Bow Down, Master (Book One)

By lun4ximus

1.8K 523 267

Who would've thought that the master of all gangs would bow down to an average lady? I mean, why would he do... More

Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two

Chapter Four

88 38 19
By lun4ximus

Gang fight.


Chapter Four


Nagmamadali akong umalis sa basement pagkatapos ko asikasuhin si Koline. Medyo nagtagal pa ako sa baba dahil may kinontact pa ako para i-update ang pamilya niya. 

Papunta palang ako sa living room nang salubungin ako ni Vixen. Sinabi niya sa akin na inalama niya ang ilang impormasyon tungkol sa mga babae at napag-alamang galing ang mga ito sa Black Society, isa sa mga gang na nakikipagpataasan sa gangs list.

"Kumuha ako ng sample sa kanilang mga katawan at phone system, kaya ko nalamang galing sila ng Black Society..." imporma sa akin ni Vixen.


Tinignan ko siya na may pagtataka kasi putol yung sinabi niya.

"Anong plano mo sa Black Society?" ani niya na may nais ipahiwatig.

Agad kong nakuha kung ano ang gusto niyang mangyari kaya tumango ako sakanya.

"Sugurin natin sila."


Kaya kami nandito ngayon sa meeting room dahil sa desisyon na binitawan ko para sa Black Society. Naghahanda kami ng plano at areas kung saan kami lulugar, kung paano kami aatake at ang magiging silbi nito sa gang namin.

"Dovalier, anong plano? May naisip ka na ba?" tanong ni Stellans sakaniya.

Tumango ito kaya nakinig kaming lahat.

"Pinapahack ko na ngayon kay Vixen ang security system ng headquarters nila para sigurado ang atake natin. Pag nakapunta na tayo sa mga areas na i-aassign ni Kaizer, magpapaputok ng isang beses si Addison sa bintana sa baba. Malamang maaalerto sila kaya lalabas sila. Pag nakalabas na sila sa front side ng headquarters ay tsaka papasok ang mga nasa likod at sisimulan ang atake. Hindi natin sila uubusin, magtitira tayo ng sampung katao mula sa Black Society."


Napatango kami at sumang-ayon. Humalakhak naman ng mayabang si Kaizer at Vixen. Natigilan lamang sila nang may naisip ako. 

"Ano magiging pros at cons nito sa gang natin?" tanong ko.

Napangisi si Dovalier kaya naman nagkaroon ako dito ng interes. "Ang pros nito, madadagdagan tayo at tataas ang pwesto natin, baka nga pumasok pa tayo sa top gangs eh. Ang cons? Iingay lamang ang pangalan ng ating grupo, lalo na kay Reinette dahil bago palang siya at siya ang dahilan bakit natin susugurin ang Black Society."


Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagbanggit sa pangalan ko. Ayoko maging center of attention, putangina.

"Edi magiging target tayo ng mga gangs?" tumango sila.


"Oo, lalo ka na." sabi ni Addison. Medyo nagka-ayos na kami dahil sa naging laban namin nung nakaraan.

Dumating si Kaizer na may dala-dalang papel. "Hoy, makinig kayong lahat." pabiro niyang tawag sa atensiyon namin, lumingon naman sila agad at ang iba ay humalakhak.


"I made your spots and areas kasi magaling ako," pagyayabang niya which made me scoff, tumawa lang naman siya sa reaksiyon ko at inilatag ang papel at isang blueprint ng bahay. "Ito ang mga assigned areas ninyo."


Tinawag niya sina Monroe at iba pang kasama sa cleaning, weapon at info group. Itinuro niya sa mga ito kung saan dapat sila pepwesto at paanong pag-atake ang pwede nilang gawin sa spot na iyon. 


"Yung mga natira, lapit kayo dito," tumayo kami at lumapit doon. "Dovalier, ikaw sa right side ng hagdan, Stellans, ikaw sa left side, stay hidden para kapag may lumabas, hindi kayo mapapansin at agad na makaka-atake. Addison, dito ka sa may maliit na space dito sa gilid ng pundasyon na nandyan, dito ako sa may puno magtatago because I'll be using my sniper."


