Bow Down, Master (Book One)

Par lun4ximus

1.8K 523 267

Who would've thought that the master of all gangs would bow down to an average lady? I mean, why would he do... Plus

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two

Prologue

280 59 82
Par lun4ximus

Simula




For the past years I lived, I'm always lonely.

Iniwan ako ng biological mom ko sa bahay ampunan sa kadahilanang hindi na nya ako kayang tustusan. Kung magtatrabaho man siya, walang mag-aalaga sakin dahil wala na rin si papa.

Dumating ang araw ng 8th birthday ko, graduation ko sa elementary, naging top honor student ako simula nung maghighschool ako. But I never received a single message from my mom since the day she left me.

Kaya eto ako ngayon. Living the best of my life. Malapit na din naman ako sa legal age, so I don't bother doing this things I thought are great.

"Rei, labas ka na! Malapit na dumating ang kalaban natin." sabi ng kasama kong si Kaizer.

Agad akong lumabas at ihinanda ang semi-automatic pistol at pocket knife na lagi kong dala in case na biglaan kaming sugudin ng mga nais tumalo sa aming gang.

Yes, I joined a gang, they're known for their swift and courageous decisions which led them to the top lists of gangs. Ang The Ferox of Fire o mas kilala sa tawag na TFF ay nabuo noong 2019. At nitong nakaraan lamang ako nakasali sakanila.

May kumatok ng malakas sa headquarters namin, tila ba gigil na gigil at matagal nang hinihintay ang pangyayari na ito.

Pagkatapos ng katok na naganap ay kaagad na dumilim sa aming headquarters, tanging pagkasa lamang ng baril at ang kalansing ng mga daggers at pocket knives ang naging tunog. Hudyat na dapat anong segundo ay alerto na kami.


"Putangina! Nagpatay ng ilaw sa loob. Tumakas ba ang mga gago?" humalakhak ito. Malakas ang tinig ng lalaki na nasa labas tila pinaparinig sa amin ang tukso.

"Pasukin na natin, tangina. Ang tagal ko nang hinintay 'to, kating kati na ako malump-" hindi natapos ng nagsasalita ang kanyang sasabihin dahil binuksan ko na ang pintuan upang maghagis ng flash bomb sa kinatatayuan nila.

Kating kati malumpo? Lol, nice joke.


Kaagad na sumabog ang ihinagis ko dahilan para hindi makakita ang mga kalabang tanga na nasa labas. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at kitang bulag pa rin sila sa mga sandaling iyon.

Tahimik na hinatak ni Val at Addison ang dalawang malapit sa pinto at malakas na sinara ang pinto. Pumwesto ang iba naming kasama sa may bintana, sa may malapit sa pinto, at ang iba ay umakyat sa second floor at rooftop.

"Tignan mo nga naman kung sinong nagmatapang pumunta samin dito. Sa tingin niyo ba ay may mapapala kayo dito?" mapang-asar na tanong ni Val sa kalaban.


Sinenyasan ako ni Dovalier, ang gang leader namin, na lumapit sakanila nang makita niyang nakamasid sakin ang isa sa mga nahuli. Siguro'y napagtanto nito na ako ang itinuturing na alas ngayon ng gang.

"Anong-?! Bakit ka lumalapit? Papatayin mo na ako? Sige! Gawin mo! Tutal ikaw naman ang dahilan bakit bumagsak ang grupo namin sa top list. Isa kang haliparot, malandi ka!" sigaw sakin nung babae. Bahagya akong nagulat sa ibinintang niya sakin.

Dahil ba yun sa nahulog yung gang leader nila sakin at simula nung nireject ko yon ay naging mali na ang mga desisyon nito? Sino bang tanga ang pinairal ang sariling puso dito?

Nakita ko siya one time sa quadrangle kasama ang isang matandang lalaki, oras pa ng klase noon. Nakita kong may inabot na pera ito sakanya na agad namang niyang tinanggap. Kita ko ang ngisi at klase ng tingin ng matandang lalaki sakaniya na para bang may namamagitan sakanila. Nakumpirma ko iyon nung mabilis siya nitong hinalikan sa labi at umalis na agad.

Napangisi ako sa naalala. Kawawa naman 'to, sa sugar daddy ang kapit. Psh.

Dinala sa basement ang lalaking kasama niya at kakausapin din ni Addison. Tss, bakit pa kakausapin eh walang kwenta lang naman yung mga ganyan?


Tinignan ko ang sugar baby na nasa harapan ko at nginisian siya. Okay lang naman siguro na ilabas ang sikreto niya, hindi ba? Mamamatay din naman siya.

