Cover by Ellise Yu
********
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
The Handsome Flower
Season 2
AiTenshi
March 25, 2020
Part 51
"My dear Blas, huwag kang lumalakad ng naka yuko. Alam mo na, dapat proud ka na ng boyfriend mo ay Yuji Guarin. Alam mo tama lang talaga na tayong tatlo ang super friends! We can relate to each other kasi diba?" ang maarteng wika ni Lippi habang nasa canteen kami at may hawak na tray ng pag kain.
"Alam mo Blas, ganito talaga kami dito sa canteen ng upper class, kaunti lang ang food pero sobrang mahal. Kumuha ka ng kumuha ng gusto mo, my treat." ang wika ni Evan.
"Ano ka ba Blas, huwag kang mahiya. Feel at home lang dito sa canteen ng upper upper class. OMG, ayun si Yuji at si Kiro kumakain silang dalawa ng sabay." ang kinikilig na wika ni Lippi.
Lumakad kami patungo sa katabing table nila Yuji pero tapos na silang kumain. "Hi Yuji, hi Kiro" ang bati ng dalawa.
Tumayo si Yuji at lumapit sa amin. Humarap ito sa akin. "Tutugtog yung banda ng F4 mamaya doon sa ground. Manood ka para makita mong hindi lang ako basta gwapo lang. Papasok na ko." ang salita nito na parang galit na di mo malaman. Umalis ito sa aming harapan na punong puno ng yabang.
"Ayiie ang sweet." ang kinikilig na wika ni Lippi at Evan.
"Sinusubukan ni Yuji na maging sweet pero hindi talaga niya kaya. Founding Anniversay ng Empire University ngayon, tutugtog ang F4 mamaya doon sa ground. Sana ay makapanood kayo." ang wika ni Kiro.
"Oo Kiro, manonood kami. Ikaw pa ba? Mas lalo ka yatang naging gwapo at naging yummy ngayon. Nakaka inis ka, ang ggwapo ang post mo sa IG!" ang maarteng wika ni Evan.
"Salamat. Maganda ang klima doon sa New York, baka naging hiyang lang ito sa akin." sagot niya. Tumingin pa ito sa akin at saka ngumiti. "Manood ka mamaya Blas, mag damag nag ensayo si Yuji." ang dagdag niya saka lumakad palabas sa canteen.
"Gosh, sobrang swerte mo Blas, you are such a very very lucky girl. La la la, la la, la la." ang hirit ni Lippi.
"Kumakanta ba si Yuji?" tanong ko.
"Ano ka ba? Maganda ang boses ni Yuji, lahat ng miyembro ng F4 ay mga talented. Humble lang talaga sila at hindi nag yayabang." ang sagot ni Evan.
"Alam mo, every founding anniversary ng Empire ay lumalabas ang mga students sa gabi for celebration. Mamaya lets go sa bar kasama ng mga kaklase natin!" ang excited na wika ni Lippi.
"Iseset ko yan, isama natin ang F4! Para mas masaya diba?" hirit ni Evan. "Huwag kang mag alala Blas, sagot namin ni Lippi ang bill ng lahat. Maliit na bagay lang iyon. Duhhh! Sa ganda kong to, kayang bilhin yung buong bar!" dagdag niya
Tawanan sila..
Alas 3 ng hapon, nag kagulo na ang mga estudyante sa ground, set up palang ng entablado ay talagang nag titilian na sila. "Mukhang mag sisimula na ang concert ng F4." ang wika ni Lippi sabay hila sa akin palabas sa classroom.
"Last year nag perform din sila dito at talaga namang nag enjoy ang buong campus. Kaya heto, every event ay hindi na kumukuha ng artist. F4 lang ay sapat na para mag cum ang bakla sa ground." tugon ni Evan.
First time kong mapapanood si Yuji at ang iba pa. Nangingibabaw ang excitement sa aking dibdib. Ang totoo noon ay may boses naman talaga si Yuji, kapag naliligo ito ay naririnig ko siyang kumakanta at sinasabayan ang mp3 niya. May isang pang yayari pa na naka lubog sa bath thub at siya ay nakatapat sa shower, noong tumugtog ang rock music ay nag sayaw ito. Ang akala ko ay talang uto uto lang siya para gawin ang ganoong bagay. Ni wala siyang sinasabi sa akin na mayroon siyang banda.
