Every Step Away

By jeeinna

2.6M 84.4K 34.8K

Rugged Series #1 Chrysanthe Eve Lofranco only has Hezekiah Kingston Jimenez. She believes that life, no matte... More

Every Step Away
ESA1
ESA2
ESA3
ESA5
ESA6
ESA7
ESA8
ESA9
ESA10
ESA11
ESA12
ESA13
ESA14
ESA15
ESA16
ESA17
ESA18
ESA19
ESA20
ESA21
ESA22
ESA23
ESA24
ESA25
ESA26
ESA27
ESA28
ESA29
ESA30
ESA31
ESA32
ESA33
ESA34
ESA35
ESA36
ESA37
ESA38
ESA39
ESA40
ESA41
ESA42
ESA43
ESA44
Epilogue
ESA46

ESA4

61.6K 2.1K 601
By jeeinna

ESA4

I spent my vacation acting like a corpse, kahit na palaging nariyan si Heze, tuwing nagpapakita lang siya saakin ako nabubuhayan. Nag enroll ako kasabay ni Theo at Rash kaya naman magkakaparehas kami ng schedule.

I tried my best to motivate myself. It's my fifth year and I can't mess this up. All of my life, I've been so excited about reaching this far. Hindi ko lang magawang itama ang pag iisip ko hanggang ngayon.

Hindi ko inaakala na dadating ako sa punto na hindi ko hinahayaang mangyari noon. I am distracted and sidetracked. Para akong sinampal ng Prof ko dahil sa sunod-sunod na kapabayaan ko.

Tahimik lang akong nakatingin sa daan habang nagdadrive si Heze. I've been thinking of my past actions in school and my attitude towards studying. Ibang-iba ang pagsisimula ko ngayong taon kaysa sa mga nakaraan. I've thought about the dreams I made since I was a kid. Bakit ko hinayaang mangyari ito?

"A penny for you thought?"

Napalingon ako kay Heze noong magsalita siya. He glance at me for a while and back in the road again. Umayos ako ng upo, bahagyang paharap sa kanya. I leaned on the car seat.

"I can't mess this up, Heze..."

I cannot let everything that had happened affect my life like this. Katulad na lang ng biglang pag usbong ng emosyon ko noong nakita ko si Iris at Rylan. I have to clear them out of my system and start to make it work for myself again.

"You won't, babe." parang sigurado niyang saad saakin. Nilingon niya ako at ngumiti.

Napanguso ako habang pinapanood siya. I miss seeing him in school! Though masaya namang kasama sila Theo at Rash ngunit syempre ay sanay akong apat sila.

"Aren't you busy?"

"Not really."

Hindi ako naniwala. I know it's been hard on him. Ilang linggo pa lang pagkatapos ng kanyang graduation ay agad na siyang humalili sa kanyang ama bilang President ng kanilang kompanya. Though he's been training for years now, iba pa rin na nasa kanya na talaga ang buong kontrol.

"Pwede mo naman akong hindi sunduin." saad ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at nilingon ako.

"What do you mean by that?"

"Baka kasi busy ka."

He swiftly parked his car before completely giving me his full attention.

"I'll make time for you." saad niya bago bumaba ng kotse.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nauuna siyang maglakad na kala mo ay sa kanya ang unit na pupuntahan namin. Hinayaan ko na siya, tutal ay parang ginawa na rin naman niyang bahay ang bahay ko.

Gumilid siya noong makarating kami sa tapat ng unit ko para magbigay daan saakin. Binuksan ko ang pinto gamit ang aking finger print at pumasok. I let it open for Heze.

Agad akong naupo sa couch at isinampa ang aking paa sa coffee table. I close my eyes to rest for a minute. Naririnig ko ang ingay ng mga yabag ni Heze. Noong binuksan ko ang mata ko ay hindi ko siya nakita sa kahit saan ngunit napansin ko ang nakasarang pinto ng aking kwarto .

Maybe he's changing clothes. Marami na kasi siyang damit dito dahil nagdadala siya palagi at iniwan. The moment he learned that I spend my nights getting drowned in alcohol, gusto niya na palaging natutulog dito para mabantayan ako.

He sleeps here for at least three times a week. Kaya naman kapag wala siya, doon lang ako nakakapagpuslit ng alak. Kapag kasi wala siya, hindi ako makatulog. So I have to get drunk again, kahit pinangako ko sa kanyang hindi na ulit ako maglalango sa alak.

Pumunta ako sa kusina para tignan ang ref. Napabuntong hininga ako noong wala na iyong laman. Hindi ko napansin dahil hindi naman ako kumain kaninang umaga. Aligaga ako sa hindi ko pa natatapos na plate.

I'm so hungry! Sandwich lang ang kinain ko kaninang lunch para mabilis at magamit ko ang break sa paggagawa ng plate.