"Vixen, ang pwesto mo ay sa may guard house, na malapit sa maintenance at system. Patayin mo 'yon bago ang go signal, and Reinette, sa may bakod malapit sa garden ka naka-assign, may possibility na madami ang lumabas sa garden area dahil isa ito sa mga open areas nila, shoot them right away, ikaw bahala kung sino ititira mo."


Tumango ako at nakita sa blueprint kung sinong mga ka-myembro ang malapit sa akin na pwede kong mahingan ng back-up at support, in case na kailanganin ko. 

Dumiretso ako sa weapon storage system. I let the scanner scan me again to enter, once I got inside, I automatically input the code for the weapon I need.


A rifle and a shotgun, lot of ammos, daggers and some flash bombs.


Nakita kong pumasok din si Stellans at iba pa naming ka-gang. Inayos ko na agad ang mga kailangan ko para sa pagsugod namin at nagsuot ng bulletproof vest at hand gloves. Sa gilid ng mata ko, naaninag ko ang palapit na si Stellans.

Nang makalapit sa akin ay may inabot siyang earpiece at amplifier na naka-connect dito. "That's for easy communication. Everyone that is connected to the developer which is, of course, Vixen, can hear your responses and reports during the fight."


Tinanggap ko iyon, too much for 'kakailanganin ng back-up', huh?


We gathered at the lounge before leaving to make sure that everything is secured, fine and well-fixed. Walang may gustong pumalya lalo na't kami ang manunugod ngayon.

I have no proper training for combat fights, pero sapat naman na siguro ang skills ko... for now. I don't have any choice but to trust my instincts and calculations. 


Sumakay kami sa Mercedes V-Class ni Vixen at yung hindi naman nagkasya ay sa Ford Tuneo ni Zane. Mahigit tatlumpung minuto ang itinagal ng byahe dahil sa Makati pa ito, medyo traffic din kasi kahit gabi na.


Nang makarating malapit sa headquarters ng Black Society, nagpark kami sa malapit sa isang bahay na may nagpapaparty ata. Para hindi halata kung kutuban man sila. 

Unang bumaba si Vixen dahil siya ang nag-set ng code sa gate para bumukas ito. Sumunod sina Jackson at Zane sa kaniya bilang back-up, dahil panigurado ay mayroong bantay dito. 

Habang inaayos nila ang dadaanan namin ay nireview ko muli ang blueprint at mga dapat kong hindi patayin, the well-trained but weak ones. Umingay ang earpiece namin at narinig ang boses ng kasamahan namin.


"Field has been clear, you may now enter the zone, over." Vixen stated. The earpiece has a small device of microphone making us possible to talk to one another.

I heard several responses like "read", "copy that", and "roger that". I was in an amused trance, hindi tuloy ako nakarespond. 


Bumaba na kami at isa-isang pumasok. Mabibilis ang kilos ngunit maingat at tahimik. Ingat na ingat na walang makagawa ng ingay. Wala naman land mines dito kaya safe. 

Mabilis akong nagtago sa isang puno nang mapadaan sa isang bukas na bintana at nakitang may lalaking nakadungaw doon. Inayos ko ang silencer ko bago ko barilin iyon.


Headshot.


Hindi siguro napansin nung mga nasa loob ang pagbagsak ng isa sa kasamahan nila. 1 down, 29 to go. Inilibot ko ang mata ko at nakitang wala namang nakamasid o nakabantay dito mula sa taas. 

"Siddharta, can I get a 10-36?" I asked in a light voice using the earpiece.

"2 minutes before the attack, Tigress." 

"10-4, Siddharta." 


Naghintay pa kami ng dalawang minuto. Gaya ng sabi ni Addison, dalawang minutong pagtitiis sa dilim bago siya magpakawala ng signal ng pag-atake. 

Nang mabaril na niya ang bintana sa baba ay lumabas agad ang ilang myembro, ang iba ay nagpaputok sa taas dahil doon sumulpot ang ilang kalaban. 

Itinuon ko ang tingin ko sa garden area at nakitang tama si Kaizer dahil madami ang lumabas don. Inasinta ko ang bawat taong papatayin ko, unti-unting bumabagsak ang mga ito at ganon din ang mga kalaban na nasa loob.


