The Mafia Lord and The Waitre...

By FhemSolano

21.9K 671 265

"Sir here is your order Cafe Au Lait po" "Thanks but I changed my mind" "Po sir, anong na lang order ninyo" "... More

CHARACTERS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3

Kabanata 4

5.4K 228 204
By FhemSolano

***BETINA***

Pabalik na ako ng coffee shop dala ang mga chocolate bar and powder na pinabili ni Sir Billy. Kailangan na makagawa ng maraming cholate mouse dahil sa sunod-sunod ang corporate meetings na naka-reserved sa function rooms nila. May dalawang maliit na function room ang coffe shop para sa 15 to 20 person, na kayang mag cater ng mga exclusive meetings place.

Muli ay naalala ko ang nangyari sa chocolate house, grabe naman ang customer na yun saksakan ng babaero talagang literal na sabay. Sabagay saksakan kasi ng pogi kaya natural na maraming babae itong nabobola, halatang mayaman ito dahil sa nakita kong suot niyang rolex na latest model at yung mga babae na lumapit sa kaniya ay mga model ng mens magazine kaya halos lahat ng mga lalake ay kita ang pagnanasa sa mga ito, kaya muli ay nakaramdam ng inis at galit sa mga lalaking kauri ni Timothy na hindi marunong makontento sa iisang babae. 

Sa dalawang buwan na lumipas ay talagang kahit papano ay naka move-on na ako, naging masaya naman ang trabaho kahit malayo ako sa mga kapatid ko,  mababait din ang mga kasama ko sa coffee shop. Isa sa ipinagpapasalamat namen ay mabait din mismo ang may-ari sa amin, libre ang food at lodging sa amin, halos lahat naman nagtatrabaho sa coffee shop ay mga single kaya malaking bagay yun sa amin na hindi minimum ang sahod. Kahit papano ay malaki ang napapala ko sa probinsya para sa kanilang pangangailangan. Sa susunod na linggo ay uuwi ako para makita sila dahil miss na miss ko na ang kambal kong kapatid na sina Harry at Henry.

***
Mabilis na lumipas ang isang linggo muli ay
halos lahat ay abala dahil sa dami ng mga walk-in customers at bukod sa naka-reserve sa conference room. Masaya kami kapag madaming customer dahil sa centralized ang tip natatanggap ng bawat isa kaya weekly ay may extra pa kaming pera.

Sa wakas ay natapos na rin ang meeting sa conference, grabe ang laki ng binayaran nila para sa tatlong oras lamang. Parang tatlong buwan na sahod ko ang katumbas Ngayon ay abala na kami sa pagpupunas ng mga mesang bakante, grabe kung kanina ay puno ngayon ay pailan ilan na lamang ang customer.

***Sir Billy***
"Tina paki-refill yung mga tissue holder"

"Yes sir"

Habang ginagawa ko ang utos ni sir, ewan ko ba pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin pero may pagkakataon na napapatingin ako sa paligid para hanapin ang mga matang nakatutok sa akin.

At hindi sinasadya na napatingin ako sa labas at nakita ko ang mga taong na di ko na nanaisin na makita pang muli.

Hindi ko alam bakit andito sila na halatang para saktan ako, kasama pa nila ang ilang mga kaibigan nito, ang malas naman bakit dito pa talaga nila naisipan na magkape. Alam kong sinasadya nilang pumunta rito dahil alam nila na andito na ako nagtatabaho. Napabuntong hininga ako at napausal ng panalangin.

"Diyos ko pakibigyan ninyo po ako ng mahabang pasensya at higit sa lahat huwag ninyo akong palalakasin ng husto baka hindi ko mapigilan na mabigwasan ko ang mga kontrabida tiyak na ospital ang aabutin nila sa akin, AMEN"

Mabuti na lang at tinawag ako ni Stella, para sinadya ng tadhana na iiwas ako sa mga taong nagdudulot ng pagkasira ng araw ko,  nakisuyo ito sa akin na palitan ko muna siya sa conference room, bigla kasing sumama ang pakiramdam nito gawa ng pagbubuntis.

***Stella***
"Tina pasuyo naman ikaw na magserve sa room 2, may naiwan pa kasing mga customer doon. Yung Cafe Au Lait sa lalaking naka suit ng light grey yung sobrang pogi, yung americano kay chekwa na mataba, at yung caffe latte kay secretary girl na kinapos ng tela at yung cappuccino kay secretary  na papable din ha"

Tumango ako bilang tugon sa kaniya, kahit kailan talaga itong si Stella hindi mo alam kung nagsasabi ng totoo o taklesa lang, bago ko kinuha ang tray check ko muna kung kompleto ang extra cream at sugar sa bawat coffee, kinuha ko ang tray saktong paupo ang mga kontrabida sa table.

Dumaan ako mismo sa kanilang harapan na hindi pinansin ang pa. Mabuti na lang hindi ako nahirapan sa pagbukas ng pinto habang dala ang tray.

