Bullets and Justice [complete...

By Michael-Camino

5.8K 297 6

Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang... More

Bullets and Justice
Disclaimer
Dedication
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Epilogue
Acknowledgement
About The Author
THANK YOU
FIRST DRAFT (RAW & UNEDITED)

Chapter Ten

203 15 0
By Michael-Camino

"BAKIT 'to tinawag na brownies kung black naman?" tanong ni Alexis habang kinakain ang isang piraso ng brownie. "Alex, may mas malala pang problema kaysa riyan," sagot naman ni Mayumi kay Alexis.


Tiningnan sila ni Severina.

"Well, sa bagay, ang Lemon Square nga, hindi square." Natawa sila nang marinig ulit nila si Alexis. "'Yung fire truck nga, tubig ang dala." Napairap naman si Severina nang sabayan ni Sean si Alexis sa kalokohan.

"Kaya nga, bakit gano'n?" tanong ulit ni Alexis. "Bagay talaga kayong magsama, para kayong may sira sa utak," sabi ulit ni Mayumi sabay inom ng juice.

"Totoo naman, Yums. 'Yung Pure Gold nga, kulay green." Halos mabilaukan naman si Colby nang marinig iyon.

"Ewan ko sa inyo." Kaagad tumayo si Mayumi.

"Saan ka pupunta, Yums? Magre-research ka ba kung bakit hindi apoy ang lumalabas sa fire exit?"

Hindi sumagot si Mayumi bagkus ay umalis na ito saka tinungo ang living room.

Humagalpak naman si Colby ng tawa. Tiningnan ito ni Severina na ngayon na hawak-hawak ang tiyan habang humahalakhak pa rin.

"Tangina!" sabi pa nito sabay turo kay Alexis na ngayon ay takang-taka kung bakit siya pinagtatawanan ni Colby. "Severina, saan ka nakahanap ng ganitong kaibigan?" tanong ni Colby sa kaniya na maluha-luha na dahil sa katatawa.

Nag-pout naman si Alexis sabay tingin sa kaniya. "Nasaan ka ba noong umulan ng katangahan?" tanong pa muli ni Colby kay Alexis.

"Siguro nalunod siya," natatawang sagot ni Sean dito.

Wala siyang ibang maririnig sa loob ng kusina kundi ang tawanan lamang ng dalawa. Habang nagkakasiyahan sila ay nagpaalam si Severina sa kanilang tatlo. Gusto niyang tingnan si Gunner sa itaas. Simula kasi kahapon ay hindi niya pa ito nakakausap.

Tinungo niya ang itaas ng bahay, naglakad siya sa pasilyo ng bahay nina Sean. Malaki ito, marami siyang nakikitang paintings na nakasabit sa dingding ng hallway. Mayroon ding mga lampshade sa magkabilang dingding na nagsisilbing ilaw habang naglalakad siya.

Tinungo ni Severina ang pinakadulo ng hallway kung nasaan ang kwarto na pinaglalagakan ni Gunner ngayon. Sabi naman ng doktora ay maayos na si Gunner ngayon, kailangan na lang nitong magpahinga. Gusto niya itong kumustahin at gusto niya ring magpasalamat dito.

Kumatok si Severina sa pinto, pero walang sumagot. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob. Ilang sandali pa ay hindi niya alam na nasa loob na pala siya ng kwarto. Medyo madilim dito at tanging lampshade lamang doon sa side table ng kama ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Medyo malamig rin dito dahil sa aircon. Napansin niya ring nakasara ang mga bintana sa buong kwarto.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama kung saan nakahiga si Gunner. Natutulog ito ngayon, natatakpan ang buo nitong katawan ng napakakapal na kulay puting kumot.

Lumapit si Severina saka umupo sa kama nito. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ni Gunner, para itong anghel na natutulog.

Severina slowly caressed his cheeks.

Tumayo siya para iwan ito. Tatalikod na sana si Severina nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya roon. Lilingon pa sana siya nang marahas siya nitong hilahin dahilan para bumagsak siya sa dibdib nito.

"G-Gunner?"