"Hmmm? Talaga lang ha? Ako pa ang haliparot ngayon? Sino kaya yung nakipaghalikan sa quadrangle ng campus habang oras ng klase matapos makuha ang perang galing sa sugar daddy nya? Ako ba, ha? Wag mo kong mapagsalitaan na parang ako ang madumi dito, Yvesta Corpez, 'di mo gugustuhing mamatay sa kamay ko."

Kitang kita ko sa dilim ang pagkawala ng kulay ng kaniyang mukha dahil sa sikretong isiniwalat ko. Nakita kong bahagyang nagulat at nagtawanan ang iba kong kasamahan habang diretso ko siyang tinititigan sa mga mata.


"Walang hiya ka, Reinette! Napaka-kapal ng mukha mo para gawan ako ng kwento! Kaya siguro nahulog sayo si Boss kasi mapanlinlang ka! Binibilog mo utak nila sa walang kwenta mong mga storya!" nanginginig nyang sigaw pabalik. Lakas ng loob.

Agad kong dinial ang numero ng isang businessman na sugar daddy nitong langyang 'to.

"Hello? Who's speaking?" ani ng kabilang linya.

"I just want to inform you that your little baby girl will be dead in a few minutes." I said in an authoritative way before cutting the line. Mabilis kong iniba ang detalye ng aking telepono para hindi ma-trace ang lokasyon ko.


Mangiyak-ngiyak tumingin sa akin si Yvesta at nagmakaawa. Does she seriously think that I have mercy?

Ikinasa ko ang baril na hawak ko at itinutok ito sa noo niya.

"Any last words, Corpez?"

Tumango siya at may nilabas na papel galing sa kaniyang bulsa. Binigay niya sa akin iyon.

Ano nanamang pakulo mo, Corpez?

"P-Pinapa-abot ni Boss. Sabi niya ibigay daw sayo dahil importante ang nilalaman niyan. Nanggaling pa iyan sa pinuno ng pinaka-mataas na gang." hikbi nito.

Nagtaas ako ng kilay at naghintay kung may kasunod pa ba iyon. Naging tahimik siya, kaya naman walang alinlangan ko nang ipinutok ang baril sakaniya. Itinago ko sa bulsa ng jacket ko ang papel bago makipagbakbakan sa labas.

Panigurado ay naalarma ang mga ito dahil sa putok na narinig mula sa loob ng bahay.

"Reinette, tara!" sigaw ni Dovalier.

Nakita ko nakasunod ang dalawa naming kasama na si Zaffrey at Keesha. Tinanguan ko sila bago pumosisyon malapit sa bukana ng pinto at inasinta ang mga kalaban sa labas.


Matapos naming mapatumba ang kalahati sa kabilang grupo ay nagsi-alisan agad sila. Sa takot na maubos namin sila ay umatras na ang iba sakanila.

Ang dinala ni Addison kanina sa basement na si Brent ay pinatay na rin matapos magsalita kung ano ang pakay nila sa amin. Kaya naman andito kami ngayon sa sala, nagpatawag ng pagpupulong si Dovalier dahil sa ibinalita ni Addison at upang malaman kung ano ang ipinabibigay ng nakakataas sa akin.

Nabahala ako sa papel na hawak ko ngayon. Bakit ganito lamang ang kaba ko? Dahil ba galing ito sa pinuno? Sino ba siya? Anong pakay niya sakin? Kailangan ko ba siyang katakutan?

Nang makumpleto kami ay agad na idinetalye sa amin ni Addison kung ano ang pakay ng Tribal sa amin bukod sa pinapaabot ng pinuno na sulat sa akin.

"Sabi sa akin ni Brent kanina, may panibagong gang na kalaban, mukhang malalakas daw dahil natalo nito ang Black Blood na nasa ika-walong pwesto, naubos daw nila ang mga myembro doon kaya sila ang pumalit sa ika-walong pwesto."

"Noong last last week lang sila napadpad sa gang world. Sabi nila ay mga baguhan lamang sila ngunit base sa kung paano nila naubos ang Black Blood, hindi lang sila basta-basta." singit ni Vixen, the gang's tracker.

"Ibig sabihin may itinatago sila? Nagsisinungaling?" tanong ko. Nanatili ang tingin ko kay Vixen pero agad akong nag-iwas nang mapagtantong lahat sila'y nakatingin na sakin.

"Hindi ba dalawa ang pakay ng Tribal? Ang isa ay upang sugurin tayo na may dalang balita at pangalawa ay... ang kay Reinette?" tanong ni Addison.

Sumulyap muli ang lahat sakin, naghihintay ng reaksiyon. Bumuntong hininga ako at kinuha ang papel. Nilapag ko iyon sa lamesa na para bang napasa ako sa pagkakakuha ko roon. Tinignan nila ako ng may halong pagtataka.


"Bakit, Rei?"

