Chapter 1

10.2K 247 38
                                    

Sabi nila, katapusan na daw ng mundo noong taong 2012. Sabi nila, lalamunin ng dagat ang mga lupa. Magpapaulan ang mga bulkan ng lava sa buong kapaligiran. Lulubog at tataas ang mga lupa. Lahat ng klase ng sakuna ay magaganap. Sabi nila. Apparently, mali sila dahil lagpas na ng taong 2012 ang taong kasalukuyan at wala namang paglamon, pagpapaulan, paglubog at pagtaas na naganap.

                Pero tama din sila. Tama sila na magugunaw ang mundo. Hindi sa taong 2012 at lalong hindi dahil sa mga dagat, bulkan, lupa at sakuna. Pero magugunaw ito. At nagtapos nga ito.

                Kinuha ko ang isang litratong nakadisplay sa isa sa mga pasimano. Pinunasan ko ito para tanggalin ang mga alikabok. Nang matanggal ko na ang mga ito, mas naging malinaw ang litrato. Hindi ko napigilang mapangiti habang tinititigan ko ito.

                I remember being nervous that day. I’ve never been as nervous as I was. But that moment I saw her standing beside her father at the end of the aisle? Nawala ang kaba ko and instead, my heart was filled with joy and gratefulness. Because I came to realize that the woman at the end of the aisle, that beautiful woman, is mine.

                “I, Gabriel Marco Borromeo, take you, Niobe Sharmaine Alcaraz…” I remember starting my vows with those words. I remember pausing for a while to breathe in some air because not even my lungs can keep up with the feeling that’s overwhelming me.

                “…in sickness and in health, to be forever in your service, until death do us part.” And I remember ending it with that.

                I remember the kiss and all the other kisses that came after that. I remember her smile and all the other smiles until the last. I remember everything.

                Ibinalik ko na sa mesa ang framed wedding picture namin ng aking misis nang matapos ko itong punasan. Araw araw ko namang nakikita ang litratong ito pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsasawang tignan ito. Marahil ay dahil sa masayang pakiramdam na hatid ng masayang alaalang ito.

                Pagkababa ko ng litrato namin ng asawa ko, kinuha ko naman ang ipad air 2 na regalo sa akin ng anak kong si Gabbie. Kakarelease lang daw nito last week. At nakadownload na daw dito yung app na Spotify kung saan pwede akong making ng mga kanta. Binuksan ko naman ito at pinindot ‘yung playlist ko para sa pagwoworkout. Tutal, parang warm up ko na rin naman itong paglilinis ng bahay at nakasuot na ako ng aking workout clothes dahil deretso jogging na ako pagkatapos nito.

I stay out too late

Got nothing on brain

That’s what people say, mmm-mmm

That’s what people say, mmm-mmm

I go on too many dates

But I can’t make them stay

At least that’s what people say, mmm-mmm

That’s what people say, mmm-mmm

 But I keep cruising

Can’t stop, won’t stop moving

It’s like I got this music

In my mind

Saying that, “It’s gonna be alright.”

                Medyo nagulat ako nang biglang tumunog ito. Ang lakas pala ng volume. Pero hindi ko na hininaan. Ok na din yan para magising ang dugo ko. Bumalik na lang ako sa pagpupunas sa mga alikabok sa mga figurines at ibang display including framed pictures. At siyempre, di ko rin maiwasang medyo ikembot ang bewang ko. It’s a happy song.

The Last StepWo Geschichten leben. Entdecke jetzt