Numb is in

By asherinakenza

1.5M 23K 1K

Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban m... More

(PROLOGUE)
CHAPTER 1:
CHAPTER 2
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7: Summmmmmmerrrrrrr! :)
CHAPTER 8: TRUTH ?
CHAPTER 9: TRUTH (PART 2) [FLASHBACK]
CHAPTER 10: <3
CHAPTER 11: </3
CHAPTER 12: Crazy
CHAPTER 13: Iniipis mo yung puso ko (^_^V)
CHAPTER 14: Awkwardddddd!
CHAPTER 15: He Love's Me.
CHAPTER 16: I'll be watching you (Part 1)
CHAPTER 17: I'll be watching you. (Part 2)
CHAPTER 18: Virus/Stolen Kisses..
CHAPTER 19: Priceless
CHAPTER 20: Don't wanna lose you.
CHAPTER 21: A Special Friend?
CHAPTER 22: Playful friend.
CHAPTER 23: Not Again..
CHAPTER 24: Meet Cassiel..
CHAPTER 25: A date with my boss?
CHAPTER 26: You Make Me Perfect.
CHAPTER 27: He's Real..
CHAPTER 28: Closure..
CHAPTER 29: Date with my boyfriend/ EX boyfriend..
CHAPTER 30: Promise
CHAPTER 31: I wanna be with you.
CHAPTER 32: Bestfriends..
CHAPTER 33: Truth.Lies.Love
CHAPTER 34: The Wedding...
CHAPTER 35: Goodbye..
CHAPTER 36: Don't look back..
CHAPTER 37: The Victim
CHAPTER 38: Bad Day..
CHAPTER 39: I gotta find you.
CHAPTER 40: Pain and Tears
CHAPTER 41: Revelations.
CHAPTER 42: Hatred
EPILOGUE

FINALE : ♫ It will rain ♫

28.5K 436 68
By asherinakenza

FINALE :It will rain

 

 

NOTE:Unang una maraming salamat sa lahat ng nagbasa nitong NUMB IS IN, alam kong hindi ganun kaganda. Pero masaya padin naman ako kasi kahit papano may sumoporta nito, well may bumasa man o wala tatapusin ko kung anong nasimulan ko. :) , masaya na ko sa mga readers na nagtiyagang basahin ito. Ngayon Final Chapter na! Thank You at nakaabot kayo dito!! :) Pagkatapos po nito may EPILOGUE pa.. MARAMING SALAMAT PO ULIT!! :** *HUGGGSSSS.KISSESSS*    



-------     

[Nasan ka?] – tanong ni Tj sa kay Alexis.  

“Pasakay na ko ng taxi, kinausap ko lang si Mr.Cortezano.” – sagot ni Alexis sa kabilang linya.   

[Wag ka munang sumakay, malapit na ko jan. Susunduin na kita. Okay?] – pinatay na ni Tj ang cellphone.  

  Maya maya lang dumating narin si Tj, agad sumakay si Alexis.  

  “Okay ka lang ba?” – tanong ni Tj..  

Tumango lang si Alexis.    

“Kain tayo.” – sabi ni Tj.  

“Sige.”    

Pumunta sila sa isang restaurant at kumain.    

“Eto na nga pala yung mga documents na kailangan mo para maibalik na sa inyo yung mga ari-arian niyo. Pinabibigay ni Matthew.” – sabi ni Tj.    

Tinignan yon ni Alexis.    

Huminga siya ng malalim.  

“Alam mo, hindi ko naman kailangan itong mga ‘to.. Nabuhay naman kami kahit wala yang mga yan.. At kaya kong buhayin sila Mama..” – sabi ni Alexis.    

“Alam ko.. Pero Alex, sa inyo yan.. Pinaghirapan yan ng Daddy mo..” – sagot ni Tj..  

“Oo pinaghirapan nga ni Daddy yan.. Pero Tj, naisip ko lang pano si Myx? Pano ang Mommy ni Matthew? Pano si Matthew? Kapag tinanggap ko ang mga yan lahat mawawala sakanila..” – sabi ni Alexis.    

Napatingin si Tj kay Alexis, hanggang ngayon hindi parin nagbabago ang dalaga.. Mas iniisip niya padin ang ibang tao.. Alam na ni Alexis na wala ng matitira kela Matthew, kaya nga pinilit kunin ni Marcus ang lahat sakanila dahil nalulugi na ang kumpanya nila.    

“Alex? Hindi mo pa rin ba kakausapin si Matthew?” – tanong ni Tj..  

