Their Chasing Souls

By issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 10: Midnight

219 26 0
By issawandablue

Yna's POV

"What's wrong with you?!" inis kong singhal habang hinihila ako ni Ely sa garden.

Binitiwan naman niya ako nang makarating kami sa parking lot.

"Get your clothes." Inis at ma awtoridad niyang sinabi.

"What?"

"Makinig ka nalang sakin pwede? Bakit ba kasi ang iksi ng suot mo?!" hiniwakan niya ulit ang kamay ko. Ramdam ko pa rin ang inis sa kanyang tono.

"Tingin mo ba bastos akong tignan? Eh ikaw nga ang bumili nito di ba? At hindi naman gaanong nakakabastos to ah, halos tuhod na nga ang haba eh!" Depensa ko naman. Ang totoo ay naisip ko rin nung una na baka nga maiksi ang suot ko, pero pakiramdam ko lang 'yon siguro ay dahil bagong damit iyon. Hindi naman talaga maikli at halos tuhod lang ang haba.

"No. I just don't like you wearing that. Hindi pala bagay sayo." Aniya at inismiran ako. Nag igting naman ang bagang ko sa pagkairita.

Iniinsulto niya ba ako?

"You know what? Bahala ka sa buhay mo." Aambang aalis na sana ako pero tinawag niya ulit ako.

"George, let's go.

"Bakit naman? Don't tell me, uuwi na tayo? Eh halos wala pa nga akong isang oras dito." naiiritang kong sinabi.

"Yes, we're going home." Malumanay niyang sinabi. Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa, siguro ay susi ng kanyang motor.

"No! Kung gusto mo mauna, umuwi ka na." Medyo nag-eenjoy pa naman na ako sa after party tas bigla nalang niya ako yayayain umalis. No way.

"You're here coz you're my date, if I go home then you should go home as well."

"And who are you to boss me around?" sarkastiko kong tinanong. "Oh right, ikaw nga pala nag-aya sakin dito. Pero nakalimutan mo rin atang estudyante rin ako ng school at may karapatan rin akong magparty kung gusto ko. I'm not just your date. At isa pa, pinilit mo akong pumunta dito di ba kahit ayoko naman talaga? Kaya wag mo akong- "

"George" aniya at sinamaan ako ng tingin. Mukhang galit na siya at niyumos ang kanyang kamao. "I'm your date and ako rin ang maghahatid sayo pauwi."

"No thank you. Sasabay nalang ako kay Gio."

"May kasama siya. Don't tell me magiging thirdwheel ka sa kanila? And besides after midnight pa ang mga 'yon uuwi. Eh di ba kailangan mo umuwi nang bago mag hatinggabi Cinderella?" sabi niya habang pinagkrus ang kanyang mga braso.

"Eh di kay Luna ako sasabay."

"Nagtatrabaho siya, 'yon eh kung gusto mo siyang abalahin."

"Pwede naman ak-" at hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"And bawal kang sumakay ng taxi." Wow, advance ba siya mag- isip? Tsk. "Magagalit ang kuya mo, unless you want me to call him para sunduin ka." Nakakainis. Ayoko naman abalahin pa pati si kuya.

"Ugh! I hate you." Mariin kong sabi sa bawat salita.

"Now, get your clothes at magpalit ka. Bawal ang nakadress sa motor ko." Aniya

"Whatever." Iniripan ko siya at mabilis na iniwan sa parking lot. Nakakaasar talaga! Wala naman na akong choice.

"Oh my gosh siya ba yung kasama ni Ely kanina?"

"Girlfriend ba siya ni Ely?"

Naririnig kong sabi ng mga babaeng nadaraanan ko papasok ng pub.

"Mataas ang standard ni Rigel, Faye. Malamang one-day girlfriend lang."maarteng-sabi ng isa pang babae. Tumawa sila habang tinitignan ako.

Haharapin ko na sana sila nang biglang..

"Ano ba yan andami namang mga langaw dito." Sabi ni Luna habang hinahawi ang hangin gamit ang tray na hawak na para bang may tinataboy siya.

"Are you pertainig to us?" tanong ng isa sa mga maarteng babae.

