He Who Passed By (Completed)

נכתב על ידי envious_lady

342 270 16

Sa buhay, marami tayong nakakasalamuha at ang dami nating nakakasalubong sa bawat araw. May mga taong papunta... עוד

HWPB 1
HWPB 2
HWPB 3
HWPB 4
HWPB 5
HWPB 6
HWPB 7
HWPB 8
HWPB 9
HWPB 10
HWPB 11
HWPB 12
HWPB 13
HWPB 14
HWPB 15
HWPB 16
HWPB 17
HWPB 18
HWPB 19
HWPB 20
HWPB 21
HWPB 22
HWPB 23
HWPB 24

HWPB 25

20 12 3
נכתב על ידי envious_lady

Kakakuha ko lang ng card ko nung nakasalubong ko si Aiden sa corridor.

"Lili!"

"Oh kamusta grade?"

"Okay naman. Isa lang line of 8"

"Wow sana all"

"Sayo ba kamusta?"

"Line of 8 Phy Scie. Hays pag may kinalaman talaga sa math mahina ako"

"Then?"

"Yon lang naman panira. Kainis"

"Sana all daw pero isa lang din pala line of 8 eh. Good job Lili!"

"Kelan nga pala entrance exam mo dito sa univ malapit satin?"

"Uhm. Ikaw ba kelan? Tara punta muna tayo sa Garaje, nagugutom ako eh"

Tumango ako at sinabayan siya maglakad.

Hindi ba siya nag almusal? Ang aga gutom agad.

"Next week exam ko"

"Yon lang ba univ na pag e-entrance exam mo o nag try ka pa sa iba?"

"Yon lang. Ayoko lumayo eh. Saka may extension naman yung univ sa iba't ibang lugar dito na malapit lang din"

Tumango tango naman siya.

Napakunot ang noo ko. Bat parang ang weird nya ngayon.

"So kelan nga exam mo?"

"Hindi ako sa univ dito mag aaral eh"

"Mag u- U.P ka ba?"

"Hindi"

Tumigil siya sa paglalakad saka tumingin sakin.

"A-ano. Kaya gusto kita makausap kahapon kasi may sasabihin ako"

"Ano yon?"

I suddenly felt uneasy.

May kutob ako pero hinihiling ko na sama mali yon.

"Sa isang araw na entrance exam ko"

"Saan nga?"

"S-sa... sa States"

Parang biglang tumigil lahat ng nasa paligid ko.

"Sa States na kami titira ni mama. Kaya don na ko mag c-college"

Nakakapanghina.

Gusto ko itanong na 'Bakit sure ka bang makakapasa ka don?'

Pero no. Para kong tanga non. Di lang naman isa ang univ don. Saka si Aiden pa, ang talino nya kaya.

Pero argh! Nararamdaman ko na yung pag init ng mata ko at ang nagbabadyang luha.

"B-bat naman b-biglaan?"

Napatingin ako sa langit para pigilan yung luha ko.

Kumukulimlim na naman.

Nakikisama na naman ang panahon sa nararamdaman ko.

"Last week lang sinabi sakin ni mama, at inayos na pala nya lahat para don na kami for good"

"B-bat ngayon mo lang sinabi?"

Napatingin ako sa kanya kasabay ng pag unahan ng luha ko na akala ko napigilan ko na.

"Nung... nung nalaman ko yon mula kay mama, nagalit ako sa kanya kasi hindi man lang nya ko sinabihan tungkol sa balak nya. Pero nung sinabi nya sakin yung dahilan... di ko kayang hindi siya sundin. K..kasi ayoko na siyang nakikitang nasasaktan dahil sa ama ko. At ang paglayo... yon din ang sa tingin kong paraan para mas maging maayos ang lahat kahit dalawa lang kami"

Napaiwas ako ng tingin.

Ang hirap huminga. Ang sakit isipin na aalis siya. Pano pag wala na talaga siya?

Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko at di ko na napigilan mapahagulgol.

Wala na kong pake kung may nakakakita man.

Wala na kong pakialam kung ano man ang isipin ni Aiden kung bat ako nagkakaganito sa harap nya.

Ang sakit! Sobra! Tangnes!!

"H-haeli... hindi ko agad nasabi sayo kasi baka oras na sabihin ko sayo layuan mo na ko. Kaya imbis na mangyari yon, I spend that week with you without thinking what will happen. At sa tingin ko tama yung ginawa ko kasi nakita kitang masaya...masaya tayo sa isang linggo na yon. The good memories that I will treasure. Siguro nga ang selfish ko pero ayoko lang masayang yung mga araw na yon para satin. Patawad... mahalaga ka sakin Haeli, ayokong nakikita kang nasasaktan, please stop crying"

"You don't want me to stay away from you pero anong gagawin mo ngayon? Ikaw ang mang iiwan. Ang daya naman Aiden eh!"

"Sorry Lili... sorry. Please wag ka ng umiyak"

Lumapit siya sakin at hinawakan ng dalawang kamay nya ang pisngi ko saka nya pinunasan ang luha ko pero balewala dahil nag uunahan ang luha ko sa pagbagsak.

Nakatingin lang ako sa mata nya.

Siguro nagtataka siya bat ganto ko mag react samantalang ilang buwan pa lang naman kaming magkaibigan saka crush lang naman yung alam nyang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero nagulat ako nung may pumatak din na luha sa mata ni Aiden na agad din naman nyang pinunasan.

