I love you, Mr. Right [Publis...

By nikkidelrosariophr

10.1K 286 1

"Ikaw ang nagturo sa puso ko kung pa'no magmahal ng totoo. God is indeed good because he gave you to me." Ang... More

Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven

Chapter One

2.5K 40 0
By nikkidelrosariophr

"GAGONG lowlife 'yon! Ipagpapalit lang ako, sa mukhang hitong pusit pa? Akala mo naman kung sinong guwapo, eh mukha namang kangaroo! Pagbabayaran niya ang panloloko niya sa'kin, letse siya!"

Patuloy lang si Anika sa gigil na paglilitanya habang ang mga kaibigan niya ay naiiling na lang. Kasalukuyan silang nakatambay sa Love Me Coffee Shop. Kaibigan at ka-eskuwela nila si Jade, ang anak ng may-ari ng naturang establisimyento.

Their group was known because they are all suckers for sweets at masasarap ang mga pastries sa coffee shop na iyon that's why they always want to go there. Ngunit nang mga sandaling 'yon, parang walang appeal sa kanya ang tatlong klaseng chocolate cakes na nasa harap niya, idagdag pa ang paborito niyang mocha frappucino. Iyon ay dahil sa siraulong ex-boyfriend niya na nahuli niyang nasa kandungan ng ibang babae. Ang akala pa naman niya ay titino na ito kapag binigyan niya ng pangalawang pagkakataon ngunit nagkamali siya.

Nahuli niya si Derek---ang ex-boyfriend niyang mukhang kangaroo--- na halos makipag-niig na sa babaeng kasama nito sa loob ng apartment nito. Balak sana niya itong sorpresahin dahil gusto niyang ito ang unang makaalam na nakapasa siya sa Licensure Examination for Teachers ngunit siya ang nasorpresa dahil sa naabutan niyang tagpo.

Halos wala nang saplot ang mga ito. Nagngitngit siya ng husto at sinugod ang mga ito ngunit galit na pinigilan lang siya ng dating nobyo. Ang dahilan raw nito kaya nito nagawa 'yon ay dahil hindi niya hinahayaang gawin nito ang lahat ng gusto nito sa kanya. Ang akala pa naman niya ay naiintindihan siya nito kung bakit hindi pa siya handang gawin iyon. Ang mga kaibigan niya ang unang-una niyang tinawagan upang may makasama siya. Ang akala nga niya ay sa inuman mauuwi ang masalimuot at naunsiyaming relasyon ngunit doon siya dinala ng mga ito.

"Ano ba naman kasi ang sinabi ko sa'yo dati? Hindi ba't binalaan na kita na nasa loob ang kulo ng gunggong na ex mo?" anang kalalapit lang na si Jade. Umupo ito sa tabi niya at inumpisahang lantakan ang cakes niya.

Napapadyak siya dahil sa sobrang inis. "Eh kasi naman Jade, hindi ko matanggap na gano'n lang ang mangyayari sa lovelife ko. Aba, ngayon nga lang ako nagkaro'n no'n eh mawawala pa agad? " frustrated na paliwanag niya.

"It's not as if you love him." nakasimangot na singit ni Angela. "Na-miss mo lang na magkaro'n ng boyfriend at nagkataong siya ang available." Alam ng mga ito ang nangyari sa kanya at kay Derek noong unang beses niyang maging nobyo ang binata dahil naikuwento niya iyon sa mga ito noong mga panahong nililigawan siya ni Derek sa ikalawang pagkakataon.

"Alam mo, I hate to say this pero tama si Angel." pagsang-ayon ni Larisse. "Hindi mo naman talaga mahal si Derek eh. Kaya tama lang na naghiwalay na kayo. Sasakit lang ng bonggang-bongga ang ulo mo do'n. Lowlife nga di ba? Once a lowlife, always a lowlife." umismid pa ito.

Napaisip siya dahil sa sinabi nina Angela at Larisse. May point ang mga ito. Unang beses niyang naging boyfriend si Derek noong third year highschool siya. At dahil wala siyang kaalam-alam sa pakikipag-relasyon ay agad niya itong sinagot. Ang totoo ay na-excite lang siya dahil iyon ang unang beses na may nanligaw sa kanya, kung ligaw nga na matatawag ang mga ginawa nito. And being a fool that she was back then, not to mention stupid, hindi na siya nag-isip at agad na pumayag maging nobya ng binata.