***ANDREW***

Isang matagumpay na deal ang naisara sa MHJ Advertising Corp. Nagpasya kaming manatili sa Coffee shop. Maganda ang ambience ng coffee shop relaxing.

Kanina pa nagpapapansin ang secretary ni Mr. Hao, talagang sinasadya niyang ipakita ang cleavage niya sa akin. Ang nakakapagtaka ay hindi na ako apektado, mga isang linggo na rin akong walang sex life. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang babaeng nakita ko sa chocolate house mula noon hindi na ako mabilis ma-arouse sa babae.

Nag-uusap kami tungkol sa bagong kukunin na female model. Nakaamoy ako ng isang pamilyar na pabango, ewan ko ba parang naamoy ko na yun dati at hindi ko mapigilan mapalingon.

"Sir here is your order Cafe Au Lait po"

Nagkatinginan kami pero hindi ito yung kagaya ng ibang babae na magpapapansin sa akin, ang swerte ko naman hindi na ako nahihirapan na hanapin siya. Mas maganda pala ito sa malapitan at hindi ito mahilig maglagay kolorete sa mukha.

"Thanks but I changed my mind"

"Po sir, anong na lang order ninyo"

"You"

"Ho?"

Hindi ito nakasagot parang hindi pa niya nakuha ang gusto ko. Halatang din na hindi tumalab sa kanya ang ginawa kong pasimple paglalandi.

Hindi ko mapigilan na mapatitig sa kaniya habang inilalapag ang mga kape sa mesa. Nabasa ko ang nameplate niya HI IM BETINA.

"Betina ang gandang pangalan bagay sa kanya" wika ko sa aking sarili.

Tuloy pa rin ang meeting namen pero wala na ang aking atensyon sa kanila, pinapanood ko siya habang inaayos at naglilinis ng function room.

Ilang minuto lang ito nagtagal sa loob, lumabas dito dala ang trashbin. Tumayo ako para sundan siya sa labas.

"Excuse me, restroom lang"

Nagmadali ako na lumabas ng function room naabutan ko siya na may kausap isang lalake, customer yata ng shop pero ang napansin ay ang hindi matagong tensyon sa pagitan nila.

Naglakad ako papalapit sa kaniya pero nagpanting ang 
mga tainga ko dahil sa kanilang usapan.

"Pwede ba Timothy tigilan mo na ako, ayoko ng gulo"

"Walang gulong nangyayari kung papayag ka sa gusto ko"

"Baliw ka ba may asawa ka na, bakit panay ang lapit mo sa akin, ni minsan hindi ko inisip na maging kabit Timothy"

"Hihiwalayan ko siya, bumalik ka lang sa akin"

Hindi sumagot si Betina at tumalikod na lang ito para iwanan ang kausap, pero ang loko ang lakas ng loob na hawakan si Betina.

"Ano ba bitiwan mo ako, nasasaktan na ako, araaay ano ba" impit lang ang daing niya na halatang ayaw na makakuha ng pansin sa loob ng shop

"Masyado kang pakipot tabachoy, sa tingin mo may papatol sayo bukod sa akin? Hoy magising ka sa katotohanan walang lalake ang magkakagusto sa isang matabang gaya mo, masyado kang maarte di ka naman kagandahan. Alam mo ba kung bakit kita iniwan kasi nakakahiya kang kasama"

Nakita ko kung paano nasaktan si Betina sa mga sinabi ng tukmol na to, halatang nagpipigil ng kaniyang luha.

Hindi ko alam bakit kung bakit nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib na makita siya sa ganoong kalagayan. Ayoko ko sa lahat ay nakakakita ng babaeng inaapi, oo nuknukan man ako ng pagkababaero wala naman akong nilolokong babae para paasahin. Tinapik ko ang gago na to sabay sabi ng.

"bitiwan mo sya"

Kaya pareho silang napatingin sa akin, binitiwan niya ang braso ni Betina hindi nakaligtas sa akin ang sobrang pula ng marka sa balat nito, mapamura ako sa aking isipan dahil tiyak na magkakapasa ito.

"Anong problema mo? Pakialamero alam mo ba - - - - "

Dahil asar na asar na ako hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya, bigla ko na siya inundayan ng isang malakas na suntok sa kaniyang mukha. Tiyak na tulog ng di oras ang aabutin niya sa akin dahil ang suntok ko ay kasing lakas ng isang professional boxer.

Naghiwayan ang mga taong nakasaksi sa eksena at may isang babae na nagmamadaling lumapit sa lalake. Habang si Betina ay napako sa kaniyang kinatatayuan, hindi na makagalaw, hinawakan ko ang kaniyang kamay ay iginiya na lumabas ng shop.

Continue Reading

You'll Also Like

69.7K 3.9K 81
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...
95.8K 2.5K 35
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
269K 40.5K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
38.6K 2.5K 61
𝐭𝐡𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐥𝐢𝐯𝐢𝐚 𝐫𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐝 𝐲/𝐧'𝐬 𝐦𝐞𝐞𝐭-𝐜𝐮𝐭𝐞𝐬/𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢�...