Ang ilan kong kasamahan ay pumasok sa loob para hanapin si Syd, ang leader nila. Ang iba naman ay nakita kong nakikipaglaban sa pagsugod na binibitawan ng kabilang panig. Ang iba ay napupuruhan na kaya naman agad akong naglakad ng mabilis at nilabas ang daggers sa belt ko.


Binato ko ang mga iyon gamit ang tamang kalkulasyon, ibabato ko na sana ang panghuling dagger nang may sumangga sa kamay ko. Tinignan ko ng masama yung lalaki ngunit hindi ito natinag. Umamba ito ng suntok ngunit naagapan ko ito at mabilis na nagsquat.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na suntukin siya sa tiyan kaya napahawak siya dito dahil sa sakit, inilabas ko ang shotgun ko at ipinaputok ito sakaniya.


5 down, 22 to go. 


Ang ibang nakapatay sa mga kalaban ay galing sa mga ka-myembro ko.

Hinawakan ko ang earpiece ko at nagbigay ng warning sa mga ka-member kong nasa garden area. Mahigit sampu ang naroon kaya naman kailangan na munang umatras at magtago habang bubulagin muna sila.


"Tigress speaking, to every member at the garden area, get out there and hide at the backyard! I'm going to throw out a flash bomb, I give you 30 seconds to escape your opponents!"

I heard few grunts and heavy breathings, heavy steps of someone running.


"10-69, Tigress. We're now... out of the g...arden area..." hingal na responde sa akin ng isa. Nagbato ako ng flash bomb doon at nagtago sa likod ng puno. 


"10-4, Tigress still speaking... Shoot the others and spare 10 people, over."


Tinulungan ko sila pabagsakin ang ilang kalaban at gaya ng sinabi ko, may natirang sampu. Pero binaril namin ang mga ito sa binti para hindi makatakas.


Sa amin na kayo ngayon.


"Falcon speaking, Tigress, what's your 20?" I heard through the earpiece. 

Heavy breathing is evident on his voice and low grunts as if he's holding back pain.

"Garden area, currently running towards the backyard area, over." Sabi ko at binilisan ang takbo patungo sa backyard to check on the members. Ang iba ay sugatan na, buti nalang at walang natamaan.

"Roger that, we're coming down, hold down the 10 dogs." utos nito.


Umirap ako at inaya na ang mga kasama ko papunta doon sa mga nakalupasay na sampung buhay pa.

"Tigress and company, 10-77, 0.5 minutes, over." 

Nakita ko ang sugatang leader namin, kasama sila Addison. Mukhang napuruhan bahagya si Stellans dahil nakita kong buhat siya ni Kaizer. Pinanuod namin silang makalapit habang binabantayan namin ang mga lumpo.


"Dalhin natin sila sa headquarters para sa deal. We talked to their leader already." ani ni Dovalier.

Tig-dadalawa sila sa pag-alalay sa sampu. Ang ibang hindi gaanong napuruhan katulad ko ay isa lamang. Tinawagan na pala nila ang gang society rescue service para sa paggagamot sa mga nasugatan at nabaril.

Doon nalang daw sa headquarters ituloy ang gamutan nila.


Medyo mabagal ang lakad namin nitong kasama ko, nakakahiya siya, lalaki pa man din pero ang hina naman pala. Tama nga ang sinabi ko kanina, iyong mga magagaling ngunit mahihina ang aming tinirang buhay sakanila.

Napansin ko ang titig nitong malagkit kaya nilingon ko ito. I gave him a deadly stare that made him smirk. Bahagya kong sinipa ang binti niyang may tama ng bala kaya naman napadaing agad siya sa sakit. 


Tangina mo, dukutin ko mata mo eh.


Inambahan ko siya ng suntok pero sinita ako nung isang medic at baka daw lalo lang manghina ang pasyente. Anong pasyente? Pasyente pero lakas makatitig? Putangina tapon ko 'to sayo eh. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa itim na ambulansya na malapit sa kotse namin. 

Mabuti nga at hindi naman napapansin ng mga tao na may kahina-hinalang nangyari kaya smooth ang naging operasyon.

Alas dose na nang makabalik sila sa headquarters nila sa Quezon City.


