Bullets and Justice [complete...

By Michael-Camino

5.8K 297 6

Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang... More

Bullets and Justice
Disclaimer
Dedication
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Epilogue
Acknowledgement
About The Author
THANK YOU
FIRST DRAFT (RAW & UNEDITED)

Chapter Twelve

223 12 0
By Michael-Camino

NANG makarinig ng ilang putok ng baril, inutusan agad ni Franco ang mga goon niya na magsikalat. Mukhang may sumunod sa kanila at alam niua kung sino ‘yun. Kinuha niya agad sina Sean at Severina, hinawakan niya si Severina habang si Sean naman ay hinawakan ng kaniyang isa pang tauhan.

“Nakuha mo na ang gusto mo! Pakawalan mo na kami rito!” Pilit na kumalas ni Severina sa kaniyang tito, pero sadyang mas malakas ito sa kaniya. “Diana, mauna ka nang lumabas,” utos ni Franco kay Diana lalo na't baka matamaan ito ng mga bala. Kaagad naman nitong sinunod ang ama saka umalis na.

Bumaba sila sa isang hagdan, pero bigla silang napahinto nang makita nila sina Gunner at Colby na paparating din sa kanilang direksiyon. “Gunner!” tawag ni Severina rito.

“Pakawalan mo sila!” si Colby. Bumurda ang ngiti sa labi ni Franco. “Sa tingin n’yo, makalalabas kayo nang buhay rito?” tanong ni Franco sa lahat. “You’ll die,” dagdag pa nito. Tiningnan ni Severina ang kanang kamay ni Franco na nakahawak sa kaniyang bandang leeg. Doon, dali-dali niya ito kinagat dahilan para mabitiwan siya.

Mabilis na kumaripas ng takbo si Severina papunta sa likuran ni Gunner. “Puta!” Kaagad na itinutok ni Franco ang baril sa kanila, pero mabilis iyon na sinipa ni Sean dahilan para tumapon iyon sa unahan. Tinapakan ni Sean ang paa ng lalaking nakagapos sa kaniya. Nabitiwan siya nito kaya agad rin siyang tumakbo palapit kina Severina.

Binaril agad ni Colby ang lalaki na akma sanang susugurin sila. Napatakip ng tainga si Severina sa lakas ng putok ng baril, halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman ngayon. Hinarap siya ni Gunner saka pilit siyang pinakalma.

Hinawakan ni Gunner ang mukha ni Severina. “Severina, look at me.”  Tiningnan ni Severina si Gunner.  Doon napansin ni Severina na duguan ang labi nito saka mayroon ding pasa sa mukha ang binata. “Umalis na kayong tatlo rito, ako na ang bahala,” bulong ni Gunner kaya tumango si Severina saka umalis na silang tatlo. Naiwan naman si Gunner mag-isa kasama si Franco.

Nakarinig naman si Gunner ng malakas na palakpak sa unahan. Doon niya napagtanto na nandoon pa pala ang uncle nina Severina, ang may pakana nitong lahat. “Sinabi ko na nga ba, noong una pa lang kitang nakita sa mansion, magiging sakit ka sa ulo.” Naglakad-lakad si Franco. Ganoon din si Gunner, paikot-ikot ang lakad nila habang nagkatingin sa isa’t isa.

“Kung hindi ka lang sana pakialamero, tagumpay sana ang plano ko.”

Napangiti si Gunner doon.  “This means, hindi naging matagumpay?”

Mabilis na tumatakbo ang tatlo pababa sa mahabang hagdan. Kahit saan ka lumingon ay nagkakaputukan na. “Sevs!” Kaagad silang sinalubong nina Mayumi at Alexis sa ibaba. Lumapit sila kay Severina saka niyakap ito nang mahigpit. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Mayumi rito. Ngumiti at tumango naman si Severina.

“Mabuti na lang at hindi ka napahamak, Sevs.” Nginitian niya si Alexis. 

“Salamat sa inyo.”

“Hindi ko sana puputulin ‘yang kwentuhan ninyo, pero kailangan na talaga nating umalis dito,” pamumutol ni Colby. Napagdesisyunan nilang lima na lumabas na ng building para lumayo, pero natigilan sila nang may humarang sa kanilang daanan. Dalawang lalaki iyon na may hawak-hawak na baril dahilan naman para magtakbuhan silang lima. Agad silang pinagbabaril ng mga ito. Hindi naman sa inaasahan na nagkahiwa-hiwalay ang magkakaibigan.

