Something That Will Last

由 Starine

55.6K 2.9K 2.3K

It's always a normal day for Viennica to run around her auntie's cafe as a novice barista. She likes to think... 更多

Prologue
1 // The Coffee That Started It All
2 // The Warfare
3 // Dimmed Sunshine
4 // Trap That's Yet To Work
5 // Eerie Constantin
6 // Sabotage Responsibly
7 // Careful, You Might Tell the Truth
8 // What a Circle of Friends
9 // Mess They All Want
10 // Like A Viking
11 // Break Like a Ceramic
12 // Describe Amused
13 // Caffee Sospeso
14 // White Flag
15 // Peek Before Hiding
16 // Dreams and Other Things
17 // Anything's a Wingman
18 // When He's Counting Pixels
20 // The Withdrawal
21 // Truth Under The Stars
22 // Tell Me Something I Don't Know
23 // Cheap Champagne
24 // Banned Coffee
25 // My Hand Smells Like Coffee
26 // A Brand New Era
27 // The Sort Out
28 // Unplanned War Zone Ceased
29 // Expresso Espresso
30 // A Bucket Full of Wishes
a cup of coffee for you ☕️
Epilogue

19 // Coffee and Palpitation

1.2K 90 174
由 Starine

19 // Coffee and Palpitation

They said that the normal heart rate is sixty to ninety heartbeats per minute.

They said that too much caffeine might make your heartbeat go erratic.

Recently, I had taken my caffeine intake up a notch.

Who says stress stops the moment your last passing grades in college are released? Who says it stops the moment you hear that you're finally graduating? Kapag may nagsabi? 'Wag kayong maniniwala dun!

I had to deal with requirements for graduation, clearance, borrowing of toga, batch photo, yearbook, and finally... pagpapa-book bind ng thesis! Sobrang haba pa ng pila sa shops, tapos yung ibang professors atat na atat sa submission. Kayo ang ga-graduate, mga siz? Chos.

So that's what I've been up to lately, and why I've been drinking coffee more than I did during the entire course of my education. Ang hassle kaya kasi kailangang gumising nang maaga kasi there's pila everywhere. Like. Everywhere.

But finally, all I'm waiting for is my graduation march. Then, I'm free after that. Wooooo!

"Tigil muna ako sa kape ngayon, Jules," I said after she slide an iced coffee in front of me.

Hindi naman siya namilit kaya ini-slide niya ulit iyon sa table at itinapat naman kay Lesly.

"Let's just reserve this to Pol," suggestion ni Les. "Mamaya nang ten p.m. ang alis nila for Sagada diba?"

"Yup," sagot ni Jules. Kinatok niya ang parte ng table sa tapat ko. "'Di mo mami-miss si Jerrick? One week din 'yung mawawala."

I looked at her nonchalantly. "Bakit naman? Nabuhay ako nang more than twenty years na wala 'yun. Tell me, what's even a week?"

Lumaki ang ngisi ng pinsan ko. "Wow, strong and confident! I like it."

Wait, ano?

"I mean!" I said quickly nang ma-realize kong iba ang naging dating ng sinabi ko. "Basta, hindi!"

Hindi pa siya pumupunta sa café ngayong araw. Apparently, isasama na rin pala siya ni Tita Lar sa Sagada because of his persistence to join. I think he's doing that for his resumé. Ambitious din yata ang isang 'yon.

"Pero, Vie, seryoso." Hinarap niya ako. Seryoso nga mukha niya ah. "May something na sa inyo 'no?"

Umiling ako, mga six times.

"Gaga! Anlala niyo. Anong wala? Pupunta ba 'yun dito araw-araw para sayo kung wala?"

Umiling pa rin ako, mga—

Hinampas niya ang table kaya nagulat ako. So mean!

"Anong wala? E, ang lambing lambing sayo? Bakit magsosorry pagkatapos mawala ng isang linggo nang walang pasabi?"

"Oo nga," sang-ayon ni Lesly. "Tapos kung makaalalay kala mo naman meron kang sign na 'Fragile! Handle with Care' sa noo mo."

Huh? Parang hindi naman. Lagi ngang nang-iinis 'yung taong 'yun. Or naiinis lang ako automatically. Ewan ko.