Nakadagan si Severina ngayon sa dibdib ni Gunner. Kaagad niya itong tiningnan at doon niya nakita si Gunner na nakangiti sa kaniya.

Dali-dali siyang tumayo, pero muli siyang hinila ni Gunner dahilan para mapasubsob siya muli sa maskuladong dibdib nito.

"W-What are you doing?" tanong niya rito. Dahan-dahan itong bumangon saka isinandal ang likuran sa headboard ng kama. Nakakapit naman ang mga kamay ni Severina balikat nito.

"I like you, Severina."

Natigilan si Severina sa mga sinabi ni Gunner. "A-Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" natatawa niyang tanong dito. Dahan-dahan nitong inalis ang kamay niya sa balikat nito saka niya inayos ang sarili.

"I fucking like you, Severina. Don't tell me you don't like me?"

Nakaramdam si Severina ng init sa buo niyang katawan nang marinig ang boses nito. She just found it sexy.

Nanlaki naman ang mga mata niya at parang bigla siyang naging estatwa nang halikan siya nito sa labi.

Tiningnan niya ito, nakapikit ang mga mata ni Gunner habang magkadikit ang kanilang mga labi. His lips were so soft, she . . . she kinda liked it.

Napapikit na lang din si Severina habang hinahalik-halikan siya nito.

Gunner kissed her torridly. Mas uminit pa ang buo niyang katawan, parang walang epekto sa kaniya ang aircon, namamawis na mga kamay niya.

Hindi alam ni Severina na hinayaan niya na lang si Gunner na halik-halikan siya. Hindi ito nakuntento sa labi niya, bumaba ang mga halik nito papunta sa kaniyang leeg.

Severina slowly bit her lower lip. Pumikit siya saka mas inangat pa ang ulo para malayang makagagalaw ang mga labi nito.

Gunner bit her neck dahilan para mapaimpit siya ng ungol. "I badly want you, Severina," narinig niyang sabi nito.

Sa oras na iyon, ibinigay ni Severina kay Gunner ang lahat. They both shared the same heat and sweat. Their bodies collided as one. Kakaiba ang pakiramdam na iyon, pakiramdam ni Severina ay napuno nito ang pagkababae niya.

Nagising siya na katabi si Gunner, kaagad siyang napabangon, napatingin si Severina sa buo niyang katawan. Hindi niya alam na wala pala siyang suot. She was fully naked! Dali-dali siyang bumalik sa kama saka tinakpan ang sarili ng kumot.

"You're awake."

Napatingin siya kay Gunner na ngayon ay nakatitig sa kaniya. Kinusot ni Severina ang mga mata saka ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya.

Bigla niyang naalala na may nangyari sa kanila. Napahawak si Severina sa maselan niyang bahagi. Mahapdi iyon ngayon. 'Fuck!'

"You look so pretty," narinig niyang sabi ni Gunner sa kaniya. Doon niya rin nakita na wala rin itong suot na pang-itaas. Nakita niya maskulado nitong katawan, his chest, at ang braso nito. 'Damn it!'

Hindi sumagot si Severina. Dali-dali siyang nagbihis sa harapan ni Gunner saka niya inayos ang sarili. "Hindi ko alam na kahit may sugat ka, ang galing mo pa ring-uhm, never mind," sabi niya rito.

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto.

"Sevs?"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Alexis.

"Akala ko, umalis ka. It's almost two hours since nagpaalam ka sa amin sa ibaba, nandito ka lang pala," wika nito.

Ngumiti lang si Severina kay Alexis. Pinilit niyang hindi magpahalata.

"Sige, Alex." Nagpaalam siya rito. Severina took a single step, pero hindi niya mapigilang mapangiwi nang makaramdam ng hapdi sa hiwa niya. 'Fuck you, Gunner!'

"Teka, Sevs?"

Napahinto si Severina. Pumihit siya saka tiningnan ito.

"Baliktad 'yang damit mo," puna ni Alex sabay turo sa damit niya. Kaagad naman siyang napatingin sa damit niya. Hindi niya alam na baliktad pala ito, siguro dahil sa pagmamadali niya kanina.

"Ang tanda mo na, hindi ka pa rin marunong magsuot ng damit?"

