CAPTIVATED BY MR.DEMON

By Pat_Nhel

2K 916 19

Erika Dela Torre. Known as nerd at matabang babae,at tahimik na nag-aaral sa Thompson University. At dahil sa... More

Captivated by Mr.Demon season1
Prologue
Characters
Chapter 1 πŸ“–
Chapter 2-3 πŸ“–
Chapter 4 πŸ“–
Chapter 5 πŸ“–
Chapter 6 πŸ“–
Chapter 7 πŸ“–
Chapter 8 πŸ“–
Chapter 9 πŸ“–
Chapter 10 πŸ“–
Chapter 11 πŸ“–
Chapter 12 πŸ“–
Chapter 13 πŸ“–
Chapter 14 πŸ“–
Chapter 15 πŸ“–
Chapter 16 πŸ“–
Chapter 17 πŸ“–
Chapter 18 πŸ“–
Chapter 20 πŸ“–
Chapter 21 πŸ“–
Chapter 22-23 πŸ“–
Chapter 24 πŸ“–
Chapter 25 πŸ“–
Chapter 26 πŸ“–
Chapter 27 πŸ“–
Chapter 28 πŸ“–
Chapter 29 πŸ“–
Chapter 30 πŸ“–
Chapter 31 πŸ“–
Chapter 32 πŸ“–
Chapter 33 πŸ“–
Chapter 34 πŸ“–
Chapter 35 πŸ“–
Chapter 36 πŸ“–
Chapter 37 πŸ“–
Chapter 38 πŸ“–
Chapter 39 πŸ“–
Chapter 40 πŸ“–
Chapter 41 πŸ“–
Chapter 42 πŸ“–
Chapter 43 πŸ“–
Chapter 44 πŸ“–
Chapter 45 πŸ“–
Chapter 46 πŸ“–
Chapter 47 πŸ“–
Chapter 48 πŸ“–
Chapter 49 πŸ“–
Chapter 50 πŸ“–
Chapter 51 πŸ“–
Chapter 52 πŸ“–
Chapter 53 πŸ“–
Chapter 54 πŸ“–
Chapter 55 πŸ“–
Chapter 56 πŸ“–
Chapter 57 πŸ“–
Chapter 58 πŸ“–
Chapter 59 πŸ“–
Chapter 60 πŸ“–
Chapter 61 πŸ“–
Chaptet 62 πŸ“–
Chapter 63 πŸ“–
Chapter 64 πŸ“–
Chapter 65 πŸ“–
Chapter 66 πŸ“–
Chapter 67 πŸ“–

Chapter 19 πŸ“–

19 8 0
By Pat_Nhel

Chapter Nineteen: Detention

"Kapag 'di mo yun sinuot bukas,malilintikan ka talaga sakin..."

"Ano naman kaya gagawin non kapag di ko yun susuotin?"
Banggit ko matapos maalala ang huling sinabi ni Darryl.

Bigla namang may sumiko sakin dahilan para matauhan ako.

"May sinabi ka bes?"
-si Nur.

Kasalukoyan kasi kaming nasa biyahe ngayon pauwi na.Katabi ko si Nur sa passenger's seat while si Vincent ang nagdra-drive habang katabi si Jake.

Gets?..

"W-wala naman akong sinabi ah..."

"W-wala ba?eh O-ok"
Sabi nito.At maya maya pa bigla ulit itong nagtanong...
"Wuy magkwento ka naman tungkol sa kanina"
Masiglang tanong nito habang nakangisi.

"Tungkol kanina?a-ano bang nangyari kanina?"

"Sus.Ano bang ginawa niyo ni Darryl?May sinabi ba siya sayo?"

"Wala.Ginamot ko lang sugat niya yun lang..."
Sagot ko naman.

'Hays ano na naman kaya iniisip ng babaeng 'to?'

"Tapos?"

"Tapos---"

"Ano bang ine-expect mo Nur?
Na naghalikan silang dalawa sa kwarto ni Darryl? Tapos---"

Agad ko siyang binatukan.Ang bastos naman talaga ng bibig nakakainis!!

"Hoy!Ang bastos bastos mo talaga...
Sumusubra kana ah isusumbong kita kay tita eh!"

