Always The Second Best

Por _Isabelle_

436K 10.9K 2.2K

Más

Always The Second Best
Chapter 1 - Seeing Him Again
Chapter 2 - Si Puti
Chapter 3 - Sa Leeg
Chapter 4 - Some things may change but some other things may not
Chapter 5 - A crazy idea
Chapter 6 - Spending Time
Chapter 7 - If a picture paints a thousand words
Chapter 8 - New Year Happenings
Chapter 9 - When you really like something so much
Chapter 10 - Twenty Four Hours
Chapter 11 - Failed
Chapter 12 - The Start
Chapter 13 - You are beautiful
Chapter 14 - Esther and Seth
Chapter 15 - Unexpected
Chapter 16 - Love and Heartaches
Chapter 17 - One week
Chapter 18 - Mountain of feelings (Part 1)
Chapter 19 - Mountain of feelings (Part 2)
Chapter 20 - Shell
Chapter 21 - "Miss"
Chapter 22 - Realization
Chapter 23 - Underneath it all (First Part)
Chapter 24 - Underneath it all (Last Part)
Chapter 25 - Borderline Bestfriend
Chapter 26 - The Prince Charming and The Ogre
Chapter 27 - When you love someone you become ..."
Chapter 28 - Haunting Memories
Chapter 29 - Perfect Love (Part 1)
Chapter 31 - Perfect Love (Last Part)
Chapter 32 - Zeke and Niel

Chapter 30 - Perfect Love (Part 2)

9.7K 360 79
Por _Isabelle_

Huminga ako ng malalim bago pumasok ng gate ng bahay niya sa Tagaytay. Dalawang araw na ang nakalipas matapos ng pangyayari at wala akong magawa kundi palipasin iyon dahil iyon raw ang mas dapat sabi ni Leah.

Nakabukas ang gate ng bahay niya. Hindi ko inaasahan na nandito siya kundi nagbabaka sakali lang. Pero dahil na rin sa bukas ang gate mas malaki ang posibilidad na nandito nga siya.

Tumuloy ako sa loob at nadatnan ko ang mga puno sa bahay niya. Mukhang alaga ang malaking garden dahil mas gumanda ito kesa sa huling punta ko rito na matagal-tagal na rin. Simula ng maging kami ay hindi na umuuwi si Ezekiel rito.

I found myself standing near the veranda. Nandito nga siya. Nakita ko siya mula sa salamin na pintuan at naakaupo sa upuan ng piano at ang kamay niya ay tinitipa ito. Rinig ko ng kaunti ang tinutugtog niya sa piano pero mukhang abala siya roon at mukhang oblivious siya sa nasa paligid niya.

"Jade!" Nagulat ako ng may mamasa-masang dumampi sa kamay ko. Si Jade at kumakawag ang buntot niya. "Shh!" Sabi ko sabay senyas sa kanya. Ayokong malaman ni Ezekiel agad na nandito ako. Gusto ko siyang pagmasdan muna mula sa malayo. "Huwag kang maingay, okey?" Nagulat ako ng biglang tumakbo si Jade papunta sa veranda. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na nahalata na pala ako ni Ezekiel. Nakatingin siya sa akin ng seryoso. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tiningnan ko lang din siya at bahagyang ngumiti pero hindi siya ngumiti. Para bang hindi niya ako nakita at nagpatuloy siya sa pagtipa ng piano. 

Wala na rin naman saysay na manatili ako sa labas kaya naglakad na ako sa may veranda papasok ng bahay niya. Maingay ang paghakbang ko dahil sa sandals ko pero mukhang walang balak si Ezekiel na pansinin ako.

"Bukas ang gate mo kaya tumuloy na ako. Nalimutan mo atang sarhan." Naghintay ako ng ilang sandali para sagutin niya ang tanong ko ngunit parang nakipagusap lang ako sa hangin. "Ang ganda ng garden mo mas lalo siyang gumanda kesa dati sa pagkakatanda ko." Wala pa rin sagot mula sa kanya bagkus patuloy pa rin siya sa pagtipa ng piano. Binaba ko ang bag ko sa couch niya matapos ay nagpunta malapit sa kanya. Naupo ako sa tabi niya sa may piano pero parang walang nangyari. Hindi pa rin siya natinag. Tumutugtog pa rin siya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nakisali ako sa pagtipa ng piano niya. Tinipa ko ang kanta ko sa kanya na  'When I met you' na paulit-ulit kong sinanay para iparinig sana sa kanya sa anniversary sana namin. Patuloy pa rin si Ezekiel sa pagtugtog na para bang nakikipagtagisan sa akin. Mabilis ang pagtama ng mga daliri niya sa piano pero nanatili lang ako sa tempo ng tinutugtog ko.

