MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET...

By DEMGEL_28

130K 5.2K 203

(COMPLETED) √Ms.Makulit Na Misteryoso Meet Mr.Masungit Book 1 Babaeng masekreto pero mapagmahal at handang m... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 22

2.2K 83 8
By DEMGEL_28

ANGELA'S POV

*AFTER 1 YEAR*

Isang taon na... Isang taon na ang nakalipas pero walang Jk, Zayn, at DSG ang nagparamdam. Walang text o tawag kahit isa. Dumaan ang friend-sary at birthday namin nang wala sya... Wala sila. Walang balita sa kanila, hindi sila mahanap ng lolo ni Jk. Tumulong na din ang SG, Kings at mga magulang namin pero wala kaming nahita.

At ngayon nga ay 18th birthday na naman namin ngayon. Nandito pa kami sa campus pero hindi ko alam kung nasan ang iba. Ako lang ang mag-isa dito sa garden. Simula ng umalis sila Jk ay balik casanova sina Jake, Khy at Rence.

"Ang lalim ng iniisip mo, Monchie.... Pwede mong sabihin sakin?!" sabi ni Christian na tumabi sakin sa pagkakaupo. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit kaya napa iling sya. Boyfriend ko na sya nung araw ng birthday namin kaya first anniversary din namin ngayon. Ganun din naman sila Lj, same din samin ni Christian kaya mas masaya dahil marami kami ang mag se-celebrate.

"Iniisip ko lang sila, kung ok lang ba sila? Ano kayang ginagawa nila? Kumakain ba ng maayos si Jk? Naiisip nya kaya kami? Uuwi pa kaya sila?... O ... Kung may balak pa ba silang umuwi dito?" tanong ko at ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mata ko.

"Sabi nyo babalik sya diba? Tyaka I'm sure na laging busog si Jk dahil hindi sya pababayaan ng DSG lalo na si Zayn!" sabi nya habang hinahagod ang likod ko.

"H-hindi k-kasi ako s-sanay na m-malayo si Jk s-sa'min!" sabi ko na lumuluha na.

"Shhhh tama na, hindi gusto ni Jk na malungkot kayo lalo na ngayon na birthday nyo!" sabi nya

"HOY KAYONG DALAWA, TARA NA!" sigaw ni Khy kaya sabay kami ni Christian na napatingin sa kanya at sa kasama nyang babae ng kaakbay nya. Friday na ngayon kaya ma-swerteng walang pasok kinabukasan dahil siguradong maglalasing na naman kami tulad nung nakaraang birthday at friend-sary namin.

"SIGE!!" balik na sigaw ni Christian saka tumayo. "Tara na?" nakalahad nyang sabi sakin na agad ko namang tinanggap. Naglakad kami palabas ng garden nang magkahawak kamay hanggang parking lot. Hindi na kami nagdadala pa ng kotse dahil sinusundo kami nina Christian.




THIRD PERSON'S POV

Nasa venue na ang lahat ng mga bisita ng apat na debutant at dapat ay masaya silang apat pero mga naka busangot ang kanilang mga mukha. Napag-usapan nilang apat na sa resort nalang ni Jk ganapin ang debut nila na pinayagan din naman ng kanilang mga magulang. Malawak ang venue kaya hindi nagsisikipan ang mga tao na halos ilang libo ang dumalo dahil sa lawak ng koneksyon nila lalo na sa larangan ng negosyo.

Nasa dressing room silang apat ngayon habang inaayusan ng mga babae. Naka suot ng kulay dilaw na gown si Angela at high heels na kulay puti. Si Lj ay kulay maroon ang kulay ng gown na suot at high heels na kulay pula, si Aj ay naka purple na gown at ganun din at heels. At si Aless naman ay naka pink na gown ganun din ang heels. Ang gown na suot nila ay palobo at kumikinang kapag naiilawan. Naka bilog pareho ang kanilang mga buhok na naka terentas, may koronang silver at pantakip sa kamay na kulay puti at hanggang braso. Silang apat ay mga nagmumukhang prinsesa at sobrang ganda nila kahit light make-up lang. Hindi rin naman nagtagal ang pag-aayos sa kanila at saktong pag-alis ng mga babaeng nag-ayos sa kanila ay ang pagpasok ng magulang nila na mga nakangiti.

"Wow, ang gaganda nyo lalo!" manghang sabi ng ama ni Aless.

"ThanksX tito/ Thanks, dad!" sabay na sabi ng apat at pilit na ngumiti.

"Mga anak, wag nyo munang isipin na wala si Jk dito... Dapat masaya kayo dahil araw nyo 'to ngayon! I'm sure nagpapagaling pa din si Jk!" sabi ng ina ni Lj sa kanila.

"Malay nyo dumating sya ngayon diba?!" sabi ng ama ni Angela.

"Sana nga po!" malungkot na sabi ng apat.

"Cheer up girls, hinihintay na kayo ng mga bisita so be ready!" sabi ng ina ni Aj na ikinatango ng apat. Inalalayan sila ng magulang nila sa paglalakad hanggang sa pag-akyat ng stage.

Nagsi palakpakan ang lahat na tumayo at masaya nang makita ang apat.

"Good evening ladies at gentlemen, now let's listen for the speech of our four debutants!" masayang sabi ng mc at binigayan ng mic ang apat.