"Gagi, may narinig pa ako dyan one time," tawang-tawang panimula ni Jules kay Les. "Gustong umupo ni Jerrick sa armrest niya kasi wala nang upuan that time. Tapos ang sagot ng bruha, 'ayoko, pero ikaw.' Ang benta, hayop sa pakipot!"

"Legit ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Les. Amused na amused din siya.

"Oo, tanungin mo si Pol at Cara!"

Napatakip na lang ako ng mukha. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang i-deny, pero wala na akong lakas. Gusto ko na lang magpakain sa lupa! Tutal yummy naman ako.

"Turn on your phone," masungit na utos ng pinsan ko pagkatapos nilang magtawanan ni Les. "Na-charge ko na. You're welcome."

"Did mom text?" tanong ko.

"Asa pa si Tita na mag-reply ka. So, no."

I shrugged. Then I'm not gonna use it. Tapos na ako sa studies, no more social media to do online collaboration.

"But I like that you're not ridiculously denying him anymore," pabahol na sabi ni Jules. Kinindatan niya ako pagkatayo niya at bago kami iniwan.

I don't think there's going on between me and Jerrick. Siguro nag-lie low lang kami sa pagbabangayan. I know we aren't like before, but that's just it... I guess.

I didn't want to get my head around what I'm feeling now. Baka kasi kapag binigyan ko ng meaning, balik lang ako sa dating ako. And as I've said before to myself, I'm not going to let history repeat itself.

It's in the past and it should stay there. No reincarnation of the old Viennica. I'm already brand new.

Come dinner time, Tita Lar and her company assembled outside the café. They're all traveling on a private bus. Marami-rami rin sila na kasama. All I knew was Tita Lar's gonna do business there with Pol, while the creative team work with the location shoot and anything creative.

Sa Sagada kasi kumukuha ang business ng coffee beans at iba't ibang supply simula noon pa. That's why Tita Lar deemed that it was only right to showcase the beauty of the province and hospitality of their people in the upcoming branches that will soon open.

"Wala ka bang ibibilin kay mom?" tanong ni Jules.

Nagaayos lang ako ng pastries sa stockroom. Rinig ko ang ingay ng mga kasama ni Tita sa labas dahil bukas ang backdoor.

They go to the province as if it's just an hour drive from Manila. It's that usual to Tita and her people. I didn't have anything in mind now. But if something comes up, I'm sure I could have it soon.

"Wala naman," sagot ko. "Just tell Pol to take photos."

"'Kay. E kay Jerrick?"

"Wala rin—"

"Okay! Sabihin ko pinapapunta mo siya dito," mabilis niyang sabi na parang bang iba ang sinabi ko. Isinara niya kaagad ang pinto pagkalabas niya.

Nawala ang concentration ko sa pag-aayos. Patingin-tingin tuloy ako sa pinto. Kung saan-saang kahihiyan kasi nila ako isinangkot!

Maya-maya ay bumukas na ang pinto, at nagaalangang pumasok si Jerrick. Kumatok siya kahit nakasilip na siya roon.

Nilingon ko siya ng isang beses tapos nag-ayos ako ulit ng kung ano mang dapat ayusin. Actually, natapos ko na nga yata lahat, pero gusto ko lang ulit silang ayusin kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. Phew, I need to breathe!

"Wala akong sinabi," depensa ko kaagad.

"Vie, wala pa akong sinasabi," he laughed. "Chill."

I cleared my throat loudly. Kailangan kong makahanap ulit ng aayusin dito. Bakit kasi ang organized na dito. Guluhin ko na lang kaya? For a change?

Inaabot ko iyong mugs sa itaas na compartment, but Jerrick stopped my hand from reaching it. Hindi niya iyon binitiwan kaya napatungo ako para sundan iyon ng tingin.

Inangat niya ang mukha ko.

"Will you use your phone?" he asked in a small voice.

Hindi ako makaiwas dahil nasa baba ko pa rin ang kamay niya. Mata ko na lang ang iniwas ko.

Bakit ako kinakabahan? Dapat hindi...

"I have no reason to," pagmamatapang kong sagot.

"Ako," he said, frowning.

Nanginginig ang kamay kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin.

"We're too close," pagsusungit ko. Umatras ako, pero umabante lang ulit siya.

"It's one week, Vie. The last time we hadn't seen each other that long, nagtampo ka." Ngumisi siya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi ah! Bakit naman ako magtatampo?"

