Waiting for You (Surigao Seri...

By oblivionpen

112K 1.9K 264

Engr. Azriel Easton A. Montegrande More

Waiting For You
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 4

2.6K 54 11
By oblivionpen

Kabanata 4


Stay


"Tao po," narinig kong sambit ng isang boses kaya't napatingin kaagad ako sa pintuan.


"What the hell are you doing here again?" tanong ko kaagad sa kaniya.


"Binibisita kayo. Hindi ka pa ba nasanay?" kaagad niya namang sagot.


Oo nga naman, dapat nga ay sanay na ako na biglaan siyang sumusulpot dahil isang buwan na siyang bumibisita dito sa bahay simula nung nakagat siya ng aso.


"You're not a visitor, Kuya Azriel. You're a bwisitor," pambabara ko sa kaniya.


Humalakhak lamang siya bago siya tuluyang pumasok at naupo sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi siya nagpatinag.


"Nakausap mo na ba ang Mommy mo?" he suddenly asked that made me frozen on my spot for a couple of seconds.


How did he know about my mother? Hindi naman ako-


Oo nga pala, palagi niyang nakakausap sila Lolo nitong mga nakaraang linggo, paniguradong marami na siyang nalaman tungkol sa akin at sa mga magulang ko kaya hindi ko na pala kailangang magtaka kung paano niya nalaman ang tungkol kay Mommy.


"Hindi pa rin," malamig kong sambit at tumayo na ako.


Walang pasintabi ko siyang iniwan sa sala at pumunta na muna ako sa kusina para kumuha ng makakain niya.


"Baka marami lang talaga siyang ginagawa sa Maynila kaya hindi niya nasasagot ang mga tawag mo," sambit ni Kuya Azriel na sumunod pala sa akin dito kaya't nilingon ko siya.


"Pero malay mo bukas, nandito na siya," he added, but I just let out a bitter smile. 


"Kahit na umuwi siya dito bukas, ilang araw ko na lang din siyang makakasama.
Babalik na ako sa Australia sa isang linggo," malungkot kong sagot.


Lumamlam naman ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi kong 'yon.


"Kailangan mo pa ba talagang bumalik doon? You have a dual citizenship, Eve. Pwede ka namang manatili na lang dito kung gugustuhin mo," sambit niya.


Pati ba naman ang tungkol sa pagkakaroon ko ng dual citizenship ay alam niya na? Ano na lang ba ang hindi niya alam tungkol sa akin?


"Yes, I can stay, but I'm studying there, Kuya Azriel," I replied.


"Pwede ka rin namang mag-aral sa Manila. Doon, makakasama mo pa ang Mommy mo," seryoso niyang sagot.


"Hindi papayag ang Daddy ko," tipid ko namang sabi.


Ngayon pa lang kasi ay nakikini-kinita ko na ang magiging reaksyon ng tatay ko kung sakaling magpapaalam ako sa kaniya pero kapag iniyakan ko 'yon paniguradong hindi niya rin ako matitiis.


"Oh, okay. Nagsasuggest lang naman," sagot niya at inaya niya na lang akong bumalik sa sala dahil ayaw niya naman daw magmeryenda.


Tahimik na lamang kaming nanood sa TV hanggang sa biglaan na lang akong dinalaw ng antok. Nilingon ko siya at kaagad naman ding nagtama ang paningin naming dalawa.


"Sleepy?" tanong niya sa akin bago siya tumayo upang matabihan ako.


"A bit," sagot ko na lang at hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko dahil bigla na lang akong humilig sa kaniya.


Kahit na wala siyang ginawa kundi ang asarin ako ay hindi ko maiitangi na lumapit na ang loob ko sa kaniya.


Stop it, Azalea Eve. Matulog ka na lang.


Hindi ko na namalayan na nakatulog na nga ako at nang iminulat ko na ang aking mga mata, nasa loob na ako ng kwarto ko, baka dinala ako dito ni Kuya Azriel.


"I'm a bit hungry," sambit ko na lang tuloy sa sarili ko bago ako tumayo.


Pupunta na sana ako sa pinto nang mapansin ko bigla ang cellphone ko kaya kinuha ko na muna. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang text galing sa isang unregistered number.


From: Unregistered Number

Anak, mommy mo 'to. Pasensya ka na kung ngayon lang ulit ako nagparamdam. Nasa Singapore ako ngayon dahil sinama kami ng boss namin.


Sana ay nagsabi siya kaagad. Hindi yung nawindang ako sa kakaisip kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.


Napabuntong hininga na lang tuloy ako bago ako nagtipa ng reply sa kaniya.


To: Unregistered Number

Ingat po kayo diyan. Sa tingin niyo po, kailan kayo makakauwi?


Kung sakaling hindi talaga siya makakauwi ngayon, hihintayin ko na lang siya.


