The Last Step

By kiiiche

69.2K 1.6K 324

How can you say that a love story is great? How can you say that a love is forever? How? When life itself is... More

The Last Step
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Author's Note
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 1

10.2K 247 38
By kiiiche

Sabi nila, katapusan na daw ng mundo noong taong 2012. Sabi nila, lalamunin ng dagat ang mga lupa. Magpapaulan ang mga bulkan ng lava sa buong kapaligiran. Lulubog at tataas ang mga lupa. Lahat ng klase ng sakuna ay magaganap. Sabi nila. Apparently, mali sila dahil lagpas na ng taong 2012 ang taong kasalukuyan at wala namang paglamon, pagpapaulan, paglubog at pagtaas na naganap.

                Pero tama din sila. Tama sila na magugunaw ang mundo. Hindi sa taong 2012 at lalong hindi dahil sa mga dagat, bulkan, lupa at sakuna. Pero magugunaw ito. At nagtapos nga ito.

                Kinuha ko ang isang litratong nakadisplay sa isa sa mga pasimano. Pinunasan ko ito para tanggalin ang mga alikabok. Nang matanggal ko na ang mga ito, mas naging malinaw ang litrato. Hindi ko napigilang mapangiti habang tinititigan ko ito.

                I remember being nervous that day. I’ve never been as nervous as I was. But that moment I saw her standing beside her father at the end of the aisle? Nawala ang kaba ko and instead, my heart was filled with joy and gratefulness. Because I came to realize that the woman at the end of the aisle, that beautiful woman, is mine.

                “I, Gabriel Marco Borromeo, take you, Niobe Sharmaine Alcaraz…” I remember starting my vows with those words. I remember pausing for a while to breathe in some air because not even my lungs can keep up with the feeling that’s overwhelming me.

                “…in sickness and in health, to be forever in your service, until death do us part.” And I remember ending it with that.

                I remember the kiss and all the other kisses that came after that. I remember her smile and all the other smiles until the last. I remember everything.

                Ibinalik ko na sa mesa ang framed wedding picture namin ng aking misis nang matapos ko itong punasan. Araw araw ko namang nakikita ang litratong ito pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsasawang tignan ito. Marahil ay dahil sa masayang pakiramdam na hatid ng masayang alaalang ito.

                Pagkababa ko ng litrato namin ng asawa ko, kinuha ko naman ang ipad air 2 na regalo sa akin ng anak kong si Gabbie. Kakarelease lang daw nito last week. At nakadownload na daw dito yung app na Spotify kung saan pwede akong making ng mga kanta. Binuksan ko naman ito at pinindot ‘yung playlist ko para sa pagwoworkout. Tutal, parang warm up ko na rin naman itong paglilinis ng bahay at nakasuot na ako ng aking workout clothes dahil deretso jogging na ako pagkatapos nito.

I stay out too late

Got nothing on brain

That’s what people say, mmm-mmm

That’s what people say, mmm-mmm

I go on too many dates

But I can’t make them stay

At least that’s what people say, mmm-mmm

That’s what people say, mmm-mmm

 But I keep cruising

Can’t stop, won’t stop moving

It’s like I got this music

In my mind

Saying that, “It’s gonna be alright.”

                Medyo nagulat ako nang biglang tumunog ito. Ang lakas pala ng volume. Pero hindi ko na hininaan. Ok na din yan para magising ang dugo ko. Bumalik na lang ako sa pagpupunas sa mga alikabok sa mga figurines at ibang display including framed pictures. At siyempre, di ko rin maiwasang medyo ikembot ang bewang ko. It’s a happy song.

‘Cause the players gonna play, play, play, play, play

And the haters gonna hate, hate, hate, hate, hate

Baby, I’m just gonna shake, shake, shake, shake, shake

I shake it off, I shake it off

                Medyo nag-eenjoy na ako sa pagkembot kembot sa tugtugin ni Taylor Swift at medyo pawis na din nang matapos ko ang house chores ko. Kung bakit kasi late ko na naisipang gamitin yung ipad air 2. Di bale na. Kinuha ko na lang yung iphone 5s na pinaglumaan ng apo kong si Verneice. Meron din ditong Spotify e. Sinalpak ko ‘yung earphones sa tainga ko at nagtungo na ako sa labas papunta sa malapit na park nang sa gayon ay makapag jogging ako.

                Espesyal ang park na ito sa buhay ko. Maraming mahahalaga at magagandang pangyayari sa buhay ko na naganap sa park na ito. Kung baga, may sentimental value na. Kaya nga, nakakatuwa na after all these years hindi pa rin nila inaalis itong park at imbes ay pinagaganda pa lalo.

                “Tatay! Good morning!” May kasama pa itong ngiti at pagkaway habang nilalagpasan niya ako. Ngiti at tango na lang ang naging tugon ko sakaniya. Si Gerald ang batang iyon. Madalas ko siyang makasabay sa pagjojogging dito tuwing umaga. Mabait na bata ‘yan. Parating nakangiti.

                Nakakatawa nga lang dahil sa bilis ng jogging niya at ng iba pang mga tao dito, nagmumukhang brisk walking ang takbo ko.

                Nakailang laps din ako sa jogging ko bago ako tuluyang napagod. Doon ako umupo sa paborito kong bench sa tabi ng isang malaking puno para makapagpahinga at para na rin umihip ng sariwang hangin.

