ELAINE'S POV
"Na Enjoy ko tong Araw na to." Sabi niya.
"Ako rin super." Sabi ko naman "na miss ko yung ganito tayo." Dagdag ko pa.
"Parehas tayo." Sabi nito at ngumiti siya, kaya nginitian ko rin siya. Tumawa naman kaming dalawa at binalik ang tingin sa Langit habang hawak parin ang kamay ng isat isa.
Pagkatapos ng ilang minuto na naka higa lang kami, ay bumangon narin kami at nag patuyo bago dumeretsyo sa Kanya-kanyang kwarto. Pagdating ko sa kwarto ay nakita ko namang gulat na gulat sina Jane at Sam sa pagpasok ko.
"OMG! Bakit ngayon ka lang Ela anong oras na oh!? Hahanapin ka na dapat namin eh biglang umulan, kaya hindi kami pinayagan ng mga Teacher." Nag alalang Sabi ni Sam.
"Eh kwan kasi... medyo na ligaw pa kami ni Axel kaya nalate kami sa pagdating, tumakbo pa nga kami eh kahit umuulan."
"Ha! Bakit pa kayo tumuloy Eh ang lakas ng ulan mamaya magkasakit kayong dalawa."
"Eh... malapit narin naman kami eh, kaya Tinakbo nalang namin."
"Hay nako Elaine." Lumapit naman si Sam sakin at tinignan ako ng mabuti. "Kaya ba parang mukhang medyo basa pa yang damit mo?"
"Ah... Oo. Nagpatuyo muna kami sa baba bago pumunta sa kwarto pero medyo basa parin ako."
"Ummm... Elaine maligo ka muna at mag palit ka na mamaya magkasakit ka pa eh." Nag aalalang Sabi naman ni Jane.
"Oo nga ela. Sige maligo at mag palit ka muna mamaya na natin to pag usapan." Sabi naman ni Sam. "At medyo bilisan mo at mag didinner na mamaya sa baba." Dagdag pa niya. Tumango naman na ako at kumuha ng mga gamit at tumungo na sa Cr.
~ ~ ~
Pagkatapos ko makaligo ay nagulat ako ng paglabas ko ng cr ay nandun si Timothy. Nung nakita ako nito ay tumayo Ito at lumapit sakin.
"Elaine are you okay? Bakit late ka dumating alam mo bang alalang alala kami sayo." Nag aalalang Sabi nito. "May ginawa ba si Axel at natagakan kayo? Sabi nila Sam ay nag pa ulan pa daw kayo, Hindi ka ba nag iisip Ela mamaya magkasakit ka nanaman niyan." Nag aalalang Sabi nito.
"Okay lang ako Tim. Walang kasalanan si Axel, medyo na Lito lang kami kanina kaya na late kami." Pag eexplain ko naman.
"Eh bakit kailangan pang mag Pa ulan kayo."
"Malapit narin kasi kami, kaya sayang naman pinaghirapan namin, kung hindi kami makakaabot kaya Tinakbo na namin kahit umuulan."
"Tss... mamaya Eh magkasakit ka nanaman niyan Ela."
"I'll be fine Tim, pero salamat sa pag aalala mo."
Magsasalita pa sana si Tim ng biglang may kumatok sa pinto, Napatingin naman kaming lahat sa pinto. Tumayo naman si Jane at binuksan ito, bigla naman itong napatalikod at kitang kita namin na namumula na Ito. Ng makita na namin kung sino ang kumatok ay si Harrison iyon na namumula rin.
"Oh Harrison bat ka naparito?" Takang Tanong ni Sam.
"Uhhh Kwan... mag uumpisa na yung dinner sa baba kaya Pinapatawag na ang lahat."