"Thank you Lili. Salamat sa lahat... sa totoo lang. Masaya ko na naging crush mo pala ko. Di ko alam pero ang sarap pala sa pakiramdam na magustuhan ng isang Haeli Yooli Roz, yung babaeng akala ko mahirap maging close pero grabe pala magpahalaga. Di mo man sinasabi pero dama ko yon Haeli, kaya sobrang salamat. And sorry... kung nasaktan kita. Kung pwede lang turuan ang puso, sana ikaw na lang yung minahal ko. Hindi ka sana nasaktan, hindi sana nasayang yung effort mo for me. Sana nasuklian ko yung mga ginawa mo, lalo na yung mga panahon na ikaw yung laging nandyan para sakin. Ang tanga ko kasi mas nag focus ako sa nawala sakin kaysa sa kung anong meron ako"

Napasinghot ako saka ko pinunasan yung luha ko.

"Hindi naman kailangan suklian lahat ng bagay. Saka hindi ako naghihintay ng kapalit, totoo yung mga ginagawa ko at hindi ko yon ginagawa kasi nag e-expect ako ng kapalit. Saka Aiden, parang sinuklian mo nga without you realizing those. Even your small actions... I appreciated it. You make me feel na may taong totoong nagpapahalaga sakin. Maraming salamat. Also thank you dahil tinanggap mo yung nararamdaman ko at di ka nag iba sakin. Salamat sa lahat"

Ngumiti siya kaya ngumiti na lang din ako para hindi mabigat sa pakiramdam nya pag umalis na siya.

"And hey why technology and social media exist?"

"Bat naman parang recitation to?"

"Hay nako Aiden"

"Hahahha seryoso ka na naman Lili. Syempre naman di ko makakalimutan gamitin yon para may connection parin tayo"

Ngumiti siya sabay wink.

"Tss"

"Oyy kinilig si Liliiii"

"Tumigil ka Aiden"

Tumawa siya pero biglang sumeryoso din.

"Mami-miss kita Lili ko"

Saka siya muling ngumiti.

"Para kang timang. Tumigil ka na Aiden baka ako pa tumulak sayo paalis ng Pinas"

"Woah woah grabe naman Lili"

"Kelan nga pala alis mo?"

"Mamaya. Susunduin daw ako dito eh"

Tumingin siya sa paligid kaya napahinga ako ng malalim. Ang hirap tanggapin.

Akala ko pa naman same kami ng papasukang university.

Hays.

"Hatid muna kita sa inyo?"

"Hindi na. Samahan na lang kita mag intay dito"

"Sweet naman ng Lili ko"

"Isa Aiden"

"Dalaw--"

Napahinto si Aiden nung may bumusina sa di kalayuan.

"Lili... Andyan na yung susundo sakin. Nasa airport na kasi si mama"

Tumango ako.

Nagulat ako nung bigla akong niyakap ni Aiden.

Nag unahan na naman sa pagtulo yung luha ko.

Hinawakan nya ko sa balikat saka nya ko tiningnan.

"Text, call, chat, vidcall na lang Lili ko ah"

Gusto kong matawa at kiligin but I can't in this situation.

Tumango ako kaya humakbang na siya paatras habang nakaharap parin sakin.

"I will miss you"

Tuluyan parin sa pag agos ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

Ngumiti siya kahit halata namang pilit.

"Bye"

He waved his hand pero ang hirap sagutin. Kaya pinilit ko na lang ngumiti saka tumango sa kanya.

Tumalikod na siya saka sumakay sa kotse ng sumundo sa kanya.

"B...bye"

I whispered. Nakatingin lang ako sa papalayong kotse hanggang sa mawala na ito ng tuluyan sa paningin ko.

Noong una parehas kami ng daan na pupuntahan, pero ngayon sa ibang direksyon na siya patungo.

Biglang bumuhos ng malakas ang ulan kaya muli akong napatingin sa kalangitan.

Parang luha ko lang na walang tigil sa pagbagsak.

Hindi ko makita ng maayos ang langit dahil may nakatabing na bubong.

Saka ko lang napansin na nasa waiting shed pala ako sa harap ng school.

The same place kung san ko unang na encounter si Aiden.

Biglaan ang pagdating nya, ganon din ang biglaan nyang pag alis.

Dumaan siya, tumigil at naging parte ng buhay ko.

I thought that's it.

Pero mas masaklap pala ang mangyayari kaysa sa hindi kami ang para sa isa't isa.

Tanggap ko naman eh. Pero bakit kailangan pang humantong sa pag alis niya.

Napatingin ako sa inabot nya sakin bago siya humakbang paalis.

Binuksan ko yung maliit na blue expanded folder.

Puro typewriting ang laman non na ang size kalahati ng long bond.

Tumalikod ako para hindi mabasa ng ulan saka ko nilabas ang mga ito mula sa folder.

Napatigil ako sa nakita ko.

Tiningnan ko isa isa at di ako makapaniwala.

Dinrawing nya ko...

Iginuhit nya ko sa mga pagkakataon na akala ko busy siya sa ginagawa nya sa drafting kaya hinahayaan ko lang siya habang ako nagsusulat sa notebook ko o di kaya nagbabasa. Meron din na ginaya nya yung picture ko sa fb saka yung picture naming dalawa.

Aiden Trevor Teodoro.

I'm very thankful you passed by me.

Thank you. And I love you.

המשך קריאה

You'll Also Like

3.8M 109K 49
MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#3: Alexander Kiel Ford "It's amazing that just by looking at you makes my heart skips a beat." - Alexander Kiel...
1.2M 21.3K 47
WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! MARAMING MGA ERRORS TO SO PASENSYA NA. KUNG PERFECTIONIST PO KAYO; I'M TELLING YOU, IT'S NOT SUITABLE FOR YOU. Tungko...
13.9K 217 37
❝Why choose one tea leaf when there's a garden full of a thousand tea leaves❞ [Prosetry Series #4] a collecti...
53.6K 857 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: