Every Step Away

Da jeeinna

2.6M 84.4K 34.8K

Rugged Series #1 Chrysanthe Eve Lofranco only has Hezekiah Kingston Jimenez. She believes that life, no matte... Altro

Every Step Away
ESA2
ESA3
ESA4
ESA5
ESA6
ESA7
ESA8
ESA9
ESA10
ESA11
ESA12
ESA13
ESA14
ESA15
ESA16
ESA17
ESA18
ESA19
ESA20
ESA21
ESA22
ESA23
ESA24
ESA25
ESA26
ESA27
ESA28
ESA29
ESA30
ESA31
ESA32
ESA33
ESA34
ESA35
ESA36
ESA37
ESA38
ESA39
ESA40
ESA41
ESA42
ESA43
ESA44
Epilogue
ESA46

ESA1

93.6K 2K 2.1K
Da jeeinna

ESA1

Rylan:

Okay. Study well, hon

Ngumiti ako at nagtype din nag reply.

Ako:

Enjoy ka dyan. I love you.

Nagpaalam kasi siyang mag ba-bar sila ng mga kabarkada niya. Actually, sinasama pa nga niya ako pero tumanggi ako kasi may plate pa akong tinatapos at may quiz pa din ako.

Ngayon, nagrereview ako para pagkatapos ay plate nalang ang aabalahin ko.

Rylan:

Love you moreeee

Napangiti ako. Ganon kasi siya palaging magtype. Palaging madaming letters dahil mukha daw cold pag hindi. Natutuwa ako kasi naiimagine ko ang mukha niya at naririnig ang boses niyang sinasabi iyon ng mahaba rin. My honey is so cute.

Hindi na ako nagreply pa at nagfocus na lang sa pag aaral. I cannot fail. Though totoo namang malaking ginhawa na yon kahit pasado lang. Kaso nabuhay at lumaki na kasi akong hindi sapat para saakin ang pasado. Kapag kapit lang sa passing mark, para na rin akong bumagsak.

I feel stupid every time I don't ace my tests. Pakiramdam ko kulang pa yung efforts ko o simpleng tanga lang talaga ako. Ayoko non, kaya kahit magkapalit na kami ng mukha nitong mga reviewer ko, tuloy pa din.

I really want a Latin honor. Kaya kailangan ko talagang magsipag.

Nag unat ako noong matapos ko ang pagrereview ko. Sakto namang umilaw ang aking cellphone na nasa tabi lang ng libro ko. Ngayon ko lang napansin. Ganon kasi ako pag nagrereview at tuwing naggagawa ng plates, nakafocus lang ako sa materials ko na nagiging non-existent ang ibang bagay.

Hezekiah:

oy eba

Napa irap ako dahil doon. Kinuha ko agad ang aking cellphone at nagtype.

Ako:

Theo, bring back Heze's phone to him.

I texted him again.

Ako:

Hindi ako si Eba!

Silang dalawa lang naman kasi ni Rash ang mahilig tumawag noon saakin. Heze never called me that kahit mahilig siyang mang asar. Theo, Rash and Six are Heze's friends that eventually became mine too because of him.

Mula pagkabata naman ay kilala ko na si Heze. Well, he was my best of best. I cannot explain further because Hezekiah Kingston is beyond.

Hezekiah:

Wow nakilala ako! Busy heze mo

I rolled my eyes again because of what he said. Hindi na ako magtatanong kung nasaan sila dahil sigurado namang nasa bar nanaman.

Ako:

Ilan?

Hezekiah:

Dalawa lang naman boss hahaha magkabila

Binitawan ko ang aking cellphone at minasahe ang gilid ng aking noo. Sumakit ata bigla ang ulo ko. Hezekiah is a damn playboy. Kaliwa, kanan, harap at likod may babaeng nakadikit at nakasunod. He was a big flirt but he never once had a serious relationship. Puro flings, puro laro. Hindi ko siya pinipigilan dahil buhay naman niya iyon at alam kong ineenjoy niya lang ang kabataan niya.

Isa pa, I know I can never control him.