"Ah ganoon ba. Oh sige Tara na garod." Sabi ni sam at tumungo na to palabas ng kwarto. Si Jane naman ay hindi parin makatingin kay Harrison at ganoon rin Siya. Kaya habang palabas si Sam ay Kunwari nitong aksidenteng na tulak si Jane, mahuhulog na dapat si Jane ng salohin ito ni Harrison. Nang masalo ni Harrison si Jane ay parehas silang nagkatinginan sa mata ng isat isa kaya maslalo silang namula. Umalis naman na sa pagkahawak si Jane, at binitawan narin siya ni Harrison. Napatalikod naman sila sa isat isa dahil sa Kaba at pamumula nila.
"Hala Sorry Jane." Kunwaring nag aalalang Sabi ni Sam.
"Ah-hhh it's okay sam."
"Hindi mo man lang ba tatanongin kung okay lang ba siya Harrison?" Nakangising Sabi ni sam kay Harrison na namumula parin. Nagulat naman to sa sinabe ni sam pero tumalikod na ulit at humarap kay Jane, na nakatalikod parin sakanya.
"Uhhh... Jane okay ka lang ba?" Nag aalalang Tanong nito kay Jane. Humarap narin si Jane sakanya pero hindi Ito makatingin sa mata ni Harrison, kaya naka tingin ito sa Sahig.
"Ahhh... Oo okay lang ako, salamat sa pag salo ah."
"Walang anuman."
"Wala man lang hug?" Sabi pa ni sam. Kahit kailan talaga hilig mangasar nitong babaeng to. Dahil sa sinabe ni sam ay namula na naman ang dalawa.
"SAM!" Inis na Sabi ni Jane.
"Edi wala. Nag susuggest lang naman ako eh. Oh sige na nga kain na tayo." Sabi ni sam at dumerederetsyo na palabas, sumunod naman na kaming apat sakanya. Habang naglalakad ay biglang huminto si Harrison.
"Wait, saglit lang." Sabi ni Harrison. Napahinto naman kami as paglalakad.
"Bakit?" Takang Sabi ni Sam
"Tawagin ko lang mga kasama namin." Pumasok muna si Harrison sa kwarto naiwan naman kaming apat nila Sam, Jane, at Timothy sa labas. Pagkalipas ng ilang saglit ay lumabas na si Harrison, nagulat naman kami ng si Jerome at Si Axel ang kasama nito paglabas. Hindi na suot ni Axel yung pink kong t shirt, at naka Plain White t shirt lang Ito at black na jagger pants. Nagkatitigan kami ni Axel ng saglit bago Ito tumingin kay Timothy at ngumisi. Nakita ko rin na dumeretsyo si Jerome kay Sam na mukhang inis na inis nung makita siya.
"Tara na!" Inis na Sabi ni sam na sumulyap pa kay Jerome bago nagumpisa maglakad. Sumunod naman na kami sakanya. Humabol sakanya si Jerome at parang kinukulit siya. si Jane at Harrison naman ay magkasabay ring naglalakad sa likod nila Sam, pero walang pansinan at parang nag iilangan. At Sa pinaka likod ay Si Axel, Ako at si Timothy. Kasalukuyan akong nasa gitna nitong dalawa habang patungo kami sa restaurant. Habang nag lalakad ay hindi kami nag usap nila Timothy at Axel.
~ ~ ~
Pagdating namin sa hall ay madami ng students na nagumpisa ng kumain, kaya tumungo na kami sa Catering Area at kumuha na ng pagkain. Na una ako sakanila kumuha ng pagkain, kaya una rin akong pumunta sa table. Pag upo ko ay nagulat ako ng umupo si Timothy sa Upuan sa kaliwa ko, at mas nagulat ako ng umupo naman si Axel sa kanan ko. Taka naman napatingin sakin si Jane at Sam pero umupo nalang rin sila sa mga bakanteng upuan.
Habang kumakain at nag kwkwentuhan ay biglang nilagyan ni Timothy ng Fish Fillet ang Plato ko. Gulat naman akong napatingin sakanya pero nginitian lang ako nito. Pag tingin ko sa Plato ko ay naglagay naman si Axel ng cordon bleu. Medyo busog na ako pero nasa Plato ko na Eh.
"Salamat." Sabi ko sakanilang dalawa.