"Oh no. Are you that affected? I'm sorry." Sagot ni Luna. Hindi ko maipaliwanag ang nakakatawang reaksyon nila. Para bang napahiya sila sa mga nasabi.

Iniwan namin silang nakanganga. Sinamahan ako ni Luna papunta sa mesa ng mga kaklase ko.

"Aalis ka na ba?" tanong niya.

"Oo. Ihahatid na raw ako ng mokong."

"Baliw talaga 'yon noh?" aniya at tumawa. Hindi na niya ako inusisa pa ng mga dahilan at mukhang kailangan na niyang bumalik sa trabaho.

"Una na ako ha. Mag-ingat kayo pauwi." At nagpaalam na siya nang tuluyan.

Kinuha ko ang paper bag na dala at umalis na rin agad sa loob. Inusisa pa ako ng mga kaklase ko kung bakit aalis agad ako kaya nagdahilan na lamang ako ng kung anu-ano.

Nagbihis muna ako bago lumabas.

"Hay salamat at dumating na ang prinsesa."

"Tch."

"That's better." aniya habang tinignan ang kabuuan ko. Ginulo gulo niya naman ang aking buhok.

"Ewan ko sayo."

Iniabot niya sa akin ang isang helmet at umangkas ako sa kanyang motor.

"Kumapit kang mabuti at hawakan mo yung shirt ko."

"At bakit ko naman gagawin 'yon?!" tinaasan ko siya ng kilay

"Mas gusto mo bang yakapin nalang ako kung ganun?" aniya at inismiran ako. Ang presko nakakainis!

Hinawakan ko ang magkabilang shirt niya habang binabaybay namin ang daan. Bigla naman siya humarurot kaya bigla akong napakapit nang mahigpit sa kanya! Hindi lang kapit... napayakap pa! Badtrip kaasar!

"Hoy may balak ka bang patayin ako?!" sigaw ko sa kanya.

"Trust me George walang mangyayari sayo.", tinawanan niya lang ako.

Biglang nahinto ang kanyang pagmamaneho nang biglang naging pula ang traffic lights.

Ewan ko ba bakit ako yung hingal na hingal samantalang naka angkas lang naman ako. Sira-ulo talaga ang taong 'to.

"Ouch!" inda niya nang paluin ko siya sa braso.

"Baliw ka ba talaga ha? Gusto mo talaga ako patayin!"

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa pag isnab sa akin.

"Kinakausap kita ho-" hindi pa ako tapos na kastiguhin siya nang bigla niya ulit ipaharurot ang motor niya.

"The best things in life are usually found by breaking the rules George." Aniya habang mas binilisan pa ang pagmamaneho.

"Baliw ka talaga Montemayor!" Gusto ko siyang sapakin ngayon na! Kung hindi lang talaga siya nagmamaneho.

"Teka hindi ito ang daan pauwi Rigel! I thought we're going home? Yun ang sabi mo di ba?" tanong ko nang mapansin na bigla siyang lumiko sa salungat na daan pauwi ng village.

"Oo nga, we're going home. After this."

"What?!" Gusto kong pumalag pero hindi ko yon magagawa dahil nasa byahe kami.

"Relax George. Just chill, you're so noisy." OO nawawala talaga ang chill ko kapag kasama ko ang engot na katulad mo!

"We're here." Mayamaya pa ay nakarating kami sa isang bakanteng lupain. Pinalilibutan ito ng mga puno. Hindi ko masyado maaninag kung ano pang meron dahil gabi na rin kasi at madilim na.

"Anong gagawin natin sa lugar na 'to? Campfire?" tanong ko pero tinalikuran niya lang ako at naglakad paalis bitbit ang isang supot.

"Ely! Ano ba?" hindi niya pa rin ako pinapansin kaya wala na akong magawa kundi ang sundan ang mokong.

Bigla na lamang siya tumigil dahilan para matigilan rin ako.

"Ely ano bang problema mo ha? Kanina ka pa ah, naiirita na talaga ako sayo alam mo ba yon?!"

"I told you.. relax ka lang we're here."

"Kanina mo pa sinasabi yan eh anong ginagawa natin sa isa-" nahinto ako sa pagsasalita pagkatapos kong luminga-linga at nang masilayan ko ang isang pagkagandang tanawin.