Nagkibit balikat lamang ako. Ayokong aminin sakanila na may namuong kaba sa akin dahil sa papel na yan.

Tumayo ako para pumuntang kusina at kumuha ng inumin at makakakain namin. Nang makarating ako sa kusina ay pinakawalan ko ang kanina ko pa pinipigilang hininga. Ni hindi ko namalayan na hindi pala ako humihinga kanina.

"Nabahala ka ba sa sulat na iyon?" tanong ni Stellans, the brain of the gang. Alam ko agad ang nais niya kaya mabilis akong umiling habang kumukuha ng juice at nachos. Hindi ko alam kung mabuti o masama ang pagtanggi ko pero alam kong may mahihinuha siyang mga impormasyon sa simple kong pagtanggi.


Nakita ko ang pagbukas ng bibig niya kaya mabilis akong lumabas sa kusina dala-dala ang juice at nachos. Tahimik nang bumalik kami ni Stellans doon na siya namang ipinagtaka ko.

Nakita ko silang sumulyap sakin ngunit ibinalik agad ang tingin sa papel.

"Buksan mo na, Mordeau. Baka sakaling kahit papaano, may mailagay tayong puzzle piece na makakapagpabuo sa konseptong nangyayari." sabi ni Vixen.

Tumango ako at lumapit sakanila. Dahan-dahan kong kinuha ang papel, ramdam ko ang kaba at pangamba sa aking sarili habang binubuklat ko ito.

Bumungad sa akin ang limang salita na nagpayanig sa mundo ko. Bakit? Hindi ko rin alam.

Bow down to your Master.

Nahigit ang aking hininga sa nabasa at agad nilapag iyon sa lamesa, may namuong takot sa akin. Hindi ako ganito eh. Kaya nga ako ang alas ng gang namin, dahil sa lakas, lamig at tapang na dala ko. Pero bakit parang nawala ata iyon? Sinong Master?

Huminga ako ng malalim at pilit na pinatatag ang loob ko kahit kita ko sa reaksiyon ng mga kasama ko ang pangamba at pagtataka.

"Dovalier," lumingon ito sa akin. "Do you know who is this Master?" dahil siya ang boss namin, malamang alam niya. Tumango siya at tumayo na siyang nagpatigil sa pag-iisip ng malalim ng ilan naming kasamahan.

"Oo, kilala ko si Master. But I don't know him personally. I only know him as the Master of all gangs. The president. The supreme. The king. Pero kung tatanungin nyo ako tungkol sa pagkatao nito ay wala akong maisasagot." pinal na tugon niya.

Tumikhim si Stellans at sakaniya naman nabaling ang atensiyon ng lahat. Tumingin muna siya sakin bago ilahad ang kaniyang naisip ngunit naunahan siya ni Vixen.

"I tried digging some infos about Master, walang maasahan bukod sa isang lumabas. Ang nakalagay dito ay, 19 years of age, currently studying in Brentville University. Iyon lang ang nakita ko, wala nang iba pa."

"Kung ganoon, ka-schoolmate lang natin siya? And he's what? 19 years old? Halos kasing edad lang natin si Master!" talak ni Addison. Dahilan na mas nagpadagdag sa kakaibang nararamdaman ko ngayon.

"As I was supposed to say, maaaring may dahilan ang lahat ng ito ngayon," nilingon namin si Stellans. "Maaaring may poprotektahan o bubuwagin ang bagong grupo. Pwede rin na may dala silang sikreto o mabigat na impormasyon at kasapi ang taong pinatutungkulan nun sa mga gang na hawak ni Master. Ang nakakapagtaka lang kung bakit... Bakit si Reinette lamang ang nabigyan ng ganoong sulat? Ang alas ng Phyton Bullets na si Haru ay hindi nakatanggap ng ganoong sulat, maging ang mga kilala niyang alas sa iba pang gang." natigilan siya saglit at lumingon sakin.

"Hindi kaya, ikaw ang taong dahilan ng mga ito, Rei?" napayuko ako at nag-isip kung ano ang dapat maging desisyon at aksyon ko dito. "Pero kung ganoon nga, bakit naman "Bow down to your Master" ang nakasulat sa papel? Is he bound to introduce his identity to you?" makahulugang tingin ang binitawan sa akin ni Stellans.

Hindi ko kayang i-proseso ang lahat ng ito. Sa pagod, pangamba, panghihina at takot, bigla akong natumba. What I saw were the terrified eyes of my gangmates before everything went black.

Hindi ko namalayan, dinala ako ng isip ko sa memoryang pilit kong kinakalimutan.

"Anak, gising ka na. May pupuntahan tayo, diba gusto mo ng mga kalaro?" mahinahon na alo sakin ni Mama.

