Fleeting Moments

By ynativity

1.3M 42K 33.5K

THE WATTY AWARDS 2021 WINNER: ROMANCE Due to an unexpected pregnancy, ex-lovers Ryo and Frankie are forced to... More

2024 Announcement
Fleeting Moments Book Details
Fleeting Moments
Story Guide
Chapter 01: Moving In
Chapter 02: Cravings
Chapter 03: Who Else?
Chapter 04: Baby Bump
Chapter 05: Dinner
Chapter 06: Lucky Star
Chapter 07: Massage
Chapter 08: Christmas
Chapter 09: Kiss
Chapter 10: Photo
Chapter 11: Date
Chapter 12: Movie
Chapter 13: Blind Item
Chapter 14: Envelope
Chapter 15: Sleeping Beauty
Chapter 16: Isaac
Chapter 17: Dream
Chapter 18: Secret
Chapter 19: Call
Chapter 20: Husband
Chapter 21: Ring
Chapter 22: Birthday
Chapter 23: Marry
Chapter 24: Forever
Chapter 25: First
Epilogue: Congrats, Ryo!
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03

Prologue: Congrats, Ryo!

71K 1.7K 1.2K
By ynativity

#HHFM Prologue: 

Congrats, Ryo!

* * * 

"Frankie, we should visit a doctor."

Napatigil ako sa paghihilamos. Nilingon ko si Cali na mukhang alalang-alala na naman sa akin. I only laughed at her reaction because, obviously, she's overreacting. Kung hindi ba naman kasi ako tinambakan ng articles na pending, hindi sana ganito. Ang hirap kaya ng kailangan kong kumita ng pera tapos kailangan ko ring alagaan ang sarili ko. It's like every night is a battle between choosing sleep or work, and I always end up choosing the latter. Parang tumanda lang ako para maging alipin ng salapi.

"Pagod lang ako," I told her, and smiled just to ease her worries. Nakalimutan ko pang bumili ng blood supplement kahapon kaya parang mas hinang-hina ang pakiramdam ko. I picked up my toothbrush and went back to the sink to brush my teeth.

"Sure ka? Hindi 'yan about kay ex mo? Baka naman iniiyakan mo pa 'yon?"

That made me halt. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. It's not like talking about him is taboo. Hindi naman na ako super affected. Paano ba naman, e mukhang immune na ako dahil kung saan-saan ko naman nakikita ang pagmumukha niya. Araw-araw pa nga dahil nakapaskil ang buong katawan niya sa billboard gawa ng endorsement niyang energy drink.

Sinungaling talaga iyon. Hindi naman siya umiinom n'on e.

Wala rin namang point kung iyakan ko siya nang matagal. It's been a month. I don't really care anymore. Ako naman ang nakipag-break, tapos pumayag siya. Hindi naman ganoong ka-messy kaya tanggap ko naman. Tama na siguro ang tatlong gabi akong nag-senti. Takang-taka pa nga si Cali dahil ang tagal ng relationship namin ng ex ko! Apat na taon naging kami tapos tatlong araw ko lang iniyakan?

And besides, wala na rin namang panahon para magmukmok ako. Again, pagtulog pa nga lang at pagtatrabaho, kain na kain na ang oras ko. Saan ko pa isisingit ang feelings ko?

Nagmumog ako nang ilang beses at kahit na ganoon, pakiramdam ko'y nalalasahan ko pa rin ang isinuka ko. I shuddered a bit. Kadiri talaga! Never na akong kakain nang super late.

"Gaga, magpa-check up ka na kasi," sabi ni Cali na nakasunod pa rin sa akin.

"Sayang pera do'n," I said before turning off the lights in our room. Binuksan ni Cali ang dim light sa gilid niya dahil hindi siya nakatutulog nang maayos kapag wala kahit kaunting liwanag.

Pumunta na siya sa kama at ako ay bumalik sa puwesto ko sa sahig. Double deck naman talaga ang kama namin at ako ang nakapuwesto sa itaas, pero madalas kasi akong mahilo kaya sabi ko, dito na lang ako sa sahig. Usually rin, medyo naaalog ko ang kama kapag nagtatrabaho nang gabing-gabi na, tapos nagigising si Cali. Mas komportable na rin naman ako rito sa kutson sa sahig.