"Sige subukan mo..."
Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Hoy kayo talaga---Mag pinsan ba talaga kayo?"
Sambat ni Vincent na nakatingin lang sa daan.

"Oo nga...Alam niyo lagi nalang kayong nag-aaway"
-si Nur.

"E siya eh!lagi nalang akong inaasar"

"Sino naman gusto mong asarin ko?alangan man si tita Agnes?"
Nagtawanan lang sila.

'Duhh whatever...Bakit pinangarap ko bang magkaroon ng pinsan na demonyo?'

Una kaming hinatid ni Vincent dahil mas malapit lang yung bahay namin kesa kay Nurkhaiza,subdivision pa kasi yung sa kaniya...

"Bye bes!!ingat..."

"Sige ba-bye!ingat karin...Vincent ingat kayo!"

"Sige Erika..."

Sinundan ko muna ng tingin ang kotse hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.Pumasok na ako pagkatapos at dumiritso na sa kuwarto...

"Sandali,saan ko nga ba yun nilagay?"

Pagkapasok ko palang ng kuwarto agad ko na itong hinanap.
Excited na akong malaman kung ano yung binigay niya sakin,kaso ito di ko naman mahanap...

''Nasan na ba kasi yun?...''
Inis na tanong ko sa sarili.

Pabagsak akong humiga sa kama at pilit inalala kung saan ko yun nalagay kahapon,hanggang sa nakatulog nalang ako...

Kinabukasan....

Mula sa pagkakahiga tumagilid ako upang abotin ang cellphone ko na nasa study table malapit lang sa aking kama.
Bigla namang may nagsalita..

"Bhe anong oras na?"

In-open ko naman phone ko at tinignan ang oras.

"5:45 palang"
Sabi ko at lumingon sakanya
"Bakit----"

O__O!!

Bigla akong natigilan at agad nanlaki mga mata ko matapos makita siyang katabi ko sa kama,agad akong napabangon at tsaka ko lang din napansin na nakahubad pala ako este kami!!
Tanging kumot lang ang nagsisilbing takip sa aming katawan...

! >.< !

"Waahhhhhh!!"

~~•~~

"Wahhhh!"

*Sigh*

'Ano yun?
B-bakit ganon ang panaginip ko?
Lord isang napakasamang panaginip!
Aish!gagong Darryl yun....'

Kinuha ko agad ang phone ko na nasa study table.

"6:10"
Banggit ko

Pagka punta ko sa sala nagkasalubong naman kami ni kuya Lance habang hawak hawak ang alaga nitong parrot.
Bigla ko nalang ding naalala yung panahong naghiwalay kami ni Robert.

"Pangit ba ako?"

"Oo!.oo"
Sagot naman ni Petter,yung alagang parrot ni kuya lance.hehe

"Kapalit palit ba ako?"
Tanong ko ulit dito

"Oo!...oo"

"Then why?!"

"Wahahahah!!"
Biglang tawa ni Petter.
Grabi makatawa parang totoong tao!

Napangisi nalang din ako sa naalala...

Nakita naman ako ni Jake at sinamaan lang ako ng tingin nito,parang nandidire pa...
Hay nako ka aga-aga bad mood na naman 'tong lalaking to.Hays lagi nalang duhh whatever,tatanda talaga siya ng maaga.Pagtatawanan ko talaga yun...

Pagkatapos kung maligo,susuotin ko na sana uniporme ko ng biglang maala ang sinabi ni Darryl.

"kapag 'di mo yun sinuot bukas,malilintikan ka talaga sa'kin..."

"Ano ba kasi yun?!tsaka asan na ba yun?'bat ayaw mong magpakita sakin?"
Sinubukan kong hanapin sa ilalim ng kama kaso wala rin.
"Yohoo~ asan kana?Magpakita kana..."

"Erika"
Isang pamilyar na buses ang biglang tumawag saakin.

"Po?"

"Bumili kaba ng bagong damit?"
Tanong sakin ni mamay
"Sabi ng mga boarders natin di ito sa kanila.  Eh siguro sayo 'to"

"Ho?patingin nga po may----.
O My God!"

Ganon na lamang ang gulat ko ng makitang ang damit na hawak hawak ni mamay ay ang damit na nakita ko sa boutigue,yung gustong gusto ko na damit!