"Ahm good evening everyone?! Thank you for coming tonight! Sa parents and friends ko, thank you sa pag-intindi, pagmamahal, advice, sacrifice at sa lahat-lahat! At sa isang taong wala dito ngayon... Sana... Sana dumating ka!... Bumalik kana please?!" sabi ni Angela na muntik nang maluha sa huling sinabi.

"Tulad nga po ng sabi ni Angela, thank you and hope you enjoy!" sabi lang ni Lj

"Thank you po sa pagpunta ngayon... Pero mas masaya sana kung nandito sila Jk!" sabi ni Aj

"Wala na po akong sasabihin pa dahil na sabi na nila pero... Please kung sino man po ang nakakaalam kung nasaan sila Jk ngayon sabihin nyo na! Yun lang po ang hiling namin!" desperadang sabi ni Aless na naluha na pati ang tatlo. Naawa ang lahat lalo na ang pamilya at mga kaibigan nila dahil sa sinabi ng apat at nakikita sa kanila.

"Happy 18th birthday sa apat naming prinsesa, sorry kung ngayon lang kami!" biglang napatingin ang lahat sa entrance ng may malakas na tinig ng lalaki ang nagsalita.

"Z-Zayn!" usal ng apat ng makita si Zayn na msy hawak na mic at sa likod nito ay ang DSG.

"Kami nga!" sabi ni Cj at napatayo ang lahat ng makompirmang sila Zayn nga ang dumating.

"Asan si Jk?" tanong ni Lj gamit ang mic para magkarinigan sila.

"Pinapasabi nyang happy birthday at pasensya na dahil hindi sya makakapunta!" sabi ni Zayn na mapait na ngumiti.

"A-ah let's start the party,  guys!" awkward na sabi ng mc. Nagsimula na nga ang party ng apat habang ang DSG at si Zayn ay lumapit sa mga kaibigan.

Nasa iisang table lang sila pero hindi sila nag-uusap. Samantalang excited ang apat na matapos ang part para makausap na ang mga kaibigan na kadadating lang.




CJ'S POV

Nandito na kami ngayon sa mansyon nila Jk kasama ang mga Kings. Nakaupo kami sa sofa at magkaharap-harap pero walang may nagsasalita.

"Kailan pa kayo dumating?" basag ni Jace sa katahimikan.

"Kanina lang din, saktong papagabi na! Pero dumeretso kaagad kami sa venue ng debut ng apat!" sabi ni Zayn

"Anong ginawa nyo nung malaman nyo na umalis kami?" tanong ni Froi

"Hinanap kayo syempre... Marami kaming naghanap sa inyo pero hindi namin kayo mahagilap! Itong sina Jace, at ang kambal halos patayin ang mga taong inutusan na mag-imbestiga sa ibang bansa ng walang malaman tungkol sa inyo!" sabi ni Althea

"Bakit nga ba ngayon lang kayo? Saan ba kayo nagpunta?" tanong ni Jack

"Pwede bang bukas nalang tayo mag-usap? Inaantok na kasi kami eh, wala pa kaming tulog simula kanina!" sabi ko at humikab

"Sige, gabi na din kasi eh!" sang-ayon ni Angela

"Dito nalang kayo matulog lahat, maraming kwarto ang bakante... Kayo nalang bahala kung sa'n nyo gusto!" sabi ni Lj at nagsipagtayuan na kami at naghanap ng kwarto.

*KINABUKASAN*

*BOOOGGHHHSS*BOOOGGHHHSS*

Nagising ako dahil sa lakas ng kalabog sa labas ng kwarto na tinulugan ko. Bumangon ako at pikit matang naglakad sa pinto saka binuksan.

"Hindi na nga katok ang ginawa mo binato mo pa ako ng damit!" reklamo ko ng masapol ako sa mukha ng damit.

"Pfft sorry, tol... Pinapasabi ni Angela na bumaba ka kaagad para makapag-usap na!" sabi ni Fred na tinanguan ko lang at sinarhan sya ng pinto. Pumasok akong banyo saka naligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong bumaba ng sala.

"Yown bumaba na din!" sabi ni Jade na boses lalaki. Napahinto ako at tumingin sa kanya na nagtataka.

'Bakit hindi sya boses bakla?'

"Uy, ano tulala ka nalang dyan?" sabi ni Edd kaya napatingin ako sa kanya at sa iba.

"Sabi ko nga uupo na!" sabi ko at naupo sa tabi nila na kaharap sila Angela, Kings, Lyra, at SG.

"Saan ba kayo nagpunta at ngayon lang kayo?" taas kilay na tanong ni Kate.

"Sa States!" maingat na sagot ni Dan.

"Bakit hindi nyo manlang sinabi sa'min? Tapos wala pa kayong text o tawag kahit isa man lang! Hindi din kayo nag re-reply sa mga texts namin at hindi nyo sinasagot ang mga tawag namin!" sabi ni Angela

"Sorry, bawal kasi ang gadjet sa pinuntahan namin!" sabi ni Edd

Marami pa silang tinanong na maingat naming sinasagot. Pasalamat nalang kami na hindi sila nagtanong tungkol kay Jk. Hindi namin alam kung pa'no sasabihin o ipapaliwanag sa kanila ang nangyari. Hirap na hirap kaming anim at mas lalo kaming nahihirapan kapag naiisip namin na kailangang malaman nila ang totoo lalo na ng pamilya ni Jk. Pero natatakot kami sa posible nilang gawin. Alam naming hindi din magtatagal at magtatanong sila tungkol kay Jk. At kapag dumating ang oras na yun, parang gusto ko nalang maglaho bigla.