"Doktor ang tiyahin ko. Bilis na, ilalakad kita! Libre na!" pangungulit niya. I chuckled and picked up my laptop. Kinuha ko rin ang ballpen sa gilid at nagsulat sa sticky note ng reminder na bumili ako ng vitamins. I couldn't afford getting sick, sayang ang ilang araw ng trabaho at mas mahal ang gamot.

"Next time na, Cal," I told her. Naglagay ako ng unan sa likuran ko at sa hita bago ipatong doon ang laptop. Cali gave me a disapproving look.

"Ano na naman ba 'yang gagawin mo?" tanong niya, at napabangon agad.

"Transcript lang ng interview. Tatapusin ko na para mabawasan ang gagawin ko bukas," I answered. Magsusuot pa lang ako ng earphones nang agawin niya iyon mula sa akin.

"Sige, papayagan kita ngayon, ha? Pero matutulog ka na by 2 a.m.!"

I nodded while trying to get my earphones back. Baka masira! Sayang din ang 300 Pesos para sa earphones! "Oo na nga."

"And . . . !" Napatigil ako nang tumalim ang tingin niya sa akin. "Magpapa-check up ka bukas. Ilang araw na 'yan!"

Napasimangot ako. "Nakakahiya sa tiyahin mo—"

"Gusto mo bang tawagan ko pa si Ryo para lang pilitin kang magpatingin sa doktor?"

"No!" sagot ko kaagad. Kahit na imposibleng pansinin pa siya ni Ryo dahil break na nga kami! But I'm not taking any chances. Baka mamaya, sumagot nga!

"E di, bukas before lunch, magpapa-check up ka," aniya. Paulit-ulit akong tumango. Pinaningkitan niya muna ako ng mata bago ibalik sa akin ang earphones ko. Nag-set pa talaga siya ng alarm para ma-check niya mamayang alas-dos kung gising pa 'ko.

I doubted na magigising siya. Then an hour later, ako na nga ang nagpatay ng alarm dahil naparasap ang tulog niya. Kahit na puwede kong ituloy ang ginagawa ko dahil tulog-mantika naman siya, pinatay ko na ang laptop ko dahil nakararamdam na naman ako ng hilo.

Kinaumagahan ay mas maaga pa rin akong nagising kay Cali. I checked the time and noticed that I slept for good seven hours, pero kahit na ganoon ay parang ang sama pa rin ng pakiramdam ko. After cooking our breakfast, I took a bath. Paglabas ko ay saka ko lang siya naabutang gising.

"Ikaw, hoy," aniya, tinututok ang hawak niyang tinidor sa akin. "Magpapa-check up ka ngayon, ha! Tinawagan ko na si Tita." Napailing na lang ako sa kaniya bago pumasok sa kuwarto para magbihis. Wala rin naman akong takas kay Cali kaya nagbihis na ako nang maayos. Saka, libre naman e.

Sinabayan ko siyang kumain. She was busy on her phone, probably waiting for anything worthy of a page. We're working under different magazines, pero iisa lang naman ang nagmamay-ari. Usually, she writes for the website. Ako, mas madalas na sa physical copies talaga.

"Ang jowa mo, nasa alma mater." I could see from my peripheral vision that she was showing me her phone, pero ayaw ko nang tingnan.

"Ex," I corrected her. She snorted. Tumayo ako para kuhanin ang nag-iisang apple sa maliit naming ref. Parang ayaw ko pa ngang umalis sa tapat n'on kasi ang lamig-lamig. Dito kasi sa inuupahan namin, kapag nagdagdag pa kami ng air-con, lalaki masyado ang upa. We had to make a choice kung air-con o ref, and we made the more practical choice.

Hinugasan ko muna iyon at binalatan. Kahit na gusto ko nang kagatan ay hiniwa ko pa rin at inilagay sa mangkok para share kami ni Cali. I was secretly hoping na hindi siya kukuha pero bumawas agad siya kaya napasimangot ako.

"Kasama ang tatay," she said, nodding while probably looking at their photos. "Grabe, daddy saka daddier?"

I laughed at her antics.

Hindi ko naman itatangging guwapo si Ryo; doon niya nga ako nadala e, sa mukha niya. Ang tawag nga sa kaniya ni Cali ay 'Koreanong Overcooked,' kahit na ilang beses ko nang ipinaliwanag dito na part Korean lang si Ryo.