Dumilat ako at ngumiti sakaniya. Oo naman, sino ba ang may ayaw sa madaming kalaro? Kaya naman agad-agad akong tumayo at inayos ang sarili. Dumiretso ako ng banyo upang maligo at makapag-ayos sa lakad namin ni Mama.

Matapos kong makapag-ayos ay humarap ang batang ako sa salamin na nasa kwarto. I was just seven years old that time. I looked very contented, happy and peaceful.

Bumaba ako upang makakain ng umagahan. Nakita ko ang dalawang malalaking bag na nakahanda sa sala ngunit di ko na iyon inintindi at gutom na ako.

"Ma, saan po tayo pupunta? Magtatagal po ba tayo roon?" excited kong sambit.

Hindi nakaligtas ang butil ng luha na tumakas sa mata ni Mama. Hindi ko rin iyon inintindi at inisip na tears of joy lamang iyon.

Ngumiti siya sa akin. "Basta, anak. Ikaw lamang muna ang magtatagal doon. Maghahanap kasi si Mama ng trabaho. Pag nakahanap ako, babalikan agad kita, ayos ba yon, Reinette, anak?"

Tumango ako.

Pagkarating namin sa aming destinasyon ay may sumalubong sa aking dalawang babae at iilang mga bata. Kuminang ang mata ko nang makitang lahat sila ay inaabangan ang aming pagdating at hindi na ako makapaghintay pang makipaglaro sakanila.

Nag-angat ako ng tingin kay Mama at nakita kong sinenyas nya ang dalawang malalaking bag sa loob ng trycicle na sinakyan namin.

Lumuhod si Mama sa harapan ko, nagulat ako nang nakitang umiiyak siya, tila naging talon ang kaniyang mga mata sa walang tigil na pagbuhas ng kaniyang mga luha.

"Anak, tandaan mo, kahit anong mangyari, mahal na mahal ka ni Mama, ha? Papakabait ka palagi, okay? Para sa iyo rin ang gagawin ni Mama, Netnet. Magkikita tayo pagbalik ko ha? I love you, anak." sabi niya at niyakap ako para sa isang mahigpit na yakap.

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako kahit walang masabi dahil hindi ko lubusang maintindihan bakit ganito ang reaksiyon ko. Siguro ay nahawa ako kay Mama kasi umiiyak din siya.

Nginitian ko na lamang siya at hinalikan sa pisngi.

"Dito na lang ako, Netnet. Paalam, anak." malungkot na ngiti ang iginawad niya sa akin.

Ngumiti ako. "Sige po, Mama. Mahal na mahal din po kita, Mama. Ingat ka po, ha? Balik ka po agad, Ma."

At unti-unting naging malabo ang itsura ni Mama.

Nagising ako sa kadahilanang napanaginipan ko nanaman pala ang huli kong alaala kasama siya. Tss, kung alam ko lang.

Pinahid ko ang luhang tumakas sa mata ko. Bawat luha na tumatakas dito ay ang bawat pag-usbong ng apoy ng galit na nararamdaman ko para sa aking ina.

Muli kong pinaalalahanan ang sarili ko na ito ang dahilan bakit ako sumali sa gang ngayon. Upang maging malakas, matapang at independent. Na sa bawat pag-alis ng tao sa buhay ko, ay hindi na ako masasaktan pa.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang nurse. Hindi ko man lang napuna na nasa ospital pala ako. Lumapit ito sa akin at chineck ang vital signs ko.

"Gising ka na pala, Mordeau. Mabuti kung ganoon, hintayin mo na lamang ang mga kaibigan mo at maaari ka nang makalabas." May nilapag siyang itim na papel sa gilid ng kamay ko sa kama. "Basahin mo yan, pinapabigay." ngisi niya sa akin.

Pinanuod ko lamang siyang lumabas ng aking kwarto bago pulutin ang papel na inilapag niya. Binuklat ko iyon kahit medyo kabado pa ako dahil sa naunang sulat na dumating sa akin galing daw sa Master.

I hope you would find your way to come with us, Master.

Sa paghalo-halong emosyon ko ay nilamutak ko agad ito at ishinoot sa basurahan malapit sa aking kama. Putangina, anong Master? Mali ata ang nagbigay sa akin non. Hindi ako ang Master!

Isang tunog ang nanggaling sa aking phone sa may bed table tabi ng aking kama. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.

From: +639613******

Bow down, Master.

- P.L

What the fuck? Who is P.L? Why are they calling me Master? Am I their Master? Who am I?

________________________________________________________________________________

Note: Next chapter will be coming from Reinette's past, just to make it clear. ;) Lmao, please bare with me, this is my first time publishing a story, so yeah. Chapter One will be posted later. Thank you! x

lun4ximus.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...