Nang lumaon ay bumagal ang pagtugtog niya at umaayon iyon sa tempo at nota ng kanta ko. Napangiti ako. He is playing my song now. Unti-unti kong binagalan ang kanta at bumagal rin siya. Patuloy ako sa pagtipa ng nota ng mapansin ko ang unti-unting paglapit ng kamay niya sa kamay ko hanggang sa magsagi iyon. Unti-unting hinaplos ng hinliliit niya ang hinliliit ko hanggang sa maoverlap na ng kamay niya ang kamay ko. Hinawakan niya ng tuluyan ang kamay ko and I felt happy when he did that. Walang nagsalita at nagtipa ng piano sa amin. Nabalot lang ng katahimikan ang buong bahay.

Tumingin ako sa kanya at tumingin  lang siya sa akin. Marahan niyang hinawakan ang mukha ko. Sana ay hindi na niya napansin ang mga pasa ko.

"I am sorry baby...I'm sorry but I am not good for you. You deserve someone better." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon inaasahan mula sa kanya. Hinding-hindi iyon ang inaasahan ko.

"You-you are letting me go just like that?" Nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko, kung nasasaktan ba ako o naiinis o naguhuluhan. Naghalu-halo ang emosyon ko sa dahil sa idineklara niya ngayon. 

"You saw me, Danielle. You saw how I became a monster when I cannot control being angry. That is the monster lurking inside me just waiting to be unleashed. You don't want that. I  already hurt Eli and I can hurt you too." Tumayo siya sa kinauupuan namin at naglakad palayo sa akin. "I hurt you when you tried to stop me and if you still continue to be with me I will hurt you more than that. And I will not forgive myself if I do that to you...I will not. You deserve someone more stable. Someone who can control himself more. Someone who can protect you and not pose harm to you."

Nanginginig ako sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.

"Do...do you think Ezekiel breaking up with me is a good idea? Nandito ako para damayan ka at tulungan ka sa kung anong struggles mo sa buhay mo at sarili mo tapos tinutulak mo akong palayo. Bakit? Akala mo ba na kapag nakilala kitang mabuti at nakita ko ang bawat mali sa'yo palagay mo ba ay huhusgahan kita? Palagay mo ba lalayuan kita na para kang maysakit? Kasi kung ganoon ang tingin mo sa akin Ezekiel mukhang hindi mo nga ako kilala." I looked at him straight in the eye.

"It's not like that, Danielle. Hindi ito tungkol sa'yo tungkol ito sa akin. Goodness, you are more than what I could ask for, more than anything. But the thing is I am the problem... maybe I am not supposed to be in love like this cause it already pushed me to the limits of my sanity. I...I am not capable of strong feelings because in the end I cannot control myself. When...when I saw Eli...doing that thing to you..." Kinuyom niya ng mahigpit ang palad niya at para bang hirap na hirap siya sa paghinga. "I was so furious, so furious to the point that I want to kill him because of what he has done to you. It felt like there was no sound reasoning that can make me stop in killing him. My mind went blank and rage took over me because of what he has done to you."

"But then you stopped."

"Yes...and I hurt you first before I stop. I didn't even recognize you at first because of my rage. That's me, Danielle, that's me."

"Hindi mo ako sinaktan, naghihina lang talaga ako during that time kaya clumsy ako." Umiling siya.

"That is not the point, Danielle. The point is I should isolate myself. I am not capable of loving because in the end I will hurt the people that I love. I already hurt my family and will continue hurting them because of this damn issue with myself and I don't want you to suffer like what they've been through. I realized that am not made for relationships. I've never been in a serious relationship like we have. My relationships with women before were convenient and pragmatic and because of that I was in control."

"So ang gusto mong relasyon pala natin ay convenient at pragmatic?"

"No! I am not saying that."

"Eh ano?"

"Let's just stop this relationship." Tumahimik ako sa sinabi niya. Pangalawang beses na niyang sinabi iyon at ang sakit sa dibdib sa bawat pagbitaw niya ng mga salita na iyon. I wasn't born stubborn and insensitive. But for him I need to be more stubborn, to be more persistent than him and I am trying my best not to give up no matter how hard it is. Kailangan tapatan ko siya.