SOMEONE'S POV

"Ano nang balita?" tanong ko sa inutusan ko.

"Nakita na po namin ang pinapahanap nyo, nasa Arena po sya at Dark ang pangalan na sinabi nya!" sabi nya kaya napa ngisi ako at ramdam kong ganun din ang mga myembro ng organisasyon.

"Ngayong alam na natin kung nasan ang bata?! Babalik na ba tayo ng Pilipinas?" tanong ng ikaapat

"Hindi pa sa ngayon, may nalaman ako na nasa Pilipinas ang CO at hindi pwedeng malaman nila ang pagbabalik natin dahil makikialam sila sa mga plano natin!" sabi ko

"Nahuli ang kapatid mo Queen, wala ka bang balak na iligtas sya at ang pinsan mo?" tanong ng ikalima

"Wag muna tayong mag padalos-dalos, siguradong may plano ang batang iyon kapag tinangka nating iligtas ang kapatid at pinsan ko... Sa ngayon ay tayo muna ang mamamahala sa organisasyon nila!" sabi ko

"Malaking tulong ang organisasyon ng kapatid mo dahil marami syang tauhan, armas at pera!" sabi ng ikasampo.

"Matinik ang batang babanggain natin kaya dapat tayong maghanda!" sabi ng ikawalo

"Tama po ang sinabi ninyo na wala syang kasarian, at magaling sya dahil nagawa nyang patayin ang ibang tauhan ng iyong kapatid ng walang may nakakapansin!" sabi ng inutusan ko

"Malalaman din natin ang sekreto ng batang yun... At sa oras na dumating yun ay agad akong mag-iisip ng plano kung paano sya patayin!" sabi ko

"Magagamit natin ang anak mo, Queen!" sabi ng ikauna

"Tama ka, pero siguradong iba ang inaatupag nya ngayon!" sabi ko

"Nawawala ang isang anak ng mga Dela Vega!" sabi ng ikaanim kaya napatingin kami sa kanya. "Ang sabi ng tauhan ko ay may sumaksak dito at dinala sa ospital pero walang may nakakaalam kung asan sya ngayon!" sabi nya pa

"Sino sa mga anak nila?" tanong ko

"Ang bunsong anak nila... At siguradong patay na ang batang iyon dahil may lason ang kutsilyong ginamit sa kanya!" sabi nito na ikina gulat ko.

"Ano naman ang dahilan para patayin ang isang batang walang alam sa mundo natin?" tanong ng ikalabing isa.

"Selos!" maikling sagot ng ikaanim.

"May balita bang may señor ang mga Dela Vega?" tanong ko

"Wala... Lagi ang señor ng mga Young lamang!" sagot ng ikapito

"Hindi kaya patay na nga talaga ang señor nila?" sabi ng ikalawa

"Imposible, wala akong nabalitaan kung totoo ang sinabi mo!" sabi ng ikalima

"Ituloy ang pagmamanman sa kanila, wag kayong titigil hanggat hindi nakikita ang señor nila!" sabi ko at tumayo saka sila tinalikuran.

Mahahanap din kita señor ng mga Dela Vega. At isusunod kita sa apo mo na kawawa lang dahil nadamay ng dahil sa inyo.



CJ'S POV

"Asan nga pala si Jk?" maya-mayang tanong ni Angela at nagkatinginan kaming anim.

"Hindi namin alam kung paano sasabihin sa inyo pero kailangan nyong malaman ang totoo tungkol sa kanya!" sabi ni Zayn na mapait na ngumiti

"Bakit? Anong tungkol sa kanya?" kinakabahang tanong ni Lyra.

"Buhay pa naman sya diba?" tanong ni Althea

"Nung dinala namin sya sa States para doon ipagamot... 30% lang ang chance para mabuhay sya!" sabi ni Dan

"Paanong 30% percent eh nasaksak lang naman sya?" takang tanong ni Lj

"May lason ang ginamit na panaksak sa kanya... Hindi na nag fu-function ang katawan nya! Hindi kinakaya ng katawan nya ang gamot na binibigay sa kanya!" sabi ni Edd at nagsimula nang umiyak ang mga babae habang ang mga lalaki ay nakikinig.

"Kaya hindi kami nakapag text o tawag sa inyo eh dahil kailangan naming bantayan at hanapan ng gamot si Jk!... Hindi kasi kaya ng doctor na gamutin si Jk kaya naghanap kami ng bago at kayang-kaya syang gamutin! Pero habang tumatagal na hindi kami nakakahanap mas bumibigay ang katawan nya... Hanggang sa dumating sa punto na hindi na nya kinaya!" sabi ko

K
A
T
A
H
I
M
I
K
A
N

"But thanks to God dahil nakahanap kami ng doctor at agad na inasikaso si Jk!... Pasalamat nalang din kami na hindi sumuko si Jk!" sabi ni Fred na nakapagpatigil sa pag-iyak ng mga babae at napalitan ng pag-asa ang lahat.