“Hindi ko alam kung pano ko siya haharapin..” – sagot ni Alex..  

“Sa tingin ko kailangan niyong mag usap ngayon..” – sabi ni Tj, tumingin siya sa may entrance ng restaurant, at nandun si Matthew.  

Lumabas si Tj, at pinalapit si Matthew kay Alexis..    

Magkaharap na silang dalawa ngayon..    

Nag uusap ang mga mata nila..      

“Kumusta ka na?” –tanong ni Matthew, kitang kita sa itsura nito na sobrang problemado siya.    

Tinignan lang siya ni Alexis.. Ngumiti si Matthew at umiling iling..  

“Sorry Alexis..sorry kung nasaktan ka ni Daddy..sorry kung nasaktan kita..Alam kong hindi sapat ang sorry para kapalit ng pagkawala ng Daddy mo.. Pero sana kahit hindi ngayon..sana, mapatawad mo si Daddy..mapatawad mo ko..” – napansin ni Alexis na may luha ng pumatak sa mata ni Matthew.    

Hinawakan ni Matthew ang kamay ni Alexis at hinalikan iyon..  

“I’m Sorry... Mahal kita Alexis..” – sabi ni Matthew at saka lumabas ng restaurant.  



( Paki Play yung kanta >>>>>>>  

Awtomatikong tumulo ang luha ni Alexis..        


Bakit nawala sa isip ko na mahal ko siya?? Nagpatalo ako sa galit ko.. Hindi naman niya kasalanan kung bakit namatay si Daddy... Ginawa niya pa nga ang lahat para lang pagbayaran ng Daddy niya ang ginawa nitong kasalanan... Masyado akong nagpadala sa emosyon ko... Mahal ko siya... Mahal ko si Matthew at ayokong mawala siya sa buhay ko.. – sabi ni Alexis sa sarili niya.    

Agad agad tumakbo si Alexis palabas ng restaurant at hinahanap ng mata niya si Matthew.    

“Matthew!!!” – sigaw niya.    

Nagpatuloy siya sa pagtakbo.  




Hindi mo ko pwedeng iwan..    

Hingal na hingal siya sa pagtakbo, pero hindi niya yon pinansin.. Kailangan niyang makita si Matthew, kailangan niyang masabi kung gano niya kamahal ‘to..    

“Matthew!!!!!!!!” – sigaw niya sa mga taong nakikita niya ngayon sa dinadaanan niya.    

Napangiti siya ng makita niyang lumingon sakanya si Matthew, agad siyang tumakbo palapit dito at niyakap ng mahigpit.. Naramdaman niyang niyakap din siya ni Matthew..    

“Mahal kita Matthew!! Ayokong mawala ka sa buhay ko!! Wala na akong pakialam kung ano mang nagawa ng Daddy mo! Ang importante ikaw!! Tayo!!” – humihikbing sigaw ni Alexis..    

Lalong humigpit ang yakap ni Matthew kay Alexis..  

“Mahal na mahal kita Alexis!..I love you...”      

“AHHHHHHH!!!!!!!” – sigaw ng mga tao.    

Nagkakagulo ang lahat ng tao, hinahanap kung san nanggaling ang putok ng baril..    

“MATTHEW!!!!” – sigaw ni Alexis.    

Wala siyang marinig, walang ginawa si Alexis kundi ang sumigaw ng sumigaw, punong puno ng dugo ang mga kamay niya at ang damit niya..    

“No! Matthew! Wake up.. Please..Don’t leave me...Matthew!!!!!!” – halos ipagsigawan na niya sa tenga ni Matthew ang mga sinasabi niya, pero bigo siya.. Hindi siya pinapakinggan ng binata, hawak hawak niya ang katawan nito na walang buhay..    

“Please Matthew!!” – kahit anong gawing pagmamakaawa niya hindi siya pinapakinggan nito, dalawang tama ng baril ang natamo ni Matthew, sa ulo at sa likod..  

Niyakap niya si Matthew...Hilam na hilam na siya sa luha niya pero hindi niya mapigilan ang mga yon, masakit na ang mata niya, masakit na din ang dibdib niya...        

  “ALEXIS!!!” – sigaw ni Tj..    

Agad niyang nilapitan si Alexis at inilayo kay Matthew dahil may dumating na ambulansya.    

“No..Tj! Si Matthew! Mabubuhay siya diba?!!! Hindi siya pwedeng mawala!!!” – sigaw ni Alex.  

“Shhhh..” – niyakap ni Tj si Alexis, maging siya umiiyak na rin sa sinapit ng pinsan niya.    

