LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES T...

Por DANATHOUGHTS

6.9K 517 77

Life is the best gift that God has given to us,we do things that will make us happy and also things that will... Mรกs

INTRODUCTION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
FINALE ๐Ÿ’Ž

CHAPTER 16

172 17 3
Por DANATHOUGHTS

Demi's POV

Tama ba?

Ayokong mag alala si Aïs pag nalaman niyang dito kami mag uusap ni Parsa

Sa condo niya.

Pero tulad ng sabi ni Parsa mas okay na hindi ko sabihin sa taong mahal ko dahil tanggap niya na hindi siya ang aking mahal

Pano ko ba sasabihin sa kaniya na ang taong sobra kong mahal at hinihintay ay ang kapatid niya

"Demi"
Pagtawag pa niya ng makita ako sa lobby

"Parsa,can we talk here or sa cafe"
Pag aya ko

Nakunot naman ang noo niya at natatawa

"Why? May ibibigay din kasi ako sayo so don't worry hindi kita kakainin"
Maloko pa niyang sabi at nagpatiuna ng pumasok ng elevator

Hindi ako sa natatakot but I want to make sure na everything will be okay and dito ako comfortable.

Baka kasi may makakita sa amin at kung ano isipin.

But no choice kundi sundan siya

"Mag uusap lang tayo okay ayoko naman na maghiwalay tayo ng hindi maayos"
Ani pa niya ng bumukas ang elevator sa floor ng room niya

Nang makapasok kami ay naupo ako sa isang chair habang siya ay nagtuloy sa closet niya

Merong ibang pakiramdam sa akin na hindi ko maintindihan

"Dem want some drinks"
Pag alok pa niya

"Sure,anything"
Sagot ko pa

Sumulyap muna ako sa cellphone ko to check if may message si Aïs pero wala pa rin

Galit ba siya sa akin?

Sana naman hindi

"here's your orange juice"
sabay abot ng baso

"thank you,can we talk now kasi marami pa akong appointment"
Ani ko at siyang naupo sa harap kong upuan

"sure,so what now"

"Look Parsa I didn't mean to hurt you but it just happened na nakita ko siyang muli and mas pinili ng puso ko ang mahalin siya ng higit. Pero Parsa maniwala ka o hindi minahal kita pero hindi tulad ng pagmamahal na binigay mo sa akin"
Seryoso kong saad

Kita ko naman ang pagkamasa ng mata niya

Masakit makitang nasasaktan siya pero ito ang alam kong tamang gawin

Ayokong mas masaktan siya kung papatagalin kong sabihin ang totoo

She has the right to know the truth!

"Sorry Parsa *sabay abot ko ng kaniyang kamay* mahal kita pero hanggang kaibigan nalang"
Dagdag ko pa

"one,two,three four years Dem pero ang sakit kasi akala ko kaya ko siyang palitan sa puso mo. Lahat naman ginawa ko diba sobra akong nagtuon ng pansin para sayo para masabi kong worth it din akong mahalin."
Naiyak pa niyang sabi

"Hindi ba talaga ako worth it? Talaga bang mas nakakahigit siya kesa sa akin"

"Parsa"
Pag awat ko pa sa kaniya

"Sino"
Sigaw pa niya sa akin

Natungo nalang ako sa tanong niya

Hindi ko gustong mas masaktan siya pero kailangan kong sabihin at malaman niya na ang taong mahal ko ay si Aïs

"Sino"
Pag ulit pa niya

Sarcastic akong natawa at nagtaas ng tingin sa kaniya

"Aïs"
Tipid kong sabi at titig sa mata niya

Alam kong nagets niya kung sino ang taong iyon dahil sa galit na namuo sa kaniyang mukha

"Aïs"
Pag ulit pa niya

"Anaïs Green"

"Dem"
Aniya at naluhod sa harap ko

"I'm sorry Parsa hindi ko intensyon na masaktan ka,wala akong idea na ikaw at ang taong siyang hinahanap ko ay magkapatid. Matagal na pero siya at siya ang hinahanap ko nito *sabay turo ko sa puso ko"

Masama na ba ako kung hindi ko mabigyan ng pagmamahal na gusto niya ang taong siyang tumulong sa akin para bumangon sa lungkot.