"O-oh napano ka?"

"M-may!san niyo po to nakuha?"

"Nakuha?nakita ko lang yan dun sa kusina,sa ilalim ng mesa.
Nakabalot pa nga yan ng paper bag eh"

"He's Mine.Yiee!..."
Basa ko sa nakasulat,tapos agad kong niyakap.heheh OMG...Is this for real?!

~~~***~~~

Andito na ako sa tapat ng gate ng school namin,syempre nagmamasid.
Alam kong hindi ako papapasokin ni guard sa suot ko ngayon.
Iwan ko ba,martes palang pala ngayon tapos naka civilian na ako,tanga ko talaga!Di ko pa nadala uniporme ko,di naman pweding umuwi ako noh gagastos pa ako ang mahal pa ng pamasahe.
Sabi kasi ng Darryl na yun na suotin ko raw to,tapos excited pa ako kaya nakalimotan ko na bawal pala kapag di mag-u-uniform...kainis!

Pero swerte ko parin talaga kasi biglang umalis si manong guard.
Sa puntong ito nakapasok na ako ng gate,kaso di ko parin talaga maiwan ang mga pamatay nilang tingin saakin kahit na wala akong ginagawa,hays alam niyo na mga envy,original kasi tong suot ko ngayon inggit lang sila.Hahahah!

"OMG...guys,guys look at that ugly girl!"

"What?---.No way...Pa'no nangyaring may damit siyang ganyan?"

"I don't know...pero ang kapal niya!"

'OA naman.Kung gusto nila bumili sila ng kanila noh.
Ang O-OA ng reaksiyon ah,ano bang meron sa damit ko?'bat ganon nalang ang naging reaksiyon nila?'

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Darryl's POV.

"Wow bro...hahah pulang pula ah"

"Anong meron?"

"Wala,trip ko lang magsuot ng ganito.
Bakit ba?"

"Wala naman...hhmm 'She's Mine'?
Couple shirt ba yang suot mo?"

"Oo nga,kayo na ba ni Colleen JD?"

"Anong kami na ang pinagsasabi mo?
Di nga ako nanliligaw dun"

'Ba't naman napasok sa usapan si Colleen?tsk'

"Di ka nga nanliligaw,siya yung nanliligaw sayo.Hahahaha!"

"Hahahaha!"
Tawanan nila

"Lol!punta lang akong banyo"
Sabi ko at umalis na.
Habang naglalakad di ko parin maiwasang makarinig ng mga bulong-bulongan,kaso iba yung naririnig ko.

"This can't be girls! why is he wearing that clothes?"

"What is the meaning of this?sila ba ng ugly duckling na yun?!"

"No way,papa Darryl akin kalang....huhuh"

Well,parang alam ko na ang mga pinagsasabi nila.
"Hahah asan na ba yung babaeng yun?"

Nilingon lingon ko pa ang ulo ko kaso di ko naman ito makita.Tumingin ako sa relo ko 5 minutes nalang magsisimula na yung klase.
Nagbanyo muna ako bago pumasok...

"Mr. Velasquez!"
Biglang bulyaw ng professor sakin.

Grabi nagulat ako dun ah...

"Anong nangyari't ngayon kalang?
You're 15 minutes late in my class!
Isa pa hindi mo suot ang uniporme mo,hindi mo ba alam na martes palang ngayon?"

"I know miss"

"Then what the hell is this?!
Late kana nga hindi kapa nag-uniform.Look I'm done,I'm done of you Mr. Velasquez,from now on hindi na kita eco-consider,hers's your detention slip"

Ganon na lamang ang pagkagulat ko ng binigyan niya nga ako ng detention slip.
She's a jerk!big deal ba para sakanya yun?!pakialam ba niya sa suot ko?tsaka ilang beses na ba ako na late sa klase niya?ika siyamnapu't siyam palang ngayon,di pa naman umabot ng isang daan.

Palibhasa'y matandang dalaga kaya't laging mainit ang ulo!!

Erika's POV.

"Ang taray ng suot mo ngayon bes ah...Lakas maka-couple"

"Ano kaba wala to noh.Bigay lang sakin"

"Talaga sino?"

"Uhmm---"

"Hoy babae!Ang kapal din naman ng mukha mo noh?"