Nang unang beses silang maghiwalay nito ay hindi siya nakaramdam ng kahit anong emosyon. Disappointment lang ang naramdaman niya dahil hindi ang inaasahan niyang relasyon ang mararanasan niya sa piling nito. Hindi naman sa naniniwala siya sa fairy tale love story pero dahil sa mga nakikita niya sa paligid ay hindi rin niya maiwasang ma-excite sa isiping maaari niyang maranasan ang nararanasan ng ibang babaeng ka-edad niya. Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi nangyari 'yon.

Wala naman kasi silang ginagawa katulad ng ibang magkasintahan. Ang tanging komunikasyon lang nila ay ang usong-uso noon na Friendster at ang pagtawag nila sa isa't-isa sa telepono. Sweet naman ito sa kanya ngunit hanggang doon lang ang ginagawa nito. At dahil sa isa nga siyang tanga at mangmang, madali siyang kinikilig sa mga pambobola nito sa kanya.

Ni hindi nga pumasok sa kukote niya kahit minsan na may emotional attachment sila sa isa't-isa. She knew that she's an ignorant when it comes to relationships but she just tried and failed. No harm done at hindi na sila nagkita o nag-usap man lang nito. Ngunit nitong nakaraang buwan lang ay muli itong nagparamdam sa kanya. Hindi na nga lang sa Friendster dahil Facebook na ang uso ngayon sa mga tao. Simula no'n ay madalas na silang mag-usap hanggang sa manligaw itong muli sa kanya. Pero sa pagkakataong iyon ay pormal na itong nanligaw sa kanya na labis niyang ikinamangha. Dahil sa excitement ay sinagot niya ito kahit na dalawang araw lang itong nanligaw. Nangako naman ito na sa pagkakataong iyon ay aayusin na nito ang kanilang relasyon.

Kung iisipin ay hindi naman talaga niya minahal ang binata kaya niya ito sinagot sa pagkakataong 'yon. Pure excitement lang ang naramdaman niya at wala nang iba dahil kung minahal niya ito, sana ay nagngangangawa na siya ng mga sandaling 'yon.

Masyado lang talagang nilulumot ang lovelife niya kaya may lalaki lang na makapansin sa kanya ay pinapansin na rin niya. Gano'n siya katanga. Kaya ngayon ay nanggagalaiti siya sa inis dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan nito ang kanyang pride bilang isang babae.

"Tama! At ang mga lowlife na katulad niya ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon. Palilipasin ko lang 'to at sisiguruhin kong makaka-move on agad ako sa sakit ng ulong dinala niya sa buhay ko." determinadong pahayag niya at inagaw mula kay Jade ang tinidor. Hinarap niya ito at dinuro gamit ang tinidor niya. "Ikaw, ikaw na nga ang may-ari nito nambu-buraot ka pa ng pakgain ng iba." sita niya sa kaibigan at pinanlakihan pa ito ng mga mata..

She snorted. "Masarap eh. Anong magagawa ko?" tumayo na ito at bago tuluyang lumayo ay nginisihan pa sila nito. "Inom tayo mamaya?" yaya nito.

Agad naman silang nagsipag-tanguan. And with that, the issue of her broken pride ended. Kung ano-anong walang saysay na bagay na ang pinag-usapan nilang magkakaibigan.


KINAGABIHAN ay nagtungo sina Anika at ang mga kaibigan niya sa isang bar sa Eastwood, Malate upang mag-relax at magsaya na rin.

Maraming tao sa loob ng bar dahil biyernes ng gabi. Karamihan sa mga nando'n ay mga yuppies. Minsan kasi sa isang buwan ay lumalabas silang magkakaibigan para mag-enjoy sa iba't-ibang bar sa Manila. Palagi naman siyang problema ng mga ito dahil siya ang may pinaka-mababa ang alcohol tolerance at madalas ay halos kaladkarin siya ng mga ito maiuwi lang sa kanilang bahay.

"'Wag kang iinom ng marami kundi iiwan ka namin dito." banta ni Jamaica. Pinapapak nito ang mani na in-order nila.

"Oo nga. Baka mamaya sermunan na naman kami ni Tito Jess kapag umuwi kang hindi na halos makatayo." sang-ayon naman ni Abigail. Abala naman ito sa pagte-text habang pangiti-ngiti na parang isang babaeng nawawala sa sarili.