Hindi alam ni Severina kung nasaan na ang mga kasamahan niya. Tiningnan niya ang paligid kung nasaan siya ngayon, wala siyang ibang nakikita kundi ang mga nakatambak na mga gulong sa paligid. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa makita niya si Diana sa unahan. Mukhang gaya niya, nawawala rin ito. Alam niya naman kasi na pinaalis na ito ng Tito Franco niya kanina.

Napansin agad ni Diana ang presensya ni Severina kaya lumapit siya rito. Tinaasan ni Diana ng kilay si Severina. “Walang hiya ka!” Dali-daling lumapit si Severina rito, ganoon din ang ginawa ni Diana, kaagad silang dalawa nagsabunutan. Hanggang sa gumulong-gulong na sila sa maduming lupa.

Nabigyan ng pagkakataon si Severina na makapatong kay Diana kaya dali-dali niya itong sinampal. “Ito para sa akin! Ito para kay Sean!” sigaw niya habang paulit-ulit na sinampal ang mukha ni Diana.

Mangiyak-ngiyak naman si Diana sa sakit na nararamdaman. “Tama na, Severina!” Pilit hinawakan ni Diana ang kamay ni Severina, pero hindi pa rin ito tumitigil. “Tama na!” Umiiyak na ito sa harapan ni Severina ngayon kaya itinigil ng dalaga ang pagsampal sa mukha nito.

Agad umalis si Severina sa pagkakadagan kay Diana habang umiiyak pa rin si Diana.

“Sorry, sorry talaga!”

Nawala ang galit at inis sa mukha ni Severina, napalitan ito ng lungkot at awa. Kahit ganito ang ginawa ng pinsan niya, kahit ayaw niya rito, hindi niya pa rin ito kayang saktan. Baliktarin man ang mundo, pinsan niya pa rin ang babaeng ito.

“Sevs!”

Kaagad na lumapit ang apat sa lugar kung nasaan sila ni Diana ngayon.

“Ikaw!” Akmang susugod na sana si Sean kay Diana, pero mabilis na pinigilan ito ni Severina. Napansin din ni Sean na umiiyak ito kaya mabilis itong kumaripas nang takbo. “Gano’n na ba talaga ‘yun, pababayaan n’yo na lang?” inis na tanong ni Mayumi sabay tingin sa lahat. “Severina, marami ‘yang masamang ginawa sa ’yo. She didn’t even care no’ng nawala ka!” dagdag pa nito.

“Pabayaan mo na, Yums.” Lumapit si Severina sa kanilang apat. “Pabayaan muna natin siya.” Doon, ay naglakad na silang lima palabas ng building.

GUNNER groaned in pain nang biglang tapakan ni Franco ang likuran niya. Kanina pa sila naglalaban at mukhang wala ng pag-asa si Gunner. Hindi niya inasahan na ganito pala kalakas si Franco. “Wala ka pala, eh! Puro ka lang porma!” Mas binigatan pa ni Franco ang sarili para masaktan nang todo si Gunner sa pagtapak niya sa likuran nito.

Muli siyang pinabangon ni Franco saka muling pinagsusuntok. “Ang tibay mo, ah!” Sigaw pa nito sabay pakawala ng suntok sa mukha ni Gunner. Nang mapansin ni Franco na hinang-hina si Gunner sa kanilang labanan ay iniwan na niya ito saka kinuha ang papel kung saan napirmahan na ng magkapatid ang isang agreement, na kusa nang ibinibigay ng magkapatid ang kanilang mana.

Madali lang na napatumba ni Franco ang mga pulis na humarang sa kaniya. Ngayon na nakuha na niya ang pakay niya, it was time to go. Pumasok siya sa kotse saka agad na umalis sa building. Kinuha niya ang cellphone saka tinawagan ang anak niyang si Diana, pero hindi ito sumagot. Napangiwi na lang siya roon saka itinapon sa gilid ang cellphone dahil sa inis.

Napakunot noo naman si Franco nang mapansin niyang may kulay pulang sasakyan ang sumusunod sa kaniya. Napamura naman siya at napasuntok sa manibela nang mapagtanto niyang naiwan niya ang baril niya doon sa building. Kailangan niya munang patayin itong sumusunod sa kaniya.

Muli siyang napamura nang banggain ng sasakyan na sumusunod sa kaniya ang bumper  ng kaniyang kotse. Humarurot ang kulay pula na kotse saka tumabi sa kaniya. Mas kumunot ang noo ni Franco nang makita niya kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan at kung sino ang sumusunod sa kaniya.

It was Gunner.

“KAILANGAN natin silang sundan,” yaya ni Severina sa lahat. “Sige, sumakay na tayo sa kotse ko,” sabi naman ni Mayumi. Kaagad silang tumakbo papunta sa direksiyon kung saan naka-park ang sedan ni Mayumi. Mabuti na lang at nagkasya sila sa loob ng kotse.

