Bow Down, Master (Book One)

By lun4ximus

1.8K 523 267

Who would've thought that the master of all gangs would bow down to an average lady? I mean, why would he do... More

Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two

Chapter Eight

59 20 6
By lun4ximus

Time.


Chapter Eight



Time flies fast. 


Sa mga nakaraang araw na nagdaan, hindi ko man lang namalayan na mabilis pala talaga ang oras if you keep yourself moving and busy. 

Apat na buwan na ang nagdaan, nakaraos sa ilang pagkatalo, hindi pagkakasundo. Hindi nawala ang ilang selebrasyon, pagkapanalo at ilang pagtatagpo which made things kinda weird, but I don't mind.

Tapos na ang finals namin, clearance nalang ang aasikasuhin namin pagkatapos noon ay maaari na kaming maka-graduate ng senior high school. 


Kaya naman binigyan kami ng university ng sembreak para pagbalik namin ay clearance nalang ang aasikasuhin namin at ibang papeles para sa kolehiyo. 


Ngayon ang unang araw ng bakasyon namin, kasama ko ngayon ang mga members, may pinlanong beer party sila Dovalier and they said invite our friends, syempre yung mga nakakaalam lang about sa gang, kaya sinama ko si Percy at Abcde.

"Hoy, Teravish, wag na wag kang malalasing kundi ikakaladkad kita papuntang bahay niyo." banta ko sakaniya nang makita ko ang sunod sunod na kuha niya ng mga alak. Deputcha.

"Ma, is that you?" tawa ng loka.

"Oo, Ma. Matatamaan ka na sa akin." Humalakhak lang siya at umirap.


Tumawa naman si Abcde at umiling. "Ako na bahala dito pag nalasing siya, let her have fun, Rei."

"Wala naman akong magawa dito, I'll keep the two of you entertained instead of feeling out of place here." suggest ko. Wala naman kasi silang kakilala dito.

"We're fine, Rei. Parang hindi kami friendly ah?" at tumawa silang dalawa. Umiling nalang ako at nilayasan sila.

"Go find yourself a boyfie!" pahabol na sigaw ni Percy. Umirap ako sa hangin, hindi ko naman kailangan nun. I am completely fine without a boy-that-causes-heart-and-head-aches-friend. 



It's been 4 months at nakalimutan na nila yung nangyari sa akin nung annual gang celebration. Lahat sila naka-move on na sa naganap, mga sugat ko nga wala na, even a scar can't be seen. Ako nalang ata hindi pa nakakalimot sa nangyari dahil sa pesteng mata na 'yon.

Kakasabi ko lang na hindi ko kailangan ng boyfriend pero hindi ibigsabihin hindi na ako pwede maattract. I shrugged mentally.


Nakatambay kami ngayon sa pool area, dito rin kasi set up ng beer party kaya mostly of the guests are wearing their swimsuits, kasama na ako doon.

I am not even surprised when I spotted some members from the Tribal gang, hindi ko nga lang mahanap si Leyton. When Leyton and I got close, naging kaibigan na din namin ang members ng Tribal. Pero lagi naman kaming pinapaalalahanan ni Dovalier na trust no one.

Kalaban pa rin sila.



Umupo ako sa gilid ng pool and dipped my feet in the water. 

Bigla akong nagtaka sa naisip ko about Tribal. Kalaban pa rin sila, yes, pero ano ang dapat mangyari? Ano ang magtitrigger sa kanila na labanan kami? 

I was busy thinking the consequences of every move and decision we make, natigil lang iyon nang tabihan ako nila Addison, Stellans, Monroe, Herma, Shai at iba pang babaeng galing Tribal.


I smiled at them when they greeted me. 

"Tabi muna kami sayo, ha? The guys were gawking at you." Sabi ni Herma, one of the member sa weapon group namin. Humagikgik ang ilang babae pagkasabi niya nun.

I looked around and saw some males staring at me openly. I gave them death glares kaya naman umiwas agad sila ng tingin.

Mas lalo silang nagtawanan nang makita ang ginawa ko. I don't like being the center of attention.


Nagpatuloy sila sa pagkekwentuhan at ako ay nakatitig lang sa tubig. Watching the night lights reflect on the water's surface.