"Kung gusto mo pa sabihin mo lang sakin ah." Nakangiting sabi ni Tim.
"Uhh.. Sige Thank you." Bigla namang naglagay ulit ng cordon bleu si Axel sa Plato ko. Napatingin naman ako sakanya at nakita ko tong concentrate lang sa pagkain. "Uhh Salamat." Hindi naman na siya sumagot at nagtuloy tuloy lang sa pagkain. Bigla naman naglagay rin si Timothy ng Beef Steak sa Plato ko.
"Kain ka lang elaine, mukhang napagod ka siguro kanina Eh." Sabi pa niya at naglagay pa ulit ng beef steak.
"Ehhh.... Salamat ulit."
"Tss.." naglagay naman si Axel ng Garlic shrimp sa Plato, which is Favorite ko Btw. Hehhehe.
"Diba favorite mo yan?" Tanong pa nito.
"Uhhh Oo. Salamat ah." Maya maya lang ay naglagay naman si Timothy ng Lechon sa Plato ko.
"Uhh salamat ulit Tim." Nagpatuloy tuloy naman Ito sa buong gabi ang pagbibigay nila ng kung ano anong pagkain sakin. No choice naman ako at nagpatuloy tuloy sa pagkain. Sayang naman. Nang na tapos na ang gabi ay Busog na busog na ako at feeling ko ay puputok na ako dahil sa sobrang pag ka busog. Nang makabalik na kami sa kwarto ay Nag toothbrush na ako at humiga sa Kama. Ano bang problema ng dalawang yun at kung ano Ano pinakain sakin Bwisit. Humiga naman si Sam sa tabi ko.
"Kawawa ka naman kanina gurl, kung ano ano pinakain sayo HAHAHHAHA." Natatawang sabi pa nito.
"Oo nga Eh... hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ng dalawang yun at kung ano ano pinakain sakin. Busog na busog tuloy ako at parang sasabog na." Nagkwentuhan pa kami saglit tapos natulog narin kami.
~ ~ ~
Pag gising namin ay wala naman na daw activity kay nag impake na kami. Nung lunch ay ganoon ulit ang nangyare at kung ano ano nanaman pinakain sakin nung dalawa. Ngayon ay Nakasakay na kami sa Bus at swempre magkatabi parin ang mag partner, kaya kasalukuyan kong katabi si Axel. Hindi kami gaano nag usap kasi busy siya sa pag cecellphone, habang busy naman ako sa Pakikinig sa music. Pagkalipas ng isang oras ay inantok na ako kaya sumandal na ako sa Bintana ng bus at pumikit. Maya Maya ay naramdaman kong May Kumakalabit sakin kaya binuksan ko mga mata ko at nakita kong si Axel iyon. Malamang siya lang naman katabi ko. Duhhh. Taka naman akong napatingin sakanya.
"Bakit."
"Dito ka na sa balikat ko sumandal." Nagulat naman ako ng sabihin niya iyon, pero seryoso siya nung sinabi niya yun.
"Ah... hindi na, Nakakahiya naman." Sabi ko naman.
"Tss...Kunwaring ayaw pa." Nakangising Sabi nito. "Kahit sa bintana ka sumandal mamaya nakasandal ka narin naman sakin Eh."
"Hindi na Axel nakakahiya talaga."
"Tss...." hinawakan naman nito ang ulo ko at sinandal sa balikat niya.
"Sabi ko ayaw ko Eh.." nahihiyang Sabi ko.
"Wag ka ng maraming sinasabe at matulog ka nalang." Magsasalita pa sana ako pero tinignan ako nito at ngumisi. Pinikit ko nalang mga mata ko at naramdamn ko na sinandal niya ang ulo niya sa ulo ko....
TO BE CONTINUED...
[MEDYO MAY SOMETHING EH.]
(SALAMAT PO SALAHAT NG SUMUSUPPORTA AT NAG BABASA NITONG STORY KO.)
VOTE
COMMENT
SHARE