Iyon ang rating system ni Cali pagdating sa mga lalaki. Kapag hilaw, ibig sabihin hindi ka pumasa. Kapag luto, bet ka niya. E si Ryo, para sa kaniya, overcooked. Ganoon ito kaguwapo.

"'Here for the whole day' daw! Hindi mo pupuntahan?" aniya, at halos ingudngod sa mukha ko ang phone niya. Instagram story pala ang tinitingnan niya.

"Bakit ko pupuntahan?" natatawa kong tanong. Parang si Cali pa ang hindi maka-move on na break na kami ni Ryo e ako itong naging girlfriend.

Pagkatapos niyang maligo ay dumeretso na kami roon sa tita niya. There was a short line at pinilit ko siyang maghintay na lang kami dahil nahihiya na ako. Libre na nga ako, kaya okay lang na maghintay. Nagpa-blood test lang naman ako tapos ay umalis na kami dahil mga two hours pa raw bago makuha ang resulta.

We went to the pharmacy sa ground floor ng tower tapos bumili ng vitamins ko. We spent the remaining time sa café kahit siya lang ang kumain dahil lalo lang yata akong nahilo sa presyo ng mga nasa mesa.

Bumalik kami roon sa tiyahin niya nang maka-receive na si Cali ng text na okay na raw ang results. I sat on the chair in front of Cali's aunt while she was reading what was written on the paper, which I assumed was the result of my blood test. Napasulyap siya sa akin at balik sa resulta, tapos sa akin ulit—paulit-ulit, pabalik-balik.

Kumunot na ang noo ko dahil hindi siya nagsasalita. I looked at Cali who looked as confused as me.

"Tiyang, bakit naman ganiyan 'yang feslak mo?" tanong niya at lumabi. Her aunt just smiled at her.

Nilingon ako ni Doktora. "You're pregnant. Congrats."

Ilang beses akong kumurap-kurap. Nilingon ko si Cali na parang naestatwa sa kaniyang puwesto. I suddenly felt cold, parang sumalida ulit ang hilo ko.

Ano'ng sabi niya? Pregnant? What?

"Ako po?" I pointed at myself. "Buntis?" I choked a sob.

"Yes, you're pregnant. I'll refer you to my—"

"Buntis?" ulit ko. Ano ba'ng rhyming na word sa pregnant? Baka naman mali lang ang dinig ko. "Ako?"

Her aunt sighed and nodded again. "Yes, Franceska. You're—"

"Ako—"

"Ikaw nga!" My shoulders jumped when Cali shouted. Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Sinaway siya ng tiyahin niya. "Alangan namang ako? Kanino bang results 'yan?!"

Oh, my God.

Nagsasalita ang tiyahin niya ngunit wala akong marinig. Kinapa ko ang tiyan ko.

May bata sa loob? Totoo ba ito? This wasn't on my plan for now.

Nakatatakot dahil sarili ko pa nga lang, nahihirapan na akong buhayin, paano pa kapag may anak na ako?

I can always go home to ask my parents for help, but I don't want them to worry about me. Ayaw ko ring maging pabigat. I can still work while pregnant, right?

Nasa plano ko namang maging nanay one day . . . pero ano ba'ng alam ko sa pagbubuntis? Sa parenting? Wala pa! Inalis ko na lahat ng plano kong matuto sa ganoon nang maghiwalay kami ni Ryo.

At saka paano ko ito sasabihin sa tatay ko? E alam naman nilang break na kami ni Ryo. Baka mamaya, mahirapan pa akong ilabas si Tatay sa kulungan kasi sigurado akong tutugisin niya ang ex kong iyon. At dahil OA rin iyon, baka akalain pang nag-break kami kasi nabuntis ako.

When we got out of the hospital, my whole head was still spinning with all the information that I was forced to digest. I'll just ask Cali to repeat all the doctor's reminders later. Hindi ko kaya. Ayaw ko munang mag-isip.

"Ano, girl? Uwi na tayo?" she asked. I shook my head. I rubbed my palms together and tapped my cheeks twice. I need to get a grip.

Ito na e. Nandito na ito.

Maybe, this baby was meant for me.