Umilaw muli ang cellphone ko kaya binalik ko ang tingin ko don.

Hezekiah:

Saw your bestfriend here

Ako:

And you're using his phone.

Hezekiah:

No, yung babae

Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Si Iris? Iris is my highschool bestfriend. Siya ang palagi kong kasama sa school noon at hanggang ngayon dahil blockmates kami. We have quiz tomorrow, pero nag bar pa sya?

Hezekiah:

Your boytoy too

Napabunga ako ng hangin. Kahit ipagdiinan ko sa kanila na boyfriend ko si Rylan at huwag nilang tawaging ganon, para nagiging bingi sila pag sinasabi ko iyon at automatic na nadedelete iyon sa ala ala nila.

Nagulat ako noong biglang tumawag saakin si Theo, na gamit ang cellphone ni Heze. Agad ko iyong sinagot.

"Theo-"

"Babe."

"Heze!" masayang sigaw ko. Hindi ko na inabala pa ang tawag niya saakin dahil sanay na ako roon. Mas malandi pa siya kaysa sa babae.

I heard him chuckle. Hindi ko man siya nakikita ay pakiramdam ko ay medyo lasing na siya dahil sa boses niya.

"Eba!"

"Tsk, ano ba!"

Natawa ako dahil sa narinig kong saway ni Heze kay Theo.

"May sarili kang cellphone!"

"Mas gusto ko iyo!"

"Gusto ka ba?"

I laugh at them, bickering. Araw araw nalang silang lahat. Hindi ko talaga maisip kung paano natitiis ni Six ang tatlo. Sobrang iingay kasi at palaging nagtatalo habang si Six naman ay tahimik, payapa at suplado.

"What are you doing?" tanong niya.

"Nagreview lang. Pahinga lang ako konti tapos gagawa ng plate." sagot ko sa kanya. I stood up and get my things. Inilagay ko iyon sa bag ko.

"Sipag naman ng arki ko."

Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. I sigh deeply and continue fixing my things. Pilit na pinasok saaking utak ang kanyang sinabi bilang biro.

"Arki mo? Pinapaaral mo ba ako?" sarkastiko kong sagot.

"Nagpapakahirap ako para sayo, anak. Tapos ganyan ka sumagot?"

I laugh and shook my head. I put my phone into loud speaker. Dumiretso ako sa sarili kong drafting table kung saan naroon na at nakaayos ang aking plate.

"You busy?" tanong niya, marahil ay narinig ang paggalaw ko.

"Hmm, plates."

"Okay..." rinig kong sabi niya. "I'm gonna go now so you can focus. Wag masyadong magpuyat okay? Rest. You got all your time, Architect."

Ngumiti ako dahil sa kanyang tawag saakin. I really like it everytime I hear him call me that. Parang kapag siya yung nagsasabi, siguradong matutupad lahat. Oh, how I wish for that to happen. Bata pa lang ako pangarap ko na to.

"Yes po, Sir. Kayo din ah, wag maglalasing masyado and drive safely! Take care, please..."

"Sabi mo eh. "

I unconsciously smiled.

"Hang up now, babe."

Inabot ko ang aking phone upang sundin ang kanyang utos. Ako palagi ang nagbababa ng tawag saaming dalawa. I don't know but he always refuse to be the one who will end our call.

"Bye, Heze!"

Rylan:

I miss you, hon

Napangiti ako dahil sa kanyang random na text.

Ako:

I miss you more.

Iris:

Reviewing atm huhu i wish I'm as smart as you

Napakunot ang noo ko dahil doon. Reviewing? But Theo said she's in the bar? Did she bring her reviewer there? That was very weird pero hindi ko na rin iyon binanggit dahil baka namalikmata lang si Theo at hindi naman talaga si Iris ang nakita niya. Sa dami ng tao sa bar? 

Ako:

You're smart, Iris.

After replying on their texts, I decided to set my phone aside and focus on my plates. Ano ba naman iyong dalawa yon, kung kailan kasi magsisimula na akong gumawa magkasabay pa nagtext.

