ang pagtunga ko. "Sobra! Ang saya pala noon! Sa tv ko lang 'yon nakikita!"

He smirked. Feeling the victory in his smile for making me feel better again.

"Grabe! Ang ganda-ganda dito!" hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. "At ang sarap ng hangin! Ang lamig!"

In the middle of my praises and smiles. Huminto kami sa gilid ng kalsada.

Namamangha akong bumaba sa kotse habang nakasunod naman siya sa namamangha kong mata.

"Wow!" Amaze na maze kong bulalas, napapalakpak ako.

"You like the view?" turo niya.

"May ganito pa pala? Ang ganda! Sobrang ganda!" Nagtatalon akong lumapit sa kanya. He chuckled at my reaction.

"This view is my favorite too." sabay kaming bumaling sa kagandahan ng likha Niya. Both in awe, mas intense lang ang makikita sa mga mata at labi ko.

Sa harap namin ay ang magandang kulay itim na rock formations na sa internet ko lang nakikita. The calloused and sharp rocks are stretching beyond the alternate fine black and white sands of shoreline. May mga halamang baging din na nakakalat sa ibabaw ng mga bato na lalong nagbigay ganda sa itsura nito. There were also Agoho trees.

Sa likod ng mga nagtitigasang bato ay ang asul na asul na dagat na malamyos na humahampas sa dalampasigan. Sa itaas ay nagrereflect ang kulay ng dagat sa kalangitan na halos kakaunti ang latag ng ulap.

Sa likod namin ay ang tahimik na kalsada na wala gaanong dumadaan na sasakyan. Sa tabi noon ay ang mayayaman sa luntiang dahon ng mga puno sa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre.

"Paano mo nalaman ang lugar na'to, Kuya Alonzo?" ngiting-ngiti kong baling sa kanya.

"Years and years of exploring nature."

"Sakop pa ba ito ng probinsya natin?"

"Oo, naman. This is still part of Quezon. Kita mo 'yan?" turo niya sa kabilang kawalan na halos hindi ko matanaw ang dulo. May maliit iyong humuhugis na parang dalawang magkadikit na bato. I don't know.. Pero parang ganun.

"Magkatabing bato ba iyon? O isla?" tukoy ko sa tinuturo niya.

"Mag-asawang bato 'yan. Nasasakupan ng bayan ng Mauban."

"Wow!" mangha akong tumingin ulit doon. "Ganyan kalaki yung dalawang bato para makita natin dito sa pwesto natin?"

"Oo" tango niya at tinanaw itong muli,"Narinig mo na ba ang kwento sa likod ng mag asawang bato na 'yan?"

Umiling ako, "Parang narinig ko na noon kay lola. Pero limot ko na."

"Gusto mong marinig ulit?"

"Kung okay lang.."

Ngumiti siya sa akin at bumalik sa kotse. Akala ko babalik na siya sa loob pero naalis ang pagtataka ko ng bumalik siya sa tabi ko na dala na yung mga pagkain mula sa sementeryo.

Sinubukan kong abutin ang basket ng prutas. Pero nanlilit ang mata niya itong iniiwas. Sa halip inginuso niya sa akin ang camera na nakasabit sa leeg nito at nagsquat siya sa harap ko.

My eyes narrowed, his face is so near. I can almost see even the tiniest detail of his features.

His lips protruded and I looked away. Sobra-sobra ang nerbyos ko na halos ayoko ko siyang makita ng ganito kalapit.

He tried to catch my gazed, and when he did, he sported a manly smirked.

Mas lalo akong pinag-initan ng pisngi.

"Nangangalay na ako. Get it.."

"A-ah, okay!"

Natataranta kong inabot ang DSLR na nakasabit sa leeg niya. Marahang umiihip ang hangin at sa lapit niya amoy na amoy ko ang bango niya.

I gasped!

Mabilis na tumakbo ang atleta kong puso. Mukhang malapit na naman sa finish line. Magiging gold medalist yata.

Sa nag-iinit na mukha. Mabilis kong kinuha ang camera at isinoot ang strap nito sa leeg ko. Now, I will smell like him. My mind giggled.

Naglahad siya ng kamay sa akin. "Tara na.." yaya niya sa akin.

I watched his long manly fingers waiting for my small sweaty hand.

I shook my head in horror. "W-wag na.."

"Tsk! Halika na.." sabay mas lapit pa niya sa akin.

I was about to say my no again when he impatiently grabbed my hand. From that
moment, I already knew..

May nanalo na! sigaw ng baliw na atleta!

*****

#A Rain In My Summer

Continue Reading

You'll Also Like

802K 12.1K 36
[Ongoing revision ahead.] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician...
1.9M 87.7K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
2.4M 69.4K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
449K 21.1K 45
Completed September 2022 Xera Thompson -Yung mayaman ka at sobrang ganda pero binasted ka ng first love mo. -Yung ikaw ang pinaka maarte, baby, at...