"Hindi makapaniwala ang doctor na nabuhay pa si Jk!... Hindi lang daw kasi basta-basta ang lason sa katawan nya. Unti-uting kumakalat ang lason na yun sa katawan at pinapatay ang lahat ng organs ng tao!" sabi ni Froi

"She's now ok, right? She's still alive?!" sabi ni Jace na nginitian namin nang mapait.

"WAAAAAAAAAAAAAAH!!" sabay-sabay kaming napatayo sa kinauupuan at tumingin sa pangalawang palapag. Tumatakbong bumaba ang taong hinihintay namin habang sumisigaw.

"Anong nangyari?" agad na tanong ni Edd na nag-aalala.

"Wala praktis lang!" sagot ni Jk

"Loko-loko ka kahit kailan!" naka ngiting sabi ni Zayn.

"Waaaahhh, Jk!" umiiyak na sabi ni Aless na tumakbo papunta kay Jk at dinamba ng yakap.

Lahat ng mga babae ay lumapit sa kanya at isa-isa syang niyakap habang umiiyak. Gan'on din ang ginawa ng SG na masayang-masaya.

"Huhuhu, buhay ka!" sabi ni Kath

"Huhuhu hindi, patay ako!" pilosopong sabi ni Jk pero imbes na mainis o magalit sila eh niyakap lang nila ulit ito.

"Bakit kayo umalis ng bansa, huh?" tanong ni Aj

"Kailangan eh!" kibit balikat na sabi ni Jk.

"Bakit hindi kayo nagpaalam ng personal?" tanong ni Lyra

"Baka gusto nyong paupuin muna ako?" sarkastikong sabi ni Jk kaya napakamot sa ulo ang mga babae at natawa naman kaming mga lalaki.

"Ah sige upo muna tayo!" sabi ni Aless na iminuwestra ang sofa.

Naupo si Jk sa tabi ko at ni Zayn habang sila Angela ay bumalik sa upuan kanina.

"So bakit nga hindi kayo nagpaalam ng personal?" tanong ni Aj

"Baka mamatay na si Jk kung magpapaalam kami ng personal... Alam naming marami kayong itatanong pag nagkataon!" sabi ko

"Wow huh, nagawa nyo pa ngang kuhanin ang ibang gamit ni Jk eh!" sarkastikong sabi ni Angela kaya napakamot kami sa ulo at batok.

"Eh nagpumilit kasi 'tong si Jk eh!" turo ni Edd kay Jk na naka yuko.

"Ang tagal nyong nawala!" naka ngusong sabi ni Althea.

"Isang taon lang eh!" sabi ni Jk pagkaangat nya ng ulo.

"Lang? 'Lang' para sayo ang isang taon? Uy, Jk, halos suyurin namin ang buong mundo para lang makita ka tapos 'lang' para sayo ang isang taon? Eh halos pumatay na ng tao ang mga kuya, papa, at itong sina Jace para lang mahanap ka!" sabi ni Kate na may tono ng panunumbat.

"Parang nagbago na kayo!" usal ni Jk

"Marami nang nagbago simula ng umalis ka!" sabi ni Rence na mapait na ngumiti.

"Kasalanan ko, pasensya na!" nakayukong sabi ni Jk.

"Hindi mo kasalanan, ang mga taong sumaksak sayo ang may kasalanan!" tiim bagang na sabi ni Jace habang naka kuyom ang mga kamay.

"Nakakalungkot na nilalayuan mo kami!" sabi ni Jake kaya napatingin kami sa kanila.

"Bakit nga ba nilalayuan mo kami?" tanong ni Khy

"May hinala kasi kaming kayo ang dahilan kaya may nagbabanta sa buhay nya!" sabi ni Zayn na syang sumagot. Mukha kasing walang balak si Jk na magpaliwanag.

"Paano kayo nakakasigurong kami nga ang dahilan?" agad na tanong ni Mark

"Simula ng mapalapit kayo kina Jk ay nagsimula din ang pagpapadala ng death threats sa kanya!" sabi ko

"Ibig sabihin babae ang nagbabanta sa kanya?" tanong ni Christian na tinanguan namin.

"Correction, 'mga' babae!" sabi ni Angela

"Pero bakit habang buhay? Hindi ba pwedeng weeks o months lang?" sabi ni Jake na nginitian ni Jk.

"Walang may makakapagsabi kung hanggang kailan ako titigilan ng mga taong may gusto sa inyo!" sabi ni Jk

"Tyaka para makasiguradong hindi na sya bantaan ng mga babae!" sabi ni Aj na naka'y Jk ang tingin.

"Ang gusto ko ay ingatan at protektahan nyo ang mga kaibigan ko... Ayaw kong pati sila ay madamay dahil paniguradong may mga babaeng desperada na makuha kayo!" sabi ni Jk na ikina seryoso ng lahat. "Wag nyo sanang sayangin ang sakripisyong ginawa ko para hindi sila madamay!" malumanay na sabi ni Jk habang palihim na hinawakan ang dibdib na kunware ay hinawakan nya lang ang damit nya. Bigla kong hinawakan ang likod nya kaya napatingin sya sakin at ngumiti. "Ok lang ako!" bulong nya saka tumingin ulit sa mga kaibigan namin.