Alas 4 ng hapon..
Opisyal na simulan ang pag diriwang. Sumiklab ang fireworks sa buong entablado at kasabay nito ang pag labas ng F4. Naka suot ng mag kakamukhang jacket, pantalon at sapatos. Lahat ay may hawak na mikropono at dito ay nag simulang tumugtog ang banda..
Lalong nag wala ang mga tao sa ground..
BIYAHE
Alam mo ang ganda mo pala
Pagtumawa ang yong mata
Hinahabol ko ang bawat mong tingin
Ngunit ito'y di' mo napapansin
Wala akong maipagmamayabang
Porma ko pasimple simple lang
Sino ba ako walang dating sayo
Di tayo bagay sobra mong ganda talaga
Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ng'yon sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko ohhhh...
Oh kay sarap mong kasama
Napapawi mga problema
Magaan dalhin kay sarap lambingin
Yun nga lang ay kaibigan kita
Akala ko mapipigil ko
Pero lalong nahuhulog sayo
Nang yong mabuking tinanong sakin
Dapat bang pagbigyan pag-ibig natin mahalin...
Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ng'yon sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko ohhhh...
Naulol ang mga manonood sa taglay na kagwapuhan ng F4. Lalo na kapag sila ngumi-ngiti. Hindi ko malaman kung sino sa kanila ang crowd favorite dahil malakas ang tilian noong lumabas sina Erjun at Gavin. Lalong sumabog ang ground sa matinding hiyawan noong lumabas si Yuji at Kiro. Kumakamay sila sa mga taga hanga. May mga ilan na napapaluha pa noong mahawakan ang kanilang iniidolong miyembro.
Opening number palang ay halos malatin na ang ibang taga suporta. Sina Lippi at Evan ay nakikipag laban rin ng palakasan ng tili at ayaw mag patalo.
Matapos ang opening number ay umupo sina Erjun, Gavin at Kiro sa mga instrumento para tumugtog. At si Yuji ay lumapit sa gitnang mikropono..
"Shit! Mag sosolo si Yuji!" ang kinikilig na wika ni Evan sabay hampas kay Lippi dahilan para matumba ito.
"Aray, kailangan ba talaga pag kinikilig ay nang hahampas pa?" reklamo nito.
Tilian nanaman ang mga manonood lalo na noong mag salita si Yuji. "Hindi ako perpektong tao, pero ginagawa ko ang lahat para matutunan yung mga bagay na hindi ko pa nalalaman. Nag karoon ako ng pag kakataon na ipakita ang isang bahagi ng pag katao ko na maaari akong maging masaya sa mapapagitan ng pag mamahal. At ang DAHILAN ng lahat ng iyo ay ikaw."
Tilian..
Nag simulang kumanta si Yuji at unang bagsak palang ng kanta nito ay nawala na sa sarili ang mga taong nanonood dahil kaboses niya ang orihinal na singer nito.
THE REASON
HOOBASTANK
I'm not a perfect person
There's many things I wish I didn't do
But I continue learning
I never meant to do those things to you
And so I have to say before I go
That I just want you to know
I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
And the reason is you
I'm sorry that I hurt you
It's something I must live with everyday
And all the pain I put you through
I wish that I could take it all away
And be the one who catches all your tears
That's why I need you to hear
I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
And the reason is you
And the reason is you
And the reason is you
And the reason is you
"Papa Yuji ang sarap mo! Jusko! Gusto kitang iharvat!!!" ang sigaw ng beki sa likod.
"Sana ako nalang! Sana ako nalang yung mic!!" dagdag pa nung isa
"Tse!! Wish niyo lang! Mga panget!!" sagot ni Lippi..