Gagawin ko yung suggestion ni Kuya Azriel. I will try to convince my father na sa Maynila na muna ako mag-aaral. Papayag naman siguro 'yon. Gustong-gusto ko lang talagang makasama ang nanay ko.


Nang tumunog naman na ulit ang cellphone ko ay binasa ko na kaagad ang bagong message.


From: Unregistered Number

Medyo matatagalan pa kami dito kaya baka hindi na kita maabutan diyan sa Pilipinas.


Maaabutan mo pa ako, Mommy. Akong bahala.


Hindi ko na muna siya nireplyan at lumabas na lang muna ako ng kwarto. Pagkalabas ko ay natanaw ko sila Lolo na nanonood pa sa salas.


"Apo, ipaghahain kita. Paniguradong nagugutom ka na," sambit kaagad ni Lola nang makita niya ako. 


"Kaya ko naman na po. Manood na lang po kayo diyan," magalang ko namang sagot.


"Sigurado ka, apo?" pangungumpirma pa niya kaya't napatango naman ako.


Dumiretso na ako sa kusina at ilang minuto lang din ay natapos na akong kumain. Pumunta na rin muna ako sa banyo para makapaglinis ng katawan at makapagpalit ng pantulog.


Inaya pa ako ni Linsey na manood pero tumanggi na lang ako. I need to sleep again, para maaga akong magising bukas at matawagan ko ang tatay ko. Kung ngayon ko kasi siya tatawagan baka hindi niya sagutin dahil tuwing gabi, mas abala siya sa trabaho.


Kinabukasan, pagkamulat pa lang ng mga mata ko ay kinuha ko na kaagad ang cellphone ko at pinindot ko na ang numero ni Daddy.


"Good morning, my princess. How are you?" tanong niya kaagad sa akin nang sagutin niya na ang tawag ko.


"I'm fine, Dad. How about you? Ayos ka lang po ba diyan?" sagot ko naman sa kaniya.


"Ayos lang din naman ako. Papunta na ako sa opisina. May kailangan ka ba? Uuwi ka na dito next week diba?" napakagat tuloy ako sa aking labi dahil sa huli niyang sinabi.


Huminga na muna ako ng malalim bago ako nagsalita ulit. Sana ay payagan niya ako.


"I just want to ask something kaya tumawag po ako," nag-aalangan kong sambit.


"Hmm, what is it?" seryoso niya namang tanong.


Bahagya tuloy akong kinabahan dahil nag-iba bigla ang tono ng boses ni Daddy.


"Pwede po bang sa Manila na ako mag-aral?" mahina kong tanong na kinatahimik niya bigla niya sa kabilang linya.


Ilang segundo pa ang lumipas bago ulit nagsalita si Daddy.


"Anak, mas maganda kung dito ka pa rin mag-aaral. Kinumbinsi ka ba ng Mommy mo?" seryoso niyang tanong.


"Hindi niya po ako kinumbinsi. Ni hindi ko pa nga po siya nakakasama dahil masyado siyang abala sa pagtatrabaho," I replied bitterly.


"Kaya sana po payagan niyo ako sa gusto ko, dahil iyon na lang paraan para makasama ko si Mommy," dagdag ko pa at ilang segundo ulit siyang natahimik sa kabilang linya.


"Daddy, nandiyan ka pa ba?" naiiyak ko nang tanong at narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya.


"Huwag ka nang umiyak," sambit niya at kusang umurong ang mga luha ko.


"Sige na, pumapayag na ako pero isang taon lang tapos babalik ka na dito. I will talk to my secretary. Ipapaayos ko ang mga kakailanganin mo," he added.


Halos mapatalon tuloy ako sa aking kama dahil sa tuwa. Hindi talaga ako kayang tiisin ng tatay ko.


"Thank you po! You're the best!" masayang-masaya kong sagot.


Ilang minuto pang tumagal ang pag-uusap namin bago siya nagpaalam dahil nakarating na siya sa kaniyang opisina.


Masaya akong nagpunta sa banyo para makaligo at nang matapos na ako ay kaagad akong lumabas ngunit halos mapamura ako.


"What the!" sigaw ko dahil nasa sala na si Kuya Azriel at nakatapis lang ako ng tuwalya. Nakalimutan ko kasing dalhin ang damit ko sa banyo.


Napapasok tuloy ako sa kwarto ng wala sa oras. Bakit ba kasi bigla na lang siyang sumusulpot?


Pagkalabas ko ay nagpatay malisya lang ako dahil kausap na niya si Lolo.


"Apo, ipinagpapaalam kayo ni Azriel," panimula naman ni Lolo nang makalapit na ako sa kanila.


"Gusto niya daw na isama kayo ni Linsey sa mansyon nila," he added.


Napakunot naman ang noo ko at bumaling ako kay Kuya Azriel. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya't humarap na lang akong muli kay Lolo.