"You seem lost in your thoughts." Addison commented.

"I was just analyzing the whole situation and events, Addi," I sighed.

"Utot mo, why would you think of that? Okay naman lahat diba? Come on, Rei. Let go what bothers you, i-enjoy mo 'tong bakasyon na 'to." she smiled at me, it was comforting.


I smiled at her as a thank you, nagpaalam ako na kukuha lang ako ng beer. 

I stood up carefully, mahirap na madulas. Walang sasalo. 

Nagpunta ako sa long table kung nasaan ang mga drinks, I decided to get a Pina Colada and it somehow tastes good. Inubos ko iyon at kumuha ulit, pero sa mas malaking cup na at bumalik sa spot ko kanina.


They talked about some girl stuffs, minsan nakikisama na rin ako para hindi ako ma-op. I saw Percy talking to Zane while Abcde is drinking a cup of beer with the other guys.  Good to see that they get along.

Inubos ko ang nasa baso ko at lumusong para mahimasmasan ako kahit papano. I shouted when the other girls joined me. 

"Tara, chicken fight!" someone from the other side of the pool shouted.

"G lang," 


Lumusong na ang ilang lalaki para maging kakampi nung ilan kong kasama, Percy and Abcde joined too. Ako nalang walang ka-partner kaya ako nalang mag-bibilang kung anong panig ang may score.

"Ako nalang scorer!" pang-iinform ko sakanila. Ngumiti lang sila sa akin na para bang nagjojoke ako.

"No, let's join them," a voice behind me spoke and put me on his shoulders. Nang makita ko kung sino yun, ay sinapak ko bahagya ang braso niya.


"Aw! Masakit 'yon ah, what was that for?" Leyton asked.

"Gago! Malay ko ba kung sino kasi bumuhat sa akin bigla, edi pag natumba ako tapos may nangyari sa akin, hindi ko alam kung sino sisisihin!" inirapan ko siya.

Natawa naman ang iba, hindi pinansin ni Leyton ang sinabi ko kaya hinigpitan ko kapit ko sa buhok niya. Tinampal niya ng mahina ang kamay ko, a hint that I should loose up a bit.



And as the game goes by, panig namin ang nanalo, more roasted food and drinks for us!

Nakasimangot ang ilang kasali sa laro sa kabilang panig, so I went to them and asked what's wrong. "Hey, girls, what's wrong? You all look mad."

"Natalo kami, bukod dun, the other boys took their chance to touch us in a malicious way." Sabi nung isa na nakahalukipkip. 

I slightly smiled at them, "Leave it to me." I left them with curiosity as they watch me go.


Pumunta ako sa gitna ng area at hininaan yung music. I found a gun nearby, kaya dinampot ko iyon patago at inilagay sa likod ko. Don't worry, this is just an act.

"Can all the boys who lost come here?" Sabi ko sa isang malakas na boses, enough for them to hear what I want to say.

Lumapit naman lahat ng lalaking natalo, some eyed my body while the others kept their eyes on my face. I gave them my blank expression, nang makita nila ang ekspresyon ko ay namutla ang ilan.

Ikinasa ko ang baril at tinutok sa kanila. Natahimik ang lahat sa narinig na pagkasa, lahat sila nanunuod na ngayon.


"Sino may sabing pwede niyong hawakan sa kung saang parte ng katawan nila ang mga babaeng ka-partner niyo kanina sa laro?" I asked, they all looked down. Tama lang 'yan.

"Mapang-abuso kayo. Do you want me to shoot your heads?" I said in a cold voice.

Bibilisan ko na lang 'to, masyado nang matagal ang atensiyon sa akin.

"Go ask an apology to your partners. If not, I'll shoot you." 

Gamit ang baril ay iminuwestra ko sila sa gawi ng mga babaeng kinausap ko kanina na mukhang galit. Una sa lahat, ayoko nang may nababastos. Pangalawa, this is a fucking party. How can someone enjoy knowing na hinipuan sila? Mga utak, puta.


I smirked as they said sorry to the girls. Never let any guy do that to you. Naisip ko tuloy kung bakit hindi agad sila nagsalita.