"Bakit nga ba?" He chuckled.

"Yeah, bakit nga ba?" I hissed. "Eh friends lang naman tayo," I mumbled.

He pursed his lips. "Oh, friends naman pala. So we should text."

Pareho naming narinig ang pagdating ng private bus sa labas. Umubo ulit ako para mabasag ang katahimikan dito.

"Aalis na kami," halos pabulong niyang sabi.

Humarap ako sa shelf na inaayos ko kanina.

"Okay."

Malakas na buntong-hinginga ang ginawa niya bago lumabas. And that was just it.

Shit. Bakit ang bigat sa pakiramdam?

Mabilis nagpaalam si Tita Lar sa amin ni Jules para mag-iwan ng bilin dito sa café at sa bahay. Hindi ako lumabas ng Mostaccio hanggang sa makaalis na nang tuluyan ang bus nila.

This is only right... right?

Hindi ko usually inaalala kung saan ko huling ipinatong ang phone ko. But suddenly now, I couldn't sleep because I was thinking about it.

I'm still not gonna use it. I just want to know where the heck it was!

Pagulong-gulong ako sa kama, hindi ako makatulog. Pinalo ako ng antok na antok na si Jules.

"Ang gulo mo! 'Di ako makatulog."

I made a face. "Then go to back your room."

Kahit tumigil muna ako sa pagkakape ay hindi ako kaagad nakatulog. Kahit si Eerie Constantin ay hindi na talaga ako mapatulog. Though, I still pick my everyday's favorite kapag binubuksan ko iyon.

Like how a vandal does it
you deliberately painted the dull wall that I'd built so high.
It was unwanted,
illegal.
Yet one day after you had already covered all spaces,
you left.
I turned everything back to white
just so you could paint again.
and you were back,
and I'll make you keep coming back.

The next morning, even though I was dead sleepy, I didn't drink coffee.

Alert pa rin naman ako sa pagkuha sa order ng mga customers. Wala pa naman ulit akong natitipuhan na buhusan ng inumin. Diba nga, only special people deserve it.

Buti walang special ngayon. Kasi dahil sa coffee withdrawal ko, alam kong ready na akong mangalmot ulit.

"Hi, welcome to Mosta—"

Napatigil ako... for no good reason. Ngumiti lang si Kurt sa akin. Itutuloy ko pa sana ang line ko pero pinigilan na niya ako.

"No need for formalities, Vie," he kindly said. "Large iced coffee, please. Drink-in."

Inulit ko sa kanya ang order niya pagkatapos kong iregister iyon. Dahil walang nakasunod sa pila ay dito niya sa harap ko hinintay ang order niya.

"Kamusta na, Vie?" he asked casually.

Actually, hindi ko alam kung dapat din ba akong maging casual sa kanya. Nahihiya ako, like legit. Medyo matagal na rin kasi siyang hindi nagi-stay dito, unlike before. Palagi nang to-go ang kape niya.

"Okay lang," sagot ko, sinubukan kong maging casual din iyong tono ko. "Ikaw ba? Magstay ka sa café ngayon?"

"Yeah, I need to." nagaalangan siyang tumawa. "But let's talk about you. Wala kang plano ngayong araw?"

"Uh," I stuttered.

Why's Kurt asking me all these random questions? It feels weird, but somehow funny. Ang comical niya kasing tingnan ngayon. Medyo mataas ang tono ng boses niya, tapos halata pang uneasy ang movements.

"Dito lang ako sa café. Hintay lang ng pahabol na announcements for graduation," I said. "Ikaw?"

This is really weird. Dapat ko ba talagang ibalik sa kanya ang lahat ng itatanong niya sa akin?

Tinawag na ni Sandro ang name niya para sa order niyang iced coffee. Buti na lang, kasi tingin ko hindi na rin niya alam ang sasabihin sa akin.

Ngumiti na lang ako nang umalis siya para umupo sa booth.

I'm not really up to anything now, like a real and confused young adult, I don't know what to do. Buti na lang ay may hinihintay pa akong martsa. At least I can use that as an excuse not to tire my brain out thinking when and where to start with real life.

Tumango si Kurt nang umalis siya. I just smiled back. But the weirdness didn't stop because he went back by lunch time. He asked unusual questions again before leaving... again.

