Taming the Wild Waves Rivera...

By felicitousapple

233K 5.3K 837

Zyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niy... More

Taming the Wild Waves
Prologue
WAVE ONE
WAVE THREE
WAVE FOUR
WAVE FIVE
WAVE SIX
WAVE SEVEN
WAVE EIGHTH
WAVE NINE
WAVE TEN
WAVE ELEVEN
WAVE TWELVE
WAVE THIRTEEN
WAVE FOURTEEN
WAVE FIFTEEN
WAVE SIXTEEN
WAVE SEVENTEEN
WAVE EIGHTEEN
WAVE NINETEEN
WAVE TWENTY
WAVE TWENTY-ONE
WAVE TWENTY-TWO
WAVE TWENTY-THREE
WAVE TWENTY-FOUR
WAVE TWENTY-FIVE
WAVE TWENTY-SIX
WAVE TWENTY-SEVEN
WAVE TWENTY-EIGHT
WAVE TWENTY-NINE
WAVE THIRTY
WAVE THIRTY-ONE
WAVE THIRTY-TWO
WAVE THIRTY-THREE
WAVE THIRTY-FOUR
WAVE THIRTY-FIVE
WAVE THIRTY-SIX
WAVE THIRTY-SEVEN
WAVE THIRTY-EIGHT
WAVE THIRTY-NINE
WAVE FORTY
Epilogue

WAVE TWO

6.9K 137 31
By felicitousapple

TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWO





Malapit ng magdilim nang makauwi ako sa amin. Pagod rin ako, nangangalay kasi ako sa kakatayo kapag nagtuturo.







But I can't blame my work. It's part of being a teacher, I need to be energetic para naman ganahan rin ang aking mga istudyante.





Pagpasok ko sa bahay ay wala pa si papa si mama naman ay natutulog na sa kuwarto niya. Oo pagod ako pero parang sinisipag yata akong pumunta sa dalampasigan at magtampisaw muna kahit saglit.





Mabilis akong nagbihis at dire-diretsong pumunta sa dagat. Nakasuot ako ng puting sando at itim na short.





Mag ga-gabi naman na kaya ayos lang na magsuot ako ng ganito. Wala nang makakapansin sa akin.






Iniwan ko ang tsinelas ko sa may tabi at dahan-dahang lumusong sa dagat. Napayakap agad ako sa aking sarili, shit! Ang lamig pala.






Nagpatuloy ako sa paglusong hanggang sa nasa dibdib ko na ang tubig. Lumangoy langoy ako at nang mapagod nag floating nalang sa ibabaw ng dagat at tiningnan ang ang liwanag ng buwan.






I was busy staring at it when someone pull my feet. Napahiyaw ako at mabilis na napabangon mula sa pagkakalutang.





Hinawakan ng lapastangan ang bewang ko upang maalalayan ako. Tiningnan ko iyon ng masama ay handa na sanang sigawan pero natigil ako dahil ang taga Manila ito.







Mabilis pa sa kidlat ang naging pag layo ko mula sa kanya at ewan ko ba pero natawa siya.







He standing infront of me shirtless kaya kitang kita ko ang matipuno nitong katawan. I look away.







“What are you doing here?” tanong nito. Tinaasan ko ito ng kilay. “Bakit? May nakalagay na bang karatula ngayon na bawal na akong magtampisaw rito?” mataray kong tanong.








He chuckled. Kanina pa ang lalaking ito. Ano ba ang nakakatawa? “Well wala. Pero I can make rules here if I want.” kumunot ang noo ko.







Anong rules rules?? Siya? Gagawa? E hindi naman siya ang may ari nitong—napatakip ako sa aking bibig at tiningnan siya suot ang nanlalaking mata.







“I-ikaw...huwag mo sabihing—” bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tumango tango na ito. “Yes. This island is mine.” humalukipkip siya at nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.







Sorry naman. Ang akala ko kasi ay bisita lang siya rito ng may ari ng mansion. Hindi ko naman kasi alam na mga Rivera pala ang may ari non.










“Oh...sige. Aahon na ako.” akmang lalagpasan ko siya peri hinawakan niya ako sa braso.






“Ano?” tanong ko rito. “I didn't tell you to get out of here, go. Maligo ka lang.” sabi niya at tumango pa sa gawi ng dagat.







“H-hindi na. Gabi na rin naman kaya aahon na ako.” sabi ko at dahan-dahang tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.










Maglalakad na sana ulit ako pero hinawakan nanaman niya ako. “Are you avoiding me?” tanong niya.