Sinimangutan niya ang mga ito. "Oo na. Sige na hindi na ako masyadong iinom." napipilitang pagpayag niya. Kung minsan talaga ay may pagka-KJ ang mga ito ngunit alam naman niyang ginagawa lang ng mga ito 'yon dala ng pag-aalala sa kanya. Masyado kasing 'malakas' ang resistensya niya kaya sa tuwina ay nakakarinig siya ng kung ano-anong sermon mula sa mga ito. Isa pa, bawal na talaga sa kanya ang masyadong uminom dahil naoperahan siya sa apdo may dalawang taon na ang nakararaan.

Hindi nagtagal ay nagkasiyahan na rin sila. Nagsayawan sila sa dance floor at nag-kuwentuhan ng kung ano-anong walang katuturang bagay. Isa 'yon sa mga gusto niya kapag kasama niya ang mga kaibigan niya. Hindi nauubusan ng kuwento at hindi nagkakapikunan kahit na below the belt na ang tirahan. Wala ring KJ kapag may mga lakad silang katulad niyon.

Ang palagi ngang banat sa kanila ni Abigail ay 'Ang totoong kaibigan ay nagsasabi ng totoo.' Kaya hinahayaan na lang nila ang isa't-isa. Isa pa, maaasahan naman sila sa lahat ng bagay. Para bang wala sa bokabularyo nila ang salitang iwanan sa ere. May isa nga lang silang rule sa barkada, hindi puwedeng magsama ng manliligaw o nobyo kapag lalabas silang magkakaibigan dahil mawawala ang atensiyon nila sa isa't-isa. Sinang-ayunan naman nilang lahat iyon dahil pare-pareho silang naniniwala na dapat ay hinihiwalay ang lakad ng magkasintahan sa lakad ng magkakaibigan.

"Since wala na kayo ni Derek, puwede ka nang ligawan ng iba?" mayamaya ay tanong ni Angela. Uminom ito ng alak habang sumusunod ang katawan sa musika. Nagpapahinga na sila nang mga sandaling 'yon.

Kibit-balikat lang ang isinagot niya habang patuloy sa pagsubo sa pork sisig na nakahain sa mesa nila. Wala sa isip niya ang bagay na 'yon ngayon. Ang totoo ay wala sa isip niya ang mga lalaki sa mga oras na 'yon. At as if naman may papatol pa sa kanya, hindi naman siya kagandahan.

Tsk! Self pity again? Bad for the health 'yan.

"Sino naman kasi ang matinong lalaking papatol diyan, eh tingnan mo nga? Mas lalaki pa kumilos sa mga totoong lalaki eh." banat naman ni Larisse. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Pati bihis, panlalaki." Inirapan pa siya nito pagkatapos laitin ang suot niyang damit.

"Try mo kayang mag-ayos para naman dagsain ka ng mga manliligaw. Mamaya nasa tabi-tabi lang pala sila at nahihiyang lumapit sa'yo dahil mukha kang maton." pang-aasar naman ni Abigail. Tiningnan siya nito na para bang pinag-aaralan ang mukha niya. "Maganda ka naman." Pumalatak pa ito bago umiling-iling.

Muli ay nagkibit-balikat lang siya. "Ano namang magagawa ko kung ganito talaga ako magdamit? Ikaw ba naman ang paligiran ng mga lalaki sa pamilya eh tingnan natin kung hindi ka rin maging katulad ko." bale-walang sagot niya.

"Kahit na. Bakit, hindi lang naman ikaw ang babae sa side ng Mama mo ha? Ando'n naman sina Kamille at Carmela eh. Bakit sila, babaeng-babae kung kumilos tapos ikaw parang lalaki?" nakataas ang isang kilay na komento ni Jamaica na ang tinutukoy ay ang dalawang pinsan niyang babae sa side ng kanyang ina. Mayamaya ay tiningnan siya nito nang mataman. "Umamin ka ngang babae ka, tomboy ka ba?"

Dahil sa tanong nito ay natawa siya ng malakas bago niyuko ang sarili. Kung tutuusin ay wala namang mali sa pananamit niya. Hindi lang talaga siya komportableng magsuot ng mga damit na hapit sa katawan. Palaging maluwag sa kanya ang mga sinusuot niyang damit, idagdag pa ang pagka-haragan niyang kumilos kaya hindi niya masisisi ang mga kaibigan na pagdudahan ang gender preference niya. In short, hindi siya katulad ng mga itong masyadong maaarte kung pumorma at kumilos.

"Kung tomboy nga ako, may isa kaya sa inyo ang papatol sa'kin?" panunubok niya sa mga ito. Nakangising kinindatan pa niya ang mga ito. Tingnan lang niya kung sino ang matibay sa asaran.