Biglang putol sa'kin ni Colleen.
"Kala mo ba bagay sayo yang suot mo?lalo kalang nagmumukhang basura!!"

Tatayo sana si Nur ng pigilan ko.

'Here we go again...Kulang talaga sa pansin ang babaeng 'to eh'

"Colleen ano na naman ba to?"

"Wala kaba talagang ibang magawa kaya si Erika nalang lagi ang libangan mo ha?"
Mahinahong sagot ni Nur.

"I didn't informed na kasali ka pala sa usapan namin?"
Nakataas pa ang isang kilay nito.

"Kasali talaga ako dahil best friend ko yang inaaway mo.
Dahil best friend ko siya lahat ng kaibigan niya kaibigan ko rin,lahat ng kaaway niya kaaway ko rin!"
Sabi ni Nur sa pagmumukha nito while emphasizing the word 'Kaaway'

Kumunot ang noo nito.
"Then wala akong pakialam!si Erika ang pinunta ko dito hindi ikaw"

"Ano bang problema mo sakin?tell me ng matapos na 'to!"

"Inagaw mo lang naman ang boy friend ko!"

1...

2...

3...

Tatlong sigundo muna ang lumipas bago ko maintindihan ang sinabi niya.

"Bwahahahahah!!"
Tawanan namin ni Nur.Talaga namang nakakatawa ang sinabi niya noh,inagaw ko raw BF niya eh di ko nga alam sino eh...

"Hahahahahha!!"

"Shut up!ano't tumatawa kayo?nakakatawa ba yung sinabi ko?!"
Di parin kami makahinto sa pagtawa.
"I said inagaw mo ang Boy Friend ko!!"

"Ok kalang girl?itong mukhang 'to sa tingin mo mang-aagaw?"
Bigla siyang natahimik
"Wala akong inaagaw sayo...Ni hindi ko alam sinong boy friend mo"

"Your lying!bakit lagi kayong magkasama ni Darryl?at ngayon nakacouple shirt pa kayo!"
Sabi naman ng alipores niya sa likod.

"She's right!bakit kayo naka couple shirt ni Darryl?!"

'Si Darryl?si Darryl ang boy friend niya?
Ang pangit ng taste ahh gwapo pa naman...'

"Hindi ko alam ang sinasabi mo---"

Sasampalin sana ako nito ng agad kong napigilan.

"Opps!not so fast..."
Pigil ko rito.
"Ganyan nalang ba tumatakbo ang student life mo?ang mamintas ng
Kapwa mo estudyante?"
Tinaasan ko rin ito ng kilay.
Syempre magpapatalo ba naman ako? mas mataas kaya tong kilay ko...
"Oo hindi ako maganda pero may utak naman ako,at ni minsan di ko naisipang mang-agaw!Ikaw bukod sa boobs ano pa ba ang maipagmamalaki mo?"

Nagsiingayan naman ang iba't ibang reaksiyon ng mga kaklase namin.
May nag 'wooh' meron ding nagbubulongan...

Marahas niyang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak.
"Like duhh?...I dont care and you don't have to care...
I hate you seeing arround together with my boyfie,kaya keep distance on him or else---"

"Or else what?"
-si Nur.

"Ikaw ba kausap ko?"
Umirap pa ito at tumalikod samin.
"Or else you will regret the day na nabuhay kapa dito sa mundo..."

At umalis na ito kasama ang mga alipores niya.

"Grabi you will regret daw?haha baka siya!"

"Tama na Nur umalis na yung tao eh..."

"Ano bang ginawa mo bakit ganon nalang ang galit sayo ng babaeng yun?"

"Ewan. KSP lang talaga ang babaeng yun..."

"Tsk inggitera ng taon!buwisit!!"

Pagkalipas ng isang oras pumasok na ang second subject teacher namin.

"Benzon..."

"Present po!"

"Domingo..."

"Present!"

"Dixon...
Tiffany Dixon!"

"I'm here!sorry miss..."

"Dela Torre..."

"Present po!..."

"Ms. Dela Torre..."
Tukoy ng lec. sa'kin.

"Yes po?"

"Anong nakain mo't pumasok kapa sa klase ko?"
Grabi galit ba siya?at ako ang pinapagalitan? >,< katakot terror pa naman tong matandang to...

"P-po?per---"