Napalingon ako kay Heze noong hinawakan niya ang ref para buksan ng mas malaki. He already changed his clothes into a white shirt na may tatak ng brand nito at black shorts.

Kumuha siya ng pitsel ng tubig bago kumuha ng baso upang magsalin.

"Wala na akong groceries."

Lumingon siya saakin habang umiinom. I waited for him to finish. Ibinaba niya ang baso na naubos niya. Kinuha ko naman ang pitsel para ipasok muli sa ref.

"Let's shop."

Ngumiti ako sa kanya ng malungkot. "I'm hungry."

He smirked and put both of his hands on my shoulder. Tinulak niya ako palabas ng kusina at dinala sa harap ng kwarto ko.

"Go change so we can feed your monsters."

Hinampas ko ang kanyang balikat bago ako pumasok sa kwarto. Nagpalit agad ako ng mas komportableng damit. Nag short nalang ako dahil mamimili lang naman kami. Saglit kong inayos ang aking sarili bago lumabas ulit.

Heze was on his phone when I went out. Agad niyang binulsa ang cellphone niya noong lumabas ako.

"Let's go."

"Kain muna tayo." I said to him while opening the door.

Umiling siya saakin. Akala niya lang siguro ay matakaw ako! Hindi kaya! Wala pa akong disenteng kain sa araw na ito!

Noong makarating kami sa pinakamalapit na mall ay agad ko siyang hinila sa fast food restaurant. Ang weird kasi tignan kung doon pa kami sa mahal tapos parehas kaming nakapambahay lang.

Hinayaan niya akong magsecure ng table habang siya ang umorder. Pinanood ko lang siya habang nakapila dahil wala naman akong ibang magawa. Napataas ang kilay ko noong bigla siyang kinausap ng katapat niya sa kabilang linya. May itsura ang babae at blonde ang kanyang buhok na hula ko ay pinakulayan lang.

Napairap ako noong nakipagtawanan pa siya. Napakalandi talaga nito. Walang pinipiling lugar.

Noong bumalik siya dala ang kanyang mga inorder ay excited ko siyang pinanood. It was very unusual of me to be excited over food but I'm so hungry. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko!

"Nakabingwit ka pa huh?" saad ko at agad nagsimula sa pagkain.

Finally!

"What?" natatawa niyang tanong saakin na tila hindi naintindihan ang sinabi ko.

Hindi ko na inabala siyang muli. Hindi naman ako matakaw. I can spend my day without eating lunch, actually. It's just that, I just had one sandwich for a whole day considering na pagod pa ako dahil sa tuloy tuloy kong pagguhit.

"Don't you want to stroll out, first before buying groceries?"

Umiling agad ako sa kanyang tanong.

"No, may gagawin pa akong plate. Ayoko na ulit malate ng pasa."

I already decided that I need to back on before I fail. May pagkakataon pa para isalba ang sarili kong grades. I cannot let all my hard works for four years to go in vain just because of a one hard semester. I can't be out of the Dean's list.

I need to get back into my senses. Kahit hindi ko alam kung paano ay susubukan ko.

He raised his hand as he wipes something beside my lips. "Okay, eat slowly please."

Actually, sa daming beses na niya iyong nagawa, sanay na ako sa kanya at siya saakin.

"I've been hungry all day!"

Nanliit ang mata niya sa sinabi ko. I smiled awkwardly because I know I can't undo what I said, hindi na siya maniniwala noon.

"Hindi ka kumain?" now he sounds like an angry dad.

Bumagal ang aking nguya at mabilis na uminom ng soda. Napakamot ako ng ulo. Damn your mouth, Santh.

"Kailangan ko tapusin yung plate." rason ko sa kanya na hindi naman gumana. He still looks pissed.

"Kailan pa yan?"

"Huh?" I tried to look innocent.

"Kailan ka pa hindi kumakain?"

"Huh? Ngayon lang..." I look away.

"Chrysanthe Eve."

Napanguso ako dahil alam niya palagi kapag nagsisinungaling ako.

"Kapag may hinahabol lang naman akong deadline. I'm eating, promise!" tinaas ko pa ang aking kamay na parang nanunumpa.

Umiling siya at nagbuntong hininga. Tahimik niyang nilagay muli at kutsara at tinidor saaking mga kamay.

"Alright, keep on eating."

"Sorry, Heze."

"Bakit ka saakin nagsorry? Ako ba ginugutom mo?"

Tumingin siya saakin at ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag. How can it be possible that I can find peace in someone's smile?

"Don't starve yourself anymore, okay?"

Tumango na lang ako para hindi siya mag alala. I feel so guilty. I feel like I'm giving him empty promises because I can find myself breaking it always. I should give more effort into keeping it.