"Nasaan po si Linsey?" tanong ko naman.


"Nasa mansyon na siya," sagot naman ni Kuya Azriel kaya't napakagat ako sa aking labi.


Kung hindi ako papayag, si Linsey lang ang nandoon, at kilala ko ang pinsan kong 'yon, baka mamaya ay kung anong kabaliwan ang gawin niya kaya kahit ayokong pumayag ay napapayag na lang ako ng wala sa oras. Nagpaalam muna ako kay Lola bago kami tuluyang umalis ni Kuya Azriel.


"Anong oras ka umuwi kahapon?" pambabasag ko sa katahimikan dahil bahagya na kaming nakakalayo sa bahay ay hindi niya pa rin ako kinakausap.


"Kuya Azriel," seryosong tawag ko sa kaniya.


He just hummed as a response, and he didn't bother to look at me. Anong problema niya?


"May dalaw ka?" nanunuya kong tanong pero hindi pa rin siya nagsalita kaya't napairap na lang ako.


Nang makarating naman na kami sa mansyon nila ay pinanindigan niya pa rin ang hindi pagpansin sa akin. Ano ba talagang problema niya?


"Eve!" sigaw naman kaagad sa akin ni Linsey na nasa pinto kasama ang apat na lalaki.


Yung isa ay kilala ko na. Siya yung kasama ni Kuya Azriel noong unang beses ko silang nakita. His name is Creed, kung tama yung pagkakatanda ko.


Nang makalapit na kami sa kanila ay pormal silang nagpakilala sa akin maski si Kuya Creed ay nagpakilala din. They are Kuya Azriel's cousin.


"Tama na 'yan. Mag-umagahan muna tayo," iritadong aya ni Kuya Azriel na ikinaismid ko lang. 


Nauna siyang pumasok sa loob at napatingin silang lahat sa akin.


"Nag-away kayo?" tanong ni Linsey na ikinailing ko kaagad.


"Kung hindi kayo nag-away, anong nangyari doon?" tanong naman ni Kuya Levi kaya't nagkibit-balikat lang ako.


"Pumasok na nga lang din tayo sa loob," aya naman na ni Kuya Sebastian na ikinatango ko lang kaya't nauna na silang magpipinsan na pumasok sa masyon nila at nakasunod lamang kami ni Linsey sa kanila.


Nang makapasok na kami ay hindi ko napigilang mamangha sa disenyo ng bahay nila. Sino kaya ang architect ng mansyon na 'to?


"Eve, mamamatay na yata ako sa kilig," bulong naman bigla sa akin ni Linsey.


"Sige, mamatay ka na," I replied sarcastically. 


Hinampas niya tuloy ako kaagad na hindi ko naman ininda. Dumiretso na lang kami sa kusina at sobrang daming nakahain na mga pagkain. Nahiya pa akong sumalo sa kanila pero itong pinsan ko, walang hiya.


They're really nice. Magaan kaagad ang pakiramdam ko sa kanila, hindi tulad kay Kuya Azriel noong una ko siyang nakilala.


"Labas muna ako," paalam naman bigla ni Kuya Azriel kaya't napatigil kaming lahat sa pagkain.


"Aano ka?" tanong sa kaniya ni Kuya Creed pero hindi niya ito pinansin.


Binalot tuloy kaming anim ng nakakabinging katahimikan. Ano ba talagang nangyayari sa isang 'yon?


"Puntahan ko muna," pambabasag ko naman sa katahimikan at sumang-ayon na lang sila sa akin kaya't lumabas na rin ako ng mansyon.


"Where did he go?" I asked myself.


Inilibot ko na kasi ang paningin ko sa bakuran nila pero hindi ko siya makita. Bumaba na lang tuloy ako sa dalampasigan at awtomatikong napakunot ang noo ko nang matanaw ko siyang naninigarilyo.


"Why are you smoking?" seryoso kong tanong nang makalapit na ako sa kaniya.


Mabilis niya namang tinapon ang upos ng sigarilyo bago siya humarap sa akin.


"Bakit ka pa bumaba dito? Babalik na rin ako doon," sagot niya naman sa akin kaya't sinamaan ko siya ng tingin.


"Ano bang problema mo ha? Are you mad at me?" diretso kong tanong sa kaniya.


"I'm not mad. I'm pissed," baritono niyang sagot kaya't natigilan ako.


Wala naman akong ginagawang mali sa kaniya kaya bakit siya biglang nainis? Nahihibang na yata 'to.


"Wala naman akong ginawa sayo," sambit ko at napansin kong biglaang dumilim ang kaniyang mga mata.


Akmang aalis siya pero hinila ko kaagad ang kaniyang damit.


"Wala akong ginagawa sayo, Kuya Azriel, kaya anong ikinakainis mo diyan!" tanong ko ulit sa kaniya.