The following days passed like how normal days flew. Sobrang tambak pa din ng gawain ko lalo na sa plates, grabe magbigay ang mga prof ko! Kala mo nagpaparamihan sila at kami ang naghihirap!

Deadlines are my big enemies kaya palagi kong sinasabi sa sarili kong hindi ako pwedeng magprocrastinate kung may libre naman akong oras kasi baka may bigla nanamang dumating na plates, ako naman ang magagahol.

As much as possible, ayokong nagka-cram ako sa mga plates ko. I value them so much that I want to give a strict effort in each one. Doon lang kasi ako nakakakuha ng satisfaction sa gawa ko, kapag alam kong pinag igihan at pinag isipan ko iyong mabuti.

"Hon, meet ko lang yung kagroup ko. Saglit lang ako, may reporting kasi kami mamaya." paalam ni Rylan saakin habang kumakain ako. Siya naman ay kanina pa tapos at pinapanood nalang ako.

Tumango ako at hindi na nakasagot dahil may laman pa ang aking bibig. He put his arms in my shoulder to put me closer to him. Humalik siya sa gilid ng aking noo bago siya tumayo at naglakad palabas ng Cafeteria.

He look at my direction again when he reached the door. I waved my hand and smile. Ngumiti siya pabalik bago tuluyang umalis.

Napakunot ang noo ko noong mapansin ko ang pagmamadali ni Iris saaking harapan. Mabilis siyang ngumuya bago ininom ang tubig niya.

"Ayos ka lang?" tanong ko, kuryoso sa kanyang mga galaw.

She gestured me a wait sign and continue chewing. Noong lumunok siya at muling uminom ng tubig.

"Girl, call of nature." agad niyang paalam saakin at mabilis tumayo, lakad takbo siyang naglakad palabas.

"Iris!" tawag ko ngunit hindi siya huminto. Tinagilid ko ang aking ulo habang pinapanood siya.

Iniwan niya ang bag niya dito kaya alam kong babalik naman siya. It's just really weird because she went out of the Cafeteria. May comfort room naman dito sa loob. Why would she go out for other comfort rooms if there is a closer one?

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Eba!"

Kumunot ang noo ko noong makita ko ang papalapit na apat saakin. I glared at Heze who's smirking at me. Nasa likod siya katabi si Six habang nasa harap naman si Theo at Rash.

"Bat mag- isa ka?" tanong ni Heze agad noong makarating siya sa table ko. Umupo siya sa harap ko, si Theo naman sa tabi ko. Nanatiling nakatayo si Rash at Six dahil wala nang upuan. Pang apatan lang kasi ito tapos yung isang upuan ay naroon ang bag namin ni Iris.

"Bakit ka nandito?" nanliit ang mata ko.

Hindi pa nila lunch break, may klase pa silang dalawa ni Six! Alam ko ay si Theo at Rash lang ang kasabay ko ng break! Actually, parehas din kami ng department, iba nga lang ang section nila. Parehas namang Business Ad si Heze at Six.

"Nag excuse kaming mag c-cr." nakangising sagot ni Heze.

Sa kanilang apat, nangingibabaw ang presensya ni Hezekiah. No, halos ganon din naman ang tatlo, I'm just saying that he's more attention-seeking or maybe, it's just me? He's lean and tall. Pansin na pansin ang kanyang abong mata na nagbibigay ng emosyon sa kanya mukha. He has a natural long lashes, pointed nose, his always smirking lips and his jaw looks very superior and perfect in his rectangle face shape.

Well, his friends are beautiful people too. Pansin sa kanilang lahat ang dugong banyaga. Pinakamatangkad si Rash ngunit hindi rin naman nahuhuli ang iba. He's mestizo and very American-looking. Si Theo naman ay may bad boy vibe kahit sa totoo lang, siya ang pinaka easy-going sa kanila. Halata rin sa kanya ang dugong Espanyol katulad ni Six na pinanindigan ang pagiging misteryoso at pinaka intimidating sa kanilang apat.

You cannot even question why women flock on their directions every single time. Halos ibato na nga nila ang sarili nila para mapansin ng mga ito.