"If I didn't know any better I will just give up on you. But someone told me before to 'try' at ngayon ginagawa ko iyon. There would be setbacks but the thing is to try and try even if you fail again and again for we have alot of second chances and we should avail it as much as we can."

"The one who said that to you tried so hard and planned his life accordingly to limit setbacks but again failed." There was finality on his voice. This is his stubborn self talking. "I want the best for you, Danielle and I'm afraid I am not that."

"So ako pala iyon unplanned kaya nagkaroon ka ng setback."

"Danielle..."

"I don't need the best person in the world to be with. What I want is someone who is good for me and I know that you are good for me. We balance each other and we let each other grow not only as a couple but as person."

"Hindi mo naman naiintindihan. I already told you and I will say it again. I am not good for you. I have a past and that past keeps on coming back  even if I don't want to. And I don't want you to be hurt and suffer like what my family has been through. I don't want to hurt you. I fear that I will really hurt you once I get angry, frustrated or I had a bad day and I will vent it all to you. I am afraid that I will be more possessive of you that even small things I will be jealous and I might turn violent. I'm terrified that I will isolate you from the world and you won't be happy anymore and you will leave and when that happens I might have the same rage as I had before...and I might kill you."

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko kahit nanghihina ako dahil sa mga narinig ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya. Tinitigan niya lang akong mabuti na para bang takot na takot siya na lumapit ako. Umatras pa siya ng kaunti at tumigil ako sa paglapit sa kanya. He looked so vulnerable now and he looked like he's gonna cry. The strong man that I know looks so weak and because of that I need to be stronger.

"Please stay." Lumapit pa ako sa kanya at aakto na naman siyang lumayo pero natigilan siya sa sinabi ko. Nang makalapit na ako sa kanya ay tiningnan ko siyang mabuti. "Palagay mo ba sa lahat at sa laki ng iniisip mong takot mas lamang ba iyon kesa sa pagmamahal mo sa akin?" Tiningnan niya lang akong mabuti. Bumuka ang bibig niya na para bang gusto niyang magsalita pero sinara niya ulit iyon matapos ang ilan saglit. "Lagi mong iniisip ang takot sa puso mo, Ezekiel, pero bakit ang pagmamahal doon hindi mo naiisip? Kasi palagay ko hindi ka magkakaroon ng takot kung hindi rin naman sa pagmamahal na iyon. Natatakot ka sa maari mong magawa sa akin pero hindi ba pwede, hindi ba mas posible na hindi mo magawa ang iniisip mo dahil sa mahal mo ako? Na mas matimbang iyon pagmamahal mo kesa sa takot mo na kaya mong iovercome lahat? Hindi ba pwedeng ganoon?" I wanted him to answer me but he didn't. He just looked at me.

"I also have my own fears in loving you. Nandoon na iyon approval ni Mama, approval ng mga magulang mo at nandoon rin ang takot ko na baka maagaw ka na lang sa akin basta lalo na sa dami ng babae sa opisina niyo...who knows. I have a lot of fears too sa relasyon natin but that won't hinder me to love you more. I need to take the risk of choosing to love you everytime inspite of the negative things that come my way.  I choose to love than to fear and it's a good choice...no it's the best choice. I am hoping you pick the same choice that I picked. Choose to love, baby, choose love everytime and I am always be in the other end waiting because I choose the same thing."

Katahimikan lang ang sinukli niya sa akin at ang mataman na pagtitig niya. Hindi ko na alam ang dapat ko pang sabihin dahil sa palagay ko ay nasabi ko na lahat. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at hindi siya umalma. I missed him so much. Sa anim na buwan na relasyon namin ay I learned to love him more and more. Sa araw-araw na struggles namin na pagkikita dahil sa hindi magtama ang schedule namin. Ang hindi pagtanggap ni Mama noong una. Ang disiplina sa pisikal na aspeto ng relasyon namin. Ang pagdating ni Eli. Marahil hindi nga ganoon karami pero sa mga pagsubok na iyon we grew closer at ang level ng intimacy namin ay lumawig. I become a different person because I am growing in the relationship and that change is good. And I also see the change in him that sometimes he cannot see. Pero kitang-kita ko iyon.

"What if that choice is the wrong thing?" Narinig ko rin sa wakas ang boses niya. Ramdam ko ang bahagyang panginginig noon.

"You can never go wrong in choosing love, baby, you can never go wrong in choosing us than to let go because I know we are worth it."

