Stand by you

By psychojhang

3.5K 729 48

Isn't it ironic, the one who broke us hundred times, also the one who can make us whole again More

Book 1: Stand by you
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
A/N:
BOOK TWO: STAND BY YOU
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER XI
CHAPTER XII
CHAPTER XIII
CHAPTER XIV
CHAPTER XV
CHAPTER XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER XIX
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Epilogue
A/N:

CHAPTER 23

44 9 7
By psychojhang

Zayne POV

Ngayong araw ang Championship ng PRISAA at sa Saint Luke gaganapin ang laro. Wala akong pinanuod na kahit anong game nung nakaraang araw. Wala naman talaga akong balak pero nakakainis si Sheena at Shane.

Nagpustahan kami at natalo ako feeling ko nandaya lang sila at gusto talaga nila akong papuntahin.

Bumaba na ako sa sasakyan ko. Yung Lamborghini ang gamit ko dahil pinapaayos ko pa yung Bugatti. Naka shorts lang ako at oversized hodies na black.

Nagtungo na akong court dahil nandon na daw sila Sheena. Hindi ko sila mahanap dahil ang daming tao kaya tinawagan ko siya

"Saan kayo?!"

"Sa may court."

"Tss. Saan banda? Ang daming tao Sheena."

"Sa side kami ng mga Lukesians"

"Whaat?!"

"I saw you na. Wait lapit ako." sabi niya kaya hinintay ko nalang siya.

"Tara." yaya niya kaya sumama naman ako.

Sa bench sila nakaupo at nasa unahan pa talaga kami. Nung nakita na namin ang mga players sa court ay lumapit na kami.

Medyo mainit na dahil 10am na kaya sinuot ko yung hood ng jacket ko at nagshades din ako.
Nagsimula na ang game at nakita ko na nga si Chase. Nakasuot siya ng jersey na may apelyido niyang DONCIC sa likod at may nakalagay na malaking number 77.

Matapos ang mahigit 30 minutes natapos na ang first quarter. 107 ang score nila Chase samantalang 99 lang sa kabila. Sa second quarter naman ay magkadikit lang dahil 102 kila Chase at 103 naman sa Saint Luke. And sa third quarter naman ay 108 kila Chase at 109 naman sa Saint Luke's University.

Break nila ngayon at kitang kita ko sila Chase at yung team niya na kinakausap sila ng Coach nila. Merong mga babaeng nadoon sa bench na inuupuan nila ang nagbibigay ng sports drink. Kung di ako nagkakamali ay mga sports coordinator ang mga yon.

"Selos ka no?" sabi ni Sheena na nakatingin din sa gawi ng mga players

"Baliw kana." inis na sabi ko.
Totoo naman kasi hindi ako nagseselos dahil hindi ko naman type si Chase. Maalaga lang siya pero hindi ko siya bet.

"Pag talaga nagkagusto ka dyan hindi na ako magkikilay!" hamon niya saakin

"Never Sheena. NE.VER!" sabi ko at napailing silang dalawa ni Shane.

Pumito na ang referee at nakapwesto na sila Chase para sa final quarter. Guard ang position niya sa court at halos silang dalawa nung captain ball ang nakaka three points shot.

Malapit ng matapos ang laro at mahigpit ang score nila dahil 112 kila Chase at 113 naman sa kabila. Last 1 minute nalang ang natitira. Pag hindi nakapag shoot ang SIAcademy ay Saint Luke ang magchachampion. Hawak na ni Chase yung bola pero biglang nakuha ng Saint Luke.

Tapos biglang naagaw nung Mejia ang apelyido. Ex ata yon ni Shane a tapos bigla niya ipinasa kay Chase yung bola. Dinidrible na ni Chase yung bola tapos bigla siyang lumapit sa may gawi namin na parang tinatantsa kung aabot yung bola.
Last 15 seconds nalang ang natitira. Lumapit pa siya ng konti tapos ay. Tapos. . . . .





HINALIKAN NIYA AKO!

Parang nagslow motion ang lahat.

Dahan dahan siyang nagdidrible tapos biglang hinalikan ako sa lips at bigla niyang shinoot yung bola. Last 5 seconds nalang nung biglang pasok yung bola sa ring!