I removed the bullets of the gun and threw it at the trash can. Mamaya makadisgrasya pa, tss. 

"Back to party!" I shouted and blasted the music as they cheered.


----------


The night is going on and it's now quarter to eleven. I swam towards Addison when I thought of something cool and exciting.

"Hey, Addi," pagkuha ko sa atensiyon niya.

"Hmmm?" 

"What if gamitin na natin yung napanalunan natin na bakasyon nung gang celebration?"

Her eyes lit up in excitement, umahon agad siya and gathered the members sa pwesto ko. 

"Reinette came up with something amazing for our vacation!" she cheered.


"Let's use that one week vacation we got from the Black Court," ngumisi ako sakanila. Nakita ko ang pagbakas ng excitement sa mukha nila kaya naman pinag-usapan namin ang tungkol doon.

Inutos kaagad ni Vixen kay Herma na tawagan ang BC to inform them about our plan. Mabilis ang kilos at mga sagutan, the court asked for my bank to transfer the money for tickets and some bookings. 

Ang napag-usapan namin ay sa Cebu, there's a wonderful island there. Nakikita ko lang 'yun and got interested, now is the chance to see it.


"Do you know Bantayan Island in Cebu? Maganda daw dun, what do all of you think?" 

Nakakumpol na kami sa loob ng headquarters, with a big projector in front of us. Ako ngayon nagmamanage ng meeting dahil ako ang nakaisip. Hays.

I showed them a few images of my on-the-spot itinerary. And they all agreed, so we didn't have any problems, well... except sa food, and clothes. 

"That Kota Beach is kind of familiar, yung sa sand bar nila, I've seen it from a movie." Monroe commented.


Napag-usapan namin na bukas ay mag-iimpake na kami ng mga gagamitin namin at dadalhin sa Cebu. 

Sa susunod na araw naman ay bibili kami ng pagkain at ilang toiletries na kakailanganin namin, nagpresinta ako at ang ilang babae na mamili, dahil bibili din kami ng ilang damit na mamataan namin. 

"Reinette, tinawagan ko si Ms. Prilla Stix, sabi niya magdala pa rin daw tayo ng pocket money, just in case. And sa instructions, sabihin lang daw yung 'feroce di fuoco' to grant access and free service. Kung gusto din daw ng VIP Treatment, sabihin lang yun." nagniningning ang mga mata ni Herma.

"Pwede ba 'yun? I think masyado nang unfair sa iba yun? Hindi ba sila malulugi?" I asked.


Naramdaman kong may tumabi sa akin, sinilip ko iyon at nakita ko si Kaizer. "Hindi sila malulugi dahil ang Black Court naman ang magbabayad, hindi tayo," sabi niya.

"Baka isipin nila inaabuso natin sila?"

"You're too soft for this type of deal, Reinette. We paid millions, right? That's our fair share of payment, don't worry about it." Sabi ni Kaizer, tumango nalang ako at bumalik na sa labas kung nasaan sila Percy at Abcde.

Let's get fucking wasted tonight.


---------


Kinabukasan, nagising ako dahil may umaalog sa balikat ko. Nang nagmulat ako ay nakita ko si Addison at Stellans na hinihintay ako magising. Tinignan ko sila ng masama, ang sakit kaya ng ulo ko.

"Don't look at us like that, sumunod ka sa sarili mong plano." Humalakhak naman si Stellans.

Sinubukan kong umupo ngunit nahilo ako kaya napahiga ulit ako. "Fuck, hangover," sambit ko.

Inabutan ako ni Addison ng tubig para mahimasmasan ako. "Let's have breakfast and get ready. Mag-aayos pa tayo ng mga damit." Nakangisi siya habang sinasabi iyon.


Inubos ko ang tubig sa baso, naramdaman kong medyo nahimasmasan ako ay niyaya ko na sila bumaba para makakain.

Pagkarating namin sa dining ay andoon na ang ilang member. Nakita ako ni Kaizer at Dovalier and they suddenly smirked. Tinapunan ko sila ng nagtatakang tingin.

"What?" Sabi ko ng medyo iritado, ayoko nung may alam sila tungkol sa akin na hindi ko alam.