Pagdating ng gabi ay hindi na ako sumama sa shift. Napalitan na ang mga tao sa Mostaccio, pero dito pa rin ako nakatambay.

I'm occupying a booth alone while watching netflix on my laptop. Wala kasi si Jules, so ako ang nago-oversee sa café ngayon. Feeling manager ba, ganun!

Nagulat na lang ako nang sumulpot na naman si Kurt ngayon. Nagtaka pa ako kasi hindi ko naman dala ang cash register sa table ko?

"Vie, just please use your phone..." He looked frustrated. Magkadikit pa ang pareho niyang kamay na parang nagmamakaawa.

"I can't keep coming back here," pagpapatuloy pa niya.

Okay? But it doesn't make sense.

"You can if you need coffee," I smiled shyly.

Hindi ko kasi siya maintindihan. And he's the kind of guy na hindi basta-basta nasusungitan. Ang gentleman kasi ng aura niya ih! Good boy next door, ganoon! Ipakilala-kay-mother-dear type of guy. Ganyan siya.

"Nababaliw na kaibigan ko, Vie. Replayan mo na, please?"

I just blinked.

"Please? I need to go, Vie," he said, standing up. "Reply on telegram."

Nagpaalam siya kaagad at nagmadaling umalis. Napalunok ako.

So that's why?

Hindi ko na nga iyon naiisip, tapos ipaaalala pa ni Kurt. Akala ko makakatulog na ako nang maayos ngayong gabi, pero dahil naalala ko iyon, wala na, finish na ako.

After ng closing ng Mostaccio ay diretso ako sa kwarto. Naglock agad ako ng pinto bago ko hinanap ang phone ko.

Sunod-sunod nagload ang notifications at messages pagkabukas ko sa phone. Usually ay hinahayaan ko iyon ng mga ten minutes para matapos ang loading lahat bago ko gamitin. That's how long I don't use my phone.

This time, I didn't wait. I opened telegram and there he was.

jrick:
Hindi ka nagpaalam sa akin. Nakaalis na kami.

jrick:
i hope you'll open your phone to see this. I asked Jules for your username, hope u won't mind. At least hindi mo pa number. Next time na yun 😏

jrick:
Viennica Panganiban na mapanganib...

jrick:
I'll just send vids of the view of where we are to update you kahit di mo ako pinapansin. Para at least di ako mahihirapang suyuin ka pagkauwi ko 😏

jrick:
but then why should i be the one to suyo? Hindi mo nga ako sinabihan na mag-ingat, di mo rin ako pinapansin

jrick:
di na rin kita papansin pagkabalik ko

jrick:
lol... Asa pang kaya ko

The rest of the messages were just seconds-long video clips of the view outside the bus. Madidilim ang unang clips dahil gabi sila bumyahe. Nagsend pa rin siya hanggang sa magliwanag na ang view niya sa labas ng bus, which was this morning.

Gabi na ulit ngayon pero wala ng message mula sa kanya.

Nanginginig ang kamay ko nang magtype ng reply.

Viennica:
Stop spamming me!

Wala pang isang segundo ay nakareply siya kaagad.

jrick:
finally, love

Bumilis ang tibok ng puso ko. Fuck! Bakit nagbibiro 'to nang ganito? Hindi pa ako nakakareply ay may dumating ulit na message.

jrick:
...it here. It's cold.

"Vie!" tawag ni Jules sa labas ng pinto ko. "Why's your door locked? Inaantok na ako, open up."

Viennica:
matutulog nako. Don't text.

jrick:
☹️

I quickly turned off my phone before letting Jules in. Sobra ang kabog ng puso ko. Para akong may itinatago pero wala naman. Hmm.

"Sorry, nagbihis lang," sabi ko.

"Huh? E, 'yan pa rin suot mo kanina?"

Kinabahan na naman ako. Tinititigan niya kasi ako! Ayoko nang tinititigan ako.

"Nagpalit ako ng panty!" sabi ko na lang. "Okay na?"

She just shrugged tapos ay tumalon na sa kama. Lumapit na lang ako sa kanya.

Mahinhin akong gumagalaw sa kama. Hindi ko alam kung bakit. Hindi kasi ako mapakali, e kung hahayaan kong magshow-up iyon through actions, maweweirdohan sa akin 'tong pinsan ko. Tapos kukulitin na naman ako!