Nasasaktan din ako para sa kaniya peri mahal ko si Aïs

"B-akit"
Nauutal pa niyang sabi

Pinilit kong itayo siya dahil kahit papaano ay hindi ko gustong maging ganito siya ng dahil sa akin

Mahal ko siya pero hanggang dito nalang

May mga bagay talaga na akala natin ay ito na na siya na pero dadating yung araw na matututo kang timbangin at alamin ang nais ng puso mo.

"Bakit Dem bakit siya pa"
Sigaw niyang sabi at pinaghahampas ako

Buong puso kong tinanggap ang sakit ng hampas niya dahil alam kong deserved ko ito

"Parsa"

"Bakit siya pa,bakit bakit"

"Hindi ko rin alam Parsa,bago pa man kita nakilala siya na unang minahal ng puso ko siya ang unang nakanakaw sa akin. Kaya noong nagkasama tayo at nagkakilala ilang taon ko siya hinintay nagmukmok at parang mawawala sa sarili. Mahal ko siya Parsa at sana matanggap mo."

Wala na akong ibang masabi kundi ang hilingin na matanggap niya ang lahat

Pero kung hindi man sa ngayon alam kong dadating ang araw na matatanggap niya kami

"Dem wala na ba talagang pag asa"
muli niyang sabi at yumakap ng mahigpit sa akin

"Parsa"

"Dem please ano kelangan kong gawin para ako ang piliin mo please sabihin mo gagawin ko" nanginginig ang boses niyang sabi

Alam mo yung nararamdaman mo ang takot sa kaniya

"Parsa please"

"Dem sabihin mo gagawin ko sex is it about sex I can give my everything "
Aniya at naghubad sa harap ko

Namulat sa harap ko ang katawan niya at tanging bra at panty ang siyang naging saplot niya

Kaagad na hinubad ko ang coat na suot ko at siyang hinarang sa hubad na katawan niya

"Parsa ano ba ginagawa mo"
Galit na tono kong sabi

"Dem please ako nalang"
Mas tumindi ang iyak niya at siyang niyakap ko

"Parsa makinig ka,kahit anong pilit ko natin na ikaw ang mahalin ko mahirap mahirap lalo na kung ang sinisigaw ng puso ay siya. Siya na sobra kong mahal"

Inalalayan ko siyang maupo sa kama at naluhod ako sa harap niya

"Look Parsa,kahit naman hindi na ako ang para sayo lagi lang akong nandito para sayo and syempre ang ate mo na mahal na mahal ka. Sorry kung ganito tayong matatapos pero sana Parsa maisip mo na bigyang respeto din ang sarili mo. Hindi sa lahat ng bagay at lahat ng lalaki ay sex ang habol at hindi sa lahat ng away ay sex ang siyang solusyon. Mahal ko siya kaya siya ang pinipili ko. It"s not about sex it's about the feelings that we've shared and built on the same day that we make loved."
Pagpapayo ko pa sa kaniya

"Sorry Parsa paulit ulit kong sasabihin na patawad. Alam kong hindi madaling ibigay iyon pero willing kong hintayin ang patawad mo. Pero sana si Aïs alam mo kung gaano ka niya kamahal kaya sana walang magbago sa pagiging magkapatid niyo."
Dagdag ko pa

Natahimik naman siya sandali bago muling magsalita

"Thank you Dem,pwede ka ng umalis"

"Parsa"

"Please okay na ako"
Aniya at pilit na ngiti ang binigay

Walang lingon likod na lumabas na ako ng condo niya at tuluyang umalis.

May gaan sa puso ko na parang nagawa ko na ang dapat kong gawin at ang isipin nalang ay kung pano namin ipapaalam sa lahat ang meron kami ni Aïs.

Alam ko na hindi importante ang sasabihin ng lahat ng tao pero gusto kong dumating yung araw na matanggap ng lahat ang relasyon na binuo naming dalawa.

We built our love in a mysterious way and we protect it for what we think is right.

Nasa parking na ako ng tumunog ang cellphone ko and si Love kaya agad ko itong sinagot

"Hello Love"
Ani ko pero tahimik lang ang kabilang linya

"Love"
Pag ulit ko pa

"Nasaan ka"
medyo nanginginig ang boses niyang sabi na parang katatapos lang umiyak

Napatingin pa ako sa paligid ko bago sumagot sa tanong niya

Sasabihin ko ba na nagpunta ako sa condo ni Parsa?

