Numb is in

By asherinakenza

1.5M 23K 1K

Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban m... More

(PROLOGUE)
CHAPTER 1:
CHAPTER 2
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7: Summmmmmmerrrrrrr! :)
CHAPTER 8: TRUTH ?
CHAPTER 9: TRUTH (PART 2) [FLASHBACK]
CHAPTER 10: <3
CHAPTER 11: </3
CHAPTER 12: Crazy
CHAPTER 13: Iniipis mo yung puso ko (^_^V)
CHAPTER 14: Awkwardddddd!
CHAPTER 15: He Love's Me.
CHAPTER 16: I'll be watching you (Part 1)
CHAPTER 17: I'll be watching you. (Part 2)
CHAPTER 18: Virus/Stolen Kisses..
CHAPTER 19: Priceless
CHAPTER 20: Don't wanna lose you.
CHAPTER 21: A Special Friend?
CHAPTER 22: Playful friend.
CHAPTER 23: Not Again..
CHAPTER 24: Meet Cassiel..
CHAPTER 25: A date with my boss?
CHAPTER 26: You Make Me Perfect.
CHAPTER 27: He's Real..
CHAPTER 28: Closure..
CHAPTER 29: Date with my boyfriend/ EX boyfriend..
CHAPTER 30: Promise
CHAPTER 31: I wanna be with you.
CHAPTER 32: Bestfriends..
CHAPTER 33: Truth.Lies.Love
CHAPTER 34: The Wedding...
CHAPTER 35: Goodbye..
CHAPTER 36: Don't look back..
CHAPTER 37: The Victim
CHAPTER 38: Bad Day..
CHAPTER 39: I gotta find you.
CHAPTER 40: Pain and Tears
CHAPTER 41: Revelations.
FINALE : ♫ It will rain ♫
EPILOGUE

CHAPTER 42: Hatred

24.6K 360 18
By asherinakenza

CHAPTER 42: Hatred

 

“Are you sure about this?” – paninigurado ni Tj sa pinsan niya.

“Wala ng dapat pag isipan jan. Kung kailangang mamatay siya sa kulungan, mamamatay siya.” – seryosong sabi ni Matthew habang umiinom ng alak, tatlong araw na rin ang lumipas simula ng ipaalam niya kay Alexis ang totoo, hindi na rin sila nakapag usap pa pagkatapos nun.

Hawak ngayon ni Tj ang cd na naglalaman ng mga ebidensya tungkol sa pagkamatay ng Daddy ni Alexis, ibibigay na niya ngayon ito sa Attorney ng family nila. Hindi kasi pwedeng ipagkatiwala ni Matthew ang CD na yon sa Attorney nila, dahil alam nitong ipapadaan nun sa Daddy niya ang lahat ng ibibigay niya.

“Sige, pupuntahan ko na si Attorney Cruz.” – sabi ni Tj, at agad ng umalis sa bahay nila.

Sobra sobra ang nararamdaman niyang galit sa ama. Kinamumuhian niya ito, hindi siya makapaniwala na papatay ‘to para lang sa pera..

“Kuya!!” – biglang sumigaw ang kapatid niya na kadadating lang galing sa school.

Tinignan niya lang ito at ipinagpatuloy ang pag inom..

“Nag iinom ka nanaman Kuya..Hindi parin ba kayo bati ni Ate Alex?” – malungkot na tanong ni Myx.

“Hindi na kami magkikita kahit kailan..” – sabi ni Matthew at saka tinungga ang brandy sa baso niya at nagsalin ulit.

“Huh? Bakit naman?” – tanong ni Myx.

Napatingin lang siya sa kapatid niya, ayaw niyang mangyari dito ang nararanasan niyang sakit ngayon.. Masyado pa ‘tong bata.. Alam niyang masasaktan ang kapatid niya kapag nalaman nito ang itinatagong lihim ng Daddy nila.. Pero kailangan niyang itama ang lahat.. Tumayo nalang siya at lumabas ng kwarto niya para iwasan ang maingay niyang kapatid.. Pumunta siya sa garden nila at dun itinuloy ang pag inom..

*BEEP.BEEP!!*

Agad binuksan ng maid nila ang malaking gate, ang sasakyan ng Daddy niya ang bumungad sakanya.. Nakangiti itong bumaba..

“Look who’s here.. My son..” – bati nito.

“Mukhang masaya ka.” – sarcastic na sabi niya ng hindi manlang ito nililingon. Nakatuon lang ang mata ni Matthew sa mga halaman ng Mommy niya, hawak nito ang baso ng brandy, at ang isang kamay ay nakapamulsa.