Mabilis siyang nakatulog pero ako hindi. I was wide awake the whole night, hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog.

Stupid phone! Stupid thoughts...

Magtatanghali na nang gisingin ako ni Jules.

"Hinahanap ka ni Kurt," she said.

I rolled so that I'm lying with my face down. "Not again."

"Huy, Vie... kanina pa 'yun nandito."

I had no choice but to get up. Hindi ko naman gusto na paghintayin iyong tao. I'm really gonna kill Jerrick when he gets back! I dunno what he's saying to his friend.

"Vie..." was all Kurt could say when he saw me.

And I understood the rest.

"It's okay Kurt. I'll use my phone tonight."

"Oh, hindi ngayon? Mamaya pa?" He sounded disappointed.

I bit my lip out of shyness. "Yeah. Is it okay?"

Mabilis siyang umiling, parang siya naman ang nahihiya. "No! It's... sorry. Walang problema, Vie."

So okay, for Kurt, come night time ay kinuha ko agad ang phone ko para magreply sa kumag. Kahit wala siya dito, kaya niya pa rin palang bulabugin ang buhay ko.

Viennica:
magtrabaho ka nga jan
why do u keep on texting?

jrick:
i AM working, sunshine
Bawal bang magrecharge?

Viennica:
bawal

jrick:
kung pagbawalan ako parang boyfriend mo ako

I am so close to blocking him. I don't like how he's making me feel things right now.

jrick:
and i like it

jrick:
fuck

Napamura na rin ako sa isip. Ayoko nang magreply! Baka mamaya maging awkward kami pagkabalik niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyari 'yon.

Viennica:
Lol dream on dude

jrick:
are we still talking about dreams?
wanna know what's mine?

Viennica:
No

jrick:
reply mo, Viennica ko

My heart frickin raced. That's gotta be a typo error, right? Oo, typo 'yun!

Binato ko ang phone ko sa kama. Pumasok ako sa bathroom at napahilamos kaagad. Darn it! Itutuloy ko na ito sa cold shower. Because it suddenly turned hot... 'cause it's summer now!

Hindi na talaga ako nakapagreply dahil dumating na si Jules. Pigil na pigil akong tumingin sa phone ko nang makita kong tulog na siya sa tabi ko.

May times kasi na mabilis magising itong taong 'to, and I didn't wanna wake her up 'cause of the light from my phone.

Hinayaan ko na lang na hindi na naman ako makatulog kakaisip. My phone's on silent, too. So I wouldn't know for sure if I was receiving messages.

Wala na si Jules sa tabi ko pagkagising ko kinabukasan. Kinapa ko kaagad ang phone ko para i-check. Baka mamaya magpunta na naman dito si Kurt.

Hindi ko pa binasa iyong mga texts niya kagabi. Inaantok pa akong nagtype ng message.

Viennica:
sorry, dumating si Jules kagabi
Anong oras ka natulog?

jrick:
hindi ako nakatulog
Di ka na nagreply kagabi

I was about to lock my phone, kaso tumunog ulit iyon.

jrick:
i'm eating breakfast. Are you?

Viennica:
Yeah

Luminga ako, baka mamaya nandito pala si Kurt sa bahay kaya niya nalaman na nasa kusina na ako at kumakain ng breakfast sa countertop.

jrick:
Can i video call?
sabay tayong kumain

Napanganga ako at nahulog ang ilang cereal sa bibig ko.

Bakit ba siya ganito? Even in the past, hindi ko na-experience ang ganito kay ano.

Nang walang pasabi, he just called from Messenger. Nag-decline ako.

Hindi sa sasagutin ko ang tawag niya, pero naghanap agad ako ng suklay.

jrick:
One minute lang, please? I promise 🙁

He called again, but I still declined! Humarap ako sa salamin para i-check kung may muta ba ako na hindi ko natanggal kaninang maghilamos ako. Wala naman so I'm good. My hair seemed okay, too.

Uhm. Kailangan ko lang maging presentable kapag kakain ng breakfast. It's a Viennica thing no one would understand.

jrick:
I'm one bite away from finishing my food. Please?

I cleared my throat. He's now calling again. Nanginginig kong itinapat ang daliri ko sa tapat ng answer button.

Pikit-mata ko na lang iyong pinindot.

"Vie..." he called. Kasinlamig ng temperatura sa Sagada ang boses niya.