                Nakaramdam ako ng uhaw kaya hinanap ko ‘yung water bottle ko para makainom. At napalo ko na lamang ang aking sariling noo nang maalala ko kung nasaan ito. At napailing sa sarili ko.

                “Ay! Nalimutan ko na namang dalhin. Napakaulyanin mo talaga, Gab Borromeo.”

                Sumandal na lamang ako sa inuupan kong bench. Ipinikit ko ang mga mata ko at nakinig na lamang sa kantang tumutugtog sa iphone 5s ko. Mamaya na lang ako iinom ng tubig. Makakapag-antay pa naman ito.

                “Ouch!” Napamulat ako at nakita ko ang isang batang babae sa may paanan ko. Mukhang nadapa siya.

                “Hija, ayos ka lang ba?” Tinulungan ko siyang tumayo at magpagpag. Napansin ko ang isang maliit na gasgas sa tuhod ng bata. Sasabihin ko na sana ito sakaniya kaya lang ay mukhang alam na rin naman niya.

                “Waaaaaaaaa! May gasgas legs ko! Ang panget ko na!” At nagsimula itong umiyak ng malakas. Napabuntonghininga na lang ako. Ganito din minsan ang mga apo ko. Sa katunayan, naging ganito din minsan ang dalawa kong anak na babae.

                “Apo, apo. Tahan ka na. Sige ka, mas lalo kang papangit pag di ka tumigil sa pag-iyak.” Mukhang ang salitang pangit ang keyword ng batang ito dahil bigla siyang tumigil. Although may luha pa din, hindi na siya ngumangawa.

                “Nakakapangit po ang pag-iyak?” Napangiti ako sa pagkakatanong niya. Napaka inosente.

                “Oo. Nakakapangit yun. Kaya smile ka na.” Parang pinag-isipan pa niya ng ilang segundo ang mga sinabi ko. Pero sa huli ay ngumiti din ito.

                “Pwede pong magtanong?” Malawak ang ngiti ng bata nang itanong niya ito.

                “Pwede naman. Anong itatanong mo, hija?” Humagikgik ang bata. Parang nagpipigil ng tawa.

                “Ano pong nasa gitna ng dagat?”

                “Mga isda. Malalaki at maliliit na isda.” Kumunot ang noo niya sa explanation ko at napailing.

                “Mali po kayo. Hindi po yun ang nasa gitna.” Seryoso ang mukha niya.

                “Bakit, apo? Ano bang nasa gitna ng dagat?” By this time, she was already smiling.

                “Edi letter G po! Ang tanda tanda niyo na di niyo pa po alam spelling ng dagat?” Natawa na lang ako. Makulit ang batang ito. Pilya.

                Umupo ang batang babae sa tabi ko. Hindi naman siya umiimik kaya sumandal na lang ako ulit at nagpatuloy sa pakikinig ko. Kaya lang, wala pa atang limang minuto nang tumunog ang cell phone ko.

                Si Gabbie.

                “Papa, baka mamayang gabi na pala kita mapuntahan. O kung hindi man, bukas ng umaga. E alam mo naman, gusto ni Verniece ako pa ang susundo sakaniya. Tapos kailangan ko pang bumalik ng ospital at may pasiyente ako. Basta, pupuntahan kita, ha? O siya, nagdadrive ako e. Love you! Bye!” Toot-toot!

                Napatingin na lang ako sa home screen ng cellphone ko. Ibinaba na niya ang tawag. Tulad ng dati, hindi na naman ako nakasalita. Tulad ng dati, ang ngayon ay nagiging bukas. Ang bukas, nagiging sa isang araw hanggang sa maging sa susunod na linggo na lang. Hindi na bago. Pero hindi ko rin naman masisi ang mga anak ko kung mukhang wala na silang panahon para sa akin. After all, hindi ko na lang sila mga anak ngayon. Sila mismo’y mga magulang at asawa na rin. May mga responsibilidad at tungkuling dapat gampanan.

                “May tumawag po sainyo? Bakit di po kayo nagsalita?” Napatingin ako sa batang babae sa tabi ko.

                “Oo. Anak ko. E marami siyang ginagawa, nagmamadali siya.” Biglang nanlaki ang mga mata ng batang babae nang marinig ang sinabi ko.

                “May anak na po kayo?” Parang gulat na gulat siya.

                “Apo, 70 years old na ako. Hindi lang mga anak ang meron ako, pati rin mga apo.” Agad namang nagbilang gamit ang kaniyang mga daliri ang batang babae. Medyo kumukunot pa ang noo niya habang nagbibilang.

                “Hmm… Ang dami naman po pala ng edad niyo. Hindi kayang bilangin ng daliri ko. Pero hindi po halata kasi mapogi po kayo e.” Napahagikgik pa ang batang babae. Hindi ko naman napigilang mapatawa. Pilya talaga ang batang ito.

                “E pwede pong magtanong?” Ngumiti ako sa bata at tumango.

                “Kung may anak na po kayo, edi may asawa din po kayo? Marami na din po ba ang edad niya?”

                “Hmm… Medyo. Pero hindi halata kasi maganda siya e.” Ngumiti ang bata sa sinabi ko.

                “E… Paano po kayo nagkakilala?”

                “Mahabang kwento, apo. Pero happy ever after naman ang ending.” Sumeryoso ang mukha ng bata na parang nag-iisip ito ng malalim. Ilang saglit din bago siya sumagot.

                “Hmm… Paano niyo po nasabi na happy ever after? Ending na po ba ng story niyo?” 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...