"I...I don't know...I'm sorry." Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya at hindi na rin ako nakapalag. I'm frustrated, angry, sad and I'm hurt. I really cannot get through him. I tried so hard but it seems like he cannot understand what I am trying to say. Mukhang sarado na ang isip niya at puso niya at hindi na niya ako hinahayaan makalapit pa rito. Lumayo siya sa akin at tiningnan niya lang ako at bakas ko ang uncertainty ng mga mata niya.

"Just like that...Kung...kung iyan talaga ang desisyon mo wala na akong magagawa." Kinuha kong madali ang bag ko at kaagad akong naglakad palabas. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko kahit anong pigil ko.

Maybe our  love is not perfect. Maybe my love for him is not enough for him not to fully trust me or maybe his love is not just enough to overcome his fears.

Hinalungkay ko ang bag ko para kuhanin ang phone ko at kaagad kong nilabas iyon para tawagan si Hannah para magpasundo. Napansin ko na parang may nahulog sa bag ko at saglit kong binalikan iyon at nakita ko sa may damuhan ang 24 hours token ni Ezekiel. Dala-dala ko pa rin iyon kahit saan ako pumunta. Lalong lumabo ang paningin ko dahil sa sunud-sunod  na luha ko dahil sa alaala. Nanginginig kong pinulot iyon.

Bumaling muli ako sa loob ng bahay niya at hindi ko siya maaninag mula sa pintuan. Naglakad muli ako pabalik sa bahay niya. The token gave me the strength to try again. I am not giving up on him.

Marahan akong naglakad sa loob. Nakabukas ang pintuan mula sa may veranda at doon muli akong tumuloy. Wala na siya sa may sala.

Napapitlag ako ng may marinig akong malakas na ingay na parang salamin na nabasag. Nanggaling iyon sa kwarto niya. Kaagad akong tumakbo roon sa pag-aalala ko sa kung anung nangyari sa kanya.

Kaagad kong minasid ang kabuuan ng kwarto niya pero wala siya doon. Napatingin ako sa may bathroom niya at nakasara ang pintuan. Mabilis akong tumungo roon at binuksan ang pinto.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Basag ang salamin niya sa bathroom at may dugo sa mga bubog nito sa sahig. Nahabag ako ng bumaling ang paningin ko kay Ezekiel na nakaupo sa pinakasulok ng shower. Nakabukas ang shower at basang-basa siya samantalang patuloy na umaagos ang dugo sa kamay niya na para bang di nya alintana. Narinig ko rin ang pigil na paghikbi niya.

Mabilis akong lumapit sa kanya at pinatay ang shower. Kita ko ang malaking sugat niya sa kamay dala ng bubog ng salamin. Kaagad kong binuksan ang medicine cabinet niya at kumuha ng gasa at bulak doon at kung ano pang maari kong magamit.

"Ezekiel..."

Nakatungo pa rin siya at mukhang wala siyang balak na tingnan ako. Nanginginig ang katawan niya at humihikbi siya.

Lumapit ako at lumuhod sa tapat niya. Inabot ko ang kamay niya at palagay ko ay nagulat siya sa ginawa ko. Marahan ko iyon hinawakan at hinayaan niya lang din ako sa huli. Puno ng dugo ang kamao niya kaya kinuha ko ang shower head at sinet ko ang heater sa warm. Marahan kong hinugasan ang duguan kamay niya. Tuklap ang balat niya sa may knuckles at maraming hiwa ang daliri niya. May ilang mga bubog pa nga akong nakita at marahan at maingat kong inalis iyon. Nasasaktan siya sa palagay ko sa tuwing ginagawa ko iyon kahit maingat ako. I tended his wounds and put the wound medicine I found in his cabinet. Marahan kong binenda iyon paikot sa palad niya.

Hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin. I saw his eyes and he was crying. Nabigla ako ng hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap.

I just let him hold me and cry himself to me. Ramdam ko sa pag-iyak na iyon ang sinasabi niyang takot niya. I want to cast away the fear in his heart. I want to take all the fear in him. I want to give him freedom and assurance away from his nightmare. If only I know a way...Ang tanging paraan alam ko lang ay ang mahalin siya ng buo pero hindi ko alam kung tama at sapat na ba iyon.

"I'm sorry...Pe-please don't go...I need you."

Seguir leyendo

También te gustarán

130K 3.1K 52
What will you do if you end up in someone else body?
78.9K 2.8K 26
287K 6K 43
Book 2 of Please Love me. "That is what love means.. sacrifice.." Enzo and Patricia were planning for their supposedly wedding until Sydney Villafuer...