"Hindi namin sasayangin ang sakripisyo mo... Pero sana wag mo kaming layuan, naging importante ka na din sa'min, Jk!" sabi ni Reymond

"Pasensya na!" sabi lang ni Jk habang naka ngiti.

"Hindi pwede!" sabi ni Rence kaya napatingin kami sa kanya.

"Walang lalayo, walang lalayuan!" sabi ni Lance "Puprotektahan namin kayo sa mga taong nagbabanta sa inyo, sayo, Jk... Wag mo lang kami layuan!" dugtong ni Lance

"Pero hindi nyo alam kung sino ang nagbabanta sakin... Maski ako hindi ko rin alam!" sabi ni Jk na nakapag patahimik samin. "Maging kuntento nalang kayo at ako sa kung ano ang gagawin... Wag nang ipilit ang gusto dahil may madadamay at yun ang iniiwasan kong mangyari!" si Jk

"May ilang araw pa para makasama nyo si Jk!" sabi ko

"May ilang araw? Bakit kailangang sundin nyo ang sinasabi o pinaparating ng mga babaeng yun? Hindi naman tayo nakakasigurong kaya nilang gawin ang pumatay dahil hanggang banta lang naman sila diba?!" kunot noong sabi ni Khy

"Napatay nila ang nanay Rita ko!" sabi ni Jk na ikinagulat ng mga Kings. "Remember sa boracay na may nagpadala ng death threat na pugot ulo? Nanay Rita ko yun!" sabi nya

"P-paanong... Pa'no mo nalaman?" tanong ni Mark

"Sinabi sakin nina Angela!" sagot ni Jk

"Pero ayaw naming iwasan mo kami!" sabi ni Jake

"Ah a-ano g-gutom na a-ako!" utal na sabi ni Jk na tumayo at aalis na sana pero...

"Upo!" utos ni Vince na cold parin kaya dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo si Jk. "Now speak!" utos ulit ni Vince

"Isipin nyo nalang na bully nyo parin ako tulad ng dati... Kalimutan nyo naging kaibigan nyo ako!... Please, ngayon lang ako makikiusap sa inyo!" explain ni Jk

"Sa tingin mo gan'on lang kadali yun? Bulihin ka nang walang dahilan? Iwasan ka na parang hangin?" seryosong sabi ni Khy.

"Marami kayong dahilan para awayin nyo ulit ako!" sabi ni Jk na ikinataka naming lahat. "Pinagsasapak ko ang mga babae nyo n'ong debut nila Angela! Sinira ko ang mga side mirror ng kotse nyo! Pinakialamn ang mga laman ng kotse nyo at marami pang iba... Funny, right? But it's true!" sabi ni Jk

"Evidence?" taas kilay na tanong ni Vlad sa malamig na tono.

"Makikita nyo pag-uwi nyo!" taas noong sabi ni Jk.

"Pa'no ka nakapasok sa bahay namin eh maraming guard ang nasa loob nun?" tanong ni Reymark

"Tinurukan ko sila ng pampatulog!" sabi ni Jk na ikinatahimik namin. "Kain na ako!" sabi nya pa na tumayo at pumasok sa kusina.

"Ganyan na ba sya ka desperada para masunod ang gusto nya?" tulalang sabi ni Reymond.

"Para walang may mapahamak at madamay?... Oo!" sabi ni Zayn

"Eh pa'no kung ayaw parin namin gawin ang sinabi nya?" tanong ni Khy

"Edi gagawa na naman sya ng plano!" sabi ko

"So should we do what she said?" tanong ni Lance

"Depende sa inyo yan... d
Desisyon nyo na yun kung gagawin nyo ang sinabi nya o magmatigas hanggang sa magsawa syang ipagtabuyan kayo!" sabi ni Zayn

"Bakit nga ba ayaw nyong iwasan si Jk?" tanong ni Pressy

"Mahalaga na rin sya para sa'min!" sabi ni Rence

"Kung tutuusin madali lang ang pinapagawa nya!" sabi ni Zayn na agad namang sinamaan ng mga Kings.

"Nasasabi mo lang yan dahil hindi ikaw ang nasa lagay namin!" sabi ni Jake na masama ang tingin kay Zayn.

"Kung ako ang nasa lagay nyo eh gagawin ko ang gusto nya... Para rin naman sa kanya ang gagawin nyo... h
Hindi sya mapapahamak... Hindi malalagay sa panganib ang buhay nya!" sabi ni Zayn

"Sorry but not sorry, we're not going tl stay away from her... We were stay still on her.... 'She will stay still on our side'!" matigas na sabi ni Vince

"Konting-konti nalang talaga, iisipin ko na may gusto kayo sa prinsesa namin!" naka ngising sabi ni Zayn.

"So what kung gan'on nga?" mataray na tanong ni Kath.

"Hindi pwedeng magkipag relasyon si Jk hanggat hindi pinapayagan ng lolo nya!" naka ngising sabi ni Zayn

"Tama sya!" sang-ayon ni Angela.

"Eh bakit si Claire?" takang tanong ni Lyra.

"Hindi naman sya pinagbabawalan, si Jk lang talaga!" sabi ni Lj

"Ang strict naman ng lolo nya!" naka ngiwing sabi ni Jake.