Tumawa silang dalawa, ang ibang member na kasama namin sa hapag ay humagikgik at nakangiti lang. Bumaling ako kay Stellans dahil alam kong maaasahan ko siya sa ganito.


"Anong nangyari, Stellans?" inis kong tanong. Kinuha ko yung baso at sinalinan ng tubig para mawala ang pagka-inis ko.

Tumawa muna ito ng ilang sandali bago sumagot. "Sa sobrang kalasingan mo kagabi, lahat ng makakasalubong mo, inaakala mong may emerald eyes. Puring puri nga sila sayo eh. You even said na maganda mata nila, pero mas maganda yung dun sa lalaking nakasalamuha mo sa parking lot nung gang war." She smirked.

Nasamid ako kaya natawa silang lahat, tangina? Hindi nga? "Seryoso ba?" tanong ko nang makarecover ako.

"Oo, gusto mo proof?" tumatawa paring sagot ni Kaizer. I nodded.


He got his phone and tapped on it a few times before handing it to me. There's a video of me on my drunken state. Totoo nga, I even look amazed and openly admiring the eyes of that person.

"You're eyes look pretty, but the man who shot me at the parking lot is more than pretty that it's so hard to forget," sabi ko sa video sabay hagikgik.

"Putangina." I face palmed. Tumawa lang sila at inasar ako konti, ano pa bang magagawa ko, nangyari na eh.

"Reinette has a little crush," pakantang asar ni Kaizer. I threw the fork at him kaso nailagan niya. Sayang.


Kumain na kami at napag-usapan nanaman namin ang tungkol sa itinerary sa Cebu. Pagkatapos namin makakain ay naligo na ako para makauwi ako sa condo at makapag-impake.



----------


Gabi na nang matapos ako mag-impake at makabalik sa headquarters. A shoulder bag, travel bag at isang maleta dala ko. Sa dami ba naman ng kailangan ko eh. Yung shoulder bag? Display lang 'yan. Para may malagyan ako ng importanteng bagay everytime na aalis kami.

Pagkapasok ko ng headquarters, iilan nalang ang gising. Maaga pa kami bukas eh, maaga din maglilinis ang mga lalaki bukas at aasikasuhin ang mga sasakyang gagamitin namin. 

"Tulog na talaga yung iba?" tanong ko sa isang member. Tumango ito at humikab. Kumaway nalang siya sa akin.



Nagpunta muna akong kusina, dala-dala ang mga bagahe ko. Magtitimpla nalang ako ng gatas para madali akong makatulog.

Habang hinahayaan ko ang sarili ko na maging busy sa pag-inom, napaisip ako kung bakit ko nasabi kagabi yung tungkol sa mata nung lalaking bumaril sa akin.

Imposible naman ata yung maaattract ako kung mata lang nakita ko. Ilang buwan na din ang nakaraan bakit bigla nalang lalabas sa bibig ko ang ganoon?

Nagkibit balikat nalang ako at umakyat sa kwarto ko. Magpapahinga na din ako, kailangan ko ng matinding energy bukas, feeling ko kasi may mangyayari bukas.




Kinaumagahan, maaga akong nagising para mag-ayos. Naligo muna ako bago bumaba. I wore a peach statement shirt, there's a "bad girl cry too" printed on it. Paired it with a white jacket, a denim short and a white shoes. Inayos ko din ang buhok ko into a messy bun.

Bumaba na ako para mag-almusal and to check if the girls are ready.

"Good morning," I greeted them when I entered the dining. They greeted back too.

"Anong oras tayo aalis?" tanong ni Monroe. 

"After a few minutes, siguro." sabi ni Stellans.


What I felt last night came back to me kaya naman sinabi ko sakanila. "Hey, don't you think we should bring atleast a weapon to protect ourselves?" sabi ko. May mali ata eh.

"Why?" Naguguluhang taong nito.

"In case na may mangyari lang na masama, masama kutob ko eh..." 


Nagkatinginan kaming lahat na naroon sa dining, maya-maya ay tumango si Dovalier. "Tama, bring your guns with you. Mahirap na, free schedules ang mga gangs ngayon dahil bakasyon." 