"Definitely, not me." agad na sagot ni Abigail. Pumilantik pa ang isang daliri nito. "Nag-iisa lang si Gabriel sa puso ko." anitong ang tinutukoy ay ang boyfriend nitong miyembro ng Static Band, ang isa sa pinaka-sikat na banda sa mga bars ngayon.

"Siyempre hindi rin ako. Hindi kita type no!" naka-irap na sagot naman ni Larisse.

Nang tingnan niya sina Jamaica at Angela ay tinaasan lang siya ng mga ito ng kilay. Iiling-iling na tinungga niya ang natitirang laman ng baso niya bago nagsalita. "Hindi ako tomboy, okay? I'm perfectly secured of my gender. It's just that mas gusto ko ang ganitong fashion sense."

"Fashion sense?" tila naeeskandalong bulalas ni Angela. Napangiwi ito habang tinitingnan ang suot niya. "Saan banda ang fashion sense na sinasabi mo?" bumuntong-hininga ito. "Hay naku, Anika Therese Relucio, dapat talaga matuto ka nang maging girl."

"Maka-buo ka naman ng pangalan." nakangusong reklamo niya pero naisip din niyang sakyan ang mga ito nang may maisip siya. "Okay, kung may mapapapayag ba kayong pumatol sa'kin, why not? Malay n'yo magbago ang isip ko at patulan ko ang sinasabi ninyong pagbabago ng sarili. Basta gusto ko, kasing-guwapo ni Donghae my love at kasing-tino din niya." naghahamong sabi niyang ang tinutukoy ay ang isa sa miyembro ng korean group na Super Junior. Crush kasi niya ang naturang lalaki. Alam ng mga ito ang ka-weirdan niyang pagmamahal sa mga Koreano at Hapon dahil ang kanta ng mga iyon ang paborito niyang pakinggan. Mas nare-relax kasi siya kapag iyon ang naririnig niya.

Umismid si Jamaica. "May kasing-guwapo pa ba ni Fishda sa panahon ngayon? Siya na lang yata ang natitirang nilalang sa mundo na walang ka-effort effort ang pagka-guwapo eh. 'Tsaka hindi lahat ng mga guwapo ay totoong lalaki. Mas nakakatakot nga ang mga guwapo dahil karamihan sa kanila ay lalaki rin ang hanap."

"Call!" mabilis na sagot ni Angela na hinampas pa ang mesa. "Ise-set kita ng date at hindi ka puwedeng tumanggi." malapad na ang ngiti nito pagkatapos. Pinag-kiskis pa nito ang mga kamay na animo may kung ano itong binabalak. "Tingnan natin kung hindi ka pa maging babae pagkatapos ng date na 'yon."

"Tingnan natin kung uubra sa'kin 'yang date na sinasabi mo, neng. Sa mukhang 'to?" itinuro pa niya ang kanyang sariling mukha. "Walang magkakagusto dito mga hija."

"Ayan ka na naman sa pagse-self pity mo eh. Bigwasan kaya kita, gusto mo?" ani Larisse. Umakma itong sasaktan siya kaya mabilis siyang kumilos upang makalayo dito.

Ngumisi siya at itinaas ang isangkamay. Nag-peace sign siya sa mga ito. "Joke lang." sagot niya pero sa loob-loobniya ay natatawa siya. Baliw na siya kung baliw pero sigurado siyang kung sinoman ang ipapa-date sa kanya ni Angela ay hindi uubra dahil talaga namang walangmatinong lalaki ang papatol sa kanya. Matagal na niyang tanggap iyon. Gustolang niyang tingnan kung gaano ka-seryoso si Angela sa pagsakay sa suhestiyonniya.

Continue Reading

You'll Also Like

170K 3.4K 18
"Good morning, beautiful! Today is a new day! Today is a new life! You are worthy. You are lovely. You are lovable. Someday, someone will love you! S...
283K 5.9K 36
Si Dick. Isa lang ang babae na minahal niya nang husto---si Vera Mae. But Vera Mae broke up with him and married someone else. That left him hurt and...
75.6K 1.5K 12
Dahil sa halos siyam na taon na nilang relasyon, labis na ang pagtitiwala ni Jelay sa kasintahang si Peter. Kahit pa nga ba naging kasinlaki na ng re...
122K 2.5K 12
Nang magpunta si Claire sa Bangkok dahil sa trabaho niya, hindi niya inakala na makakatagpo siya roon ng isang lalaki na gaya ni Macoy. He was the mo...