Bumalik lang ako sa sarili nung narinig ko yung malakas na hiyawan at tambol ng Drum and Buggle Corps ng school namin.

"Sana oil" biglang sabi ni Shane

"Panalo ghourl!" malakas na sigaw ni Sheena

Champion ulit ang school at lahat ay masaya maliban saakin na parang naistatwa. Agad akong umalis ng court at patakbong pumunta sa parking lot ng Saint Luke. Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na nagdrive.

Huminto ako sa isang long road na napapalibutan ng matataas na puno. Lumabas ako at tumingin sa mga puno.

Ilang minuto lang akong nakatulala at wala sa sarili. Naka suot pa rin yung hood ng jacket ko hanggang ngayon. Pati nga yung shades ko suot ko pa din kaya tinanggal ko ito

"Hey." napalingon ako don sa biglang tumabi saakin

"Ashton?! What are you doing here?"

"Nagpapahangin. Ikaw?"tanong niya

"Same."

"Congrats!" biglang sabi niya kaya napalingon ako sakanya.

"Naipanalo mo yung school." nakangiting sabi niya. Medyo naguluhan ako

"What are you talking?"

"About championship." sabi niya at naalala ko nanaman yung nangyare.

"Hindi ako player kaya pwede ba?!"

"Pero naipanalo niya dahil sayo."

"Kaya niya naman kahit di ako nanuod." sabi ko

"Hindi mo napansin na halos di na makatakbo si Chase?" tanong niya at sa totoo lang ay napansin ko nga yon.

"Nagka leg cramps na siya pero nung nakita ka niya nagpumilit siya sa Coach niya na maglaro." sabi niya at napatakip naman ako sa bibig ko

"Bakit niya ginagawa yon?!"

"He wants to impressed you." sagot niya at natigilan ako.

Bumalik nanaman lahat ng nangyare kanina. Nahalikan na din naman ako ni Chase nung una pero hindi tulad kanina na madaming tao

"H-how did he noticed me?" sabi ko at natawa naman siyang nginuso yung paa ko.

"Lagi kang naka boots stupid." sabi niya at napatingin naman ako sakanya.

"Dahil don?" tanong ko at tumango naman siya.

"Balik kana don. One week na mainit yung ulo niya dahil sa training." sabi niya kaya napalingon nanaman ako sakanya.

"Kasi hindi ka niya nakikita." sabi niya at tsaka umalis at pinaharurot yung sasakyan niya. Wow naka Venom F5!

Agad na akong sumakay sa sasakyan ko at mabilis na nagdrive pabalik ng Saint Luke. Pagdating ko doon ay kakaunti nalang ang mga tao. 5pm na din kasi at medyo madilim na.
Wala na ding tao sa court. Nasan na kaya yon?

"Are you looking for Chase?"

Agad kong hinanap yung nagsalita at nakita ko siya sa likod. Hindi ko siya kilala pero kamukha niya si Carsyn.

"Ya"

"Come with me." sabi niya kaya sumunod lang ako.
Nabigla nalang ako nung sa SLGH (Saint Luke's General Hospital) kami pumunta.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Hinahanap mo si Chase diba?" tanong niya kaya tumango ako

"Nasa loob siy-

"Whaaaat?!" tanong ko at nagulat naman siya kaya kumalma ako

"I mean what happen to him?"

" Nag crams na yung legs niya kaya dinala na siya sa E.R"

Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa ER. Isa isa kong hinawi yung mga kurtina pero wala siya sa mga bed.

"Nurse! Nurse! Nasan yung patient niyong basketball player?"

"Po?" takang tanong niya

"Yung. . . yung Doncic yung apelyido. Matangkad siya mga 6 ft, maputi, gwapo siya, mahaba yung pilik mata, med-

"Pfft. Gwapo?" awtomatikong napalingon ako sa likod ko nung marinig ko yung boses niya.

Nakita ko siyang nakangiti ganon din yung Coach niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Okay na pala bwesit! Naglakad na ako pero hinila niya yung kamay ko.

"Una na ko." paalam nung Coach niya at ngumiti lang saakin.

Binawi ko yung kamay ko sakanya at naglakad na ulit

"Halos mag panic ka kakahanap saakin tapos iiwan mo din pala ako ts!"