"Gan'on talaga sila kay Jk... Nag-iisang babae kasi!" sabi ni Kate

"Si Claire ba hindi?" sarkastikong sabi ni Khy.

"Dela Vega lang ang dugo na nananalaytay sa kanya... Kahit sabihin nating mas makapangyarihan sila kaysa sa mga Young. Si Jk parin ang pinaka importante sa kanila dahil si Jk ang kauna-unahang babae sa dalawang pamilya!" sabi ni Lj

"Bakit nyo sinabi sa kanila?" nanlalaki ang matang sabi ko.

"Don't worry, alam namin ang totoo... Sinabi na sa'min ng kambal!" sabi ni Rence

"Mga iho, iha... Kumain na daw kayo!" sabi ni nanay Mel kaya naputol ang usapan namin.

Tumayo kami at sabay-sabay na pumuntang dining. Nadatnan namin si Jk na kumakain habang naka patong ang isang paa sa upuan at naka kamay lang. Napatingin sya samin at umayos ng upo saka tumayo.

"Tapos na ako!" sabi nya at dali-daling lumabas gamit ang isang pinto.

"Anong nangyari dun?" takang tanong ni Althea.

"Iwan!" kibit balikat na sabi ni Prince

"Damn it... I can't take this anymore!" sabi ni Vlad at lumabas ng dining.

"Saan naman ang punta ng isang yun?" tanong ni Kate

"Baka uuwi na?!" sabi ni Mark

"Kumain na tayo!" sabi ni Dan at naupo kami s
isa-isa sa upuan.

Habang kumakain kami eh nag-uusap din kami tungkol sa nangyari kay Jk at samin. Ang totoo ay wala nang balak bumalik pa si Jk dito pero nahanap sya ng lolo nya at pinababalik. Balak nya pa sanang tumakas ulit pero binantaan sya ng lolo nya at sinabing kailangan naming bumalik dito dahil dadating ang lolo nya sa side ng papa nya. At dahil takot kami sa lolo nya kahit hindi pa namin ito nakikita eh nagpa book kaagad kami ng ticket pauwi dito.

Kahit hindi pa tuluyang magaling si Jk ay umuwi sya. Ayaw pa sana namin kaya lang ginamit nya ang lolo nya kaya napapayag nya kami. May gamot naman na pinadala ang doctor nya na sa ibang bansa lang meron. May natitirang lason pa sa katawan ni Jk na hindi pa natutunaw ng gamot. At delikado sya dahil malapit sa puso nya ang lason. Kinakabahan kami sa tuwing hahawakan nya ang dibdib nya at pipisil-pisilin o hihilutin. Kapag tinatanong namin sya sinasabi nya na ok lang sya.

Hindi namin alam kung pa'no sasabihin sa mga kaibigan namin at pamilya nya ang tungkol sa lason. Ayaw din ni Jk na ipaalam dahil ayaw nyang mag-alala ang mga ito. Binalaan din kami ng doctor na sa oras na matigil ang pag-inom nya ng gamot at maslalala ang lagay ni Jk at kakalat ulit ang lason. Nahihirapan kami sa sitwasyon nya ngayon dahil hindi kami pwedeng magdala ng maraming gamot dito na galing ibang bansa. Matatagalan pa bago pumayag ang embassy dahil sa mga prosesong gagawin nila sa gamot. Naiintindihan naman namin sila dahil laganap din ngayon ang problema sa druga. Konting gamot lang ang meron kami para kay Jk at hindi namin alam kung hanggang kailan pa kakayanin ng gamot na dala namin. Inaantay parin namin ang tawag ng embassy para malaman kung kailan namin makukuha ang gamot. Sa ngayon ay naghihintay parin kami at umaasang mapapadali ang prosesong ginagawa. At sana ay gumaling na si Jk dahil hanggat hindi natutunaw ang lason sa katawan nya ay hindi namin maiwawala ang pag-aalala sa kanya.




JK'S POV

Umalis kaagad ako ng kusina ng dumating sila Angela kasama ang DSG, SG, Zayn at Kings. Ayaw ko munang makausap ang mga Kings dahil hindi pa ako sigurado kung titigilan na ako ng nagbabanta sakin.

Pumunta akong terrace sa second floor para magpahangin. Namiss ko ang Pilipinas, pamilya ko, mga kaibigan, at si Sungit--- ay kingina pasmado bi ig ko. Wait! ANO? AKO? NAMISS SYA? NO WAY WALA AKONG SINABING GAN'ON! WALA TALAGA PROMISE!

"Kulit" napa pitlag ako ng may tumabi sakin at nagsalita.

"S-sungit" mahinang sabi ko ng tignan ko ang taong tumabi sakin.

"Why are you doing this?" tanong nya na hindi sakin nakatingin.

"Anong ibig mong sabihin?" maang-maangan ko.

"Don't ask, cause I know you know what I mean" sabi nya

"Ilang beses ko nang sinabi sa inyo ang dahilan diba?! Kaya gawin nyo nalang" sabi ko

"We don't want to do it... I don't want to do it" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya na gulat at mas nagulat at napaatras pa ng konti dahil nakatingin din sya sakin.

"Bakit?" tanong ko na pinilit na wag mautal.

