SHANLEI POV.;
Malalim na ang gabi subalit hindi parin ako dinadalaw ng antok dahil hanggang ngayon bumabagabag parin sa aking isipan ang nangyari insidente kanina at ang biglang pagsulpot ni Tyler. I thought he's gone but I'm wrong, he's still kicking and alive. Pero kaninong abo ang iniyakan ko at bakit siya hindi nagpakita sa amin. Litong lito na ako.
Natatakot akong matulog dahil baka paggising ko sa umaga ay panaginip lang pala ang lahat. Natatakot ako para sa kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay.
Sa maliit na parte ng aking puso ay nakakaramdam ng galit dahil bakit kailangan niyang palabasing patay siya kung sa gayon ay buhay paman ngunit mas malaki sa parte ng aking puso ang pagkasaya dahil buhay ang ama ng mga anak ko at buhay ang asawa.
Ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim na nanalangin sa puong maykapal na sana ay panatilihin niyang ligtas ang aking asawa kasama ang kanyang mga kaibigan at makauwi sa kanikanilang mga tahanan na ligtas. Hinihiling ko rin na sana'y matapos na ang gulong ito at masugpo na nila ang mga taong may gustong saktan ang aking mga mahal sa buhay.
Hinalikan ko ang aking bunsong anak sa aking tabi na mahimbing na natutulog at ipinikit ko ang aking mga mata. Sana'y pagmulat ko ng aking mga mata sa umaga ay narito na muli ang aking aasawa.
Naimulat ko ang aking mga mata sa ingay sa aking paligid at nakita ko ang aking mga anak naglaroro sa kama.
Maliliit na hagigik ang naririnig ko mula Kay Sydney habang kiniliti ng kambal.
"You really wanna play??" Sambit ni Princess sa kapatid at mas lalong humagigik sa tawa si Sydney. Napangiti ako sa kanila.
"Good morning.!" Bati ko sa kanila at napahinto naman ang mga sa ginagawa at napatingin sa akin.
"Good morning too ma'am..!" Magkasabay na saad nina Prince Princess at bumalik ang mga ito sa akin.
Bumangon ako at ginawaran ng halik si Sydney. "Good morning Baby Sydney!"
"Mommy, Tito Hellion called earlier. He said that you have something to tell us. What is it mom?" Princess asked me at she looked at his brother.
"Auhm..later sweety but for now I need take a bath first. Pakibantayan mona ang kapatid niyo baka mahulog sa kama sa sobrang kalikutan." Bilin ko at tumayo ako.
"Yes mom." Prince replied.
"Yes mommy." Princess replied.
Pumasok ako sa banyo at napabutong hininga. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga anak ko kapag malaman nila na buhay ang kanilang ama pero sigurado akong magiging masaya ang mga ito. Wala silang ibang hinihiling sa tuwing nagdadasal ay sana makasama nila ang kabilang ama.
Tanging gatas lamang ang ininom ko dahil wala akong ganang kumain.
"Mom, are you okay?" My son asked me in sudden and I looked at him.
"I'm fine son." I answered.
"Are you sure mom?" Sundan tanong ni Princess at lumipat ito sa aking tabi at umupo.
"Yes. Mga anak, may gustong sabihin sa inyo si Mommy at tungkol sa iyong da....."
"It's all about daddy mommy?" Putol sa akin ni Princess.
"Yes. Ano kasi ....kasi ang totoo ay ....."
"He's alive." Bulong ni Prince at lumaki ang aking mga mata. How did he know about it.
"You already knew about it?" Gulat Kong tanong sa kanya at napayuko siya.
"I'm sorry mom. Actually, three months ago, we already knew about it. Sorry if we didn't tell you the truth because we made a promise to dad. Gusto niyang siya mismo ang magsasabi sayo." Nakayukong wika niya.
Napatingin ako Kay Princess at hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkagulat. So it means, may alam na rin ito.
"Paano niyo nalaman na buhay ang daddy niyo, may nagsabi ba sa inyo?" I asked them. Umiling- iling ang mga ito sa akin.
"We caught him mommy. Simula noong 9th birthday namin ni kuya, tuwing gabi, may nararamdaman akong pumapasok sa room ko at minsan ay may nakikita akong anino pero Hindi ko yun pinansin dahil baka guni guni ko lang naman iyon. I told to kuya Prince about it then, hindi lang pala ako ang nakakakita sa anino every night pati si Kuya din. We make a plan, Auhhmm mommy, naalaala mo yung gabing natulog ako sa silid ni kuya three months ago?"
"Yes Princess." Tugon ko.
"That night, nalaman namin si daddy pala ang may ari ng aninong nakikita namin. We have both flashlight that night then nagpanggap kaming tulog. When he walked towards to the our bed, we both turn on the flashlight and we saw him. Actually, malakas na ang kutob namin dati na si daddy ang pumasok palagi sa mga room namin dahil sa perfume niya then we confirmed about it." Kwento niya sa akin.
"Pero dapat, noong una palang may nararamdaman kayong pumapasok sa silid niyo ay ipinagbigay-alam niyo na kaagad sa akin. Paano pala kung masamang tao na pala iyon at ginawan kayo ng masama at iyon ang hindi ko matanggap." Saad ko at naramdaman ko ang pag agos ng aking mga luha. Ako nalang pala ang walang kaalam alam.
"I'm sorry mommy. .. I really want to tell you the truth that time but daddy asked me and kuya a favor to not tell you that he's alive because he have something fixed first. He told us, ginagawa niya iyon para sa kaligtasan natin. We made promise to him that's why we sipped our mouth." Paliwanag niya sa akin.
"Pero wag niyo nang ulitin iyon. I am your mother and I have a right to know about it." Sambit ko at hinagkan ko siya pabalik.