"Walang ginawa? Lumabas ka ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya! Paano kung hindi ako yung nasa sala niyo kanina?" dire-diretso niyang sambit na halos ikalaglag ng panga ko.


Nainis na siya dahil lang doon? Kaagad naman akong pumasok sa kwarto kanina kaya anong hinihimutok niya?


"That was my first time leaving the bathroom like that. Nakalimutan ko lang kasing dalhin ang pamalit kong damit. Hindi na mauulit," paliwanag ko.


Teka nga lang. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kaniya?


Nag-iwas lang naman siya ng tingin at akmang aalis na naman kaya't nairita na talaga ako.


"Sige, iwan mo ako dito. May sasabihin pa naman ako," mahina kong sambit na ikinatigil niya kaagad.


Gotcha!


"Ano 'yon?" malamig niyang tanong pero inirapan ko lang siya.


"Wala, uuwi na lang ako. Pakihatid na lang si Linsey," I replied.


Maglalakad na sana ako palayo pero hinapit niya kaagad ang bewang ko.


"What is it, Azalea Eve?" he asked huskily.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong natulala at ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko.


"What is it, baby?" ulit niya pa sa kaniyang tanong ngunit pinalitan niya na ang tawag niya sa akin.


Natauhan din naman kaagad ako kaya't itinulak ko siya palayo sa akin.


"Ano yung sasabihin mo?" he asked again kaya't kinalma ko na muna ang aking sarili.


He fucking called me baby! Calm down, Eve. Wala lang 'yon!


"I'll stay," seryoso ko na lang tuloy na sambit na ikinakunot naman kaagad ng kaniyang noo.


"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong na halos ikairap ko.


Siya pa ang nagbigay ng ideya sa akin kahapon tapos nakalimutan niya na yata kaagad ngayon.


"Sa Manila na ako mag-aaral ngayong taon," iritado kong sagot.


Kaagad namang sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi at hinapit niya na ulit ang bewang ko para mayakap niya akong muli. Mukhang awtomatiko niyang nakalimutan ang inis niya dahil sa sinabi kong 'yon. 


"Akala ko ba ay hindi ka papayagan?" malambing niyang tanong habang nakayakap pa rin sa akin.


"Hindi ako natiis," I replied.


"That's good to here. I'll buy our tickets para sabay na tayong pumunta sa Manila," sambit niya na ikinapagtaka ko.


"Aano ka naman doon?" tanong ko sa kaniya.


"Saka anong ikaw ang bibili ng ticket natin?" I added.


"I enrolled in a review center in Manila. I'm going to be an engineer soon," sagot niya at hindi pa rin ako binibitawan.


"Goodluck," mahina ko namang sambit na marahan niya lang ikinatango.


Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong pwesto hanggang sa nagsalita ulit ako.


"Yung isa ko pang tanong, hindi mo pa sinasagot," puna ko kaya't kinalas niya na ang kaniyang yakap sa akin.


"Anong isa pang tanong?" painosente niyang sabi.


"About the ticket. Ako ang bibili ng sa akin," I replied.


"Not going to happen. Ako ang bibili. Peace offering," kontra niya kaya't nagtalo pa kami pero sa huli ay inaya niya na lang akong bumalik sa mansyon.


"Umayos na ba ulit ang turnilyo sa utak mo?" tanong sa kaniya ni Kuya Creed pagkapasok namin sa malaki nilang sala.


"Ayos na ayos na," nakangising sagot ni Kuya Azriel kaya't napairap na lang ako sa hangin bago ko tinabihan si Linsey.


"Sinuyo mo?" nanunuya namang bulong sa akin ng pinsan ko. Chismosa talaga.


"Hindi. May sinabi lang ako tapos ayos na," nakangisi kong sagot na ikinamilog kaagad ng kaniyang mga mata.


Mamaya ko na lang sasabihin sa kaniya at kayla Lolo ang tungkol sa pananatili ko dito sa Pilipinas kapag nasa bahay na kami dahil paniguradong titili lang 'tong pinsan ko dito kapag ngayon ko sinabi sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 776 41
"Hey! You're the lady this morning, right?" Tanong nito sabay tingin sa aming dalawa ni Ice. Ngumiti lang ang dalaga as if saying "Yes, I am that wit...
989K 29.5K 48
Thiarah Celestina Dela Vega went to Manila to change her life. Sa tulong ng unang tao na nagparamdam sa kanya kung ano ang pamilya. Her world turn u...
74.5K 1.3K 48
FLIGHT ATTENDANT SERIES #1: A Tourism Student from DLU, Aiofe Lexine. A cheerful, timid, lavish, and a very kind daughter. She never expected that he...
3.1K 54 6
Good Boy Series #1: Alpheus Kaiden Carson Katana just want to admire him from a far, to feel proud whenever he achieves something, but she can't beli...