"Also, wear your earpieces para alam namin if ever na ligtas kayo o hindi." dagdag ni Vixen na nagsisimula nang i-assemble ang mga earpiece sa program na nakaconnect sa computer niya.

Ilang sandali pa ang nakalipas at nakumpleto na kami, nasa akin ang listahan kaya okay lang, puro chips, drinks and other toiletries lang naman andito. 


Umalis na kami at dumiretso sa mall. Mabilis kaming nakapasok dahil hindi naman chineck bag namin at hindi rin kami chineck kaya hindi nanganib ang mga baril namin.

Naghiwa-hiwalay kami, ang iba ay namili ng damit, at kami ay namili ng baon namin. 

"Bilisan na natin, maghiwa-hiwalay din tayo sa loob ng grocery store para mabilis at dun tayo sa lane ng toiletries magkita-kita pag tapos na. Turn on your earpieces at the time we drift apart, understood?" sabi ko sakanila. Ito ang kanina ko pa naisip na plano para mas mabilis na maka-alis dito, at makasama na namin ang grupo na namimili ng damit.

At naghiwa-hiwalay na kami, binigyan ko sila ng papel kung ano ang dapat kunin nila. Hindi pwede yung mag-isa kaya, dalawa kami ni Addison ngayon ang naghahanap sa liquior section.


Habang naghahanap kami ay may nakita akong lalaki na naka-all black, nilingon at siniko ko si Addison para sabihin sakaniya. "Addison, look at your left side and you'll see a man who's wearing an all black outfit, he's looking at us." 

Ginawa niya ang sinabi ko ngunit kakaiba ang sinagot niya. "Ha? Wala naman ah," napakunot ang noo ko dun kaya naman tinignan ko ulit kung saan ko nakita yung lalaki. Wala na nga dun. Weird.

Pasimple kong pinindot ang earpiece ko to send them a message. 


"Radio check, hello, everyone? Radio check," nakarinig ako ng ilang tugon at nang masigurado ko na lahat sila ay rinig na ako ay sinabi ko na ang nakita ko.

"Tigress speaking, if you see a man who's wearing an all black outfit and somehow radiates a suspicious aura, please avoid him immediately. Over," sabi ko. Sumagot sila ng "roger" at ang iba ay "affirmative", maski ang kasama kong si Addison kaya tinignan ko siya ng nakakatawang tingin.



Mabilis kaming nakabili ng alak at ilang wine na pang-stock sa headquarters, o di kaya ay baon sa byahe papuntang airport bukas. Bukas na kasi agad ng gabi ang flight.

We met the girls at the meeting spot. Tinanong ko sila kung mayroon ba silang nakasalubong, meron daw pero hindi nila makita yung mukha. So far, wala namang ginagawang kalokohan yung lalaking yun.

Nai-purchase na namin ang mga nasa listahan at nakipagmeet sa ibang kasamahan. Kating-kati na ako umuwi kaya saglit lang ako bumili ng ilang dress at ilang swimsuit, ganon din naman ang mga kasama ko. 


Nasa parking lot kami nang makita ko nanaman sa gilid ng mata ko ang lalaki. Binagalan ko ang kilos ko dahil nahuhuli ako. Pasimple kong nilabas ang baril ko. Nang makarating na ako sa tamang anggulo na walang matatamaan na iba ay ikinasa ko ang baril ko at itinutok sa lalaki.

Natigilan ang mga kasama ko nang makitang nakatutok na ang baril ko dun sa lalaki.

Kumilos ang lalaki kaya mas humigpit ang kapit ko sa baril dahil baka bigla nalang nito hugutin ang baril niya. 

Narinig ko ang ilang pagkasa ng baril at nung nilingon ko ang pinanggalingan ng ingay ay nakita ko ang mga kasama ko na nakatutok na din ang baril dun sa lalaki. 


Nanginig ako ng ang tanging ginawa nung lalaki ay iangat bahagya ang cap niya para makita ang parte ng mukha niya. Muntik ko na mabitawan ang baril ko nang makita ko ang mata niya.