Inirapan niya lang si Alexis at hindi na sumagot sa dito. 'Kung alam mo lang ang ginawa namin, tingnan ko lang kung maayos ka pang makapagpalit ng damit.'

MAAGANG nagising si Severina. Importante sa kaniya ang araw na ito. Ito ang araw kung saan pupunta sila ni Sean sa opisina ni Attorney Pete Davidson. Marami silang dapat pag-usapan, kailangan din nilang puntahan si Chief Tyson.

Matapos nilang kumain ay nagpaalam na sina Alexis at Mayumi. Kailangan na raw nilang umuwi lalo na't ito na lang din ang huling palugit na ibinigay ng parents ng mga ito para mag-stay sila kasama niya.

Sa dalawang araw na pagsasama nina Severina at Sean ay naging malapit na sila sa isa't isa. Pero mayroon din talagang mga awkward moment kapag sila ang nag-uusap. Hindi naman kasi sanay si Severina na may tumatawag sa kaniya na ate. Kahit kambal sila ay ate ang tawag ni Sean sa kaniya. Siguro dahil mas matured pa siya kaysa rito. Noong una, pakiramdam ni Severina ay ang pangit pakinggan, pero nakasanayan na lang din niya.

"Sasama ako sa inyo," sabi ni Rolando Primstar, ang nagsilbing ama ni Sean sa loob ng nineteen years.

"Pero, Dad, mas mabuti kung kami na lang dalawa ni Ate ang pupunta roon," sagot naman ni Sean sa ama habang sila ay kumakain sa veranda. Dito nila naisipang kumain dahil napakapresko. "Opo. Saka kasama naman po namin si Gunner," pagsang-ayon naman ni Severina.

Kumunot ang noo ni Rolando. "Mas mapapanatag ako kapag kasama ninyo ako," sabi nito sabay inom ng isang basong tubig.

"Sige, kung 'yan ang gusto ninyo." Sean shrugged his shoulders. Nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa matapos si Severina. Nagpaalam siya sa dalawa dahil kailangan niya pang puntahan si Gunner sa itaas. Nauna rin kasi itong kumain sa kanila kasabay sina Mayumi at Alexis kanina.

Kumatok si Severina sa pinto ng kwarto kung nasaan si Gunner ngayon, kaagad din naman siya nitong pinapasok.

"Ayos ka na ba talaga?" tanong ni Severina kay Gunner habang naglalakad ito palapit sa kama kung saan nakaupo ang binata.

"I'm okay." Ngumiti si Gunner kay Severina. "Ayos ka na ba talaga? Ayos lang sa 'kin, kung hindi ka muna sasama." Ngumiti ang dalaga kay Gunner. "No, I'm okay," muling sagot ni Gunner kay Severina kaya wala na lang itong ibang nagawa kundi ang tumango na lang.

GAMIT ang kulay pulang hatchback ni Sean ay tinungo nila ang building kung nasaan si Attorney Pete. Matapos makalabas ng kotse ay agad na hinarap ni Severina si Gunner. "Sasama ka pa ba sa amin, Gunner?" tanong ni Sean kay Gunner na ngayon ay nasa harapan.

Ngumiti si Gunner. "No, I'm fine. Kayo na ang pumunta," sagot nito.

Tumango sina Sean at Severina. "Hali na kayo, mga bata," ani Rolando sabay pasok sa building. Sumunod naman ang magkapatid hanggang sa si Gunner na lang ang naiwan sa parking lot.

Maraming mga kotseng naka-park dito ngayon, pero bigla naman siyang nakaramdam ng kakaiba nang may dumating na isang kulay itim na van na nag-park doon lamang sa unahan. Kumunot ang noo ni Gunner nang magsilabasan ang mga nakasakay.

Me, they were all men. Binalewala iyon ni Gunner. Inayos niya ang suot na kulay puting long-sleeved polo. Sanay siya sa mga ganitong kasuotan, bukod sa pagiging pormal ay karespeto-respeto rin sigang tignan. Binuksan niya ang pinto ng kotse saka pumasok doon.