"Get out!"

"B-but---"

"Get out!"
Sigaw ulit niya
"Go to the detention room now!!"

B-bakit ba?a-anong kasalanan ko?...

"Pero b-bakit po?"
Mahinahon kong tanong

"Ahh di mo alam?
Di mo ba alam ang mga rules and regulation ng paaralang pinapasokan mo ha Erika?!ang dapat at hindi dapat gawin ng isang istudyante?"

Gosh nanginginig na ako dito.
Ang dami pang chukchak eh sabihin mo nalang!duhh pinapahiya pa ako eh!!

"Isa pa,I already said sa first day ninyo ng mga likes and dislikes ko.
I hate those students who's stupid,dumbass and studies who's not wearing their school uniform!!"

'OMG...ito na nga yung kataposan ko!
Huhu bakit ba kasi bakit?!'

"Now tell me,saan ka dun sa mga binanggit ko?"
Mataray na tanong pa niya sakin.

Naririnig ko pa ang tawanan ng iba kong kaklase...
So embarrassing!

"Hahah buti nga sa babaeng yan..."

"Nakakaawa naman si Erika"

"Hahahha"

"Tsss pahiya ka gurl?hahaha.."

"Sshhh!class quiet or I will drop you all,all of you!"

"Nahh!"

"Ma'am naman..."

"No way..."

"I said quiet!!
Now Erika Dela Torre,sabihin mo saan ka dun sa mga binanggit ko?!"
Sigaw na naman ulit nito sakin...

Grabi hindi ako bingi!

"S-students who's not able to w-wear their school uniform miss"

"Mali!"

Mali?ano ba talaga?eh akala ko ba nagagalit siya sakin dahil sa wala akong suot na uniform ngayon?Ang lito naman ng matandang 'to...

"W-what do you mean?"

"You are stupid because you are dumbass!
Alam mo naman diba at first tanging araw lang ng wednesday ang pwedeng magsuot ng civilian dress?" she emphasized the word stupid and dumbass.
"Kahit ano,kahit mag gown kapa at mag swimsuit kapa diyan pwede basta wednesday!"

Hindi nalang ako umimik pa,niyuko ko nalang ang ulo ko sa kahihiyan.

"Then what is this Ms. Dela Torre?"

"I'm very sorry miss,nakalimotan ko lang po talaga"

"Excuse me miss Fuentes,but I think it would-be OK if you will give Erika a second chance since ngayong araw lang naman siya nakagawa ng mali sa klase niyo"
Ani Nurkhaiza.Tumingin ito sakin at ngumiti.

"No...my decision if final.
Take your detention slip and go to the detention room now!"

Para akong zombie habang naglalakad dito sa hallway papuntang detention room.
Bakit ba kasi ganon ang mga guro?
Andami pang sinasabi eh napapahiya na tuloy ako.Pwede namang diretsohin nalang ako diba di yung pinapahiya pa ako sa harap ng maraming tao nakakahiya kaya subra!

Andaming nangyari dahil lang sa damit na'to...
Kanina excited lang ako pero ngayon nanghihinayang na kung bakit sinuot ko pa 'to.Tama nga si ma'am stupid at dumbass nga talaga ako...

"I'm so stupid!stupid stup---"
Natigilan ako dahil andito na pala ako sa tapat ng pintuan ng detention room.Marahas akong napabuntong hininga tapos dahan dahang binuksan ang pinto.

o.O?

Ganon na lamang ang reaksiyon ko ng makita ko siya,naglalaro ito ng ML yata?kasi meron akong naririnig na first blood!,maniac! etc. hehehe.

Mas nagulat pa ako ng makita ang suot-suot nitong damit.Kulay pula din at may print ng mukha ni Mickey na may nakalagay na 'She's Mine'

'So t-totoo nga?naka c-couple s-shirt nga kami?..O-M-G!
Subrang kalerke'

"You have been slain..."

"Arrghh!buwisit---.Oh kanina ka pa ba diyan?"

Nakatingin lang ako sakanya...

"Totoo nga ang chismis"
Mahinang sabi ko.

"Na ano?"

"Sira ulo kaba?"