Kaagad na pinaharurot ni Mayumi ang sasakyan saka sinundan sina Gunner at Franco.

Hindi ito papunta sa city kundi palayo mismo.

NAPAKAGAT ng labi si Gunner saka muling binangga ang kotse na kung saan nakasakay si Franco. Mabilis naman itong bumangga sa poste ng kuryente.

Kaagad niyang tinapakan ang preno saka lumabas na ng kotse.

Napansin niya sa likuran na huminto ang sedan na kung saan nakasakay ang lima. Muling ibinaling ni Gunner ang atensyon sa unahan kung saan lumabas din si Franco ng kotseng nakabangga na ngayon sa poste ng kuryente.

Duguan ang ulo nito, pero kahit ganoon ay nakuha pa rin nitong matawa. “Ang tatag n’yo talaga, pero kahit ano’ng gawin niyo, nasa akin na ‘to.” Ipinakita ni Franco sa lahat ang hawak niyang papel.

Franco took a step forward, pero nagulat na lang ang lahat nang umalingawngaw ang napakalakas na putok ng baril.

Napalingon ang lahat sa kanilang likuran kung nasaan si Diana, ito ang may hawak-hawak ngayon ng baril na nakatutok kina Gunner.

Mabilis na kinapa ni Gunner ang katawan kung may tama siya, pero salamat sa Diyos at wala. Nagulat na lang siya nang biglang sumuka ng dugo si Franco sa unahan. Napamura naman si Gunner dahil doon.

Akma siyang lalapit kay Franco na ngayon ay may tama sa kaliwang dibdib. Nakaluhod na ito sa kalsada habang hawak-hawak pa rin ang papel.

Tumakbo ang lahat palapit doon para sana tulungan sana si Franco, pero wala na ito. Bigla na lang itong natumba sa gitna nila at kaagad na nalagutan ng hininga.

“D-Diana,” bulong ni Severina sa hangin habang tinitingnan ang pinsan sa pinakalikuran. Hindi ito umiimik, nakatingin lang ito sa kanila nang diretso.

“Pinatay niya ang dad niya,” hindi makapaniwalang wika ni Alexis.

A week later.

INAYOS ni Severina ang suot na damit habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Napabuntonghininga siya habang tinitingnan ang buong mukha niya. It had been a week simula noong mangyari ang trahedya na iyon, pero kahit anong pilit niyang kalimutan iyon ay hindi niya kaya. It kept on haunting Severina even when she was sleeping.

“Ate.”

Kaagad siyang napalingon sa likuran niya at nakita si Sean. “Bakit?” Pilit siyang ngumiti sa kapatid, pero hindi niya talaga kaya.

“Si Diana.” Tiningnan siya ni Sean sa mga mata. Tumango siya rito. Nauna na siyang lumabas ng kwarto saka kaagad na bumaba ng hagdan.

“’Cuz?” tawag niya kay Diana. Mabilis niya itong nilapitan saka niyakap nang mahigpit.

“Mabuti naman at napag-isipan mong dito ka na titira,” sabi niya pa rito habang kumakalas sa pagkayakap kay Diana.

“Yeah, I guess I made the right choice,” sagot naman nito habang natatawa.

Simula nang mangyari ang araw na iyon, nagpaalam si Diana sa kanila na aalis muna ito. Gusto nitong magpagkalayo-layo. Sinabi naman ni Severina na kung maayos na ito ay open itong bumalik dito sa bahay. “Tama lang talaga,” sagot ni Severina rito.

“Uhm, Severina?”

Napatingin si Severina sa living room. Doon niya nakita si Gunner. As usual, he was wearing his best suit. Hindi na siya nasu-surprise sa ganito niyang pormahan. “Gun—” Hindi niya natuloy ang sasabihin nang mapansin niya ang lungkot sa mga mata ni Gunner. Mas lumapit pa siya rito. “B-Bakit?”

“Siguro dahil wala ka ng problema sa buhay mo at nagawa ko na ang trabaho ko. Siguro it’s time to say goodbye?”

Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Severina. “Ha? A-Ano ba ‘yang p-pinagsasasabi mo, G-Gunner?” Halos hindi niya masabi nang maayos ang mga salita dahil sa narinig. Ano ba ang pinagsasasabi nito?

“You heard it right, Severina. I’m saying goodbye—”

“B-But what about me?” Nakaramdam si Severina ng hapdi sa ilong niya. Kaagad siyang tumingala para hindi siya maiyak. Pilit niyang inayos ang sarili, pero hindi niya kaya. Naiiyak siya. “Tapos na ang trabaho ko rito,” muling sabi ni Gunner.