Nagmulat ako pero hindi ko siya tiningnan nang diretso.

"Stop annoying me," mahina kong sabi.

Tumawa siya. Pati ang tawa niya ay malalim.

"You've been trying to stop me since day one. Look at us now, hindi ka pa rin magtatagumpay," he said amusedly.

I noticed his background. Tila nasa isa siyang kubo. Tahimik din doon, parang wala siyang kasamang iba na kumakain.

Umirap ako. "Bakit ba kasi ang clingy mo..."

"Ayaw mo ba?" Humalakhak siya.

Umirap lang ako. Puro matipid na salita lang ang isinasagot ko sa kanya kapag may sinasabi siya. Hindi naman kasi ako makakilos nang maayos.

Inaalala ko lang ang angulo ng camera ko. Uhm, kasi ano, wala lang... aesthetic thing. Hindi naman ako conscious.

Natigil lang ang call namin nang tawagin siya ni Nolan. Mabilis siyang nagpaalam sa akin, tapos noong sumilip si Nolan sa phone niya ay in-off niya kaagad ang video.

Simula noon ay lagi ko nang hawak ang phone ko. I'm just concerned with Kurt. That's why I kept on texting Jerrick.

I shoved my phone inside my pocket quickly when Jules came.

Pinanliliitan niya ako ng mata. I knew she'll know something's up!

"May tinatago ka 'no?"

"Huh? Ano? Wala," I nervously smiled.

Binigyan niya ako ng I'm-watching-you hand gesture bago ako nilubayan. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos. So nilabas ko ulit ang phone ko.

Viennica:
sorry, dumating si Jules
Kain ka na

jrick:
alright. Sabay tayo?

Viennica:
ayoko, may kasama ka dyan e

jrick:
haha okay.
but can i video call again later?
Bago tayo matulog?

Viennica:
ayoko pa rin
pero i don't think I have a choice?

jrick:
yeah haha i need to go
Tatawag ako mamaya

Buong araw nagsipag ako sa café. Dahil wala si Pol ay ako ang nagbantay sa mga chikitings niya. It felt weird because being with them made me feel like I'm old. True naman, though both amazing and scary lang pace ng oras. Ang bilis.

"Bakit ang sipag mo?" tanong na naman ni Jules.

"You're right, Jules. May something nga talaga dito sa pinsan mo," said the thinker Cara. Kagat pa niya ang labi niya habang pinaniningkitan ako ng mata.

"Konti na lang mao-offend na ako ha! Bawal bang maging masipag? Wala kasi si Pol."

Tinuloy ko na lang ang pagi-inventory para makapagclose na ang Mostaccio.

"Baka she's just keeping herself busy para hindi niya ma-miss si sunshine niya," mahinang sabi ni Cara sa pinsan ko.

"Uhuh, pwede. Pero may weird talaga, girl! Hindi ko malaman kung ano."

Magkadikit ang ulo nilang nagbubulungan. Pumwesto ako sa harap nila. I slapped my hands against each other to stun them. Sabay silang nagulat.

"Grabe kayo. Hindi ba pwedeng I'm just... adulting."

Jules flail her hand dismissively.

"Adulting and Viennica is a weird match. 'Wag kami, Vie, 'wag kami."

I scoffed. "Yeah, okay!"

Nag-shower ako after our café closed. I heard Jules was going home to their mansion tonight because Tito called her. So I'm going to be alone in my room tonight!

Nagtutuyo ako ng buhok nang tumawag si Jerrick. As usual ay hindi ko kaagad sinagot. I rejected it. Hindi pa ako nakakapagblower ng buhok!

jrick:
why won't u answer? 🥺

Viennica:
just got out of the shower duh

jrick:
do you really need to tell me that, VIENNICA?!

What's wrong? Tss.

Tinapos ko na ang pagaayos dahil nakailang reject na ako sa tawag niya. On the nth try, I finally accepted his call.

"What took you so long?" nagtatampo niyang bungad.

"Wait! May nakalimutan ako!" I quickly said. Ibinato ko ang phone ko sa kama at tumakbo sa harap ng salamin.

"What?" I heard him still.

"Skincare!" sigaw ko.

Tawa na lang niya ang narinig ko. Hindi pa rin ako sanay makipag-video call sa kanya kaya naglagay ako ng face mask sheet sa mukha.