"Because I like you... I mean, I love you" sabi nya na ikinalaki ng mata ko. "Can I court you?" tanong nya ng hindi ako makapag salita. "I don't accept no for my question" dugtong pa nya

"Hindi pwede" agad kong sabi

"I told you, I don't accept no! So whether you like it or not 'I will court you'!" sabi nya na diniin ang huling sinabi.

"Dapat talaga hindi nalang ako bumalik" bulong ko na iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Mahahanap at mahahanap kita, kahit saan ka pa magtago" purong tagalog nyang sabi.

"Hindi nga kasi pwede" sabi ko na nagpandyak ng paa.

"But it's fine to me" ngising sabi nya

"Nababaliw ka na ba?" kunot noong tanong ko

"To you? Hmmmm 'yes'!" sabi nya na inilapit ang mukha sakin kaya napa atras ako.

"Iwan ko sayo" sabi ko at dali-daling umalis at papunta nang kwarto.

"Hahaha you're blushing" rinig kong sabi nya kaya mas dinalian ko pa ang paglalakad.

Agad akong sumalampak sa kama ko at pinagsusuntok ang unan.

"Changina, kinikilig ba ako?" tanong ko sa sarili ko habang nasa kisame nakatingin. "Hindi, hindix hindi, hindi pwede, Jk... Pigilan mo ang nararamdaman mo hanggat maaga pa" sabi ko habang sinasampal-sampal ang magkabilang pisnge.

At dahil nga sa nalibang ako sa pakikipag-usap sa sarili ko eh hindi ko na namalayan na may tumatawag pala sa cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ng mag ring ulit at sinagot nang hindi tinitignan ang tumawag.

"Hello?" tanong ko

"...." pero walang may nagsalita

"Hello?" tanong ko ulit pero wala paring may nagsalita kaya kumunot na ang noo ko... "Papatayin ko na 'to kung hindi ka magsasalita" sabi ko at hindi naman sumagot ang tao na tumawag kaya pinatay ko ang tawag at bumangon.

"Jk, nandito ang kuya Acere mo" sabi ni Lyra sa labas ng kwarto ko.

"Bababa na" sabi ko habang inaayos ang suot kong salamin saka lumabas ng kwarto at bumaba.

Nadatnan ko si kuya na kausap sila Angela, DSG, SG at Zayn. Siguro umuwi na ang mga Kings dahil may pasok na bukas at first day ko kasama ang DSG at si Zayn sa NFU bukas.

"Oh nandito na si Jk" sabi ni Kath ng mapatingin sya sa gawi ko.

"Ay wala pa ako, nasa kwarto pa ako at naliligo" pamimilosopo ko sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Alam mo?! Wala ka paring pinagbago" inis na sabi nya

"Alam ko at dapat ba na magbago ako?" tanong ko din

"No! Wala kang babaguhin... Pero pwede din namang bawas-bawasan mo ang pagiging pilosopo" sabi ni Arjay

"Teka lang ha?! Kukunin ko muna ang kapatid ko" singit ni kuya Acere na tumayo.

"Alis muna ako" paalam ko na tinaguan nila.

"Balik ka ah" pahabol ni Angela ng hilain ako ni kuya palabas ng bahay.

"Sakay" utos ni kuya na pinagbuksan ako ng pinto. Agad akong sumakay kaya sinara nya ang pinto at umikot sa drivers seat.

"Bakit kailangan pa sa bahay nyo ako kakausapin?" tanong ko habang nasa byahe.

"Pa'no mo nalaman na sa bahay kita dadalhin eh wala naman akong sinabi sayo?" tanong nya

"Kabisado ko na ang ugali nyo, kaya alam ko" sabi ko na ikina ngiti nya kahit nasa daan ang tingin nya.

"Kilalang-kilala mo talaga kami" sabi nya

"Sobra" sabi ko

"Marami kang dapat ipaliwanag samin" sabi nya

"Ang makakaya ko lang" biro ko kaya natawa sya ng bahagya.

Matapos ang ilang minuto na byahe, nakarating kami sa mansyon nila. Pinarada nya ang kotse at sabay kaming bumaba.

"Nandito po ba si Claire?" tanong ko habang papasok kami.

"Wala, may lakad sya kasama ang mga kaibigan nya" sabi nya

"Girlfriend nyo na ba sila Janine at Andrea?" nahihiyang tanong ko.

"Yup! At sobrang saya namin pareho ni kambal" nakangiting sabi nya kaya ngumiti ako. Hindi ko na kailangang pilitin ang ngumiti dahil yun naman talaga ako.

"SNLY" sabi ko na ikina kunot ng noo nya.

"Anong ibig sabihin nun?" tanong nya

"Stay, Now, Love, You" nakangiting sabi ko kahit hindi bagay.

'Sa Ngayon Lang Yan' yan ang tunay na ibig sabihin kuya.

"Maupo ka muna, tatawagin ko lang sila dad" sabi nya na tinanguan ko lang.

Umalis na sya habang ako ay tumitingin-tingin sa paligid. Tumayo ako at nilapitan ang malaking family frame. May konting pagbabago na sa bahay pero kahit papano alam ko parin ang mga gamit.

"Jk?!" napalingon ako sa taong tumawag sakin.

Yumuko ako sa kanila bilang paggalang saka tumayo ng maayos.

*HUK*

Nagulat ako ng agad akong yakapin ni mama ng mahigpit. Niyakap ko sya pabalik at si kuya Ace din ay niyakap ako.