I didn't expect to have this now, but there was no way that I would give up this pregnancy. A huge part of me wants to keep the child, kahit na maraming uncertainties. It's not too late to learn on how to be a great mother, right? Puwede ko pa namang pag-isipan kung paano ako uuwi at ibabalita ito kina Tatay. It's not like the baby's going to come out tomorrow.

I still have time to sort this out and make this work.

"No. May pupuntahan pa tayo," I told her, and started walking.

"Saan?"

"Sa tatay nito," sagot ko. Saan pa ba?

It's unfair kung hindi ko sasabihin sa kaniya. We're adults. Hindi ko siya puwedeng pagtaguan at pagdamutan. Anak niya ito. Wala naman akong ibang naging ex. Wala naman akong ibang naka-sex.

Unless, dala-dala ko ang next Jesus Christ, malamang na anak ito ni Ryo. Anak namin ito.

I didn't really care kung ayaw niya sa bata. I just needed to inform him; then, his parents. Mas mabuti na iyong may malalapitan ako kung sakali mang magipit ako nang tuluyan at hindi ko matustusan ang pangangailangan ng magiging anak ko. Knowing his family—kung pera lang ang pag-uusapan—hindi nila ako kailangan dahil kaya nilang buhayin itong magiging apo nila, at kahit yata magiging anak pa nitong anak ko. They're that rich.

Mabuti na lang at naroon pa si Ryo sa gym ng school. Kaga-graduate lang namin noong Mayo at siguro, naroon lang siya para gumamit ng facilities o samahan ang tito niyang basketball coach. Whatever the reason was, pabor sa akin na madali ko siyang mahahagilap.

"Ano, keri?" Cali whispered when I finally saw Ryo, sitting on the courtside bench. Katabi niya si Tito Finn, ang tatay niya, na umiinom ng shake habang nanonood doon sa players na nagpa-practice. On the other side of the court was Ryo's uncle, the team's coach.

"I'm not nervous," I said. Although, I'm not so sure about that. Lagi ko ngang nakikita ang pagmumukha niya pero ngayon ko lang ulit siya makikita nang personal. The last time I saw him face-to-face was when we broke up.

Kahit na nanlalamig pa rin ang palad ko ay dere-deretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa tapat niya. Saglit na kumunot ang kaniyang noo nang harangan ko ang panonood niya bago niya iangat ang tingin sa akin. Sumulyap ako kay Tito Finn na napatigil sa paghigop nang makita ako. He knew me. Hindi man kami super public ni Ryo sa campus, kilala naman ako ng pamilya niya. And that was all that mattered to me when we were still together. That was enough for me to trust Ryo.

"What are you doing?" tanong niya.

I shifted my gaze to Tito. "Hello po," I greeted and bowed a little. Tumango si Tito bago lingunin si Ryo. He stood up and tapped Ryo on the shoulders, as if he's saying that he's about to leave us alone.

"Ano'ng kailangan mo, Frankie?" Ryo sounded so bitter. I couldn't blame him. Maybe if I weren't busy, I would be as bitter as him dahil dinamdam ko na rin ang apat na taon naming napunta sa wala.

I took a deep breath and glanced at his father. Hindi ko alam kung aalis ba talaga siya o ano dahil ang bagal ng kilos niya sa pagbukas ng gym bag at pagkuha ng kung ano roon.

Whatever. So what if hears about the baby? Ipaaalam ko rin naman sa kanila ni Tita.

"I'm pregnant," I dropped the bomb so casually. Nagusot ang mukha ko nang mabilaukan si Tito at panay ang ubo roon sa likuran. When I looked at Ryo, it seemed like he lost all the blood in his face. His jaw dropped as he looked at me with his eyes wide open.

"Ano?" ulit niya, mahina at mariin, hindi makapaniwala.

"Buntis ako," I repeated. My breath came out shaky. "Congrats, Ryo. Tatay ka na."  

Continue Reading

You'll Also Like

473K 8K 35
Eros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing mor...
1.4M 44.7K 48
Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang guwapo pero grumpy boss na si Hunter dela Merced. Masungkit kaya niya ang puso nit...
13.6M 219K 53
After getting her heart ruthlessly broken, Leila believed that love is a murderer. She became as cold as ice and pushed everyone away. But now that L...
2.3M 68.8K 63
Rich and beautiful Filipino-American Annika is making amends for an old misdeed but falls in love with her unwitting victim. Will Annika and Walter f...