Tuloy ang pag kanta ni Yuji, ako naman ay nakatingin lang sa kanya at pansamantalang tumigil ang aking mundo. Pakiwari ko ay nawala ang tao sa paligid at kaming dalawa lang dito. Naka tayo siya entablado habang umaawit at ako naman ay nakatayo dito sa ibaba habang pinag mamasdan ang kanyang gwapong mukha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapaniwala na ang isang katulad ni Yuji Guarin ay minahal ako. Yung mga gabing mag kayakap kami, mga gabing nag tatalik kami, lahat ng iyon ay wari'y isang magandang panaginip na ayokong iwaglit sa aking isipan. Habang tumatagal ay hindi ko na cocontrol ang aking sarili. Napapamahal na ako ng husto sa kanya na parang hindi iikot ang aking mundo kapag wala siya.
I'm not a perfect person
I never meant to do those things to you
And so I have to say before I go
That I just want you to know
I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
And the reason is you
I've found a reason to show
A side of me you didn't know
A reason for all that I do
And the reason is you
Noong matapos kumanta si Yuji ay halos nagiba ang buong ground sa pinag halong tilian at hiwayan ng kanyang mga taga hanga. Pag katapos noon ay muling tumayo ang apat para umawit. Nonstop ang kaligayahang dulot nila sa mga fans. At siyempre ay walang katapusang pag hanga ang aking naramdaman sa bawat isang miyembro ng F4.
Alas 7 ng gabi noong matapos ang concert. Dumagsa ang mga students sa building ng F4 para batiin sila. Ang iba ay mag dalang bulaklak at may dalang mga regalo para sa mga ito.
Sa gitna ng mga nag kakagulong tao lumakad sa patungo sa akin si Yuji dahilan para mapataas ang kilay ng mga taga hanga niya sa paligid. "Ayos ba? Kinilig ka ba sa kanta ko?" tanong niya.
Ngumiti ako. "Ang husay mo. Congrats. Hindi ko akalain na mayroon ka pala talagang talent."
"Ikaw lang e, wala kang tiwala sa boyfriend mo. Mayroong salo salo doon sa loob, at mayroong ring party ang department namin. Tara sa loob." ang pag yaya ni Yuji sa amin.
"Excuse me Yuji, pero mayroon ring celebration yung klase namin. Hihiramin muna namin si Blas. Enjoy ka lang dyan sa department niyo." ang wika ni Lippi.
"Yes, founding anniversary ngayon, dapat mag kakasama ang mga mag kakadepartment. Sandali lang naman namin hihiramin itong kasintahan mo. Ang sweet niyo, masayado ka palang overprotective na bf na Yuji." malanding wika ni Evan.
"Don't worry kasama ko naman si Bam." ang wika ko.
"Oo kasama niya ako. Akong bahala kay Blas. Aalagaan ko siya at poprotektahan ng buhay ko." sagot ni Bam sabay lingkis sa akin
Napangiwi si Yuji. "Ano ka ba, lumayo ka nga kay Blas! Bakit kailangan ay lumingkis ka pa na parang isang butiki sa pader. Yuck ka!"
"Ang sama talaga ni Yuji oh, niya-yuck niya kayo." tugon ni Bam.
"Tado, para sa iyo yung "yuck" na iyon. Huwag mo ngang pinapasa kung kani kanino!" gigil na salita ni Yuji.
HOST: And now, lets hear to hear it. Ang leader ng F4. Mister Yuji Guarin!
Palakpakan ang mga tao sa loob..
"Oh tinatawag kana. Okay lang ako, enjoy ka lang." ang wika ko.
"Mag ingat ka, huwag kang mag papakalasing okay? Tumawag ka pag naka uwi kana." wika nito at saka mabilis na nag lakad papasok sa gusali para mag salita..
"Yun naman pala! Lets go na!" ang pag yaya ni Lippi.
At iyon ang set up, kaming buong klase nag tungo sa Bar para mag bonding. Minsan lang raw ito nagaganap sa isang taon kaya't sayang naman kung palalagpasin pa ito. Mababait naman ang aking mga classmates wala naman silang paki alam sa akin. At isa pa ay mag iisang buwang mahigit na rin akong hindi inaaway nina Lippi at Evan. Siguro nga ay talagang nag bago na silang dalawa..
Itutuloy..