"Busog ka na? Sure?"

Umirap ako at hinila na ang pulso niya para magpatuloy na kami sa paglalakad papuntang supermarket.

"Tara na!" saad ko habang hinihila pa din siya. Kumuha siya ng push cart bago kami pumasok.

Siya ang nagtutulak habang ako naman ang kumukuha at naglalagay ng aming bibilihin. Minsan ay binibitawan niya ito para kumuha ng ilang gusto niya.

Pinalo ko ang kamay niya noong makitang sobrang dami niyang inilagay na junkfoods sa cart.

"That's too much!"

"We need this!"

I rolled my eyes on him. Ibinalik ko ang iba doon para hindi naman masyadong madami.

"Hindi naman ako kukuha!" saad ko noong pilit niyang hinaharang ang kanyang sarili sa stall ng mga alak.

"Naninigurado lang."

Sinimangutan ko siya na nauwi rin saaking pagtawa dahil sa kanyang itsura na kala mo ay nakikipagpatintero.

Sinamaan ko siya ng tingin noong mapansin ko ang paghahakot niya ng chocolates.

"Hezekiah!"

"You need this. Fast source of energies lalo na kapag gumagawa ka ng plate, pwede din pag nagrereview."

My heart warmed. Pinanood ko siyang ilagay ang mga kinuha niyang chocolates sa cart namin at muling niya itong tinulak.

"Are we missing something?"

"Madami pa." sagot ko sa kanya.

Ngumisi siya saakin, marahil ay napagtanto niyang hindi ako nagreklamo sa pagkuha niya ng chocolates. I glared at him.

Nakahawak ako sa gilid ng push cart habang siya ang nagtutulak. Kumuha na rin ako ng toiletries, ilang can goods, processed foods at meat.

"Ice Cream?" saad niya noong mapadaan kami sa ice cream freezer. Napabuntong hininga ako. He's the worst grocery buddy! Lahat nalang ng makita niya ay kinukuha at inilalagay sa cart!

"Tama na ang isa!" saway ko noong kumuha siya ng isang gallon ng cookies and cream at double dutch ice cream.

Tumaas lang ang kilay niya at parang walang narinig dahil inilagay niya iyon parehas sa cart. I sigh in defeat. Nakangisi naman siya na parang nanalo.

Naglakad na kami sa cashier para magbayad. Hindi ko na siya hinayaang maglibot pang muli dahil baka kung ano nanaman ang kunin niya.

"Hoy!" sigaw ko noong hinawi niya ang kamay kong nag aabot ng card sa cashier upang ibigay ang kanya.

"Ako na. Nagamit din naman ako ng groceries mo eh." Inosente niyang dahilan saakin.

Magpoprotesta pa sana ako kaso ay naswipe na ng cashier ang kanyang card. Wala na akong nagawa kung hindi manuod ng proseso. Acceptable naman na gumagamit din siya, kaso hindi naman araw-araw iyon!

"Pwede namang hati." bulong ko.

Narinig ko ang halakhak niya dahil sigurado akong narinig niya ang bulong ko. He put his arms on my shoulder and shrugged my words.

"I wanna spoil my babe." bulong niya saaking tenga. Ramdam ko ang paglapat ng kanyang labi saaking tenga kaya kinilabutan ako.

Mahina ko siyang siniko upang makawala sa kanyang akbay. My face heated. Gosh!

"Don't flirt with me!" Inis kong saad sa kanya.

Ngumiti saamin ang cashier at tinignan kami ng makahulugan. What now?!

Noong makauwi kami ay agad siyang nagpresinta na siya na ang magsasalansan ng lahat ng pinamili namin. He urged me to rest for a while before I start doing my plate.

"Santh." bantang tawag niya noong hindi ko siya sinunod.

"You've been working all day, pagod ka na." saad ko habang inaayos ang mga can foods na hawak ko sa cabinet. Hindi ko siya nilingon.

"Wala na naman akong gagawin pagkatapos nito. Sige na..."

Inagaw niya ang hawak kong mga can goods muli at siya ang nagpatuloy sa pag aayos. He glared at me when he saw me holding another.

"Ibaba mo na. Ako na sabi."

I stuck my tongue out. Hindi ako nakinig sa kanya at patuloy pa din ako sa pag aayos ng mga pinamili namin. Mabilis lang naman 'to. It will not exactly disturb me. Hindi pa naman ako nagsisimula.

"Kulit."

I smiled teasingly. Hinayaan niya nalang ako pero pansin ko ang pagmamadali niya sa pag aayos para siguro mabilis din akong makapagsimula na ako.

"Let's go out of town this weekend."

Napalingon ako sa kanya na tapos na sa pagsasalansan. He was currently flattening the boxes where the groceries were put. Sinara ko ang ref bago ako tuluyang humarap sa kanya.