“Yes son! Finally, pumayag si Mr.Chua! Oh? Akala mo ba hahayaan lang kita na sirain ang mga plano ko?” – nakangiting sabi ng Daddy niya.

“Well, congratulations. Magsaya ka na hangga’t makakapagsaya ka pa.” – sabi ni Matthew at saka itinaas ang baso na hawak niya bilang pakita ng pagbati sa Daddy niya.

Ngumiti lang ang Daddy niya sakanya at pumasok na ito sa loob, narinig niya pang tinawag nito ang Mommy niya.

*RINGGGG*

 


Tj Calling..

“Anong balita?” – halata sa tono ng pananalita ni Matthew ang sakit, galit at lungkot.

[Matthew naipakita ko na sa Attorney namin, ngayong araw na ‘to huhulihin ang Daddy mo.]

“Good. Nandito siya sa bahay, masayang masaya, nararamdaman niya sigurong makukulong siya..” – sabi ni Matthew.

Huminga naman ng malalim si Tj.

[Ipapaalala ko lang, kapag dumating na jan si Mr.Cruz at ang mga pulis, there’s no turning back.]

“Ha.ha. nagpapatawa ka ba Tj?.. Turning back? Ako ang magiging pinakamasaya kapag nakulong siya..Hindi na ko makapag hintay.” – sabi ni Matthew.

[Okay.  Maya maya nanjan na sila Attorney.] – sabi ni Tj, at saka pinatay ang cellphone.

-------  

“Kuyaaa!! Tara! Nagluto si Mommy! Sabay sabay na daw tayo kumain sabi ni Daddy.” – sabi ni Myx at saka nagmadaling bumalik sa kitchen.

Napangiti si Matthew.

“Celebration for his imprisonment? Masaya ‘to.” – sabi ni Matthew sa sarili niya, at agad pumunta sa dining area nila. Nandun na ang Mommy, Daddy at kapatid niya nakaupo na sa hapag kainan. Umupo siya sa tabi ng kapatid niya.

“So, ngayon lang ulit tayo nagkasabay sabay kumain. Kaya naman nagluto ako ng paborito niyong tatlo, Manang pakilabas nga yung adobo.” – nakangiting sabi ng Mommy ni Matthew.

 


Masaya si Mommy ngayon, too bad I will ruin it. – sabi ni Matthew sa sarili niya.

“Wow! For sure masarap yan Mommy!!” – sigaw ni Myx.

 Habang kumakain sila ay may nag door bell.

“Manang pakitignan naman kung sino yon.” – sabi ng Mommy ni Matthew.

Itinigil ni Matthew ang pagkain at hinintay niyang may pumasok. Maya maya lang ay nakarinig sila ng sigaw ng kasambahay nila. Kaya naman tumayo silang lahat at pumunta sa labas.

“Naku! Wala pong ginagawang masama si Sir!” – sigaw ng kasambahay nila.

Nasa gate na din silang apat.

Kampanteng nakatayo lang si Matthew.

“What’s the problem?” – tanong ng Mommy ni Matthew.

“Mawalang galang lang ho Misis, may warrant of arrest po kami para kay Mr.Marcus Cortezano sa salang pagpatay kay Mr.Alexander Punzalan, at pagnanakaw ng mga ari arian ng Punzalan” – sabi ng isang pulis.

“What?! Baka nagkakamali kayo, walang pinapatay ang asawa ko..” – nauutal na sabi ng Mommy ni Matthew.

“Mismong ang anak ninyong si Matthew Cortezano ang nagpadala ng ebidensya.” – Attorney Cruz.

Nagdilim ang paningin ng ama ni Matthew sakanya, pero bago pa siya malapitan nito ay naposasan na ito.

“Pagbabayaran mo ‘to Matthew.” – galit na sabi ni Marcus, ngiti lang ang isinagot ni Matthew sa ama niya.

“Matthew?!! Pano mo nagawa sa Daddy mo ‘to?!!” – pumiyok sa galit ang Mommy niya.

Pero tinignan niya lang ‘to.. Si Myx umiiyak na ngayon dahil sa mga nalaman niya, hindi malaman ng kapatid niya kung anong sasabihin kaya naman tumakbo ito papunta sa kwarto niya.

“Myx anak!!” – sigaw ng Mommy niya at sinundan ang anak.

Padabog na isinara ni Matthew ang gate ng bahay nila at sinundan din ang kapatid niya.