‘Trabaho lang ba talaga ang lahat, Gunner? Iiwan mo’ko?”

“You know it’s hard for me—” Hindi natuloy sa pagsasalita si Gunner nang bigla niya itong sunggaban ng halik. Napapikit si Severina habang magkadampi ang kanilang mga labi.

Naimulat ni Severina ang mga mata nang dahan-dahang hawakan ni Gunner ang magkabila niyang balikat saka naglagay ng espasyo sa pagitan nilang dalawa.

“Goodbye, Severina.”

Doon, tuluyan nang umalis si Gunner. Habang siya? Naiwan.


Five months later…

NAGPALAKPAKAN ang lahat matapos magsalita si Severina sa harapan. Ibinaba niya ang microphone saka muling umatras palayo sa podium. The teachers congratulated her. “Thank you, ma’am!” Nakipagkamay siya sa mga teacher bago bumalik sa kinauupuan niya.

Kumaway sina Mayumi at Alexis sa kaniya. Nginisihan niya naman ang dalawa na nasa kabilang row.

“’Cuz, ang galing mo sa speech mo!”  Niyakap siya ni Diana na ngayon ay katabi niya sa upuan.

“Yeah, that’s awesome,” narinig niyang komento ni Sean sa gilid. “Thanks,” tugon ni Severina rito.

“SURE ka ba sa gagawin natin?” narinig niyang tanong ng kakambal sa kaniya. Tiningnan niya ito sa rearview mirror ng kotse saka tumango. “Oo, sure ako,” sagot ni Severina kay Sean.

“Malayo pa ba?” si Diana.

Papunta silang tatlo sa probinsya nina Gunner. Severina knew he was there. Malakas ang kutob niya.

“Malapit na,” sagot ni Severina kay Diana. Inutusan niya naman si Sean na magpatugtog sa stereo. Habang nasa biyahe ay todo ang ngiti ni Severina dahil sa kantang pinatutugtog ngayon.

“I fancy you,” pagsisipol niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nang makarating sila sa probinsya nina Gunner ay kaagad silang huminto sa tapat ng kanilang bahay.

“Ate Severina!”

Sinalubong siya ni Lily ng mahigpit na yakap. Lumabas din ang ina ni Gunner galing sa loob ng bahay saka sinalubong din siya. “Si Gunner?” tanong ni Severina kay Lily.

“Ewan ko nga, eh, kanina ko pa ‘yun hindi makita, Ate.” Kinamot ni Lily ang ulo. “Sino po sila?” Tiningnan ni Lily sina Diana at Sean sa likuran. Nakasandal lamang ang dalawa sa hood ng kotse habang nakatingin sa kanila.

“Si Diana, pinsan ko,” sabi niya naman sabay turo kay Diana na nakakibit-balikat sa kotse. “At siya naman si Sean, kakambal ko,” nakangiti niyang sabi.

“Talaga? May kakambal ka, Ate?” medyo may gulat na tanong ni Lily sa kaniya. Tumango si Severina saka nginitian ito.

“Mahabang kuwento pero, oo. Sean is my twin brother.”

“Severina?”

Natigilan si Severina nang bahagya nang marinig ang boses na iyon. Dali-dali siyang lumingon kung saan nanggaling ang boses na iyon saka mabilis na napangiti.

“Gunner,” nakangiti niyang tawag sa pangalan nito. Ilang buwan na rin noong huli niyang mabanggit ang pangalan na iyon. At na-miss niya ito.

“What are you doing here?”  tanong ni Gunner.

Naglakad si Severina palapit dito. “Gunner,” muli niyang sabi hanggang sa makarating siya sa harapan nito. Huminto siya saka huminga nang malalim bago niya ito muling tiningnan.

“Maybe you’ll say that I’m a stubborn woman, but . . .” Tiningnan ni Severina ang mga mata nitong magkakaiba ang kulay. “I want you to know that I love you. Mahal kita, Gunner,” dagdag niya rito.

Mabilis na nawala ang kunot sa noo ni Gunner saka napalitan ito ng ngiti. “I love you too.”

Napangiti si Severina roon. She stood on her tiptoes to level with his lips and immediately kissed him.

Continue Reading

You'll Also Like

2K 56 32
How many times does Everleigh have to accept that she has no right to be angry and jealous because they have no relationship with Lorenzo but only fr...
10.2M 131K 22
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
14.4M 360K 83
"Come on wifey. Ngumiti ka na diyan." Zach said to cheer me up pero walang effect e. "Sige na. I love you. I love you. I love you." "I love you too...