“Si Marcus!!! Si Marcus ang may gawa nito!!! Hayop siya pagbabayaran niya ‘to!!” – sigaw ni Alexis at agad kumalas sa pagkakayakap ni Tj.  

“Alexis no!!” – sigaw ni Tj.    

Pero nakasakay na ng taxi si Alexis, agad niyang kinuha ang kotse niya at sinundan ito..      

----------          

“PALABASIN NIYO YANG HAYOP NA YAN!!!!!!” – sigaw ni Alexis.  

“Miss! Tama na yan.” – suway ng pulis.  

“Ako na ho..” – sabi ni Tj ng dumating siya..    

Lumabas si Marcus dahil na rin hiniling niya na palabasin siya. Agad siyang pinagsasampal ni Alexis, hindi siya lumalaban, alam na niya ang dahilan kung bakit nandito si Alex, pinilit niyang pigilan ang tauhan niya pero huli na...Huli na ng maisip niyang mali siya...na anak niya ang kinakalaban niya..    

“ANG KAPAL NG MUKHA MO!!!!! HAYOP KA!!! SARILI MONG ANAK PINATAY MO!!!! ANONG KLASENG AMA KA??!!” – sigaw ni Alexis, ang boses niya lang ang naririnig sa loob ng prisinto, tahimik ang lahat at nakatingin lang sakanya.    

“Sorry, hin..hindi ko sinasadya..” – sagot ni Marcus.  

“HINDI MO SINASADYA?!!!! SINADYA MO!!! SINADYA MONG PATAYIN ANG ANAK MO!!! HAYOP KA!!! SISIGURADUHIN KONG HINDI KA MAKAKALABAS SA LINTIK NA KULUNGAN NA YAN!!! JAN KA NA MAMAMATAY NA HAYOP KA!!!!” – basag na ang boses ni Alexis kakasigaw at kakaiyak..    

“Alexis! Tama na, shhh..Alex..Please..” – hinila siya ni Tj.  

“Hayop ka...pinatay mo siya...” – bulong ni Alex habang umiiyak..    

Maging si Marcus umiiyak na rin.. Hindi siya makapaniwala sa sarili niya na magagawa niya yon sa anak niya..    

---------      

Two months na ang lumipas simula ng mamatay si Matthew..      

“We can’t accept this..” – bulong ng Mommy ni Matthew.  

“Pero Tita, nakapirma na po si Alexis jan.. At sa inyong dalawa ni Myx nakapangalan lahat ng property jan sa document na yan.” – sagot ni Tj..  

Napakunot ang noo ng Mommy ni Matthew, hindi niya alam kung bakit ba ginagawa ‘to ni Alexis pagkatapos ng lahat ng ginawa ng asawa niya, mas iniisip padin nito ang kalagayan nila.. Nakita niya kung gaano nito kamahal ang anak niya... Hinding hindi niya mapapatawad ang asawa niya sa ginawang pagpatay nito sa anak nila..    

“Nasaan si Alexis?” – tanong ng Mommy ni Matthew.  

Huminga ng malalim si Tj.  

“I don’t know Tita.. Pagkatapos ng libing ni Matthew hindi ko na siya nakita o nakausap pa.. Hindi ko na din siya macontact.. Pati yung kapatid niya..” – sagot ni Tj..  

“I have to thank her..sa pagmamahal niya sa anak ko..” – bulong nito.    

Tumango nalang si Tj..  

--------      

Lahat ng bagay sa mundo hindi permanente. May mga tao na darating sa buhay natin, at meron ding mawawala.. Lahat ng tao nakikilala natin dahil may dahilan.. Maaaring mamahalin natin sila o magiging rason ng pagluha.. Pero kahit ano man ang dahilan lahat sila nag-iiwan ng marka sa buhay natin MALUNGKOT man yan o MASAYA...    
--------       


AN:   Yan talaga ang finale :)  SALAMAT PO SA NAGBASA!! Sana basahin din ang EPILOGUE!! Salamat! :)    


_Ash..

Continue Reading

You'll Also Like

Who Are You By Eya

Short Story

228K 4.1K 149
Find out who am I. [ e p i s t o l a r y ]
224K 3K 14
Bea Esguerra was known for a being the "campus beauty queen" during their college days. Sa kabila noon ay magkakaroon siya ng lihim na relasyon sa is...
12.4K 363 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
4.3M 76.7K 35
Warren experienced his most unforgettable frustration in the hands of his first love, Lena. The unbearable pain pushed him to change himself to becom...