We led them towards the meeting room for the deal. Nang makaupo na kami ay hindi na pinatagal pa ni Dovalier ang usapan dahil alam kong hindi pa pwedeng mapagkatiwalaan ang mga hakot na ito sa kalaban.


"Makinig kayong mabuti kung ayaw nyong mamatay at madamay ang pamilya ninyo dito. Kilala nyo naman siguro ako 'no? Well if hindi, let me introduce myself. I am Dovalier Pvouir, TFF's Leader. Ngayon, nakausap ko kanina si Syd bago ko tapusin ang buhay niya," tumayo siya at naglakad papunta sa isang drawer kung saan may papel at bakas ng dugo bilang pirma.


"As a proof of agreement, he signed this contract using his blood... Nasa kamay ninyo ang desisyon niyo pero pinaubaya na kayo sa amin ng pinuno ninyo. Now, the deal is, once we entered the top 10, we automatically receive monthly allowance. Since, lahat ng member ay required na nasa middle class or higher class, mapag-uusapan naman ng matino kung paano hahatiin. At maisasakatuparan lang iyong pag-angat ng posisyon namin kung papayag kayong lumipat sa amin." paliwanag niya.


Kinasa ko ang baril ko kaya napatingin sila sa akin. 

"Bakit?"

"Bakit mo kinasa baril mo?" tanong ni Stellans.

"Wala," i smirked at the guy who was staring at me earlier. "Trip ko lang." 


Humalakhak ang iba kong kasamahan, ang mga kabilang naman sa Black Society ay napabuntong hininga.

Maya-maya pa ay nagdesisyon na ang isa, at sunud-sunod na.

"Yes, I accept the deal with my whole heart." 

"Sure, if that's the key to success."

" Oo naman."

"Sige lang, ang mahalaga may kakampi at karamay."


So they all agreed. Magpapatawag ulit bukas si Dovalier ng meeting para sa pagpirma nila, katibayan na hindi namin sila pinilit at kusa silang sumang-ayon sa amin.

Pinauwi na kami sa aming mga tinutuluyan dahil may pasok pa ang ilan sa amin bukas.


Hinatid ulit ako ni Kaizer pauwi dahil hindi ko naman dala ang kotse ko dahil mahahalata nila na wala ako. 

Nakauwi ako around 1 in the midnight so I silently climbed at a tree and jumped at our backyard, I sneaked in the mansion.

Hindi na ako nakapagpalit at nakapagtanggal ng mantsa ng mga dugo sa katawan at mukha dahil alam ko namang wala na rin akong maaabutan dito sa mansiyon.


Pero nagkamali ako.


Pagkapasok ko sa kwarto ko, nilapag ko agad ang mga gamit ko sa upuan malapit sa pintuan, bubuksan ko na sana ang ilaw nang makita kong may maliit na ilaw sa corner ng kisame ko.

Shit, may CCTV pala dito, bakit hindi ko man lang napansin.


Narinig ko ang mahihinang yabag papunta sa kwarto ko. Dinampot ko ang baril ko at chineck kung may bala 'yon. Naroon at nakakabit pa rin naman ang silencer kaya ayos lang. 

Binuksan ko ang ilaw nang makita ang anino ng mga paa sa likod ng pinto ko. Nakita kong gumalaw na ang door knob ko.


Pumasok ang isa sa bodyguard ni Tito Justin at nawalan ng kulay ang mukha nang makita ang lagay ko at ang nakatutok kong baril sa kaniya.


"M-Ma'am, saan po kayo g-galing? Ano po n-nangyari sainyo? Ibaba n-niyo po ang baril niyo..." kabado niyang sabi. Tinignan ko lamang siya ng malamig. Ano ako? Anghel para makinig sa pakiusap mo?


"Wala ka na doon." malamig kong sabi. Iminuwestra ko sakaniya ang pinto para makalabas na siya.


Nang hindi pa siya gumagalaw ay binaril ko ang sahig malapit sa kinatatayuan niya kaya tumalikod na siya.


"If you talk, you'll die."


_________________________________________________

Note: Expect four updates in a week starting tomorrow since I have everything planned out. Continue to recommend my story to your friends! Thank you so much, lovelots!! xx


lun4ximus.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...