"Why?"

Nagkibit balikat siya.

"I think you need to breathe. "

Seryoso ko siyang tinitigan habang nakasandal ako sa sink. Noong matapos siya sa kanyang ginagawa ay naglakad siya papalapit saakin.

"I just realized it now, though. I'm sorry, I'm late."

Malungkot akong ngumiti. Tinaas ko ang aking tingin upang pigilan ang pagtulo ng aking luha. Good graces, I cannot imagine my life without him.

"You never was." sagot ko sa kanya.

Tuluyan nang tumulo ang luha kong kanina ay pinipigilan ko pa. He went closer to me and held my face to wipe my tears. Hinawi niya ang ilang buhok ko na nasa aking mukha at inilagay sa likod ng aking tenga.

"Hmm, we'll be going away for a while and we'll come back fighting again, okay?"

Tumango ako at hinawakan ang kanyang kamay sa nananatili saaking pisngi. The way he said "we" in his words warms my heart so much. It's like he's always willing to join me in my fights even if it's not his battles.

"Okay...only if I don't have deadlines and quizzes for next monday."

Tumawa siya at umiling saakin. I laugh with him.

"Let's hope for a free weekend, then."

Parehas kaming dumiretso sa sala pagkatapos ng saglit pang pag uusap. He directly went on the couch to open the television.

"Netflix and chill time."

I made a face while I was fixing my plate on the drafting table. Nasa sala rin ito. Nakatalikod nga lang ako sa kanya.

"Sana all," I said.

"Shh!" saway niya na nakapagpasimangot saakin. "Mag-aral ka nalang ng mabuti."

"Yes, daddy." I sarcastically answered.

Napalingon ako sa kanya noong marinig ko ang kanyang mura. I glared at him while he's also glaring back.

"Why are you suddenly cursing?!"

"Don't call me that!"

Kumunot ang noo ko.

"Okay... daddy."

"Santh!"

Tumawa ako at tinaas ang aking dalawang kamay bilang pagsuko. What the hell? May fetish ba 'tong si Heze sa pagtawag sa kanya ng daddy? That fucking weird!

Muli akong natawa habang naiisip iyon.

"Umalis ka dito kung tatawa ka lang!"

Mas lumakas ang tawa ko dahil sa inis niyang sigaw.

"Wala akong ginagawa!" sagot ko at nilingon siya. I tried my best to look stern and angry even if I already wanna laugh. "Tsaka unit ko to! Bakit ako ang aalis?"

He scoffed and turn his eyes on the tv like he didn't hear me speaking. Tinigilan ko na din ang pang aasar dahil baka hindi pa ako makapagsimula. Hinayaan ko nalang siya makatulog habang busy ako sa paggagawa.

Nag unat ako noong matapos ko ang ginagawa ko. Binuksan ko ang cellphone ko upang tignan ang oras. It's already 1 o'clock in the morning. Gosh.

Nilikom ko ang aking mga gamit bago tumingin sa couch. The tv is still playing but Heze is already asleep. Ayaw niya kasi akong iwan dito kahit sinabi kong matulog na siya sa kwarto dahil alam kong pagod na siya.

I sigh and turn off the tv. I duck and tap Heze's cheeks to wake him up. I shake his shoulder to wake him more.

"Hey, sleep inside." saad ko.

Bahagyang nagmulat ang kanyang mata. I smiled because it's cute.

"You done?"

"Yep, let's go."

Umupo siya at saglit na nagkusot ng kanyang mata bago ako nilingon. I smiled at him.

Hinawakan niya ang aking pulso at hinila ako papasok saaking kwarto. Isa lang kasi ang kwarto dito sa unit ko. I closed the door while he proceed on the bed. He carefully place a pillow in the middle of the bed before lying down.

Sumunod ako at nahiga sa kabilang side.

"Good night, babe. " he said in his husky and sleepy tone. Unti unti na muling bumagsak ang kanyang mga mata.

I chuckled softly.

"Good morning, Heze."

I close my eyes while I'm facing his side. And just like the nights that I spent knowing he's here with me, I slept comfortably. 

Continue Reading

You'll Also Like

Crystal Breeze By jeil

General Fiction

1.2M 40.7K 53
Legrand Heirs Series #2 In between someone who sticks to his beliefs and someone who leaves her principles behind, who will be the first to surrender...
157K 4.2K 45
Can we really fall in love with our bestfriend? Pero ang sabi nila, kung bestfriend, bestfriend lang. Naialara and Sequi are bestfriends since they...
31.7K 578 7
Aravella Serene is the woman who have all the means in the world. If she would ask for a universe, the clan would immediately obliged. If she would a...
1M 27.1K 35
Book 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa...