Ika-apat Na Patak

150 68 26
                                    


Sa makulimlim na kulay nang kalangitan, mabining ihip nang hanging habagatin, at amoy nang mga sariwang rosas. Kitang kita sa pagkakaupo ko ang matatayog na bundok nang Sierra Madre.

Matikas itong nakahanay at pinoprotektahan ang bawat bayan at probinsya na nadaraanan. This view, always reminds me of home, love, and comfort.

It reminds me of my small family in front of my small frame.

Lumuhod ako mula sa pagkakaupo at tinalunton nang payat na hintuturo ang mga nakaukit na letra sa marmol na lapida nang aking abuelo at abuela, sa tabi ay kay mama.

It says..

Analyn D. Alvarez (1982-2005)
Eugenio M. Alvarez (1940-2006)
Felicing D. Alvarez (1944-20**)

In loving memory..

"Lola.. Lolo.." bulong at ko at ngumiti ng bahagya.

Itinapat ko din ang aking noo sa malamig na lapida. Ito ang naisip kong bagong paraan ng pagmamano sa kanila.

Mula sa maliit na brown sling bag na dala ko, kinuha ko sa loob ang tatlong payat na puting kandila at ipinatong ito sa ibabaw ng lapida.

"Kamusta na po kayo?" pambungad na pagkukwento ko, sabay kiskis sa unang palito ng posporo na hawak ko.

"Sorry po, ngayon lang nakadalaw. Medyo madami lang po akong iniisip at ginagawa noong mga nakaraang araw.." dagdag ko habang mabagal na inaayos ang tamang hatian nang mga sariwang rosas para sa kanilang tatlo. Pinagpagan ko rin ang marmol at nagsindi nang unang kandila.

Umayos ako ng pagkakaupo. Sa dami ng ikukwento ko sa kanila. Mas maganda siguro kung indian seat, para mas komportable.

"Naging abala po ako sa maraming bagay.. nagasikaso po ako ng paglipat ko nang tirahan.. tuluyan na po kase'ng nakuha nila Uncle Peping yung bahay at lupa.."

Napasinghap ako at, lumingon sa paligid.

"S-sorry po. Wala akong nagawa para mapanatiling atin ang iniwan niyong pamana sa akin."

Suminghot ako at sinalo ng daliri ang ilang butil nang luha na nahulog sa gilid ng magkabila kong mata.

"Y-yung mga gamit naman po natin, lalo na po yung paintings niyo nina mama at mga damit niyo, ginawan silang lahat ng paraan ni Ninang Alisa para hindi nila makuha. Pansamantala po na itinabi niya sa isang safe na bakanteng bahay.." ginalaw ko ang ikalawang kandila at itinabi sa unang may sindi na, agad naman itong nagkaningas.

"Sabi po ninang, magagamit ko daw ang mga iyon balang-araw. Kapag malaki na ako at nakatapos na ng pag-aaral sa kolehiyo. Malaya ko daw yung kunin kapag kaya at gusto ko ng bumukod at mamuhay nang mag-isa."

Sunod kong dinampot ang huling kandila, this time para ito kay mama na hindi ko nagawang makita nung nabubuhay pa. She died the day I was born, that's why I don't know her. I dont have any memories with her.

"Siya po ang nag asikaso nang lahat. Napakabait po niya lolo, lola, at mama.." napangiti ako remembering my ninang's loving, and warm face.

"Siya na rin po ang kumupkop sa akin, sa kanila po ako nakikitira sa ngayon.." dagdag ko pa at kinuha mula sa sling bag ang cellphone para maipakita ang kuha kong larawan.

"Ang ganda po ng kwarto ko sa bahay nila, 'di ba?" itinapat ko sa mga pangalan nila ang larawan.

"Katam-taman ang lawak ng silid, malambot ang kama, ang sahig tiles! May sarili din po akong tukador, study table at may terrace sa tapat ng silid ko." maluha luha kong ibinalik ang puting cellphone sa bag.

"L-lagi.. po akong iniintindi, at inaasikaso ni Ninang Alisa. Sobrang bait po niya, tapos y-yung anak niyang panganay.." napahinto ako sa pagkukwento.

A Rain In My Summer Where stories live. Discover now