His emerald eyes

Umiling ako at mabilis na naglakad patungo sa kotseng sinasakyan namin. Alam kong sinundan ako ng mga kasama ko at alam kong nakita nila ang reaksyon ko. Pero hindi ko alam kung nakita nila ang mata nung lalaki.


Imposible naman atang yun yung lalaki sa gang war? Maraming may matang ganun, baka masyado lang ako nag-react.

Sumakay na kami sa kotse.

"Rei, okay ka lang? Bakit ganoon reaksiyon mo?" Monroe asked. 

"I'm fine, wala lang 'yun. Ayoko ng gulo kaya umalis na ako. Haha, sumunod naman kayo." humalakhak ako to ease the tension building up.


"Tara, pajama party! Para makalimutan natin yung nangyari kanina," suggestion ni Herma. Sumang-ayon naman kaming lahat dahil gabi pa naman ang flight namin bukas.

Pagkarating nila sa headquarters ay nakita nilang nandon sa sala ang lahat ng boys at mukhang may pinag-uusapan. Nakita kami ni Zane at iminuwestra na lumapit kami doon. Ang iba ay inayos ang mga grocery at inilapag namin sa isang banda ang mga damit na pinamili namin.

"What's going on?" Stellans asked when we neared them.

"Nothing much, we were just planning how to hide the weapons and some equipment we will bring nang hindi nadedetect sa metal detector." Vixen answered.

"We'll bring weapons? Para saan?" tanong ko naman. 

"Safety, protection, mas okay na yung handa kesa sa hindi." Jackson said.

Nakinig nalang kami sa plano nila bago kami mag-ayos para sa pajama party. We brought two wines and some foods we bought at the mall.


"Hoy, sali kami!" Kinalabog ng mga lalaki ang pinto namin, but too bad, its girls' night!

"Bawal! Pero kung bakla ka, pwede naman!" sigaw ni Herma. Humalakhak kami nang wala na kaming narinig na katok pa muli.

We enjoyed the night, watched some horror movies, we even did skin care and talked about random stuff that girls would talk about.

Alas dos ng madaling araw nang mapagpasyahan naming matulog. 


Pagkagising naman ay tanghalian na kaya naman kanya-kanya kaming mabilisan na pagligo at pag-aayos sa sarili dahil alas kwatro ay gagayak na kami papuntang airport. Lagot 'tong mga lalaking 'to sa amin mamaya.

Natapos ako mag-ayos ng quarter to four. I wore a white fitted crop top, matched it with denim jeans and my boots. I wore my sunglasses, I don't know why eh gabi naman flight namin. 

Pagkababa ko ay ilan nalang ang kulang at ang mga bagahe ay nasa isang sasakyan na. 


Nang makumpleto kami ay umalis na kami at bumyahe papuntang NAIA. Ang ilan ay nag-aassemble ng weapons, ang iba ay kumakain.

Nagpatugtog ako at nang marinig nila ang mga kanta ay nag mistulang carpool karaoke ang buong byahe.

Wala naman nangyaring may haharang sa amin o nawalan ng break o ano. Everybody came at the airport safe and sound. Iniwan namin ang mga kotse sa parking at dinala ang mga susi sa loob. 


We checked in, and I was shocked when I saw a familiar face.

"Have a safe trip, Ms. Mordeau." bati sa akin nung lady guard, or should I say, ni Ms. Prilla Stix. Nginitian ko lang siya dahil gulat pa rin ako. 

Nilingon ko si Vixen with a curious expression. Lumapit ako sa kaniya at ibinulong ang naisip kong possibility bakit andito si Ms. Stix. 

"Vixen, are those from Black Court?" 

He smiled proudly at me like I found out something big and important. "Yes, exactly, Rei. I asked them about the weapons at sabi nila, sila na bahala dun." 


Naka-check in na kaming lahat and we said thanks to those people from Black Court by giving them a nod and a smile. Mamaya may makahalata pa pag nagpasalamat kami ng malakas.

Its past eight in the evening and our flight is scheduled by eleven. Kumain kami sa isang bread store na malapit sa gate namin. Pagdating nalang ng Mactan kami kakain ng heavy meal.