"Namiss kita, bunso" bulong ni kuya Ace.

"Same here" sabi ko at tinapik-tapik ang balikat nya. Humiwalay na kaming pareho at nagtama ang paningin namin ni papa pagkaharap ko sa kanila ni mama. Dali-daling lumapit sakin si papa at agad akong niyakap. Hindi agad ako gumanti ng yakap sa kanya dahil hindi ako makapaniwalang niyakap nila ako sa 'unang pagkakataon. Mas nagulat pa ako ng halikan ako ni papa sa noo.

"I miss you... We miss you" nakangiting sabi nya na nginitian ko lang. Humiwalay na kaming pareho at naupo kaharap silang apat.

"Anong nangyari sayo? Bakit isang taon kang nawala at hindi nagparamdam? Saan ka pumunta?" sunod-sunod na tanong ni mama.

"Sa States po, may inaasikaso lang" sabi ko

Marami silang tinanong sakin tulad ng kung sino ang sumaksak sakin. Tinanong din nila ako kung bakit hindi ako nakapunta sa lamay o kahit sa libing ni nanay Rita. Syempre nagsinungaling ako. Ang dami ko nang kasinungalingang sinabi at ginawa kaya paniguradong hindi na ako tatanggapin ni San Pedro.

"So how are you?" tanong ni papa

"Ayos lang naman po" sagot ko

"Saan ka kumukuha ng panggastos mo pang araw-araw?" tanong ni mama

"May online job sya, mom, at nakabili sya ng bahay... I mean, mansyon pala" si kuya Ace ang sumagot

"Thats good, you're independent now" sabi ni mama na nginitian ko lang.

"Sa'n kana pala mag-aaral?" tanong ni kuya Acere

"Sa NFU po ulit" sabi ko

"That's good, para mabantayan ka namin ni Ace" sabi ni kuya Acere

"Hindi na po kailangan, kaya ko naman po eh" tanggi ko

"No more buts, Jk" maawtoridad na sabi ni papa kaya wala akong nagawa.

"Oh I forgot, kailangan na pala naming umalis ng dad nyo dahil aasikasuhin pa namin ang venue para sa lolo nyong dadating" sabi ni mama at tumayo sila ni papa.

"Ingat ho kayo... Aalis na rin ho ako" sabi ko na tumayo din.

"Hatid ka na namin" alok ni kuya Ace

"Wag na po... May pupuntahan din po ako na iba" sabi ko na tinanguan nila.

Umakyat sila papa sa kwarto nila habang ako ay lumabas na ng bahay. Pag sinuswerte ka nga naman, makakasalubong ko si Claire. Huminto sya sa harap ko at tinarayan ako.

"Anong ginagawa mo dito?" taas kilay na tanong nya.

"Baka nag sa-shopping?" sarkastiko kong sabi.

"Tsk, wala ka nang karapatan pang pumunta dito dahil 'hindi kana parte ng Dela Vega'!" sabi nya pero hindi ko sya pinansin. "One more thing... Stay-away-from-my-family-and-The-Kings" sabi pa nya

"Your wish is not my command" sabi ko na ikinainis nya.

"Why not?" tanong nya

"Hindi ako pumapatol sa bata pero ngayon parang papatol ako sa isip bata" sabi ko na inihawak ang dal'wang kamay sa bewang na parang lalaki.

"Hindi ako isip bata" inis nyang sabi

"Wala akong sinabing ikaw" agad kong sabi

"Then who the hell?" sabi nya

"Sino ba sa tingin mo?" balik tanong ko na lalo nyang ikinainis.

"Dapat hindi ka na bumalik pa" sabi nya

"Pero nasa harapan mo ako ngayon, nakatayo" pang-aasar ko sa kanya.

"Tsk, whatever" sabi nya na inirapan ako.

"Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako" sabi ko at lalagpasan na sana sya pero hinawakan nya ako sa braso.

"Be careful, Jk... Dahil hindi pa kami tapos ni Ana sayo" bulong nya at alam kong naka ngisi sya.

Inalis ko ang kamay nya na hawak ang braso ko at lumabas. Pumara ako ng taxi at hindi ko alam kung saan ang sinabi kong bababa ako. Masyadong ginugulo ni Claire ang isip ko tungkol sa sinabi nya kanina.

'Anong hindi pa sila tapos? Sino si Ana? Anong nagawa ko sa kanya?'



SOMEONE'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagliligpit ng mga gamit. Habang nilalagay ko ang mga damit ko sa maleta ay biglang nag ring ang phone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ng bestfriend ko.

("Hello?") sabi nya

"Bakit, bestie?" tanong ko

("Kailan ka ba kasi babalik dito?") tanong nya at alam kong naka nguso sya dahil sa tono ng boses nya.

"Don't worry, bestie... I'm going back now and I will get again what's on mine" sabi ko

("Yeeeii I'm so excited to see you") masayang sabi nya

"I'll make sure na mamamatay ang babaeng aagaw sakin kay Vlad" naka ngising sabi ko at alam kong naka ngisi din sya.

("I can't wait to see her suffering") malademonyong sabi nya at sabay kaming tumawa na parang demonyo.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
34.3K 1.9K 28
-UNEDITED- -FACEBOOK VERSION- Written by: @youhersolace
634K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...