KINAKABAHAN si Severina habang naglalakad sa hallway. Sinusundan lang nila si Rolando. Matapos kasing makapasok kanina ay kaagad nilang tinanong ang receptionist, mabilis naman nitong itinuro ang office ni Attorney Pete.

Tinungo nila ang elevator saka kaagad na pinindot ang up button. Nang bumukas ito ay muling pinindot ni Rolando ang tenth floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Attorney.

Hindi mapakali si Attorney habang tinitingnan ang orasan na nakasabit sa dingding ng opisina. Kanina pa siya nakararamdam ng ganitong kaba, hindi niya alam kung bakit, pero kabang-kaba talaga siya. Siguro dahil ito sa mga sinabi ni Franco sa kaniya noong pinapunta niya ito sa opisina para ipaalam ang tungkol sa testamento.

"I need to kill my niece and nephew."

Parang sirang plaka.

Paulit-ulit niyang naririnig ang boses ni Franco sa isipan. Nagsisisi siya kung bakit niya ipinaalam kay Franco ang kaniyang napag-alaman. Pero kailangan dahil ito ang trabaho niya.

Hindi naman siya ganoon kamanhid para hindi makaramdam ng awa kay Severina, sa pamilya ng mga GoodMan.

"Kumusta na kaya ang batang 'yun?" tanong niya sa sarili. Nag-aalala siya dahil kahit papaano ay naging malapit sa kaniya ang dalaga.

Nalilito si Pete kung saan siya galit ngayon. Sa sarili niya ba, kay Franco, o sa bodyguard na nang-kidnap dito?

Kaagad siyang napabangon sa kinaupuan nang makarinig siya ng katok sa pinto.

"Pasok," sabi niya sa normal na boses.

Kaagad na bumukas ang pinto ng opisina at nagulat naman siya sa kaniyang nakita.

"Severina?"

Dali-daling lumapit si Severina kay Attorney saka kaagad itong niyakap.

"Kumusta ka na? Mabuti't nakaligtas ka sa bodyguard mo." Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Severina saka mabilis siyang kumalas sa pagkayakap dito.

"Bakit, ano'ng meron?" nagtatakang tanong ng dalaga. Pinaupo silang tatlo nito sa visitor's seat.

Inayos muli ni Pete ang damit saka muling nagsalita, "'Di ba, na-kidnap ka?" tanong ni Pete rito.

Natawa si Severina. "Hindi, mali po kayo ng akusasyon ninyo kay Gunner. Who's evil here is my uncle, our uncle," sabi ng dalaga sabay tingin sa kakambal.

"Siya ba si Sean?" Tiningnan ni Attorney ang isang binata na katabi ni Severina.

"Opo, siya nga," si Severina ang sumagot.

Marami pa silang pinag-usapan noon. Hanggang sa naikuwento na rin ni Attorney ang mga plano ni Franco sa mga pamangkin.

"Kailangan natin siyang maipakulong," sabi ni Rolando rito. "Kailangan nating tawagan si Chief Tyson dahil for sure may alam-"

Hindi natapos sa pagsalita si Severina nang makarinig siya ng mga yapak ng paa sa labas ng opisina. Kaagad siyang nakaramdam ng kaba.

Nang bumukas ang pinto ay nagulat na lang sila nang makita nila ang mga armadong lalaki. Kaagad tumayo si Sean, pero mabilis siyang tinutukan ng isa sa mga ito ng baril.

"Sino kayo? Ano'ng kailangan ninyo?" tanong ni Attorney rito.

"Kailangan ninyong sumama sa amin," wika ng leader ng grupo habang nakatingin kay Severina.

"No! I won't let-argh!"

Mabilis na natumba si Rolando nang hampasin ang kaniyang likuran gamit ang baril dahilan para mapasigaw si Severina.

"Sumama kayo sa amin." Itinuro muli ng lalaki si Severina at si Sean. Wala naman ilang nagawa nang marahas silang kunin ng mga kalalakihan. Naiwan naman si Attorney sa opisina.

Hindi sila napansin ng ibang nagtatrabaho dahil dumaan sila sa fire exit ng building.

"Let go of me!"