Mahinahon kong tanong.
Nag-iba naman bigla aura nito.

"A-ano?bakit?"
Confuse niyang tanong

"Anong nakain mo't nagsuot ka ng ganyan ha?sinadya mo ba 'to o trip mo lang talaga?Ano to Darryl bakit?!"

"Anong ano 'to?andami mong tanong isa-isa lang!"
Tumayo siya at lumapit sakin.
"Ano bang problema?"

"Alam mo bang inaway ako ni Colleen dahil sayo?!sabi niya mang-aagaw ako ng boy friend,inagaw raw kita kasi nakacouple shirt tayo,akala niya akala ng marami na mag on tayong dalawa!
At isa pa nasa klase na sana ako ngayon nakikinig ng mga lectures kaso nadetention ako dahil din sayo!"
Ganon nalang karami ang nasabi ko dahil narin sa inis.

"Pft!waahahhahahaha!!grabi hahaahah sinabi niya yun?hahahaha!!"

o_0 ??

"Hahahaha sira ulo!!"
Sarkastikong tawa ko
"Anong nakakatawa don?ha?"

"Hahahhahha!"
Tawa niya ulit ng malakas

'Alam mo kunti nalang talaga iisipin ko ng nagdra-drugs ka!!'

"Tumigil ka nga sa kakatawa!
Ano bang nakakatawa?"

Hindi parin ito tumitigil nabubuang na talaga...Tawa ng tawa wala namang nakakatawa,lakas talaga ng saltik eh noh.
Kinuha ko ang phone ko at may dinial.

"Hello?Hello mental hospital?
Meron lang po akong irereport,may nasisiraan na po kasi ng ulo dito sa school namin"
Tumingin ako sakanya dahil tumigil na ito sa kakatawa,pagtingin ko ang sama naman ng tingin sakin di ko tuloy maiwasang matawa sa pagmumukha niya.Hahahh!

"Pft!"
Ngumisi ako ng malaki.

"Hahahahhahahah..."
Nagtawanan nalang kaming dalawa dito parang mga sira ulo lang.hahahah!

After half our...

Nagkuwentohan lang kami ng nagkuwentohan....
Ang nakakatawa pa non parihas kami nakadetention dahil sa hindi kami nag uniform,hahah!

Maya maya pa napapansin ko ang panay na pagtingin niya saakin.
Naiilang ako kaya't nagsalita na ako.

"Bakit?"

"Bagay naman pala sayo...Nagmukha ka lalong babae"

'So mukha akong lalaki noon ganon?!'

Hindi ko nalang din siya pinansin.

"Bakit nga pala ngayon kalang nadetention?nakaligtas ka sa first class niyo?"
Tanong niya na diretsong nakatingin sakin.Umiwas naman ako dito...

"Hindi kasi sumulpot first lecturer namin eh kaya nakaligtas ako"

Ngumiti siya sakin kaya ngumiti din ako sakanya.Kaso di parin ako kumportable na magkasama kami sa iisang kwarto ngayon,tapos kami lang dalawa...Ang awkward naman talaga!

"Sandali---"
Pabitin nito tapos tumayo at tumungo sa pintuan.

"Oh san ka pupunta?"

"Alam mo kanina pa ako bored na bored dito eh.Tara alis na tayo dito"

"Hoy sandali anong pinagsasabi mo diyan?baka lalo lang tayong mapagalitan kong tatakas tayo noh"

Bad boy talaga eh.Wala ng matinong maisip,tapos dinadamay pa ako sa kalukohan niya...tsk!

"Mapapagalitan lang tayo kung mahuhuli tayo"

Oo nga naman...

"Eh pano nga kung mahuli tayo?"
Kinakabahan kasi ako eh.
Di pa ako tumatakas sa buong buhay ko,siguro ito na yung una.

Binuksa na namin yung pintuan,chineck muna ni Darryl kung may tao tsaka kami lumabas.
Ang lakas ng tibok ng puso ko para akong aatakihin nito!

'Bakit ba kasi ako sumama pa?!'

Nagulat naman ako sa biglaang paghawak nito sa kamay ko,as in parang naka holding hands kami!

"Bilisan mo naman diyan,parang nabibigatan ka naman yata sa katawan mo"
Wow,di siya na mabilis tumakbo!duhh...

"Sandali!"
Sabi ko kaya napahinto kami.
Tumingin ako sa magkahawak namin na kamay kaya dahan dahan din niya itong binitawan.