"Bili ka pa nga isa, Kaizer. Tuna sandwich tsaka ham with mozarella, gutom pa ako eh," I asked him. Sinimangutan niya lang ako bago tumayo kaya tumawa ako.

Habang wala pa si Kaizer, I reviewed our itinerary for the whole week. I made some changes kasi gusto ko sila i-tour around some spots at Cebu before going home kaya yung second to the last day namin, pupunta kaming town proper and just book at some hotel. 

Iniisip ko din ano pa pwedeng idagdag na activities namin eh. We could lowkey party at night by the shore dun sa isang beach house na nirentahan din para sa amin, though we'll be staying at Anika Island Resort.


"Oh, pagkain mo, nakakahiya naman sayo kasi hindi ka nagbigay ng pambayad." pagsusungit ni Kaizer. Nginitian ko lang siya.

Lumipas ang oras at nakasakay na kami ng eroplano. Mahigit dalawang oras din kaming nakasakay at puro pag-aasikaso sa mga gamit namin ang ginawa namin. Just to make sure and be ready, mamaya may sumalubong sa amin na kalaban eh.

Gaya ng sabi ko kanina, kumain kami sa isa sa mga bukas na fast food sa Mactan Airport dahil alas dos na ng madaling araw ngayon. Paglabas namin ng airport, three black vans were waiting for us.


We traveled for 2 hours until we reached Hagnaya Port, and 2 more hours until we reach Bantayan Islands. Nakakapagod yung byahe kaya halos lahat sila ay tulog na ngayon. 

Mag-aalas singko na ng umaga nang makarating kami sa Hagnaya Port. A staff from them gave us our tickets at hinatid kami sa isang part ng port kung saan pwede kami maghintay.

Alas sais pa daw ang dating ng barko kaya nagkatuwaan naman ang mga members na maglaro muna, may dala daw kasing uno cards si Zane. 

Pinagtitinginan kami ng tao, bukod sa madami kami, ay kami rin ang pinaka-maingay. Nakakarinig kami ng ilang reklamo pero pinapabayaan namin. Hindi rin naman kami masusuway ng staff dahil ayon kay Ms. Stix, sinabihan na nila ang mga ito na huwag kaming pakikialaman. 


"Hoy, nakita niyo 'yon?!" sigaw ni Jackson. Hindi ako masyadong nakatuon sa kanila dahil kumakain ako pero ngayon napunta na atensiyon ko sa kanila.

"Ang alin? May problema ba?" pumunta ako sa table nila. Nagulat sila at tinuro si Jackson.

"Wala, Reinette. Nangdudugas kasi 'tong si Zane, parang timang. Duwag matalo." pagbibiro niya. Nakita ko naman na walang problema kaya bumalik na ako sa upuan ko.


Pagkaupo ko naman ay napatingin ako sa isang grupo ng mga lalaki na kakarating lang. Paano ba naman kasing hindi nila mapupukaw atensiyon ko at ng mga tao, eh halos naka-black silang lahat.

May lamay ba?

I scanned them individually. Napakunot noo ko nang may makita akong tatlong pamilyar na lalaki, they all looked around our age. Yung pinaka-matangkad na nasa unahan ang nakapukaw sa atensiyon ko.

He looked like he's not your typical man at your age. He looked like he's something more than that. His sharp jaw line, mid-length nose, his lower lip is plump, his black hair slicked back and his thick eyebrows. That is something every female would drool of.


Naramdaman niya yata na may nakatingin sa kaniya kaya napatingin siya sa gawi namin, at saktong nagtama ang mata namin.

And suddenly, it became very hard to breathe and to move when I saw his emerald eyes. 

I can't take my eyes off of him because I wonder if it was him that I encountered with at the parking lot. 


Mas lalo ata akong nahirapan gumalaw at huminga nung ngumisi siya sa akin. Napakunot noo tuloy ako at pinilit ko ang sarili ko na umiwas na sa titigan namin. Fuck his smirk and his emerald eyes.


_________________________________________________


Note: Finally updated, yayyyy! Btw, I personally chose Bantayan Island for their vacation kasi miss ko na yung peace at kapreskuhan don. Okay, see you next chapter. Don't forget to vote! Thank you, lovelots!! xx


lun4ximus.



Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...