Selp yung totoo nalang ang sabihin mo para walang problema please

Pero nagtatalo ang isip ko kung ano ba talaga ang sasabihin ko kaya hindi ko naisip na iba ang nasabi ko

"Cafe kakatapos ko lang kausapin si Parsa"
After kong masabi yun ay biglang naputol ang linya

I tried to cantact her pero hindi na siya sumasagot

Tinawagan ko naman si Gabriana pero ganun din walang sumasagot

Nagmaneho ako ng mabilis pabalik sa hospital and agad na nilakbay ang daan papunta sa office niya pero pag pasok ko walang Anaïs akong nakita.

Sobrang kaba ang aking nadarama gayong hindi ko alam ang dahilan ng nararamdaman ko

Parang may mali sa nangyayari

Muli ko siyang tinawagan at wala pa rin sagot sa taong mahal ko

Nakasalubong ko pa si Doc Carlo kaya walang pagdadalawang isip na kinausap ko ito upang magtanong

"Good afternoon Doc"

"Yes Doc Harriet"

"Matanong ko lang kung nagkita na kayo ni Doc Aïs"
Nag aalala ko pang tanong

Nakunot noo naman siya bago ako sagutin

Itsura niyang parang may alam

"Parang nakita ko siya kanina,tama kasama niya si Doc Lucas at mukhang nagmamadaling umalis kanina"

"Salamat"
Ani ko at akmang aalis ng hawakan niya ako sa balikat

"Ayos ka lang ba Doc"

Tumango ako bilang sagot at galit na lumabas ng hospital

Magkasama sila?

Mukhang hindi niya nabanggit sa akin na meron pala silang lakad ni Lucas.

I reached for my phone at walang sawang tinawagan siya hanggang sa makasagot

Pero bigo aki sa akalang sasagot siya...

Muli akong nag dial and this time number na ni Lucas ang aking tinawagan

Wala pang tatlong ring ay siyang sinagot nito

"I want to talk to her"
Gigil kong sabi bago pa siya makapag salita

Buntong hininga at hikbi ang siyang naririnig ko

Bakit ba parang maykasalanan akong hindi ko alam

"Aïs"
Sigaw ko pa sa kabilang linya

"Lumayo kana Demi"
Sigaw naman ni Lucas at pinatay ang tawag

Tumawag naman ako kay Miguel para i-track kung nasaan si Aïs

Mabuti at wala pang 5 mins ay meron ng sagot

Parang matutumba ako sa pagkahilo at pangamba sa nalaman ko kung nasaan siya

Nasa CAFE SIYA SA TAPAT NG CONDO NI PARSA!

I LIED!

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta cafe na yun at doon nakita kong nakayakap si Lucas kay Aïs

Scenario na minsan ko ng nakita at sinumpa

Parang bumabalik sa aking ala ala ang nangyari noon ng bumalik ako para sa kaniya

Tumindi ang galit ko sa pagbabalik tanaw na iyon kaya sinugod ko si Lucas at pinaulanan ng suntok

Halos mabura ang mukha niya sa suntok ko kung hindi pa ako pigilan ni Miguel na nakasunod pala sa akin kasama si Gabriana

"Demi ano ba"
Sigaw pa ni Aïs

Parang mas masakit ang makitang alalang alala siya kay Lucas

Yung dapat ako ang katabi niya pero siya itong nakayakap kay Lucas na para bang wala lang ako

Akmang susugod ulit ako kay Lucas ng humarang siya sa harap ko at sinampal ako ng malakas

Pero wala ang sakit ng sampal na yun kumapara sa mga nakita ko

"Umalis kana"
Mahina niyang usal na tama lang para marinig ko

Pero sa halip na umalis ay muli ko siyang tinanong sa gusto niyang mangyari

"Ulitin mo ang sinabi mo"

Mga luhang namuo sa gilid ng mata ay ngayon dumadaloy sa makinis niyang pisngi

Mga matang dumidilim ng dahil sa lungkot

"Umalis kana"
Pilit niyang sabi

Hindi ko intensyon na maitulak si Miguel sa galit ko at siyang napaatras

Naglakad ako naglakad ng malayong malayo

Mga paang wari koy hindi napapagod sa paglalakad

Bagkus itong puso ko ang siyang may malalang sakit na iniinda

Ipaglalaban ko ang akin!




Vote and Comment. 💚

Seguir leyendo

Tambiรฉn te gustarรกn

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
1K 734 57
No matter what Andre.. I will always be here to hold your hands that's what siblings do ********** Andre Smith the first son of Homer Smith a well kn...