"CR tapos diretso Cafeteria?"

Tumawa ang tatlo habang ngumisi naman si Six.

"Lunch nila!" tukoy ni Heze kala Theo at Rash.

"Eh ano, susubuan mo ba si Theo?!" singhal ko.

Their laugh became louder. Rinig ko ang mura ni Theo sa gitna ng kanyang pagtawa. Six chuckled.

"Daddy!" pag aakto ni Theo at binuksan ang kanyang bibig.

"Gago!" tawa ni Rash at nagbato ng tissue sa mukha ng kaibigan tila naasiwa sa ginawa.

Napabuntong hininga ako.

"Nagugutom ako eh!"

Umirap ako sa rason niyang hindi naman totoo. Malamang gusto niya lang tumakas sa klase.

"Bumalik na kayo, baka mapansin na ng Prof nyo." utos ko habang nakatingin kay Heze, I shifted my eyes on the other one who is busy with his phone. "Six." I called him.

"Layas na, utos ni boss!" natatawang pagtataboy ni Theo.

Nagkamot ng ulo si Heze at tumayo. "Dapat pala di natin nilapitan to." saad niya kay Six pero narinig ko naman.

"Hezekiah!"

"Bye, babe!" kumaway siya saakin at naglakad na sila palayo ni Six. Narinig ko naman ang sipol ng dalawang nanatili sa tabi ko. I glared at them. Pasipol sipol pa, parang mga manyakis!

"Sinong kasama mo dito, Eba?" tanong ni Rash noong mapansin ang mga laman ng table.

"Sino pa ba?" sapaw ni Theo.

Tumango si Rash at tumayo. Ganon din naman si Theo.

"Uy, dito na kayo." pigil ko sa kanila.

"Bakit ka iniwan non?"

"May meeting daw ng group." sagot ko.

Theo made a face like he's not believing it. Ewan ko sa kanila, isang taon na din naman pero hindi pa rin sila palagay kay Ry. Casual naman sila pero ramdam ko pa din ang pag ayaw nila.

"Bili lang kami pagkain." paalam ni Theo. Tumango naman ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Natapos na akong kumain at wala pa rin sila Theo, maging si Iris. Bakit sobrang tagal naman ata noong mag CR? Sila Theo kasi nakapila pa siguro kaya wala pa.

Na-lock na ata iyon sa CR. I busied myself on my phone while waiting.

"Santh!"

Tumingin ako sa pawis na pawis na si Iris. Umupo siya agad sa harap ko pagkadating niya. Parang hinabol siya ng ilang aso sa sobrang haggard ng itsura niya ngayon. Sa CR na siya galing tapos ganyang pa rin ang itsura niya, wala bang salamin don?

"Ang init sa labas." mukhang napansin niya ang pagtataka ko habang inaayos niya ang kanyang sarili.

"May CR naman kasi dito."

Her smiled faded but she manage to bring it back fast. "A-ano baka kasi puno."

I sigh and just shrugged. Ayoko namang pahabain pa dahil alam kong nagsisinungaling lang siya, bakit ko pa papahabain? Mag eeffort pa siya mag isip ng dahilan. It just saddens me that she doesn't trust me with her stories. Kahit gusto kong iinvolve ang sarili ko sa kanya dahil best friend ko siya, kung hindi naman siya open doon, may magagawa ba ako?

Napansin ko ang maling butones ng kanyang blouse. I sigh and look at her who's fixing herself. At ayoko ring makisawsaw dahil mukhang private. Kung sino man ang pinag kakaabalahan niya ngayon, I hope she'll not get hurt dahil malulungkot ako.

"Iris." I called her and pointed her blouse. Baka kasi dumating na yung dalawa at makita pa iyon.

"Oh!" Nakita ko ang kaba at takot sa kanyang mata at mabilis niya iyong inayos. Hindi ko mawari kung bakit mukha siyang guilty sa harap ko.

"Sorry."

Ngumiti nalang ako sa kanya. If she doesn't want to open it, why am I going to force myself in? It's not my issue. Hihintayin ko nalang siyang mag sabi. No need to feel guilty about it.