“No.” mabilis kong sagot at nag iwas ng tingin. “Then stay here.” hindi ko na naiwasang mapatingin sa kanya.









“Kailangan ko na kasing umuwi baka hinahanap na ako. E ikaw ba? Wala bang maghahanap sayo?” tanong ko.









“Bakit ang sungit mo?” I rolled my eyes at his question. “Umiiwas lang ako na ma issue.” sabi ko.







“Plus you have a girlfriend. So bye.” hinawakan nanaman niya ako sa braso para hindi ako maka alis.








Taena nilalamig na kaya ako! Letche naman.










“I don't have a girlfriend.” I laughed sarcastically. “Uh huh? Alam mo ba na masasaktan ang girlfriend mo sa ginagawa mong pagtanggi sa kanya?” tanong ko rito.








“If you're thinking about the girl yesterday well...she's not my girlfriend.” tiningnan ko lang siya. Kung ganoon mag ano sila? Fling fling lang?








“Sa bagay. Mga lalaki nga naman pero bahala ka na diyan! Aalis na ako.” ani nko at tuluyan nang umalis sa tubig.






“Wala man lang talagang thank you about doon sa phone??” sigaw pa niya pero hindi ko nalang pinansin.









I know that it's rude pero naiinis lang talaga ako. Naguguluhan ako sa mga kilos niya. Why is he even like that?








Mga mayayaman talaga, lahat ginagawang biro at laro puwes hindi ako makikipaglaro. Pagkabalik ko sa bahay ay naabutan kong tulog na ulit si papa sa sala.








Mabilis ang naging punta ko sa kuwarto dahil sa lamig na dulot ng paligid. Pagkabihis ko ay nahagip ng dalawa kong mata ang cellphone na bigay ng lalaking iyon.









Dinampot ko iyon at binuksan. Kinuha ko ang kulay puting cellphone na iyon at pinagmasdan ang likod at harap.








May design na mansanas na may kagat sa likod na silver. Alam ko kung paanong buhayin ang mga cellphone, hindi naman ako ganon ka inosente para hindi iyon malaman.









Pagbukas ko ng cellphone ay may tumambad agad sa aking mensahe. He really saved his number in this phone.







Alam kong sa kanya dahil may nakapangalan agad. “Dark...” sambit ko sa pangalan niya at pinindot ang mensahe niya.








Dark:

U left your slippers here.












Napaawang ang labi ko dahil doon! Shit oo nga! Ganon na ba talaga ako kadesperada na maka alis doon kaya nakalimutan ko ng mag tsinelas!?







Letche!







Anong I re-reply ko? May load ba ito? Pero wala namang mawawala kung hindi ko susubukan.














Ako:

Hayaan mo na diyan. Wala namang kukuha niyan diyan.

















Matapos kong i-type iyon ay agad na nagsend. Aba! May load nga! He really think na mag te-text ako sa kanya!










‘Well you just did.’ anang bahagi ng utak ko. I rolled my eyes. Yes I texted him but that's a reply!













Dark:

Uh-oh too late. I already bring it home.














Napapikit ako sa reply niyang iyon. Seriously!? Ang itsura pa naman non! Bakit kasi hindi nalang niya pinabayaan roon?










‘E bakit parang kinakahiya mo?’ anang bahagi ng utak ko. Well...umm hindi naman ganon kaya lang, hey! Mansion iyon tapos da-dalhin niya roon?















Ako:

Itapon mo nalang iyan, huwag mo nang itambak diyan.















Reply kong muli. Naghanda na akong mahiga sa kama nang tumunog muli ito. Siya nga pala si mama tiningnan ko kanina nauna na raw siyang kumain.
















Dark:

Why? Hindi mo ba makukuha ito rito?
















I rolled my eyes. Ako? Pupunta ro'n? E hanggang tingin nga lang ang nagagawa ko roon tapos papapuntahin niya ako doon para lang sa tsinelas?














No way.











Ako:

Ayaw kong pumunta diyan. Bye matutulog na ako.

















Pero sa totoo lang naghihintay pa ako sa reply niya at hindi naman ako nagkamali.















Dark:

Why? It's not bad if you'll take a visit here. I'm not going to eat you.
















[ Author: weh? Kaninong anak ka nga? ]












Nakakailang ikot na ba ako sa aking mata? Pero napalingon ulit ako sa cellphone nang tumunog ulit ito.














Dark:

You know...you can formally say thank you to me too if you will go here.
















Bakit ba gustong gusto ako nitong papuntahin!? Ano ba talaga ang gusto ng isang ito!? Is he flirting with me!? But why me??