“Myx anak open the door!” – sigaw ng Mommy niya.

Napatingin naman sakanya ang Mommy niya.

“Now, explain what happen!” – sigaw ng Mommy niya sakanya.

“Let me talk to her.” – sabi ni Matthew, ang tinutukoy niya ang kapatid niya.

“Matthew, I’m your mother!! What’s going on?!! Bakit pina.aresto mo ang Daddy mo sa bagay na hindi niya ginawa?!” – sigaw ng Mommy niya.

“Ma! Sa tingin mo ba gusto ko ‘to?!! Galit ako! Galit ako sakanya dahil pinatay niya ang Daddy ng girlfriend ko para lang sa pera!! Ngayon ma sabihin mo nga sakin kung mali na ipakulong ko si Daddy sa ginawa niya?!!!” – sigaw ni Matthew.

“No..” – sabi ng Mommy niya..

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Myx..

“Pinatay ni Daddy ang Daddy ni Ate Alex?” – umiiyak na tanong ni Myx.

Tumango lang si Matthew bilang sagot.. Agad siyang niyakap ng kapatid niya..

-----   

2 days na ang lumipas, nagkakagulo pa din sila sa korte tungkol sa kaso ng Daddy ni Matthew..

“Mr.Cortezano, may dalaw ka..” – binuksan isang pulis ang selda.

“Maupo ka.” – matapang na sabi ni Alexis.

Nakangising umupo si Marcus.

“Nandito ka ba para icheck kung nakakulong talaga ako?, ayan masaya ka na. Masaya na kayo ng anak kong walang kwenta.” – sabi ni Marcus.

“Ikaw ang walang kwenta, tatay ka niya hindi ba?. Dapat ikaw ang nagtuturo ng magandang asal sa anak mo.. Tama nga si Matthew halimaw ka.. Pumatay ka ng tao na wala namang ginawa sayo..” – sabi ni Alexis.

“Para kang si Alexander, parehong pareho kayo ng ama mo.” – Marcus.

“Thank you..Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo? Kay Myx? Dinalaw ka na ba niya?.. Pano kung sabihin kong pumunta sa bahay namin si Myx para humingi ng tawad sa ginawa mong kagaguhan sa Daddy ko?? Hindi ka ba nahihiya? Mas matalas pa ang isip ng anak mo kesa sayo.. Si Matthew? Anak mo ba talaga siya?? Bakit hindi ko manlang makita yung ugali niya sa ugali mo?..” – nakatingin si Alex sa mata ni Marcus habang nakikipag usap.

“Tama na..” – Marcus.

“Bakit? Nakukonsensya ka ba sa ginawa mo?.. Dapat lang!! Tandaan mo.. wala ka ng kakampi.. lahat ng mahal mo sa buhay tinalikuran ka na dahil sa ginawa mo.. wala kang awa.. Sisiguraduhin kong mamamatay ka sa kulungan na yan!” – sabi ni Alexis saka tumayo..

Pero bago pa siya umalis nagsalita ulit siya.

“Siya nga pala, sinabi na ba sayo ni Matthew na hindi niya lang ‘to ginawa dahil galit siya sayo? Ginawa niya ‘to dahil sa pagmamahal niya sayo, para marealize mo na mali ka...nakalimutan ko paano mo mararamdaman na mahal ka niya, eh manhid ka nga pala.” – pagtatapos ni Alexis..

Parang natauhan si Marcus sa mga sinabi ni Alexis sakanya, natulala siya.. Hindi niya namalayang may tumulong luha mula sa mata niya.. Agad siyang tumayo at agad hinablot ang telephone ng prisinto..

“Fvck, answer it....” – nababalisang sabi ni Marcus.

“Cortezano! Hindi oras ng pagtawag!” – sigaw ng pulis.

“Saglit lang ‘to boss!” – sagot ni Marcus.

“Ipasok niyo na nga ‘to sa selda!!” – sigaw ng pulis.

“Sandali lang!!” – sigaw niya.

Pero hinila siya ng mga pulis papasok sa selda at agad isinara iyon.

“Boss sandali lang!! Hindi pwedeng mamatay ang anak ko!!!”

-------    

AN:

 

Next Finale na! Salamat po! :)

 

_Ash..

Continue Reading

You'll Also Like

172K 7.8K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
452K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
11.8K 2.5K 26
(Completed) (Under Editing) When disaster paved Katalina's life, a new beginning strike to her. New face of a man, new taste of love, and new way of...
394K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...