"Okay ka naman pala. Kaya mo na yan." sabi ko sakanya

"Sige." sabi niya kaya agad akong lumingon sakanya.

Seryoso yung mukha niya kaya napakagat ako sa labi. Galit ba siya?

"Hindi mo ako matitiis Zayne." sabi niya at ngumiti. Napairap nalang ako at naglakad na.

"Argggg!" awtomatiko akong napalingon ng marinig ko ang boses niya

"Chaseeee!" tawag ko nung muntikan na siyang matumba.

"Sir hindi pa po pwedeng i-force ilakad yung legs niyo." sabi nung Nurse kay Chase.

"Ah Nurse pwede bang humiram ng wheel chair niyo?" tanong ko

"Ah ma'am kasi-

"Ito. Iiwan ko yang master card ko-

"Zayne!" saway ni Chase saakin pero di ko siya pinansin

"Please?"

"Sige po. Hintayin niyo ako dito." sabi nung Nurse at may kinuha.

Pagbalik niya ay may dala na siyang wheel chair. Kinuha ko yon sakanya at pinaupo don si Chase. Nung una makulit siya pero umupo din naman tss.

Tulak tulak ko siya hanggang sa parking lot. Binuksan ko na yung door sa passenger seat at inalalayan siyang makaupo doon. Tinupi ko na yung wheel chair at mabilis na binalik sa hospital.

Mabilis akong sumakay sa driver seat at nagstart ng mag drive. Sa daan lang ako nakatingin pero napapansin ko si Chase na nakatitig saakin.

"Stop staring at me." inis na sabi ko

"Okay."

"Hindi mo dapat ginawa yon." sabi ko sakanya

"Huh?" takang tanong niya

"Yung kanina."

"The kiss?" tanong niya kaya agad akong napapreno.

Muntikan na akong mauntog non at bigla akong napalingon kay Chase. Naalala ko nanaman yung nangyare kay Coleen.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko. NAG-AALALA?! Wtf Zayne!

"Bat ba kasi nagpreno ka!" sigaw niya kaya nainis ako

"Bakit mo ba kasi sinabi yon!"

"Ang alin?" tanong niya kaya napahilamos ako sa mukha ko

"The k-kiss." mahinang sabi ko

"Hindi ba yon naman tinutukoy mo?"

"Whaat?! Ha! Ang sinasabi ko yung naglaro ka pa e nagkacramps kana!" inis na sigaw ko sakanya

"Pasikat ka din minsan e!" sabi ko pa at ngumiti siya. Baliw!

"Pasikat sayooo." sabi niya at kumindat pa.

Hindi ko na ulit siya pinansin at nagdrive nalang ulit.
Nung makarating kami sa bahay nila ay agad na akong bumaba. Inalalayan ko siyang maglakad papasok ng bahay ng biglang magring yung phone ko.

I will always remember
The day you kiss my lips
Light as a feather

"Why don't you answer?" tanong niya

"Sige maglakad ka mag-isa!" inis na sabi ko at natawa naman siya

"Kailan ka pa naging pasyente Chase?" pilyong sabi ni Carsyn

"Wow the Moon Chase is here." sabi naman ni Ashton nung makita ako.

Moon Chase? Whaaat?!

"Tigilan niyo nga siya. Feeling ko red days niya baka sumabog kayo pareho." sabi ni Chase at nagtawanan naman sila

"Hoi! Hindi ko red days ngayon!" inis na sabi ko at tinignan sila ng masama kaya tumigil naman sila

"Iyakyat niyo na yan sa kwarto niya." sabi ko kaya tumango naman sila.

Inakyat na nila si Chase si kwarto niya. Aalis na sana ako

"Tawag ka ni Chase." sabi ni Carsyn

Pumasok na ako sa kwarto niya at nadatnan ko na siyang nakahiga.

"Aalis kana?" tanong niya

"Oo."

"Sige umalis kana." sabi niya. Ano problema neto? Parang siya nga yung may regla saming dalawa e.

"Sige." sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
2.2K 115 7
#MONTREAL SERIES 2 #9- Gianna #5 - Gianna Highest Rank #1 - Gianna What's NEW #38 in Trials as of 06.18.18 Note: Before reading this story, kindly...