City lights! Ang ganda ganda titigan ng mga ilaw ng siyudad. Para bang mga bituin sila sa langit na nagkikislapan. Ngayon lamang ako nakakita ng ganoong tanawin.

"George, baka maglaway ka." Aniya at tumawa. Ganun ko na lamang napansin na napanganga ako sa sobrang pagkamangha.

"Nasa city pa ba talaga 'to? Ang ganda!" Mistulang wala ako sa sarili. Andito ako ngayon sa isang burol na tanaw ang naggagandahang mga ilaw ng siyudad.

"Alam kong magugulat ka pero hindi ko inakala na mapapasobra ang pagkamangha mo."

"Shut up."

"Tch."

"This is treasure." Ani ko habang nakatingin pa rin sa tanawin.

"I know." usal niya at huminga nang malalalim. Napalingon naman ako sa gawi niya. Nakatingin lang rin siya sa magandang tanawin. Kitang-kitang sa mga mata niya ang repleksyon ng mga ilaw. "What can you say?" tanong niya.

"Maganda. Tahimik at maaliwalas." Sagot ko. Totoo naman talaga kasi 'yon. Punong-puno rin ito ng mga puno at walang bahid ng polusyon at kaingayan ng siyudad.

Tumango naman siya. Siguro ay sumasang-ayon.

"Bakit mo nga pala ako dinala dito?"

"Let me answer that later." May kinuha siyang isang lata ng softdrink sa supot na kanyang dala at iniabot ito sa akin.

"Salamat. Kelan mo 'to binili? Don't tell me kinuha mo yan dun sa party?"

"Stupid girl. Sino kaya yung sobrang tagal lumabas ng lugaro na 'yon? Kaya ayan, nakapag grocery pa ako sa convenient store."

"Hindi naman ako ganun katagal. OA ka lang."

Bumaling ulit ang aking paningin sa city lights habang iniinom ang soft drink.

Pinagpagan ni Ely ang damuhan para umupo. Tinignan niya ako at inanyayahang maupo sa tabi.

"Paano mo pala nadiskubre ang lugar na 'to?"

"Hmmm I dunno... just happened to pass by."

"Tch. Ang sabihin mo dito mo dinadala yung mga babae mo." Bulong ko sa sarili

"May sinasabi ka?"

"Wala."

Matagal rin kaming nagkwentuhan. Este nag-asaran ng mga walang kabuluhang bagay. Syempre pambubwisit lang naman talaga ang alam niya lagi.

Mayamaya pa ay iniabot naman niya ang isang box ng chocolate chips.

"Wow! Paano mo nalaman na favorite ko 'to? Ang dami mo naman yatang pinamili."

"I should. Ikaw kakain eh, katakot namang magutom ka. Baka magwala ka pa." Aniya at inismiran ako.

"Ewan ko sayo baliw ka!" inirapan ko siya. "Teka nga bakit nga ba umalis tayo ng party? Don't tell me na dahil bored ka lang."

"Hmm. Pwede."

"Tch. Npakatipid mo talagang sumagot no?"

"Maingay, girls, and their stupid flirting."

"Asus eh gustong-gusto mo naman." Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin.

"You know what... sobrang sloooow mo."

"What?!"

"Wala!" tumayo siya at pinagpagan ang sarili. "Let's go. At baka hanapin ka na sa inyo."

"Teka hindi mo pa nga sinasabi sakin kung bakit tayo pumunta rito." At tumayo na rin ako.

Lumapit siya sakin at mas inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Mga tatlong pulgada nalang eh halos mahahalikan na niya ako. Tinitignan niya ang kabuuan ng mukha ko kaya kitang kita ko rin ang mga brown niyang mata, nakakasilaw at nagniningning sa sobrang ganda.

Nang mas lalo niyang ilapit ang mukha sa akin ay bigla nalang ako napapikit. Naramdaman ko na lamang ang paghalik niya sa aking noo. Slowly and sweet.

Pagkatapos niyang gawin iyon ay tinignan niya ako sa mga mata ko at nagkatitigan kami.

"Happy birthday George." Then he smiled. Yung ngiti na hindi mapang asar at hindi mapang bwisit. Natural na natural na ngiti. Sweet and caring ang epekto sa akin.