Pilit kumakawala ang magkapatid sa gapos ng mga lalaki, pero sadyang malakas ang mga ito kaysa sa kanila.

HINDI mapakali si Gunner kaya ang ginawa niya inabol niya ang tatlo sa building. Nang makarating siya sa tenth floor ay dali-dali niyang tinungo ang opisina ni Attorney, pero huli na siya.

Natagpuan niya si Attorney na pilit ginigising si Rolando.

"Nasaan sina Severina at Sean?" kaagad na tanong ng binata.

"Kinuha sila ng mga tauhan ni Franco, dumaan sila sa fire exit, dalian mo!"

Mabilis na tumakbo si Gunner papunta sa fire exit. Kaagad niyang nakita ang mga lalaki na pababa sa hagdan. Medyo malayo na ito, pero hinabol niya pa rin, may nakapansin sa kaniya kaya mabilis siyang nagtago sa semento nang pagbabarilin siya ng mga ito.

Napamura si Gunner nang mapagtanto niyang wala siyang dalang baril, hindi niya naman inaasahan na ito ang mangyayari.

Mabilis silang nakarating sa underground parking lot ng building. Tumakbo siya palapit doon, nakita niya si Severina na pasan-pasan na ngayon ng isa sa mga goon. Isinisigaw nito ang pangalan niya, pero wala siyang magawa.

"Kayo na bahala riyan," wika ng leader ng grupo sa dalawang lalaki.

Tumango ang mga ito. "Sige, boss." Nagpaiwan ang dalawa para harapin si Gunner habang ang iba naman ay sumakay na sa van.

Napahinto si Gunner nang makita niya ang dalawang lalaki na palalapit sa kaniya.

"Pakialamero ka, ah?" wika ng isa sabay sugod sa kaniya. Akma sana siya nitong susuntukin, pero mabilis siyang nakailag dito.

Kaagad na pinatid ni Gunner ang lalaki dahilan para matumba ito. Sa likuran ay patakbong lumapit sa kaniya ang isa pang lalaki.

Naramdaman iyon ni Gunner kaya dali-dali siyang humarap dito, kasabay naman noon ang pagsuntok sa kaniya ng lalaki, nasangga niya ito, at ilang sandali pa ay pinilipit niya ang braso ng lalaki dahilan para mapasigaw ito dahil sa sakit.

Napansin ni Gunner na wala na ang van. Kailangan niyang bilisan ang pakikipaglaban sa dalawang ito dahil baka hindi na niya maabutan ang sinasakyan ng mga kalaban.

Hindi pa nakuntento si Gunner sa pagpilipit ng braso ng lalaki, tinadyakan niya ang likuran nito dahilan para mapasubsob ito sa semento.

Muli niyang tiningnan ang lalaking pinatid niya kanina na ngayon ay nakatayo na pala. Bigla namang kumunot ang noo ni Gunner, nakita niya kasi itong may hawak ng baseball bat.

'Teka, saan 'yun galing?'

Tumakbo palapit sa kaniya ang lalaki na akmang ihahampas na sana ang bat, pero mabilis niya itong nasangga. Nakita niya kung gaano nagulat ang lalaki dahilan para mapangisi si Gunner. Mabilis niyang tinadyakan ang tiyan nito dahilan para lumuwag ang paghawak nito sa baseball bat.

Nabitiwan ng lalaki ang baseball bat. Kinuha iyon ni Gunner at mabilis na inihampas sa ulo ng lalaki.

Nang makita niyang nakahandusay na ang dalawa ay kaagad siyang tumakbo kung saan naka-park ang hatchback.

Pumasok si Gunner sa loob nito and he immediately started the engine. Nang umandar ito ay pinaharurot niya ang sasakyan para habulin ang kulay itim na van kung nasaan sina Sean at Severina.

Ayaw na niya muling mawala ang taong mahal niya. Minsan na siyang nagmahal at hindi naging maganda iyon, kaya sa pagkakataong ito ay ayaw na niyang mawala si Severina.

Ayaw na niyang mawala ang babaeng pinakamamahal niya. Ayaw na niyang maranasan kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
286K 17.6K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
5.4M 349K 75
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"
10.2M 135K 23
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...