Ako:

Hey mister. Can you tell me kung para saan talaga lahat ng mga ginagawa mo?












Hindi ko na napigilan ang sarili kong I type iyon. Pero lumipas ang halos limang minuto ay wala na akong na receive na text mula rito.










I was about to sleep kung hindi lamang ito tumunog.









Dark:

Fuck! The one you're chatting with is not me. It's my fucking bestfriend!














Kumunot ang noo ko sa text na iyon. Pero dahil narin siguro sa kaantukan ay hindi ko na nagawang mag reply pa.






Bahala na siya diyan.






•••

Nagpa alam na ako kay mama na aalis na. At pagka labas ko sa bahay ay halos mapatalon ako sa gulat.












Si...s-si sir Raven! Nandito sa harap mismo ng bahay namin dala ang kotse niya at kausap ang aking ama!










Naku! Kung ang pagpunta niya rito ay ayos lang pero ang makausap siya ni papa! Dios por santo! Huwag na!









Halos patakbo kong pinuntahan ang dalawa. “Ah e papa. Mauna na kami anong oras na e.” palusot ko kahit wala naman talaga akong alam sa oras dahil wala akong relo.











“Aba e kinakausap ko pa ireng kaibigan mo e.  Nanliligaw raw sa'yo? Aba e...mukhang mayaman ah.” sabi nito at parang pinagnanasaan na ang sasakyan ni Raven.










See? Sumakit yata ang ulo ko.









“Papa may trabaho po kasi kami. Sige na.” sabi ko at tiningnan si Raven na ngayon ay sobra ang ngiti.










Hindi ba siya naiilang sa sitwasyon? Psh. Galing rin ng isang ito. Napapahanga ako.












“Sige po, mauna na po kami ni Zyreen.” magalang na sabi nito at pinagbuksan pa ako ng pinto.











I only smiled at him. Ayoko nang tingnan si papa dahil baka may sabihin pa siyang mas nakakahiya.













“Morning, kumusta ang tulog mo?” tanong ni Raven pagkatapos namin sumakay. “Morning, ayos lang naman.” napakagat ako sa labi dahil gusto ko siyang tanungin bakit siya nandito pero baka iba ang maisip niya.













“Are you okay?” tanong nito. “Y-yeah. Naninibago lang hehe.” sabi ko at tumango naman siya.











“Sorry kung nabigla kita. I told you liligawan kita and this is part of it.” proud na aniya. “Sayang nga lang at wala kang cellphone, sana ay nasabi ko sa iyo na pupunta ako ngayon.” at isa pa iyon!












Paano ko sasabihin sa kaniya na meron na ako at galing pa ito do'n sa taga Manila? Arrgh! Baka iba naman kasi ang isipin niya!









“U-uh...ayos lang.” nanahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa paaralan. Saka ko nalang siguro sasabihin. Hindi naman siya nagtanong hindi ba?










Bumaba agad ako nang makahinto agad kami. Inalalayan niya ako at sinabing siya na ang mag bi-bitbit ng bag ko pero tinanggihan ko.










Hanggang sa may mahagip ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga binti ko dahil sa titig niya.











Matatalim iyon, hindi mo mawari kung galit ba o ano. E bakit naman siya magagalit aber?









Saka bakit nandito sila lagi? O siya lang? Dahil wala naman 'yong kaibigan o kaya yung girlfriend niya.









I shrugged it off at sumabay na kay Raven papasok. Hindi naman na siya nagtagal kaya naglinis linis muna ako sa kuwarto.











Hanggang sa narinig ko ang pamilyar na tunong ng aking cellphone. Kunot noo ko iyong nilapitan at kinuha sa bag.










I look at it at agad akong napasinghap matapos iyong basahin.









It's from...Dark.







Dark:

Is that the reason why u don't want to accept my gift? Stay strong then.











I bit my lower lip. Hindi ko alam pero parang naririnig ko ang boses niya habang binabasa iyon, na may pagkasarkastiko.













Damn this man, ano bang gusto nito?









Continue Reading

You'll Also Like

53.3K 886 68
Famous lines from your favorite stories...
172K 2.7K 93
"𝑰 𝒕𝒉𝒊𝒏𝒌 𝒐𝒏𝒆 𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒌𝒆𝒆𝒑𝒔 𝒎𝒆 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒂𝒎𝒐𝒖𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 𝑰'𝒗𝒆 𝒊𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒆𝒅 𝒊𝒏 𝒍𝒊𝒇�...
1.4M 109K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...