"I'm sorry mom.." Sabi ni Prince at lumapit sa akin. I hugged him.
"Basta, wag na kayong magtatago ng sekreto sa akin lalo na't kung malaking bagay ito."
"Yes mom."
"Yes mommy."
They said in chorus.
"But wait mommy, wala ka bang nararamdaman na may pumapasok sa silid niyo ni baby Sydney?" Kunot noong tanong ng anak Kong babae sa akin.
Kumunot din ang noo ko sa tanong ng anak ko. May nararamdaman ba akong pumapasok sa silid namin.
"Wala , bakit?"
"Really? Eh mommy, sa tuwing dadalaw si daddy dito ay mas matagal siyang nanatili sa room niyo ni baby Sydney eh. Sobra naman yatang himbing ng tulog niyo."
-Princess
"Impossible naman yata yun sweety.
Eh sa panaginip lang ako dinadalaw ng daddy niyo dahil hindi siya mawawala sa mga panaginip ko." Sagot ko at napatawa ang mga ito.
"Nanaginipan mo bang hinalikan ka ni daddy?" Prince asked me in sudden and I just nodded at him.
"Mommy, Hindi lang iyon panaginip dahil totoo iyon. Daddy is always visiting your room and I'm sure, daddy kiss you before he leave." Siguradong saad ni Princess at sumilay ang kanyang nigiti sa mga labi.
Mapapatunayan ko iyon kapag na kausap ko na ng masinsinan si Tyler.
Kinakabahan ako habang nanunood ng balita dahil hanggang ngayon ay wala parin tumatawag sa telepono o sa aking cellphone. Hindi ko alam kung ligtas ba sila.
Nabalitang, nakita ang katawan ni Fernan Del mundo na lumulutang sa manila bay na walang buhay. Isa daw itong drug sindicate na matagal nang sinusumbaybayan ng mga alagad ng batas ngunit ayon sa balita, hindi nila alam Kung sino ang nakasugpo sa grupo ni Fernan.
"Hi sis."
Dumako ang aking mga mata sa mga bagong dating. It's kuya cloud and Xander. Mabilis akong napatayo at nanginig ang tuhod ko. Bakit narito na si Xander subalit ang asawa ko ay wala pa.
"Hey, you looked pale sis." Puna ni kuya Cloud sa akin pero hindi ko iyon pinansin at bumaking ako Kay Xander .
"Nasaan na si Tyler?" Nanginginig kong tanong dito.
"He will here later." He replied.
"Yeah, he's right sis. May inasikaso lang siya." Segundang saad ni kuya. "Anyway, sinusundo namin ang mga bata, gusto silang makita ni daddy. Don't worry, isasama rin namin ang mga kasambahay niyo para magbantay sa kanila at nandoon din ang asawa ko at si baby Ice." Aniya pa.
"Huh? Eh bakit...."
"Ooppsss ... No more question. Walang masamang manyari sa kanila kaya chill ka lang." Nakangising saad ni Xander .
"Fine. Sasama nalang ako para mabantayan ko sila." Pagpayag Kong sagot.
"No, you're not come with us. Just your husband here. Okay." -Xander .
"But..."
"No more but sis.. Kami na ang bahala sa kanila." -Cloud
"Tito daddy...." Tili ni Princess at tumakbo Kay kuya Cloud at yumakap habang may pack bag sa kanyang likod.
"Hi Tito Xander." Bati niya Kay Xander at kumaway siya dito.
"Mukhang namiss ako ng maganda Kong pamangkin." Natatawang saad ni kuya Cloud.
"Yes I did. Kanina ka pa namin hinihintay eh at sa katunayan nga, nakahanda na ang mga dalahin namin." Nakangiting sambit ni Princess at humarap ito sa akin.
"Mommy, tumawag kanina si Lolo at ang sabi niya dadalawin namin siya. Hmmmm....uuwi nalang daw kami kapag susunduin niyo na kami ni daddy. Mommy, pumayag kana... Promise, babantayan ko si Sydney doon. Please...." Pagkukumbinsing saad ng anak ko at nagpacute pa ito.
"Payagan mona sila sis." My brother said.
"Fine. Sandali lang, aayusin ko lang ang mga gamit ni Baby Sydney."
"No need mom. Inihanda na namin ni kuya ang mga damit ni baby sis pati na rin ang gatas niya. Kompleto na yun lahat. Wait, tatawagin ko lang si kuya. Tito daddy, ikaw magkakarga Kay baby Sydney, mabigat iyon, hindi ko kaya."
Tumakbo si Princess papunta sa maid quarter at sumunod nama si kuya Cloud sa akin papunta sa aming silid.
Naabutan ko si Prince na kinikiliti ang kapatid sa kama.
"Hey, tama na yan. Nandyan na ang Tito daddy niyo na susundo sa inyo. Okay na ba lahat ng mga gamit niyo na dadalhin?" Tanong ko pa dito.
"Okay na mom." Prince replied.
Nang maka alis na sila ay napabuntong hiningan ako. Isang napakalaking bahay pero nag iisa lang ako. Nagpumilit pa akong sumama sa kanila pero hindi sila pumayag dahil kailangan ko daw hintayin si Tyler dito dahil baka wala raw itong aabutan kapag bumalik ito.
Akmang papasok na ako sa loob ng may dumating na isang itim na ferrari. Napatingin ako dito at malakas ang kabog ng aking dibdib habang hinihintay ang paglabas ng taong sakay nito.
(A/N) I just want to thanks to all my readers. Thank you for reading my works and God bless to all.
Don't forget to click the little star bellow and leave some comments. Your votes can help me to motivate/encourage myself to update more chapter.