"What?" at sa gulat ko ay agad kong kinuha ang kanyang kamay at tinignan ang kanyang relo. It's 12 in the midnight.. kaarawan ko na nga!

"This is my gift for you." aniya at ngumiti ulit siya sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala. This place and his time is his gift for me. Ginawa talaga niya to para sakin? Effort ah? Tumingala siya sa langit at huminga nang malalim pagkatapos ay tumingin ulit sa akin. "I like you George and I'm dead serious."




Luna's POV

"Luna umuwi ka na. Ako nang bahala dito." Sabi ni Kite, kasamahan kong nagtatrabaho sa party place.

"Sige, salamat ha."

Patapos na rin kasi ang shift ko at hanggang hatinggabi lang talaga ngayon. Sayang nga eh, hindi manlang ako nakasama sa mga kaklase ko hindi bilang waiter kundi bilang estudyante. Sakto naman kasing ito ang naibigay sa aking part-time kaya wala rin akong choice. Kung hindi lang rin talaga absent yung isa naming kasama eh siguro nandoon na ako sa dancefloor at nakikiparty.

"Oh Luna ito ang sahod mo. Galingan mo pa sa mga susunod ah." Sabi ng manager.

"Sige po. Salamat." Nginitian ko naman siya. Nako kung ako lang masusunod eh talagang wala nang susunod ano.

Pagkalabas ko ng party place ay nagbantay agad ako ng taxi pero nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa bench.

"Zeke? Ikaw ba yan?" medyo hindi ako sigurado kung siya ba talaga 'yon.

"Oh Luna, ikaw pala. Wanna Join me?" Hindi ko alam kung lasing ba siya oh ano. Pero hindi naman siya mukhang wasted eh.

"Lasing ka ba? Umaalingasaw ang amoy ng alak."

"Hmm. Naparami lang ng inom. Pero hindi pa ako lasing Luna." Aniya at lumagok pa ulit ng beer na iniinom. "Ikaw bakit ka nandito?"

"Pauwi na ako eh. Eh ikaw bakit hindi ka sa loob uminom, bakit dito pa?"

"Gusto ko lang ng sariwang hangin. I can't even bring this inside, I'd like to share it with you if you want." umismid siya at inoffer ang beer na hawak niya.

"No. Hindi na, paalis na rin kasi ako. Alam mo bumalik ka na sa loob at baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."

"No it's okay. Babalik rin ako mayamaya."

"Hmm sigurado ka ha?" tumango naman siya.

"Why do I have to see everything.. right in front of my eyes?" tanong niyang hindi ko naman naintindihan.

"Ano? Hindi kita naiintindahan Zeke, may problema ka ba?" Naku kung lovelife yan wala akong maitutulong sayo eh yung bestfriend ko nga hayun di pa makamove-on sayo. At wag rin ang pinansiyal dahil mas lalong wala ako non!

Tinignan niya ang lata ng beer at uminom ulit.

"Wala. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko."

"Zeke, alam mo mas mabuti pa eh bumalik ka na sa mga kaibigan mo o di kaya ay umuwi na."

"I'm okay. Thank you Luna. You really are a great friend. Sana ganyan rin ka concern ang IBA sakin." Sabi niya nang may diin sa IBA. Nalilito na tuloy ako.

"Zeke, andito ka lang pala. Kanina ka pa nila hinahanap sa loob." Sabi nung kakarating lang na lalake. Kaibigan siguro ni Zeke.

"Luna, mauna na ako. Ingat ka nalang pauwi."

"O sige, kaw rin." At tuluyan na siyang pumasok sa loob.

Ano kaya ang problema ng taong 'yon? Geez. Mukha talaga siyang malungkot. Siguro nga eh nag-iiyak na 'yon kung wala ako dun. Hindi rin ganun si Zeke. Kilala ko siya simula nung high school palang kami. Hindi niya ugali ang uminom o kaya magdrama nang ganun. Sobrang tahimik at medyo may pagkaseryoso kasi siyang pero kapag naging kaibigan mo siya ay makikilala mo ang isang Zeke na masiyahin. Pili lang ang mga taong pinapakitaan niya ng ganon. Kung ano man yong problema niya eh sana maayos na. Hays. Kawawang Zeke.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...