"S-sigurado kaba dito?baka---"

"Wala ka naman yatang tiwala sakin eh"

'Wala nga ano pa ba?kelan ba ako nagtiwala sayo noh?'

"Di sa ganon pero ikaw nalang kaya,kinakabahan kasi ako baka di lang detention ang aabotin natin nito pagnagkataon"
Sabi ko sakanya.Pansin ko naman na nainis siya sa sinabi ko.

"Alam mo kanina kapa eh!iwan ko ba kong bakit sinama sama pa kitang tumakas nasasayang lang ang oras ko"
Inis pang sabi niya.

'Ganon naman pala bakit kinukulit pa ako kanina?kasalanan mo din noh!'
Sabi ko sa isipan ko.Hehe mahirap na baka lalo lang mainis sakin.

"Eh sorry,pero di na ako sasama sayo---Ikaw nalang."

"Bahala ka sa buhay mo, basta wag mo 'kong isusumbong!"

"Kung hindi?"

"Kung hindi hahalikan kita"
Sabi nito at kumindat pa.

'Ewww....'

"Bad boy na nga bastos pa!hays so pathetic!"
Sabi ko ng makalayo na ito.

Ok narin yun noh kasi di ako kumportable kapag kasama ko yun...
Pero di ko naman maipapangakong di ko siya isusumbong heheh.Pero kung meron lang magtanong,kung wala naman edi ligtas ang lalaking yun...

Bumalik nalang ako sa detention room.
At habang naglalakad biglang nahagip ng mata ko si Keisha,yung kapatid ni Darryl,tapos may kausap ito na lalaki.

Syempre curiosity kills kaya nakinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Ano ba Keisha ang kulit mo!"
Sigaw na parang pabulong ng lalaking kausap nito.
"Hindi nga ako ang ama niyang dinadala mo!"

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig.

'Ano daw?!'

"Sa tingin mo ba ginusto ko to ha Liam?hindi!"
Sabi naman ni Keisha sakanya.

'Oh my---!Si sir Liam Medina?
Ang Biology teacher?Realy?!
Buti nalang talaga at hindi kami under nito....'

"Isa pa kung may gugustohin man akong ama ng magiging anak ko hindi ikaw yun!Dahil hindi kita gusto---.Arrray m-masakit ano ba?!"
Ungol nito matapos hawakan ni sir Medina ang bibig niya.Pansin ko naman na parang masakit yun kasi nanggigigil talaga sa inis si sir.

"Di mo pala ako gusto eh bat pumayag ka makipag s*x sakin?Maraming beses natin yun ginawa tapos ngayon sisihin mo ako?!
Ginusto mo rin to Keisha kaya wag mo akong sisihin!"

'OMG!...Keisha?subrang bata pa naman kaso basag na basag na pala!
What a big revel! Kaloka pumatol sa professor....'

"Then what do I suppose to do?!"
Nangingiyak pang tanong nito sa lalaki.

Maya maya pa may narinig akong buses,paglingon ko dalawang guro ang patungo ngayon sa kinatatayuan ko kaya mas minabuti ko nalang na umalis na baka kasi makita pa ako ng mga teacher.

"Panira naman kasi ang mga guro nayun!di tuloy ako nakapakinig ng mabuti sa usapan nila...
Pero kawawa naman sila,ang bata bata pa nila meron na silang problemang gaya non...
Ano kaya sasabihin ng mga magulang nila pag nalaman nila to?
/
Hay nako di ko naman to problema pero bakit ako pa ang masyadong naaapektohan ano ba yan?!"

××××ו••••×××××
Itutuloy...

Thank you for reading! :-)

Please don't forget to leave a VOTE and COMMENT....

Sorry sa lahat ng typos,mga wrong grammars and misspelled words na nabasa niyo.But still thank you!!

and GOD BLESS US ALL!

@Patnhel

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] PeΓ±ablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
89.5K 5.8K 16
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...