"No need for sorry."

Dumating si Theo at Rash na may kanya kanyang tray na bitbit. Iris blushed at the sight of them. Binati siya ng dalawa noong makita siya. Kinuha naman namin ni Iris ang bag namin para makaupo silang dalawa.

Komportable akong nagkutingting sa cellphone ko habang kumakain ang dalawa habang nag uusap kami. Iris on the other hand looks awkward with the two. Matagal ko nang alam na gusto niya talagang makipaglapit sa apat ngunit sadyang nahihiya lang siyang kausapin ang mga ito.

Kinakausap naman siya ng dalawa, hindi lang talaga siya siguro siya makaayos ng sagot at parang hiyang hiya palagi.

"Next sem sasabay na kaming mag enroll sa inyo."

Tumaas ang kilay ko. "Sa tamad nyong 'yan? Kaya nga never tayong naging magkaklase, kung kailan dulo na saka doon mag eenroll!"

Tumawa si Theo at nilingon ako.

"Ganoon talaga ang tunay na estudyante, sinusulit ang bakasyon!"

"So peke ako?"

"Peke ka?" balik niya saakin. Hinampas ko siya at tinawanan lang nila akong dalawa ni Rash.

Sa apat na taon namin sa college, kahit isa doon hindi ko sila naging kaklase. Kaya sana naman sa fifth year namin ay magkatotoo nga ang sinasabi nila ngayon. Gusto ko din naman silang makasama kahit papaano.

Napatingin ako noong tumunog ang aking cellphone.

Rylan:

Meeting's boring. Missing youuu

My heart fluttered and I smiled.

Ako:

Focus, Ry. See you later.

Napakunot ang noo ko noong bigla siyang tumawag. I thought he was in the middle of a meeting?

"Hon..." he called.

"You're in a meeting." I reminded him.

"Yeah, nagpaalam ako saglit."

"Hmm..."

"Di ako makakasabay umuwi mamaya."

Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. He didn't mention anything important the last few days or kahit kaninang magkasama kami. Biglaan?

"Bakit?"

"Birthday celebration ng ka-block ko. Diretso daw kami after last class."

Hindi ako sumagot. Sobrang abala ko nitong mga nakaraang linggo dahil sa dami ng pinapagawa sa mga subjects lalo na sa majors kaya halos ganitong mga breaks nalang at uwian kami nagkikita, text at tawag nalang ang nagagawa namin kalimitan. I'm guilty about it and I'm missing him. Gusto ko sanang makasama siya ngayon pero mukha namang hindi posible.

"Hon..." he carefully called. "Don't you want it? Di na lang ako pupunta."

I sigh and shook my head kahit hindi naman niya nakikita. I don't want to be possesive of him. Baka kasi bigla siyang masakal saakin. That's the last thing I want to happen. 

"It's okay. I want you to enjoy."

"I'm sorry. I love you, hon."

"I love you too." saad ko. Nakangiwi akong nilingon ni Theo at Rash. Tinaasan ko ng kilay ang dalawa at ngumisi nalang. 

"Enjoy."

"I will."

I smiled.

"Okay, balik ka na sa kagrupo mo."

"I love you ulit."

I chuckled. "Same, hon."

Pinatay niya ang tawag kaya binaba ko na ulit ang cellphone ko. Nagtama ang tingin namin ni Iris. Sinundan niya ang pagbaba ko ng cellphone. Kanina pa niya ba ako pinapanood?

She smiled at me and I smile back. 

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

123K 8.1K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1M 27.1K 35
Book 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa...
85.2K 1.9K 70
Samuelle Elise and Matthew Jas were best of friends since time immemorial. Palaging magkasama at magkasundo. Mula sa pelikula, pagkain at musika. Han...
Serenity Da zaaaxy

Storie d'amore

685K 30.7K 45
Masarap talaga ang bawal. Lalo na kung araw-araw kang sinusubok ng tadhana. The more forbidden it is, the greater the urge to have it yourself. Kay d...