"'Di ko alam, Chris. May kunin lang ako kay Vie..."

Narinig ko si Jules sa labas. Nanlaki na naman ang mata ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa phone at sa pinto, iniisip kung ano ang uunahin.

Maliit pa lang ang awang sa pinto ay nasalubong ko kaagad iyon. Humarang ako para hindi siya makapasok.

"Ano 'yon?" kabado kong tanong.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noo niyang tanong.

Shit! Nagpapanic na naman ako. Panalangin ko na lang na 'wag magsalita iyong tao na nasa phone ko.

"I'm naked..." I lied.

She grunted. "Naiwan ko yata dyan ang charger ko. Can you check sa bed mo?"

I shut the door and locked it first. Mabilis kong hinanap sa kama ko iyong charger. Pagkakuha ko ay kamay ko na lang ang inilabas ko sa pinto, tapos naglock ako ulit kaagad pagkakuha ni Jules doon.

"Hoy Vie, anong trip mo?" tawag niya pa mula sa labas.

"Wala! Alis ka na. Magbibihis pa ako."

Nakadikit ang tenga ko sa pinto. Pinakiramdaman ko muna sila sa labas. Kung ano-anong sinasabi ng pinsan ko kay Chris bago sila umalis.

I breathed out of relief when I realized they're entirely gone. Maingat akong bumalik sa kama ko. Dahil may facial mask naman ako, madali kong naitapat sa mukha ko ang camera.

Nahulog iyong phone niya pero bigla rin naman niyang inayos iyon.

"Anong nasa mukha mo? Bakit ka ganyan?"

Mukhang nagulat siya.

"Facial mask."

"Why do you need that? Matutulog na tayo, ah?" he asked, obviously unaware when it comes to skincare.

Bakit niya ba pinapaulit-ulit na matutulog na kami. He made it sound like we're physically together.

Nanghina ang kamay ko. Humiga na ako nang tuluyan. Ganoon din ang ginawa niya. Nakatagilid siya tulad sa pwesto ko.

He just told me what they did and the remaining work they needed to do before going back here. Nakikinig lang ako sa kanya.

"Hindi mo pa ba tatanggalin 'yan?" medyo inis niyang sabi.

Natawa ako. "Bakit ba asar na asar ka sa mask ko? Ang mahal kaya nito."

"Vie, tanggalin mo na, please?"

Nakangiwi lang siya habang tinatawanan ko. I peeled off my facial mask for him. Kumalma na siya pagkatapos. Mas naihiga ko na nang maayos ang mukha ko sa unan.

"May gusto ka ba dito, hmm? I'll get it for you," malambing na naman niyang sabi.

Umiling lang ako.

"Ako, ayaw mo?" He chuckled.

I wonder what would happen if I say something crazy. I could risk it now, right? He's far from me, nothing could happen. So I did it.

"Okay lang..."

Parang nahulog na naman yata ang phone niya. Nahilo pa ako sa view ng camera dahil bigla siyang lumikot. Tumigil lang iyon nang kisame na lang ang nakikita ko. Then I heard him say something.

"Fuck! Gusto ko nang bumalik."

I had to repeat what I already know.

They said that the normal heart rate is sixty to ninety heartbeats per minute. Yet I feel as if there's a mob inside my chest, causing me trouble and disorder.

They said that too much caffeine might make your heartbeat go erratic. But I haven't had coffee ever since.

They said that its effect is mostly on the brain, but why am I feeling the intensity on my chest? On my flushing cheeks? On my wobbly knees and shaky hands?

This is just palpitation. I just need to calm down.

But I couldn't calm down!

Why couldn't I calm down?!

继续阅读

You'll Also Like

Fierce 由 Nina

青少年小说

9.4M 195K 54
Set up by her parents, Blair is intent on doing all she can to push Gael away. But little by little, she has a change of heart...and uncovers a damni...
18.6M 593K 35
When her longtime boyfriend proposes to her, Nari does not seem happy. She rejects him, hoping he would understand. But two years, seven days, three...
35.6K 1K 34
#Wattys2023 Winner: Best Characters Award ❝This was probably what people meant when they said they disappeared into a moment.❞ ***** College exes Lau...
55.6K 2.9K 33
It's always a normal day for Viennica to run around her auntie's cafe as a novice barista. She likes to think that she's good at brewing coffee, but...